Share

Chapter 3

Chapter 3

Mary

"Okay ka na ba?  halos isang linggo ka na nagkukulong dito sa kwarto di ka nag kakain, nag-aalala na ako sa'yo " napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni Krystal halos isang linggo na kasi ang nakakalipas simula nang nangyari ang gabing iyon. Nagkukulong lang ako sa kwarto at maghapon nakahiga, kakain lang ako pag pinilit niya ako. Kung pwede nga lang hindi na huminga ginawa ko na.

" Oo, ok lang ako thank you " malumanay kong sagot. Akmang tatalikod na sana ako sa kanya nang mapatingin ako sa mga dala niyang mga paper bags.

" Saan galing yan? " sabay angat naman nya ng mga dala niya.

" Heto ba? nakuha ko na kasi yung pera. Actually noong nakaraan pa ngayon lang ako sinipag mag shopping " natuwa naman ako sa sinabi niya, kaya agad ko tinanong kung nakuha nya rin ba yung sa akin, mamaya kasi baka pinaabot na lang sakanya dahil nasa iisang bahay lang naman kami, pero nagtaka ako ng biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

" Hmmm hindi eh, sabi kasi ni mamu ikaw daw mismo pumunta doon. Na hold daw yung sweldo mo " nagulat ako sa sinabi nya. Teka pumalpak ba ako? sumablay ba ako sa ginawa ko?

Napa hilamos ako sa aking mukha dahil parang na stress ako bigla, kailangan na kailangan ko yung pera tsk! Para masagot ang katanungan ko ay nagpasama ako kay Krys papunta sa opisina ni mamu, mabuti at wala naman sya gagawin kaya agad din sya pumayag.

Pagtapos maligo nag aayos na ako sa sarili ko, skinny jeans at T- shirt lang ang sinuot ko, nag sapatos lang din ako na converse at sling bag. Nang matapos ay agad na kami umalis. Pagkababa namin sa taxi ay agad kaming dumiretso sa loob, kumatok muna sa pinto si krys bago pinihit ang door knob, hindi kami napansin ni mamu dahil nakatalikod at may kausap siya sa cellphone niya

" Ok sir, I will thank you and have a nice day " binaba niya na ang cellphone niya at humarap na sa gawi namin.

" Ay hindot ka!  p*ta ka Krys ano ginagawa niyo diyan! di man lang kayo kumatok " sabi niya habang hawak hawak ang dibdib

" Kumatok kami mamu, di mo lang napansin busy ka kasi " paliwanag niya. Umirap lang naman sya sa amin at nag crossleg. Umupo naman kami sa harap niya kaya dumako ang kanyang mata sa akin at parang sinusuri ang pagkatao ko.

" Ikaw ba si Mary ? Tanong niya habang nakataas parin ang kilay. Tumango ako at napayuko dala ng hiya.

" You know what Mary, ayoko sana gawin to but you did something wrong kaya na hold salary mo " napa kunot ang noo ko sa sinabi niya.

" Hindi ko po maintindihan ginawa ko naman po ang trabaho ko nang maayos na...nalasing l-lang po ako "  sagot ko na parang nahihiya sa nagawa ko noong gabing iyon.

" Exactly Mary nalasing ka at sinukahan nang sinukahan mo si Mr. Sebastian " nagulat naman ako sa sinabi ni mamu, napapikit nalang ako ng mariin at parang gusto ko na maglaro. Haiiistt Mary!

" Pasensya na po mamu hindi na po mauulit pero kailangan ko po yung pera " pagmamakaawa ko kay mamu at handang lumuhod kung kinakailangan.

" Wala sa akin ang sweldo mo "  tumayo naman siya at agad na inabot ko ang kamay niya

" Please mamu hindi ko po iyon sinasadya sobrang lasing po ako at hindi na alam ang ginagawa ko "  nanginginig na ang luha at garalgal na ang boses ko, maging si Krys ay natataranta na rin.  May binigay naman siya sa aking maliit na papel at may nakasulat na address

" Ano po gagawin ko dito mamu? " tanong ko habang nakatitig sa papel na binigay niya

" Kainin mo tss " irita nyang tugon, inirapan naman nya ako at nagsindi ng sigarilyo

" Pumunta ka diyan tapos sa kanya mo tanong kung paano makuha ang sweldo mo " pagkatapos niyon ay hindi na ako nag aksaya ng oras nagpasalamat ako at agad din umalis nakatitig pa rin ako sa papel hanggang makalabas kami.

