Ang tumayo sa harap ng maraming tao ay siguradong nakapagbibigay nang kakaibang pakiramdam. Minsa'y takot o kaya nama'y galak. Pero ang pinakamadalas, ay ang kaba. Dahil sa isang mali mo lang, marami ang makakakita. Marami anh makakaalam. Marami ang manghuhusga.
Magdadalawang Linggo na simula noong kantahan ko si Arila. Noong bumalik ako pagkatapos ng araw na iyon, masasabi kong may nagbago. Hindi tulad nang iniisip ko na iiwasan o lalayuan niya ako. Kaya naman nakahinga ako nang maluwag nang hindi iyon nangyari. Ang totoo ay mas naging komportable kami sa isa't isa. Parang kakaiba nga, e.
Narinig kong nagpalakpakan ang ilan sa mga tao rito sa loob ng coffee shop nang matapos sabihin ni Arila ang huling mga salita sa kaniyang tula.
Nalaman kong isa pala siyang spoken word artist. May grupo sila na nagtatanghal sa California. Iba-iba raw sila ng schedule depende kung sino ang pwede. Naitanong ko kasi kaniya kung nasubukan na niya dahil gusto kong masubukan.
"O, ikaw na." Hinampas niya ako ng mahina sa balikat.
"Ayoko na pala. Kakanta na lang ako," sabi ko sabay tumawa.
Naningkit ang mga mata niya sa sinabi ko. "Ilang araw kitang pinagkabisa tapos aayaw ka lang?! Naman, e! Dali na!" Pilit niya na parang kapag hindi ako pumayag ay magpapapadyak na siya na parang bata.
"Ayaw. Sa susunod na lang. Saka kakanta na lang ako. Mas madali pala 'yon."
Inirapan niya ako sabay sabing, "whatever," pagkasabi niya noon ay padabog na umupo siya.
"Ano nga palang balak mo buong summer? Wala ba kayong outing o anuman?" Uminom siya sa tasang hawak niya na may lamang kape.
"Wala. Nasa ibang bansa sila mama. Pero baka sila Zach, meron."
Napahinto siya sa sinabi ko kaya naman tinanong ko siya kung bakit.
"Um si... nah, never mind. Gusto mo bang sumama? May pupuntahan kasi akong beach somewhere in Aurora. Baka gusto mong sumama? Wala rin kasi akong kasama. Pero kung gusto mo lang naman."
Napaisip ako sa alok niya. Wala naman akong masyadong ginagawa at pwede naman akong magpaalam sa office. Isa pa, matagal-tagal na rin simula noong huli akong makaputa sa beach.
"Okay."
"Okay? Anong okay?" Tumingin siya sa akin na parang may contest at ako ang emcee na magsasabi ng winner. Titig na titig, e.
"Okay. Sasama ako."
"Talaga?!" hindi makapaniwalang sabi niya.
Tumango lang ako. Ngumiti siya sa akin at saka tumayo sa kinauupuan niya sabay hatak sa akin patayo.
"Tara na!"
"Eh?"
"Maghanda ka na ng damit mo. Aalis na tayo!"
"Agad, agad?"
"Oo. Sayang ang oras 'no! Tara na!"
Hindi niya na ako hinayaang makapagreklamo dahil muli niya na akong hinatak palabas sa coffee shop at lumapit sa motor ko. Kinuha niya agad 'yung helmet na binili ko nung nakaraang Linggo saka isinuot.
Binilan ko na siya kasi gusto niya raw sumama sa pagde-deliver ko. Sabi ko baka umitim siya. Ayaw pa naman ng mga babae sa araw. Kala mo 'yung iba masusunog pag nasikatan ng araw e. Hindi naman daw lahat, depensa niya. Siya kasi gusto magpa-tan.
Ano pa nga ba? Syempre galing siyang western country, natural na sa kanila ang maputi.
Iniabot niya sa akin 'yung helmet ko. "O, dali na!"
Napailing na lang ako sa inakto niya. Ang kulit din minsan.
Gan'to ba siya ka-excited?
Wala na akong nagawa kaya sinuot ko na rin ang aking helmet at sumakay na lang sa motor saka ito pinaandar nang makasakay siya.
***
Nang makarating kami sa bahay nila Tito Dan, nakita namin sila sa may sala at nanood ng TV. Narinig ata nila 'yung pinto na tumunog kaya napatingin sila sa direksyon ko—namin. Lalong-lalo na kay Arila. Humarap sa akin si tito na may pagtataka sa mukha at may tinging nagtatanong kung sino 'yung kasama ko. Tumayo siya at ganoon na rin si tita dahil sa bisita.
"Tito, tita, si Arila po pala. Arila si Tito Dan at Tita Lyn."
"Hello po!" ngumiti sila tita at lumapit kay arila at nakipag-kamay.
