The Bachelorette
The Bachelorette
Author: TwinkleBubblegum
Chapter 1 - Bridal Shower

Wearing a halter style skin-tight black dress, pinasadahan ko pa ng sulyap ang kabuuang pigura ko sa harapan ng malaking salamin na narito sa aking walk-in closet.

I pursed my Cupid's bow lips in order to blend the loud red lipstick that I put earlier. I blinked once, slowly. The dark brown eye shadow flawlessly created the perfect smoky eyes that really matched my party night out mood for this evening.

Matapos kong suklayin ang hanggang balikat kong buhok ay kinuha ko na ang sling bag ko na nakalapag sa ibabaw ng kama. Marahan na akong lumabas ng aking silid.

Naabutan ko si Mommy sa sala; mukhang kanina pa siya naghihintay roon. Hinagkan ko siya sa pisngi.

“Denise, hindi ba muna kayo kakain ng hapunan ni James bago umalis?” tanong niya habang papaupo ako sa L-shape sofa.

“Hindi na po Mommy. Baka roon na lang sa venue kami umorder ng dinner. Besides babaha raw ng drinks ngayong gabi sabi ng pamangkin mong si Liz. Kaya ayoko po munang kumain ng heavy dinner,” pagpapaliwanag ko kay mommy na mukhang sinisipat nang mabuti ang suot kong damit.

“Isn't that dress too revealing hija?” pagpuna niya sa backless dress na suot ko. Dalawang pulgada ang taas nito mula sa aking tuhod. I rolled my eyes at her.

“Mommy, I'm going to a bar! Bridal shower ko ngayon! What else do you expect me to wear?” tugon ko na may halong pang-uuyam sa mommy ko. Tinanaw niya ako pabalik gamit ang seryoso niyang mga mata.

“Baka kasi mamaya pag-awayan n'yo pa ni James ‘yang suot mo,” mabilis niyang wika. I bestowed a plain smile.

Sa limang taon naming relasyon ni James napalapit na talaga nang husto ang loob niya sa pamilya ko. Being an only child medyo istrikto ang mga magulang ko pagdating sa mga naging manliligaw ko noon. Pero pagdating sa fiancé  kong si James, botong-boto talaga sila sa kanya.

Well, what to expect? Unica hija ako ng mag-asawang negosyante na sina Emilia at Jaime Tantoco-ang nagmamay-ari ng mga condomium tower at mga corporate offices building na matatagpuan sa mga pangunahing siyudad ng bansa. Todo guwardiyado pa nga ako ng mga bodyguards noon at may sinusunod pang curfew.

My fiancé-Atty. James Lopez came from the influential and well-known family of politicians in Quezon City. He was working at the law firm owned by his uncle. Isa siya sa mga tinaguriang susunod sa yapak ng lolo niya na ilang dekadang naging mayor ng Quezon City. He was also admired by many because of his gorgeous looks.

“Kapag mag-asawa na kayo, umiwas ka na sa mga party-party na 'yan. Kailangan mo ng mag-focus sa pamilya na bubuuin n'yo ni James,” pagpapatuloy pa ni Mommy. Nilingon ko siya.

“Yes Ma,” matipid kong tugon. Saglit akong nagtipa ng reply sa cellphone ko para sa pinsan kong si Belle.

“Bakit ba kasi ngayon pa naisipan ng mga pinsan mo na gawin 'yang bridal shower mo? Madaling araw pa naman ang flight ni James bukas papuntang Singapore. Naabala pa tuloy 'yang nobyo mo,” usal na naman ni Mommy.

“Ngayon lang po kasi available sina Liz at Belle Ma. Sila ang nag-organize nitong party ko. Sinabi ko na kay James na huwag na niya akong ihatid pero nagpumilit pa rin. Dalawang linggo niya raw kasi akong hindi makikita dahil sa convention niya abroad,” mariing pagpapaliwanag ko. Napangisi nang matamis si Mommy.

“I'm sure that he will really miss you. Napakaswerte mo talaga kay James hija. Masaya ako dahil isang mabuting lalaking katulad niya ang mapapangasawa mo,” dugtong ni Mommy. Isang tipid na ngiti lang ang iginanti ko sa kanya.

