Share

ULTRA TWO

ULTRA GAYS GALAXY

REMAKE 2020

© kaminari amanashi

ULTRA TWO: Meteor Mash

Ako si Jonel Hernandez, 16 taon gulang at nasa ika-10 baitang. May taas akong 5'7 at minana ko ito sa aking ama, may makapal na kilay ngunit hindi dugyot ang datingan. Moreno tulad ng aking ina at nakuha ko sa kanilang lahi ang kulay kastanyong mata. Bilugan ang aking braso at medyo malapad ang aking balikat dahil nahubog ito sa paggawa ko ng gawaing bahay.

May mga kaibigan akong bakla at talagang pinagmamalaki ko sila. Siguro masasabing bakla nadin ako dahil nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki at nakakaramdam ako ng libog sa tuwing may nakikita akong bakat ng pagkalalaki. Hindi alam ng magulang ko ang aking estado, sa katunayan tinatago ko ito sa lahat ngunit masasabi kong mahirap magtago at magpanggap para lang maging karespe-respeto sa harap ng nakararami. Ngunit ito lang ang masasabi ko, hindi ako yung tipong bakla na nagpapaapi.

"Wow siswang a! Kahit dito sa athletic field hindi mo pinalagpas 'yang practice ni Ian. Nakup! Huwag kang mahuhulog diyan kay Ian, alam mo kung bakit? Dahil multi-talented ang lolo mez! Wala kang laban siswang, sa honor list nga hindi ka makapasok, sa puso pa kaya ni Ian."wika ni Larra habang abala ito sa paglagay ng liptint sa bibig niya.

Umirap lang ako at pinanood si Ian na naglalaro ng Soccer kasama ang team mates niya, na bibilib ako sa tuwing sinisipa niya yung bola at pinatatalbog niya ito sa kanyang ulo. Mas lalo siyang nagiging gwapo kapag suot niya ang kanilang puting jersey, pakiwari ko kahit sa simpleng tingin lang sa kanya ay napupuna na niya ang araw ko.

"Huwag mo ngang sirain ang moment ni Jonel, remember sinamahan natin siya dito upang i-abot ang binili niyang tubig kay crush. Nakup! Sana nga mapansin na niya ang halaga ni Jonel bilang tagahanga, alam ko naman na hirap na si Jonel kakahabol sa lalaking iyan."wika naman ni Juliana.

Umayos ako ng pagkakaupo dito sa stand at pinagmasdan ang tubig na binili ko para kay Ian, hindi ko alam bakit bigla akong nakaramdam ng boltahe sa aking puso, pakiramdam ko'y kinikilig ako sa tuwing iniisip kong ibibigay itong tubig sa kanya mamaya.

"Ayan na! Tinititigan na ni Jonel yung bote ng tubig. Tignan mo Juliana kung bubuka yung bibig ni Jonel baka lalagyan niya 'yan ng engkantasyon. Yeah, Jonel bring it on! Ibigay mo na lahat ng nalalaman mong pangga—"isang malakas na kitos sa ulo ang natanggap sa akin ni Larra dahilan para mapahawak ito sa kanyang ulo.

"Alam mo Larra ikaw lang yung maingay dito sa grand stand. Pwede bang itikom mo muna 'yang bibig mo dahil nakakairita ka na. Real talk, ikaw ang pinaka maingay sa ating tatlo. Gayahin mo kaya si Julian, tahimik at supportive bestfriend."sabi ko sabay irap kay Larra.

Dahil nga nasa likod ko si Julian ay tumagilid ng tingin si Larra upang tignan ito. Muling humarap si Larra sa akin at tinuro ang sarili niya. "Ako? Gagaya kay Julian? Kaya lang naman tahimik palagi si Julian dahil palagi siyang may nilalamon. Tignan mo kaya siya kumakain nanaman ng mamon hindi pa marunong magbigay."ani'to.

"Luh! Wala ka na doon tsaka bakit nadamay ako diyan nananahimik ako dito sa gilid."wika naman ni Julian habang ngumunguya.

Natawa ako, "Hindi naman masama kung gumaya ka kay Julian. Mabait naman siya at fluffy."sabi ko dahilan para sumimangot ito.

Habang sa ganoong posisyon ay nakarinig kami ng malakas na pito mula sa field. "Water break muna."narinig kong sabi ng coach nila, bigla akong nakaramdam ng kaba kaya naman pumikit muna ako ng mata at pumakawala ng isang buntong hininga

"No girlfriend since birth iyang si Ian. Balita ko lang, kaya goodluck sa'yo siswang."narinig kong sambit ni Julian kaya nilingon ko ito at binigyan ng ngiti.

"Salamat"

Ngumiti si Julian habang si Larra ay abala sa pagpolbo. Nakita kong umupo si Ian sa pinaka unahang stand kaya naman mabilis akong bumaba upang i-abot sa kanya ang tubig. Nang makarating ako dito sa likod niya ay napansin ko itong naka-decuatro habang abala sa pagpindot ng kanyang cellphone. Ngunit natigil ito sa pagpindot at biglang lumingon dahilan para makita niya ako.