Sinabi ko kila tito na aalis nga kami. Medyo alangan pa nga ata sila at medyo kakaiba kung tumingin sa akin. Sa huli, pumayag naman sila. Sabi pa nila ay malaki na raw ako at alam ko na ang ginagawa ko. Pero hindi pa rin maalis iyong tingin nila na parang nagsasabing 'Magtino ka. Huwag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo. Malaki ka na'.
Pagkatapos kausapin sila tito ay umakyat na kami sa kwarto ko. Nang buksan ko ang pinto ay mas nauna pa siyang pumasok. Napahinto siya nang makitang magulo ang buong kwarto ko. Napapilatak na lang ako.
"Puchi!"
Pagkatawag ko ay agad naman siyang lumabas mula sa ilalim ng kama ko. Lumapit ako sa kaniya at binuhat siya.
"Hey, baby girl. Ginulo mo na naman ang kwarto ko." Nakatingin lang siya sa akin habang hinahaplos ko ang kaniyang ulo. Ilang saglit pa ay nagpumiglas na siya para bumaba. Pagkalapag ko ay dali-dali siyang lumapit kay Arila, na tumakbo naman at umakyat sa kama ko. Muntik pang madapa dahil sa mga damit na ikinalat ni Puchi.
Kumunot naman ang ulo ko. "Takot ka sa aso?"
"Oo."
"Bakit?"
"E, baka mangagat sila. Ang dami kayang injection no'n!"
"Hindi 'yan. Tara upo ka."
"E. Hawakan mo muna 'yang aso mo."
"Hindi nga 'yan," sabi ko pero binuhat pa rin si Puchi. Nang umupo siya sa gilid ng kama ko ay naupo ako sa sahig sa tapat niya.
"O, hawakan mo."
"Baka kagatin ako."
"Hindi nga yan." Tiningnan niya ako na parang nagsasabi ng 'really?'.
Hinawakan ko ang kamay niya at inilagay sa ulo ni Puchi. Nang makalipas ang ilang minuto, hinahagod pa rin niya ang ulo nito.
Inilapag ko sa hita niya si Puchi. Nanlalaki ang matang napatingin siya sa akin. Hindi malaman ang gagawin dahol nasa hita siya si Puchi. Parang gusto noyang sumigaw pero kapag ginawa niya ay baka makagat siya kaya tumahimik na siya
"'Wag ka mag-alala, 'di naman 'yan nangangagat. Saka mag-aayos pa ko ng gamit 'di ba?"
Hindi niya malaman kung tatango ba siya o iiling. Sa huli tumango na lang siya at ipinagpatuloy ang paghagod sa ulo ng aso na nananahimik naman sa lap niya.
Si Puchi ay isang shih tzu na ibinigay bilang regalo ng kapatid ko. Para raw kahit papaano ay may kasama ako sa bahay at para rin may bantay ang bahay kapag wala ako.
Niligpit ko lang sandali ang mga gamit na kinalat ni Puchi sa kwarto ko at saka kumuha ng damit sa closet.
Pagkatapos kong kumuha ng damit ay napatingin ako sa kanila. Nakatulog na si Puchi sa hita ni Arila at si Arila naman ay nakangiting nakatingin sa aso ko habang hinahaplos ang likod nito.
Napangiti ako at saka kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa. Binuksan ko ito at binuksan ang camera. Kinuhaan ko sila ng mga litrato bago ko muling ibalik ang cellphone ko sa aking bulsa.
"Gusto mo bang isama natin si Puchi?" tanong ko sa kaniya.
"Okay lang. Pwede ba?"
"Oo naman, tara na?" binuhat ko ang aking bag at sinukbit sa aking likod.
"E, paano 'to?" tanong niya sabay turo kay Puchi na natutulog sa mga hita niya.
"Buhatin mo."
"Baka mapirat s'ya."
"Hindi 'yan. Isipin mo lang na baby siya. Baby natin, ganoon." Tumaas ang isang kilay niya.
Napatawa ako nang irapan niya ako.
"Tara na kasi, kaya mo ‘yan."
Sinimulan niyang hawakan sa katawan ito. Inayos ko ang pagkakahawaw niya kaya naman nagising si Puchi.
Kumuha lang ako ng ilang gamit ni Puchi at saka pagkain niya at saka bumaba. Nagpaalam kami ulit kila tito at dumiretso naman sa bahay niya para makakuha rin siya ng kaniyang gamit.
Pagkarating ay ibinaba muna niya sandali si Puchi, kaso sumunod ito sa kaniya. Habang nag-aantay ako sa labas, tumawag na ako sa post office at sinabing magbabakasyon lang ako. Agad namang pumayag ang boss ko tutal medyo kaunti na lang ang dini-deliver nitong mga nakaraang araw.