“By the way I heard from your dad that there is an upcoming promotion for you. Is that true hija?” magiliw pang tanong sa akin ni Mommy.

I flaunted an endearing smile towards my mother. Tinanguan ko siya pagkaraan ay marahan niya akong tinapik sa braso.

“I'm so proud of you,” aniya habang ginagawaran ako ng halik sa pisngi.

Kinausap na ako kahapon ni Daddy tungkol sa pagbibigay sa 'kin ng mataas na posisyon sa aming kumpanya. I'll be the incoming Vice President of the Finance Department.

Medyo na-pressure ako sa balitang iyon dahil abala ako ngayon sa paghahanda para sa nalalapit na pagpapakasal namin ni James sa susunod na buwan. But my dad assured me that he will give me enough time to prepare before he handed over that new position to me.

Ilang minuto pa ang lumipas ay natanaw ko na si James sa pintuan. Nakasuot siya ng asul na polo shirt at itim na pantalon. Inimbitahan siya ni Mommy na maupo sa sofa. Nag-usap sila saglit pagkaraan ay nagpaalam na si James kay Mommy na ihahatid na niya ako papuntang LK Hub.

“Hon, okay lang kahit huwag ka nang magpaiwan sa LK Hub. Kasama ko naman sina Liz at Belle roon,” saad ko kay James bago ako bumaba mula sa front seat ng kanyang BMW. Inayos niya ang pagkakalapat ng kanyang salamin sa mata bago ako nagawang tugunin.

“It's fine. I'll stay until nine,” magalang niyang wika.

Ikinawit ni James ang kanyang kaliwang braso sa baywang ko habang papasok kami sa entrada ng LK Hub.

Pinaghalong amoy ng alak, sigarilyo at pabango ang nangingibabaw sa paligid. Papalit-palit ng anggulo sa pagtama sa kabuuan ng bar ang mga makukulay na ilaw na sumasabay sa saliw ng party music na pinapatugtog ng dj. May iilang club goers na rin ang nagsasayaw ngayon sa gitna ng dance floor.

Sa second floor ng bar matatagpuan ang VIP room na pina-reserve ni Liz para sa gaganaping bridal shower ko ngayong gabi. Agad kaming umakyat ni James doon.

Nahagip ng mga mata ko ang ilan sa mga kabarkada kong babae na imbitado sa party ko. Nakatambay sila ngayon sa tabi ng metal railings kung saan tanaw ang ibabang bahagi ng bar na kinaroroonan ng dance floor. Nakipag-beso sila sa akin. Binati rin nila ang katabi kong si James.

Inaya ko na silang pumasok sa loob. Malaki ang ngisi ni Liz pagkakita niya sa akin. Ngunit bigla siyang sumimangot nang mamataan si James sa likod ko.

Nakasuot siya ng isang itim na tube style dress. Her long brown hair with big curls was styled elegantly. Nakipag-beso siya sa akin.

“Bakit kasama mo si James?” walang preno niyang sabi sabay sulyap sa katabi ko. Amoy alak na ang kanyang hininga.

Napabuntong hininga ako at agad na binulungan si James, “Hon, she's drunk.”

Inaya ko ang fiancé ko na maupo sa kulay violet na sofa na naroon. Binati ako isa-isa ng mga bisita kong nakaupo. Hindi pa rin kami tinantanan ni Liz.

“Hanggang dito ba naman sa bridal shower ni Denise, bantay sarado mo pa rin ang pinsan ko!” aniya.

Napapailing pa siya habang kinakausap si James. Pumagitna siya ng upo sa aming dalawa ng fiancé ko.

“You can have every inch of her after you got married. Ipahiram mo muna sa amin itong pinsan ko kahit ngayong gabi lang!” Hinawakan pa ni Liz ang mga kamay ko habang sinasabi niya iyon kay James.

“Hon, she's definitely drunk,” utas ko kay James na napapangisi na lamang sa mga pinagsasasabi ng pinsan ko.

Bukod sa mga cocktail at hard drinks ay umorder din ako ng pasta, pizza, fries at nachos para sa mga bisita ko.

Aliw na aliw kami sa pagkakamustahan. Ang ilan sa kanila ay mga kaibigan ko noong highschool at college na matagal ko nang hindi nakakasama sa mga gimikan.