" Samahan mo ako Krys,  kinakabahan ako baka mamura ko yung taong to, kainis sino ba sya bakit niya pinahold sweldo ko. Tsk! "

" Gusto ko sana Mary kaso meron akong raket ngayon tapos babyahe pa ako, alam mo naman bawal malate "  hinawakan niya naman ng isa kong kamay at may nilagay dito

" Budget mo baka malayo iyan at baka mag lakad ka pauwi " tututol pa sana ako pero tama siya maglalakad talaga ako dahil wala na akong pera. Nagpasalamat ako sakanya at yumakap naman. Nauna na siyang umalis dahil may dadaan pa daw siya, ako heto hindi alam kung saan pupunta, pumara naman ako ng taxi at nag pahatid sa binigay nilang address,  pagkatapos ko magbayad ay bumaba na ako.

Nakita ko ang isang mataas at napakagandang hotel, parang mayayamang tao lang ang pwede pumunta dito, teka parang pamilya ang lugar na ito?

Naghahanap ako nang mapagtatanungan, lumapit ako sa guard na nasa bandang parking lot

" Manong alam niyo po ba kung saan ito? " pinakita ko sa kanya ang papel at agad ako tinanguan, tiningnan muna nya ang aking kabuuan bago sumagot

Minuwestra naman nya kung saan ito gamit ng kanyang kamay at doon sinundan ko ng tingin kung nasaan mismo ang main entrance. 

" Gusto mo samahan kita ? " sabay kindat nya sa akin. YUCK!. Tumangi ako at umalis, naglakad nang mabilis. Lumapit naman ako sa guard na nasa entrance at nagtanong pinapasok naman nya ako at tinuro sa receptionist

" Hi Ma'am!  How can I help you? " bunga ng babae sa akin sabay ngiti niya pero parang kaplastikan lang. Agad ko sinabi ang pakay ko na pinapunta ako dito ni mamu Icy about sa salary. Bahagya naman siya na pakunoot ng noo sa sinabi ko.

" What are you talking about Ma'am?  This is a five star hotel and hindi pa kami agency " sabay ismid niya sa akin. Aba! gagang to tinarayan ako! Kung hindi ko lang kailangan yung pera naku!, pinakita ko sa kanya ang papel na may address.

" Ano kasi... ito yung address dito ako tinuro kailangan ko lang talaga yung pera baka naman pwede ko makausap manager niyo " pinag taasan niya naman ako ng kilay na parang naiirita na sa presensya ko.

" Alam mo Miss, umalis ka nalang " sabay tawag niya ng gwardya

" Wait lang po, hindi ninyo kasi ako maintindihan. Kailangan ko kasi makuha yung pera.. ano ba!! " napapasigaw na ako at nagpupumiglas mula sa pagkakahawak nila s akin pero hinahatak parin nila ako palabas.

" Let her go "  lahat ay na tahimik at napalingon lahat sa nag salita na may malaki at may malalim na boses. Napalunok naman ako at pinagpawisan ng malagkit nang makita ko kung sino ang nagmamay ari ng boses na iyon. Sinunod naman siya ng guard at humingi ng tawad, ang receptionist naman ay takang taka nakatitig sa amin. Natulala ako sa kanya, maya maya naman ay bigla nya akong hinigit sa palapulsuhan ko at nagsimula na siya maglakad.

Halos madadapa ako sa bilis niya maglakad at sa laki ng hakbang niya, binitawan niya na lang ako nang makarating sa tapat ng elevator,  tinignan ko ang kamay ko at halos bumakat ang pagkakakapit niya sa sobrang higpit. Tahimik lang kami hanggang sa makapasok sa elevator gusto ko sana magsalita kaso parang nawawala ang dila ko, tumikhim ako at akmang magsasalita nang humarap siya sa akin

Napalunok naman ako at biglang nanginig ang tuhod. Jusko! ano ba ang nangyayari sa akin, bakit ako nag kakaganito sa tuwing tinititigan nya ako. Nag igting ang kanyang panga at nilagay ang kanyang kamay sa bulsa ng pantalon niya, parang may gusto siyang sabihin na ewan. Pagkatapos niya ako titigan ay bumalik din siya sa pwesto niya napabuga nalang ako ng hininga para mabawasan ang kaba. Wheeew! pinagmasdan ko nalang ang kanyang likuran, grabe ang lapad ng likod niya bagay na bagay sa kanya ang suot niyang suit, may matambok na puwet at mahabang paa ang linis linis niyang tingnan tapos amoy mabango, likod palang to paano na kaya pag humarap pa siya.