Pinasok ko na rin ang motor ko sa grahe ng bahay ni Arila. Inihanda ko na rin ang kotse niya na gagamitin namin. Tiningnan kung nasa maayos ba itong kundisyon at saka pumasok sa loob ng bahay ni Arila para tulungan siyang magbuhat ng mga gamit niya.
Inilagay ko ang mga gamit sa likod ng kotse. Pinauna kong pumasok si Arila sa passenger seat para maayos ko si Puchi sa lap niya.
"You're good?" tanong ko kung komportable na ba siya sa pwesto niya. Nag-thumbs up lang siya saka ngumiti. Umikot ako sa kabila sa driver's seat. Nang maayos na ang lahat ay pinaandar ko na ang kotse.
Malamig na hangin, madilim na kalangitan at ingay na gawa ng alon ang agad na sumalubong sa amin pakahinto ng sasakyan. Huminto kami sa tapat ng dagat na napapalibutan ng iba't ibang resort at nagringin-tingin sa paligid. Pagkarating ay naghanap agad kami kung saan ang pwede naming tuluyan habang nasa lugar kami. Umupa kami ng isang bahay at cottage saka nagbayad. Kukunin na dapat namin ang mga gamit nang sabihin ni Arila na gusto niya munang makita at mapanood ang pagsikat ng araw. Kinuha niya ang dala niyang camera. Nakatayo lang kami habang nag-aabang.Nakita ko niyayakap-yakap at hinihingahan niya ang kaniyang kamay nang muling umihip ang hangin. Nakasuot siya ng long sleeve pero manipis naman ang tela at isang denim shorts."Nilalamig ka?" Tumango lang siya bilang tugon."Wala ka bang dalang jacket?""Nah."Napatawa ako. "Wala rin akong dala." Ngumiti lang siya sa akin at muling tumingin sa kalangitan sabay lumakad ng kaunti. Sumunod ako sa kaniya at pumuwesto sa kaniyang likuran
Nagising akong may nararamdamang kung ano sa mukha ko. Kanina ko pa nararamdaman ang daliri na paikot-ikot sa mukha ko kaya naman hinawakan ko na ang mga ito."Arila..." reklamo ko kahit nakapikit pa."Ano?""Tigilan mo 'yan.""E, bumangon ka na kasi. Nagugutom na ko, o.""Last five minutes," hirit ko saka niyakap siya nang mahigpit.Tumigil siya sandali sa pagpapaikot hintuturo niya sa mukha ko kaya lang makalipas ang ilang minuto, pinagdudutdot na naman niya ang pisngi ko.Napabuntong-hininga na lang ako at napadilat. Nakita ko siyang nakatingin sakin saka ngumiti."Good morning.""Bad morning," nakabusangot ang mukhang sabi ko na ikinatawa niya."Tara na kasi!" Pinilit niyang tanggalin ang pagkakayakap ko sa kaniya. Nang makatakas siya sa yakap ko at makatayo ay bigla naman niya akong hinatak kaya muntikan na akong masubsob sa lapag.Tiningnan ko siya ng masama."Sorry," sabi niya habang pinipigilang tumawa.Napailing na lang ako saka tumayo at lumabas sa kwarto saka dumiretso sa CR
It takes a lot of courage to step on a stage with a lot of audience that you know will witness whatever you will be doing. They might judge you after your performance. But at least, you might not care to their opinions, simply because a stranger's opinion might not matter to you.But it takes a brave heart to confess to someone, what you truly feel about them.Gabi na pero nasa labas pa rin kami. Kanina, noong sinabi niya iyong tatlong salita na 'yon, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Tuwa? Lungkot? Pagkadismaya? Hindi ko alam. Natutuwa ako kasi gusto niya ako. Pero nalulungkot at nadidismaya ako kasi alam ko na 'yung nararamdaman ko, mas malalim sa nararamdaman niya para sa akin. Isa pa sa iniisip ko, baka maging hanggang doon lang 'yon. Ngumiti ako sa kaniya ng mapakla noon saka sinabi iyong nararamdaman ko. Sinabi kong mahal ko siya. Bumakas sa muka niya ang pagkagulat pero pagkatapos noon ay bigla siyang tumakbo.Alam kong mabilis. But like what I've wrote before in one of
Bad habits are hard to die. Pwedeng mawala pero hindi basta-basta. Syempre at some point hahanapin mo 'yon, ‘di ba?Naalala ko nakaraan na sinabi ni Arila na gusto niyang mag-bar. Siguro nami-miss niya kaya naman kahit madilim na, pumunta ako sa bahay niya. Hindi kasi ako nakapunta kanina dahil may mga inasikaso ako sa post office at may mga pinagawa sila tita kaya naman aayain ko na lang siya. Nagdadalawang isip man, alam ko naman na magiging masaya siya dahil isa 'to sa parte ng buhay niya.Pagkarating ko ay naabutan ko siyang naka-pajama at nagsusuklay. Siguro ay kakatapos niya lang maligo dahil basa pa ang buhok niya."Hi.""Anong ginagawa mo rito?" tanong niya."Wala lang. 'Di ako nakapunta kanina e. Punta tayong bar? May alam ako.""Talaga?" Bakas sa mukha niya ang saya kaya naman napangiti ako."Oo, kaya magpalit ka na ng damit mo.""Sige, hintayin mo 'ko." Dali-dali siyang umakyat sa kwarto niya saka nagpalit. Wala pa 'atang limang minuto nakababa na siya."Okay lang ba 'tong s
