Share

[ K A B A N A T A VIII ]

Lito...

It was Tuesday and as usual sinundo na naman ako ng apat at kagaya ng kahapon ay kay West kami sumabay. Tahimik ako buong byahe dahil sa nangyari kahapon sa clinic. Nasapo ko ang aking mukha ng maramdaman ko muli ang pag-init ng pisngi ko.

Damn that kiss of Thunder.

Nakarating kami sa school ng hindi ako umiimik. Nang makalabas ako ng kotse ay natigilan ako ng makita kong nagkakagulo ang mga studyante. Halos takbuhin namin nila Keziah ang mga nagkukumpulang estudyante.

It was early in the morning to have a commosion. Nang makarating kami sa nagkukumpulan ay agad kong kinulbit ang pinakamalapit na tao sa aking harapan at tinanong.

“Anong nangyayari?”

“Sardius and Thunder having a fist fight, they are both in blood.”

Nang sumagot ito ay narinig ko ang malutong na pagmumura ni West bago nakisiksik sa mga tao. Maging kami nila Keziah ay nakisiksik narin. Ano ba ang iniisip nilang dalawa at talagang nauna pa sila sa aming makarating?

“Ang gago mo Sardius, ang gago gago mo. Akala ko ba walang talo-talo?” narinig kong saad ni Thunder

“Tarantado ka pala eh, sasaktan mo lang yung tao.” Saad naman ni Sardius

Medyo nahirapan akong sumingit dahil sa dami ng nagkukumpulang mga estudyante pero kahit ganoon ay naririnig ko silang dalawa ng maayos. Habang papalapit ako sa gitna ganun nalang ang kabang nararamdaman ko. Ganun nalang ang panghihina ng tuhod ko. Natatakot ako sa dahilan ng pag-aaway nila.

“Fuck off, Thunder. She’s too adorable to break fuck it.” Bakas sa boses ni Sardius ang galit.

“I told you a lot of fucking times that you don’t have a fucking care at all.” Nanggigigil na saad ni Thunder.

Hindi ko pa sila tuluyang nakikita ay napahinto na ako dahil sa narinig kong sinabi ni Thunder. Pakiramdam ko ay may mabigat na bagay ang dumagan sa aking dibdib. Sa naririnig kong palitan nila ng salita ay pakiramdam ko hindi si Thunder at Sadius ang nasa unahan.

“The hell budz. Pati siya seriously? Wala siyang kasalanan sayo tangna mo ba?”

Pakiramdam ko ay nanlalambot na ang aking mga tuhod at hindi na kayang maglakad pa. Ngayon ko lamang napansin na napahinto na pala ako sa paglalakad. Hinayaan ko na lamang na hindi sila makita at nakuntento na lamang sa pakikinig sa kanilang dalawa.

“Gago.” Napatingin ako sa babaeng nagsalita noon at napatingin din siya sa akin.

Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kaniya samantalang siya ay walang mababakas na kahit anong emosyon ang mukha. Nakatitig lamang siya sa akin tapos ay tinapik ang aking balikat.

“Reality is suck but better than fantasy.” Saad nito bago umalis sa nagkukumpulang mga tao.

Zyqeia.

Nawala na siya sa aking paningin at nawala na rin ang atensyon ko sa dalawang nag-aaway. Ang tanging naririnig ko na lamang ay ang pagpintig ng aking puso na tila ba sa kada segundo ay humihinto ito. Naramdaman ko na lamang na naglalakad ang mga paa ko sa walang direksyong daan.

People can’t see their paths especially when it comes in the darkness of their world. Before papa died my path are bright and I really know the direction but now, I’m stuck and blind with darkness.

Narinig ko nalamang ang bell na nakapagpabalik sa akin sa reyalidad. Yeah, reality may suck but better than fantasy. It was the real world and I can’t escape it just like how I wish before. People wants fantasy but it’ll make the situation worst and people may expect too much that can kill them in an instant.

