Share

Chapter 8 His Mother Last words

((( Sya  POV’s )))

Bakas parin sa mga mukha ni Master Julius ang kalungkutan simula ng makoma ang kanyang ama. Limang taon din siya naghintay na maari pang bumalik ang kanyang ama.

Ngunit tulad ng kanyang ama kailangan niya maging metatag at kayaning lumusot sa mahihirap na desisyon.

Kung Si Master James nakayanan magdesisyon sa pagitan ng buhay ni Miss Mitchell at ng anak nila na si Master Julius na maiiwan bilang nag-iisang tagapamana ng Del Mendevil.

Natatandaan ko pa ang mahinang usapan ng mag-asawa na kung ano man ang mangyari kailangan piliin ni Master James ang buhay na nasa sisinapunan ng kanyang asawa na nagmula mismo sa labi nito. Dalawang minuto ang ibinigay ng doctor upang magdesisyon siya. Mahal na mahal ni Master James si Miss Mitchelle.

“Kung ito ang nais mo. Wala akong magagawa. Mahal na Mahal kita.”  At kinausap ako ni Miss Mitchelle...

“Sya, ikaw na ang bahalang gumabay sa anak ko. Ipadama mo sa kanya kung gaano ko siya kamahal.” na ikinapangako ko.

“Doc. Gawin niyo ang gusto ng asawa ko. Ngunit kung may magagawa pa kayong isalba ang mag-ina ko gawin niyo.”

Ngunit walang nagawa ang mga Doktor. Kasabay ng pag-iyak ng sanggol kasabay din ng unti-unting pagkawala ng hininga ni Mitchelle. Unti-unting pumatak ang mga luha ni Master James at di ko din napigilan ang sarili ko.

Hindi lang ako. Kaming lahat na naglilingkod sa pamilya nila ay nalungkot sa paglisan ni Miss Mitchelle. Napakabait nito.

Pagkatapos noon namalayan ko na lang tinutuon masyado ni Master James ang sarili sa trabaho. At kunting oras lamang kung ituon niya ang pansin kay Master Julius na lumalaki ng tahimik.

Kaya naman isang araw naglakas loob akong kausapin si Master James para na rin kay Master Julius.

“Master James.”

“Sya. Tuloy ka. Kamusta si Julius?'

“Maayos naman.”

“Mabuti naman. Sabihin mo na lang sa sekretarya ko kung may kailangan si Julius.” saka sana siya tatayo ngunit.

“Master James, kayo ang kailangan ni Master Julius bilang isang ama. Yun ang pinakailangan niya. Kayo bilang nag-iisang pamilya niya.”

“Matalino si Julius para maunawaan niya ako.”

“Pero Master James. Hindi kasalanan ni Master Julius kung bakit...”

“Sya!” Nagulat ako.

“Pagod na ako at kailangan ko muna magpahinga.”

Sa natatandaan ko. Isang araw lamang nagka-usap ang mag-ama na malaki na sigurong ipapasalamat ko.

“Mayordoma , may mensaheng pinaparating si Atty. Wenziel.”

“Ano daw iyon?”

“Dito i-uuwi ang labi ni Master James.”

“Inaasahan na iyon ni Master Julius”.

@DeathWish

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Sally Matillano Carinan
unlock Po pls...
goodnovel comment avatar
Tisado Bernardo
how open lock episode
goodnovel comment avatar
Tisado Bernardo
how to unlock
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status