Share

[06]: Ospital

Chapter 6

JENNA'S POV

Iminulat ko ang aking mga mata at kinusot ito. Naglapat ang tingin ko sa kanang kamay kong may dextrose na nakasabit at inilibot ang aking tingin sa buong kuwarto.

'Ospital?' Bumangon ako, kinuha ang dextrose na nasa kamay ko at pumunta sa banyo. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, ang putla ko na pala. Para akong multo kaputi na parang wala na akong dugo.

Lumabas ako mula sa loob nang makaramdam ng gutom. 'Ilang araw na kaya akong tulog?' Naghanap ako ng pagkain pero wala akong makita kaya hinanap ko na lang ang cellphone ko.

"Saan na ba yun?" Sabi ko habang patuloy pa rin sa paghahanap. Maya-maya lang nakaramdam akong gumalaw si Aliane sa sopa.

"Jenna? Anong ginagawa mo? Bakit ka bumangon? Masakit pa rin ba ang ulo mo?" Direderetso niyang tanong. Huminto ako sa paghahanap at hinarap siya.

"Ano bang nangyari? Bakit ako'y nasa ospital?" Tumayo siya at nilapitan ako. Pinaupo niya ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status