Kusang ngumiti ang aking labi bagamat kinakabahan ako. "Hi-Hi tubig oh"bati ko sabay lahad ng tubig sa harap ni Ian, tinitigan niya muna ito at inangat ang tingin sa akin.

"Nice! Salamat inutusan ka ba ni Lee? Pakisabi salamat a."nakangiting wika nito sabay kuha ng tubig at dali-daling binuksan. Inangat pa niya ito bago ininom, sa bawat paglunok ni Ian ay gumagalaw ang kanyang lalagukan kung kaya't napapasabay ako sa paglunok. Para siyang model kung uminom, kitang-kita ko ang pag-agos ng kanyang pawis mula sa kanyang noo hanggang sa leeg nito. Napalunok nalang ako ng walang laway habang titig na titig ako sa kanya, tila nangangatog ang aking mga tuhod kung kaya't napa-upo nalang ako sa stand.

Ngumiti si Ian, "Palagi kitang napapansing nanonood dito sa Athletic field. Manood ka sa laban namin a. Suportahan mo kami, pakisabi nalang kay Lee salamat sa tubig."usal nito sabay lakad pabalik ng field.

"Te-Teka!"pagtawag ko dahilan upang lumingon ito. "Hindi si Lee ang nagpapabigay niyan at lalong hindi ko kilala si Lee, sa totoo lang ako mismo ang nagbigay sa'yo ng tubig na 'yan."sabi ko.

Ngumiti ito. "Salamat. Kilala ba kita?"tanong ni Ian.

Umiling-iling ako. "Hindi, pero ikaw, kilalang-kilala kita."sagot ko at umawang ang kanyang bibig tsaka tumango.

Muling gumawad si Ian ng matamis na ngiti. "Sige, mabuti kong ganon. Kita tayo mamayang uwian doon main gate."ani'to sabay lakad pabalik sa team mates niya.

"Luh, ako? Magkikita kami sa main gate?"Sigaw ko sa aking isipan habang nakatingin kay Ian. Agad akong lumingon kina Larra at Julian sa taas at parehas silang naka-thumbs up.

Ngumiti ako at tumayo. Pinagpag ko ang aking suot na slacks at sinimulang humakbang pataas ng stand, "Tignan niyo may pabagsak nanamang bulalakaw!"narinig kong sigaw ng isang estudyante mula sa field kaya nilingon ko ito at nakitingin sa taas. Halos malaglag ang aking panga noong makita kong pabagsak ang nagliliyab na bulalakaw mula sa himpapawid.

"Lahat ng estudyante dito sa field kailagan niyong umalis dito sa Athletic field sa lalo't madaling oras. Babagsak dito ang bulalakaw!"sigaw ng coach nila Ian. Nag panic ang lahat kung kaya't nag unahan silang tumakbo papasok ng gate.

Wala akong ibang marinig kundi sigawan dulot ng takot, maging ako ay nilukuban na ng kaba dahilan para hindi ko maigalaw ang aking mga paa. "Dito Jonel!"narinig kong sigaw ni Julian habang pilit na tumitingkayad at winawagayway pa ang kamay. Nandoon na pala sila sa baba.

"Kumilos ka!"sigaw ko sabay suntok ng aking binti at pilit na ginagalaw ito.

"Jonel bilisan mo!"

Muli akong tumingin sa mga kasama ko ngunit nawala na sila sa paligid dahil sa dami ng magaaral dito sa field.  Halos lahat ay nagtutulakan at ang iba ay binabangga nalang ang kanilang nakakasalubong. Wala akong nagawa kundi makisabay hanggang sa may nakaapak ng paa ko dahilan para matisod ako at dumipa sa lupa.

"Jonel nasaan ka!"

"Wait nandito ako!"sigaw ko at babangon na sana ako nang biglang may umapak sa likod ko dahilan para muli akong sumubsob sa lupa. Patuloy ang pag-apak nila sa akin kung kaya't ramdam ko ang bigat nila at tila pinipiga ang aking dibdib at kalamnan sa tuwing naapakan ako.

"Tama na! Ang sakit na!"hiyaw ko ngunit tila wala silang naririnig. "Putangina niyo! Hindi ako basahan arrk!"halos tumirik ang mata ko dahil sa sakit, wala akong makita kundi mga paa.

"Tulungan niyo ako pakiusap!"piyok na sigaw ko at umagos ang luha sa aking mata, biglang nanlabo ang aking paningin hanggang sa naramdaman kong hinihila ang aking hininga. Unti-unting pumikit ang talukap ng aking mga mata at binalot ng kadiliman ang aking paligid. Mas lalong nagkagulo ang mga tao noong dumagundong ang malakas na warning alarm sa paligid.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong umuga ang lupang dinidipaan ko at sumabog ang nakakabinging tunog sa paligid.

Hanggang sa wala na akong matandaan pa...

itutuloy...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status