Nakatanggap din ako ng samu't saring regalo galing sa kanila. May nagbigay ng iba't ibang disenyo ng lingerie, pabango at body wash. May nagregalo rin sa akin ng mga designer bags at sapatos.

Ilang baso na ng Margarita ang nainom ko. Si James ay naka-tatlong shot na rin ng Black Label.

Pagsapit ng alas diyes ng gabi ay bumaba na kami ng mga bisita ko sa dance floor upang makapagsayaw na. Nagpaiwan lang si James sa VIP room.

Bandang alas-onse nang balikan ko si James. Inabot na siya nang hating gabi sa pagsama sa akin. Maaga ang flight niya bukas kaya naman sinabihan ko na siyang umuwi.

“Uuwi na. Ihahatid lang namin sa labas,” wika ko kay Liz pagkakita niya sa amin nina James at Belle na pababa sa hagdanan ng bar.

Sinamahan na rin niya kami sa paghatid kay James sa parking lot. May ilang bisita na rin akong nagpaalam na uuwi na.

“Don't drink too much. Call me when you got home,” pagpapaalam ni James bago tuluyang pumasok sa driver's seat.

“Ingat sa flight mo,” tugon ko sa kanya.

He granted a swift kiss on my lips. Tinanaw ko ang papaalis niyang sasakyan. Abala si Liz sa pakikipag-text sa kanyang cellphone.

Habang naglalakad kami pabalik ng LK Hub ay kinausap ko siya.

“Your barbed tongue really knows how to make my fiancé go crazy. Huwag ka ng magtaka kung sa susunod na pag-aaya mo sa ‘kin ay hindi na ako papayagan ni James na makasama ka,” utas ko sa kanya. Tinaasan ko siya ng magkabila kong kilay. Liz just shrugged her shoulders.

“Malamang! Kasi ikakadena ka na no’n sa brief niya kapag kinasal na kayo!” ang walang filter na namang banat ni Liz sa akin.

“That was so gross Liz!” sambit naman ng kasama naming si Belle.

“I can't believe that you are my cousin Denise!” pang-aasar na naman ni Liz sa akin.

“You’re so submissive, meek, timid and boring virgin girlfriend!” pagpapatuloy pa niya. Napatigil ako sa aking ginagawang paglalakad upang maharap siya.

“Alam mo 'yon ikakasal ka na, hindi ka man lang nakapag-enjoy.” Pinanlakihan ko siya ng magkabila kong mata.

“Si James ang first boyfriend mo. Sa kanya mo na-experience ang first kiss mo, first date, first mo siya sa maraming bagay. At soon siya rin ang makaka-first pop diyan sa cherry mo! I mean alam mo 'yon hindi ka man lang nakapag-explore!” I was caught off guard from what I heard.

Alam kong pagdating sa experiences sa maraming bagay lamang na lamang sa akin si Liz. Sobrang liberated niya. She started to live alone after her eighteenth birthday. Kaya naman sa aming magpipinsan, si Liz ang pinaka-independent sa aming lahat.

“James respected me so much,” ang tanging naitugon ko sa kanya.

Nagpaalam na sa aming dalawa si Belle na mauuna na raw siyang maglakad pabalik sa LK Hub. Nainip na siguro sa paghihintay sa pag-uusap namin ni Liz.

“Sus! Sinasabi ko sa ‘yo huwag kang maniwala riyan sa fiancé mo na for five years walang ibang naging babae 'yan!” walang kiyeme na namang utas ni Liz. Mukhang siguradong-sigurado talaga siya sa mga sinasabi niya.

“Walang lalaki ang makakatiis na walang sex life okay!”

“Hindi ba pwedeng masyado lang naming nai-treasure ni James 'yong bagay na 'yon at gusto naming i-preserve 'yon para sa unang gabi naming dalawa bilang mag-asawa,” mahinahon kong pagpapaliwanag kay Liz. Napapailing na lamang siya.

“Whatever Denise! By the way I have a surprise for you!” Nag-twinkle pa ang mga mata niya. Ano naman kayang kalokohan ang pinaplano ng pinsan ko?