Dyosa may text ka galing sa gwapong si Thunder

Napapitlag ako sa gulat ng tumunog ang cellphone ko. Naalala ko pa kung paano niya pinalitan ang ringtone ng cellphone ko para sa number niya. Pinalitan niya rin pala ng pangalan. Napapailing na lamang ako.

Thunder Gwapo: Where are you? We’ve been looking for you.

Hindi pa man din ako nakakapagtype ng message sa kaniya ay tumawag na ito. Napatitig lamang ako sa pangalan na nakaflash sa screen ng aking cellphone hanggang sa mamatay ang tawag.

Dyosa, may text ka mula sa gwapong si Thunder.

Mga ilang beses tumunog ang cellphone ko at halos lahat iyon ay kay Thunder galing. Bumuga ako ng malakas at malalim na buntong hininga bago nagpatuloy sa pagpasok sa Paradise Garden na pinagbabawal ni ate Justine na puntahan.

Well, this garden is secluded. Tall trees, sun flowers, and other plants that can really hide people. Makakagawa nga talaga ng hindi tama ang mga may jowa.

Umupo ako sa isang bench na gawa sa kahoy. Tumingala ako sa bughaw na langit bago muling bumuntong hininga. I heard birds chirping as if they have no problems in this world full of unfair people.

Katamtaman lamang ang init at hindi nakakapaso sa balat. Hindi rin naman maaarawan ang uupo sa bench na ito dahil sa humaharang na malaking puno ng mangga. I let  my eyes close for meditation.

 “Val?” napatingin ako sa pinanggalingan ng boses—it’s Ken.

“Hey.” Masiglang bati ko dito at ngumiti.

“Stop flustering fake smile, I’m tired of seeing that.” Iritadong saad nito bago naupo aking tabi dahilan upang mapa ‘ohw.’ Ang aking bibig.

“Hindi lang ba ako ang ngumingiti sayo ng peke?” natatawang tanong ko na ikinabuntong hininga nito.

“Madami kayo at nakakainis na masyado. Neverthless, how’s your heart?”

Napabuntong hininga ako dahil sa tanong niya. My mind filled with different question that even me, myself can’t answer. Muli akong tumingala sa langit upang pagmasdan ang kagandahan ng langit.

Naisip ko lang na ang unfair talaga ng buhay, kung kailan nagsisimula na akong maging okay siya namang pagbawi niya. I am starting to healed up and making myself comfortable with a new routine yet their actions make me confused if is it right for me to relied with them.

Napahilamos ako sa aking mukha at muling napabuntong hininga. I should talk to them to clarify and sort somethings. Maybe they have a reason that’s why they ended up beating with each other. And I am hoping it’s not really because of me.

“Do you like Thunder?”

Sa matagal na pananahimik namin ay binasag ulit ito ng panibagong boses. It’s Zyqeia—Thunder’s ex-girlfriend, that’s what I’ve heard from those gossipers in our campus. Umupo ito sa aking tabi, pinagigitnaan nila ako ni Ken ngayon.

“Answer me, Val.” Malumanay pero mababakas dito ang lamig ng kaniyang boses.

“Hindi?” it wasn’t an answer but a question.

“It’s the same answer with your question kuya. Hindi siya sigurado sa nararamdaman niya.” Sabi nito at sumilip sa kaniyang kuya.

Yes, Zyqeia and Ken are siblings. They are half chinese and half filipino, neverthless. Nag-uusap sila sa wikang hindi ko maintindihan at wala na akong balak alamin pa iyon dahil paniguradong pribado ang kanilang pinag-uuspan.

“Can you made up your mind before the halloween night?” tanong ni Ken sa akin pagkatapos nilang mag-usap.

I was caught on guard when he ask it. Napakamot ako sa aking ulo—probably may kuto. Natahimik lamang ako ng ilang segundo bago sinagot ang kanilang tanong. This time my answer was genuine and true.

“Am not sure but I will do my best to sort out my feelings.”