Napatulala ako sa narinig ko. Tama ba ang narinig ko? Baka naman nabibingi lang ako?"Ano?""I said I love you... and I want to be your girlfriend."Umalis ako sa pagkakayakap niya at saka humarap sa kaniya. Tinitingnan lang ng tahimik kung bigla ba niyang babawiin ang sinabi."Let's talk, okay? Maglilinis lang ako."Para akong tinakasan ng boses ko kaya napatango na lang ako. Ikinulong niya ang mukha ko sa dalawang kamay niya saka ako ginawaran ng halik sa noo. Tumayo siya at naglakad papasok sa banyo. Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang makapasok siya.Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama niya saka tumingin sa ceiling."Ano bang nangyayari sa'yo, Zyle?" bulong ko sa sarili saka napabuntong hininga.Naka-move on na ako sa mga pang-iiwan sa akin, 'di ba? Nasanay naman na ko. E, bakit ganoon inakto ko kanina?Naiwan na ko ng mga naging girlfriend ko. 'Yung pamilya ko—well, hindi naman talaga nila ako iniwan. Pero 'yung pagkawala ng presensiya nila, ayon siguro 'yung isa sa mga n
Ang mga nangyari noong Linggo na 'yon ay ilan sa mga araw na masaya balik-balikan.Kinabukasan noong araw na natulog ako sa bahay ni Arila, nagising akong nakayakap siya sa akin. Medyo nangawit nga lang ang balikat ko dahil ginawa niya itong unan pero okay lang naman.Noong mga sumunod na araw naman, dinala ko siya sa amusement park, mall o kaya naman ay nandoon lang kami sa loob ng bahay niya at nanonood ng mga movies. Kaya lang may mga araw na sumasakit raw ang ulo niya kaya naman pinagpahinga ko na lang siya.Ngayong araw, inaya ko siyang pumunta sa park."Ba't ba kung saan-saan mo 'ko dinadala?" tanong niya saka tumawa. Umakyat siya sa kuwarto niya para magpalit ng damit kaya naman hindi na niya narinig ang sagot ko."Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan lang 'to. Kaya sinusulit ko na lahat ng oras na meron tayo."Pagkarating namin sa Park, nakita namin ang iba't ibang taong may kaniya-kaniyang ginagawa. Nakabisikleta ang iba habang ay iba naman ay naglalakad lang katulad ng gin
Some people change for a reason. They didn't change in a blink of an eye, or on a snap of fingers. They change because of different reasons. Some change for a better living; some change because the society pushed them to; and some change because of someone."Thanks, Ma." I ended her call.Ilang araw na akong napapadalas ng tawag kay mama at ganon din siya-sila ni dad.Nagtatanong sila bakit daw biglang ginagalaw ko na 'yung pera ko sa bangko. Nasanay kasi sila na kung ano 'yung iniwan nilang status ng account ko, ganoon pa rin kapag nagbigay sila ng bagong allowance. Alam nila na nagtatrabaho ako at working student pa dahil paminsan ay nasa kompanya ako at gumagawa ng kung anu-ano na sinusuwelduhan naman nila.Lagi akong may pera. Perang pinaghirapan ko. Kung babawasan ko man 'yung pera ko sa bangko, I make sure na sobrang importante lang o kaya naman ay babayaran ko rin. I still have this thinking na pera nila 'yon. Na kahit allowance ko 'yon ay hindi ko pa rin dapat gastahin 'yon sa
When I was a kid, my mom always taught me practice self-control specially when I get angry. I still remember when my parents were called to the principal's office because I included myself in a fight. My enemy got his shoulder bleed because of the pencil I used to stab him. Well, what can I say, he really irritates me to hell.Since then, they always taught me to control myself because I discover that having a short-tempered run in our blood. But there are things that no matter how hard you control yourself; you'll fail. Especially when an angel with a body of a sinner is lying beside you.Sinubukan kong ilayo ang aking mga kamay sa kaniya pero parang magmet ang katawan niya na hinihila ang aking mga kamay. Her upper body almost rest on mine. Her arms clinging to me like I will go somewhere, and she don't want to let go. She snores a little but that's not what bothers me. It’s her naked body that was so warm and so soft against mine. It’s her nipples touching my chest. And her knees th