“Andoon sa condo ko ang totoong bridal shower mo!” Napaawang ang labi ko. May ganoon pala siyang plano! Bakit parang kinakabahan ako sinasabi niyang ito?

Pagkabalik namin ni Liz sa loob ng VIP room ay inaya niya ang mga natirang bisita ko na pumunta sa condo niya sa may BGC.

Pagpasok namin sa loob ng unit niya ay naroon na ang ilang bisita ko na nakasama rin namin sa party ko sa LK Hub kanina.

Patay ang mga ilaw, pero may mga pabilog na party lights kung saan salit-salitang mga kulay na puti, pula, dilaw at asul ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Malakas ang dance music na pinapatugtog.

“Masyado kasing x-rated 'to baka hindi payagan sa LK Hub!” palatak ni Liz. Bigla akong ginapangan ng kaba.

Hindi na ako makatanggi sa bawat pagsasalin ni Liz ng Vodka sa wine glass na hawak ko. Nagsasayawan na rin ang ilan sa mga bisita ko.

“Drink it up Denise! Wala kang bantay ngayon. Let's get more booze!” sigaw ni Liz habang tinataas ang wine glass na tangan niya. Nagsipagtaasan din ng kanya-kanyang baso ang iba pa naming kasama.

Mayamaya pa ay nagsalita si Liz sa harapan. Hininaan niya ang volume ng sound system ng condo niya.

“Denise, come over here! This is your night!”

Nagulat ako nang bigla niya akong hinila mula sa kinauupuan kong sofa at pinilit na paupuin sa isang metal stool chair na nakapwesto sa harapan.

Nagsigawan ang mga bisita ko. Sana lang talaga ay sound proof ang condo ni Liz dahil paniguradong makakabulahaw kami sa mga kapitbahay niya sa sobrang ingay namin.

“Ito talaga ang totoong party na ihinanda ko para sa pinsan kong si Denise ngayong gabi. A bridal shower wouldn't be a bridal shower without these hot men!”

Biglang nagkaroon ng puting usok sa paligid. Natahimik ang lahat ng mga bisita ko. Their anticipation was building up. Wala ng tigil sa pagtahip ang dibdib ko.

A familiar sexy music filled the air. It was the song Careless Whisper.

May isang lalaki na nakasuot lamang ng pulang ribbon tie sa leeg at itim na underwear ang nag-umpisang magsayaw sa gitna. May nakatakip na itim na maskara sa parte ng kanyang mata.

Mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko ang napakatangos niyang ilong, makapal na kilay at maninipis na labi. His jaw was broad that made him looked so manly. His abdominal muscles were prominent and eye-catching. His biceps flexed as he put his both hands at the back of his head.

A bizarre feeling succumbed my body as the man who stood beside me began to grind his muscular body towards me. Nagsimula na namang magsigawan ang mga bisita ko. Si Belle na mukhang inaantok na kanina ay biglang napatayo at nagtitili pagkakita roon sa ginawa ng macho dancer.

Sa kabila ng suot niyang maskara ay tila nahihipnutismo ako sa malagkit na paraan ng pagtitig niya sa akin. Hindi ko man kita ang kabuuang itsura niya dahil sa suot niyang maskara alam kong mala-Adonis ang nasa likod noon.

Lumakas pa ang hiyawan ng mga bisita ko nang may dalawang lalaki na nakasuot lamang ng itim na underwear ang lumabas mula sa silid ni Liz at nagsipagsayaw rin sa harapan.

Sa kabila ng mga suot nilang mga maskara ay hindi maipagkakaila ang kanilang angking kagwapuhan at magandang hubog ng katawan. Saang first class gay bar kaya sila nakuha ng pasaway kong pinsan?

All of them were grinding their bodies towards me. Halos magpiyesta ang mga mata ng mga bisita ko sa abs at biceps ng mga macho dancer na nagsisipagsayaw sa gitna. Hinanap ko sa dagat ng mga bisita ko si Liz at sinamaan ko siya ng tingin. Isang ngiting makahulugan naman ang iginawad niya sa akin pabalik.

Nang matapos ang kanta ay nagpakilala sa harapan ang mga macho dancer na nagpainit ng condo unit ni Liz.