Is it okay to be unsure and doubt yourself, about your feelings I mean? Naguguluhan na ako sa dapat kong maramdaman sa sitwasyon na meron ako. Paano ba ako napunta sa sitwasyong ito? I am in a process of healing and consoling my soul and then here I am involving in a situation where I don’t remember the reason why I am stuck in.

“You okay?”

Napabaling ang paningin ko kay Ken nang pukawin nito ang atensyon ko. Ngayon ko lamang napansin na natahimik na pala ako pagkatapos kong sagutin si Zyqeia. Muli akong napabuntong hininga, napapansin kong madalas na akong magbuga ng buntong hininga ngayong araw.

Umiling ako at tumayo bago sila hinarap na dalawa. Seryoso ang mga tingin at mga mukha nila, hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o seseryoso din. Magkamukha kasi talaga silang dalawa kahit pa malaki ang agwat ng kanilang mga edad.

“Para kayong sina Hansel at Gretel.” Ngising saad ko sa kanilang dalawa na ikinalaki nang mga mata nila.

“No fucking ways.” Saad ni Ken at inirapan pa talaga si Zyqeia.

“As if kuya. Wala akong kuyang singkit at mapanakit.” Pagtataray naman ni Zyqeia at bahagyang tumalikod ng upo upang hindi makita ang kaniyang kuya.

Napatawa ako ng bahagya dahil sa inasal ng dalawa. Bihira ko lang makita si Zyqeia dahil na rin siguro sa STEM ang kinuha niyang strand at malayo-layo iyon sa building ng ABM.

Patuloy sa pagsasagutan ang dalawa habang ako ay hindi na alintana ang pangangalay sa pagtayo dahil sa pagtawa ko sa kanila. Nang wala ng maibatong salita si Zyqeia ay napanguso nalamang ito.

“Fuck you, kuya Ken.” Asik nito na ikinatigil ni Ken sa pagtawa.

“Zyqeia Almandra Latorre, what the fuck did you say?” namumula na sa inis ang mukha ni Ken

Magsisimula na naman sana silang dalawa sa pagbabangayan ng makarinig kami ng announcement mula sa speakers na nakasabit sa puno. Ngayon ko lang napansin na may speaker pala sa punong iyon.

“Paging ms. Valerie Ysabelle Alonzo please proceed to faculty room. Again, ms. Valerie please proceed to faculty room.”

Nagkatinginan kaming tatlo nang may pare-parehong mga reaksyon sa mukha. kung may makakakita sa amin ay matatawa talaga. Unang nagbago ng ekspresyon ng mukha si Ken bago nagsalita.

“Wag kang pupunta, si Thunder lang yun.” Seryosong saad nito.

“Probably, kung ang taga-faculty ang nagpatawag sayo ay wala akong makitang kahit na anong rason.” Gatol pa ni Zyqeia na ikinatango ko.

Dyosa may text ka galing sa gwapong si Thunder

Napa-igtad ako dahil sa pagkakarinig ng ringtone na iyon. Nangasim naman ang mukha ni Ken at nakataas naman ang isang kilay ni Zyqeia. Gusto ko sanang i-explain yung tungkol sa ringtone pero hindi ko nalang inabala ang sarili ko dahil maski ako ay hindi ko gugustuhing malaman ng iba ang nangyari kahapon. Binasa ko na lamang ang message at muling naupo sa bench.

Thunder Gwapo: Where are you?

Thunder Gwapo: I’ll go there, just answer me where are you?

Thunder Gwapo: Oh God!! You driving me crazy. Makakapatay na ako sa pag-aalala sayo.

Iyon ang laman ng mga mensahe niya, siya lamang ang nagtext wala nang iba. Napakunot tuloy ako ng noo kung bakit hindi man lang ako tinext ng mga bruha. Napatitig ako sa huling mensahe ni Thunder na tila ba tinutunaw ako nito. Nararamdaman ko ang muling pag-iiba ng tibok ng aking puso, ang pagdaloy ng kuryente sa aking katawan at mga insektong nakapasok sa aking tiyan.