Bumalik naman ako sa ulirat ng tumunog na ang elevator hakbang patakbo ang ginawa ko grabe! naman to parang walang kasama. Habang naglalakad napansin ko naman na pinag titinginan kami ng mga nagtatrabaho,  yumuko nalang ako dahil sa kahihiyan. 

" Ouch! " na pahawak naman ako sa aking noo nang mauntog ako sa kanyang likuran, grabe ang tigas ng likod,  malay ko naman kasi na hihinto siya.

" Noob " rinig kong sabi niya. Pumasok naman kami sa isang office... office ba to ? mas malaki pa sa boarding house namin eh, nilibot ko ang aking mata sa paligid puti at itim ang kulay ng dingding, may mamahaling mwebles, yung mga gamit niya na parang halos araw-araw pinupunasan.

" Sit "  ma awtoridad niyang utos. Umaayos naman ako ng upo at kailangan ko masabi sa kanya ang pakay ko.

" Sir dito po kasi ako tinuro ni mamu Icy yung salary ko po na hold po last week pa..... " napahinto naman ako sa sinasabi ko

Sigurado ako sya yung kasama ko nung gabing iyon, yung lalaking binigyan ko ng aliw yung lalaking...... naalala ko bigla yung nangyari noong gabing iyon. Ghad!

" 350,000 worth of damage " sabay inom nya ng kape.

" P-po? " naguguluhan kong tanong

" You can't remember?  o nagmamaang-maangan ka lang ? " sabay paghalukipkip nito, napahiya naman ako sa sinabi niya. Bahagya ako napaatras dahil nilapit niya sa akin ang mukha niya.

" Sinukahan mo na nga ako sinira mo pa ang damit ko! damn it! " napayuko ako at pumikit nang mariin habang patuloy sa paghingi ng sorry. Natatakot ako kung ano magiging resulta ng pag-uusap namin, di ko naman sinasadya.

" Bayaran mo ang gamit na nasira mo "  ano daw ? bayaran? wala na nga ako sweldo magbabayad pa ako. Bwisit!

" Sir kaya nga po ako nagsa sideline kasi kailangan ko ng pera tsaka wala po ako ganyan ka laking halagang pera " halos pagmamakaawa ko sakanya

" Then work for me " pormal nyang tugon.  Napaangat ako ng tingin sa kanya at inantay kung may sasabihin pa siya.

" Ano po ang ibig nyong sabihin? "

" Magtatrabaho ka sakin kapalit ng sweldo mo ang pag bayad sa nasira mo "

" Pero wala po ako alam sa opisina or sa hotel " pagprotesta ko.  Bahagya naman siyang natawa, may nakakatawa ba sa sinabi ko?

" Who told you na dito ka magtatrabaho?  I will put you in my bar,  don't worry it's a high-end club. Alam ko namang yun lang ang alam mong trabaho. You can go now "  sabay tayo niya, para namang tinusok ng libo-libong karayom ang puso ko. Iyon ba ang tingin niya sa akin?  Kapal naman ng mukha niya! Gusto ko siyang murahin at sabihin na hindi ako ganun klaseng tao pero wala akong lakas ng loob. Hindi ko namalayan ang pag landas ng luha sa mukha ko kaya agad ko ito pinunasan.

kinuha ko na ang bag ko at tumayo at agad na nagpasalamat. Mabilis ako nagpunta sa pintuan, napatigil ako sa pagbukas ng pinto nang hawakan niya ang braso ko kaya na patingin ako sa kanya. Nakaramdam ako ng kaba, ang pagkakatitig niya sa kabuuang mukha ko na parang ini examine at sinasaulado ang bawat detalye nito.

kitang kita ko kung paano umigting ang panga niya at pagbasa niya ng ibabang labi niya.

" Bakit?-- " mabilis nyang pinutol ang sasabihin ko.

" Nothing, I will call your manager later para makapag simula kana " sabay talikod niya. Ano bang problema niya ? napabuntong hininga nalang ako at umalis. Pag sakay ko sa taxi doon ko na buhos ang iyak ko, wala ako pakialam kahit tingnan ako ng driver.

Hayop na lalaking yon! Porque gwapo!  pakshit ka Sebastian!  pakshet!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status