“Good evening everyone! My name is Cyrus!” bati noong isang dancer na may suot na asul na maskara.

Dumagundong na naman ang hiyawan at tilian ng mga bisita ko. Nilapitan pa siya ng kaklase ko noong highschool na si Hannah upang punasan siya ng pawis sa noo gamit ang kanyang panyo.

“Hi ladies! I'm Jeff!” pagpapakilala naman noong naka-pulang maskara. Pagkatapos niyang magsalita ay nilapitan siya ni Liz upang haplusin ang abs niya.

Tumingin pa ang pinsan ko sa audience at nag-comment, “ang tigas ng abs niya!”

Halos mamilipit na ako sa kakatawa dahil sa mga pinaggagawa ng baliw kong pinsan.

Panghuling nagpakilala iyong lalaking nakapagbigay ng kakaibang kalabog ng dibdib ko kanina. Ang macho dancer na nakasuot ng itim na maskara.

“I hope that you enjoyed this night! My name is JD!” Inangat niya ang aking kaliwang kamay at ginawaran ng isang pinong halik ang likod noon. Kinindatan niya pa ako bago siya umalis.

Isang estrangherong damdamin ang biglang nanuot sa pagkatao ko. I have been loyal to James for the past five years. However I couldn’t help but to felt shiver all through my spine.

Ilang baso pa ng Vodka ang nainom ko habang lumalalim ang gabi. Pinagkibit-balikat ko na lang ang naranasan kong uneasy feeling kanina. Bandang alas dos ng madaling araw nang umuwi ang pinakahuling bisita ko. Ang iba sa kanila ay roon na natulog sa guest room ni Liz.

Medyo tipsy na rin ako kaya napagdesisyunan ko nang matulog sa isa pang bakanteng silid. Naisipan ko munang uminom ng tubig sa kusina bago ako mahiga.

Napapitlag ako pagkakita ko sa isang lalaking nakaupo sa isang stool chair doon sa tapat ng kitchen counter. Kung hindi ako nagkakamali isa siya sa mga macho dancer na nagsayaw sa party ko kanina. Kumalabog ang puso ko nang ma-realize ko na siya si JD.

Mas naaninag ko nang husto ang kabuuan ng mukha niya ngayon dahil wala na siyang suot na maskara. Nagpalit na siya ng damit; isang itim na t-shirt at itim na pantalon. There was no doubt that he was dropped dead gorgeous.

“Did you enjoy your party?” tanong niya sa akin gamit ang baritonong boses. Dahan-dahan siyang lumalapit sa kinatatayuan ko. Hindi agad ako nakaimik.

Bumagal ang paraan ng aking paghinga nang maramdaman ko ang paglapat ng dalawang braso niya sa pader na nasa aking likuran. Nakakulong na ako ngayon sa mga bisig niya.

“Mas maganda pala ang mga mata mo sa malapitan,” bulong niya sa akin. I could smell coalesce of alcohol and mint on his breath.

Dahil sa lapit namin sa isa't isa napatitig ako nang husto sa kanyang mga mata. Sadyang nakakahipnutismo ang paraan ng kanyang pagtitig sa akin.

Hanggang sa dahan-dahan niyang idinampi ang labi niya sa labi ko. Tila nawala na ako sa aking tamang katinuan dahil hindi ko man lang nagawang magpumiglas sa ginawa niyang kapangahasan.

Ano ba itong nangyayari ngayon sa akin? Hindi ko alam kung dahil ba ito sa dami ng alak na nainom ko kanina.

Hindi ko dapat ito ginagawa, ikakasal na ako at ito ang gabi ng bridal shower ko!

Ngunit hindi ko na ito malabanan, naramdaman ko na lang ang sarili ko na tinutugon ang bawat paghalik niya.

His tongue slided inside my mouth and he kissed me deeper and torridly. I kept on devouring the taste of his sinful lips.

“I can't help but get mesmerize by your eyes,” he said between our hot kisses.

Hanggang sa unti-unti ng naglakbay ang mga kamay ni JD sa ilalim ng dress na suot ko. Dumako iyon sa panty ko. His gentle touch on my feminity underneath the satin cloth of my underwear sent thousand of ardent sensations all over my body.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status