Hindi pa yata ako nakakabawi sa text message niya ay may narinig na naman kaming ingay sa speaker. Napatingala tuloy ako sa speaker at parang tangang nakatitig na akala mo ay makikita ko ang mga nagsasalita.

“Mic test. Eherm. Ayan ayos na ba?” pamilyar sa akin ang boses.

“Okay na, bruh.” Tugon ng kausap niya

“Keziah, stop pestering my cousin for a while. Ito muna ayusin natin, Okay na ba dyan sa labas?” nangunot ang noo ko dahil sa pagkakabanggit ng pangalan ng kaibigan ko.

“Che. Akala mo namang gusto kita para kay Val, manigas ka.” Pagsusungit nito.

Tama ba ang iniisip kong nasa loob ng studio room? Is it Thunder and West together with my friends? Oh God, anong ginagawa nila sa studio room? Probihited ang room na yun, ginagamit lang kapag may spoken poetry, journalism o di kaya ay broad casting.

Napahilot ako sa aking sintido dahil sa muling pagsakit nito. So much stress in this morning, urgh. Patuloy ang ingay nila hanggang sa umayos na at magsalita si Thunder.

“Valerie, baby where are you?” halata sa boses nito ang pag-aalala

Bahagya akong natigilan nang marinig iyon habang napahawak ako ng mahigpit aking dibdib gamit ang dalawa kong kamay. Pakiramdam ko ay anumang oras ay lalabas na ang aking puso dahil sa lakas ng kabog nito, pakiramdam ko pa nga ay na-dislocate na naman ito. Nang-iinit ang aking tenga at pisngi, daig ko pa ang kumain ng sampung siling labuyo.

“Damn those fight. Damn those wrong aligations, fuck them all.” Kahit mahina ay naririnig parin ang sinasabi niya dahil siguro ay malapit siya sa microphone.

“I am into you, I am deeply attracted on you. I wanted to be yours, the hell if they want to wreck me. The heck I care?”

Nahigit ko ang hininga ko. Pakiramdam ko nawawala ako sa katinuan sa mga naririnig mula kay Thunder, hindi ba niya naiisip na nakakaabala na siya ng klase.

“He is making a scene.” Bumaling muli ang tingin ko sa magkapatid sa pagkakataong ito pareho na silang nakangisi na ikinakunot ko ng noo.

May mga saltik ba sila at kung makangiti ay wagas? Inilingan ko na lamang sila bago muling tumingala sa speaker kung saan wala na akong naririnig pa maliban sa mabibigat na paghinga.

“Thunder, fuck. Calm the fuck down.” Rinig kong saad ni West na parang nagpapanic. Napatayo ako dahil dito.

“Shit. Anong nangyayari?” boses iyon ni Keziah

Umaasa akong sasagutin iyon ni West pero narinig ko nalamang ang tunog nang pag-off ng speaker. Balisa akong tumingin kina Ken at Zyqeia na ngayon ay mga nakatayo na rin.

“What was that?” tanong ko sa nangangatal kong boses.

Nang makita ko ang pag-iba ng ekspresyon ng kanilang mga mukha ay ginapangan agad ako ng kaba at takot sa nangyayari para kay Thunder. Kumakabog na naman ang puso ko dahil sa kabang nararamdaman.

“Ano ba? Sagutin niyo ako.”

Nang wala parin akong makuhang sagot ay napatakbo na ako kung nasaan sila Thunder ngayon. I run as fast as I can but damn it, damn this illness of mine. Wala pa man ako sa kalahati ng oval ay umikot na ang paningin ko, nangatal ang mga tuhod at unti-unti nandilim ang paningin ngunit bago pa ako lamunin ng dilim ay nakita ko ang mukha niya, mukha ng taong nameste sa puso’t isip ko.

Bakit ba ako pa?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status