Share

Chapter 38: Secrecy Gold Lady

Bumungad sa akin ang mga nagkukumpulang, ngunit organisadong mga pagkain sa lamesa. Nariyan ang overnight oats kagaya ng apple pie, seed butter, banana raspberry, pumpkin spice, at vanilla. Kasing pula ng aking pisngi nang makita ko ang chimney pistachio, chimney raspberry kiss, chimbey blizzard, chimney berries, chimney king, at chimney devil, sapagkat nais kong makatikim na ng gaʼnong sweets kayaʼt pakiramdam ko, nasilayan ko si Raze. Sa mga inuman naman, may mga taong kumukuha ng fuzzy navel, white russian, brandy alexander, long island ice tea, gimlet, margarita, toasted almond, old fashion, at whisky sour. Nais kong kumuha ng maiinom, sapagkat, tuyong-tuyo na ang lalamunan ko dahil sa kaba, ngunit, wala akong makitang tubig o dyus na normal lamang.

Hindi ko masuri kung bakit ang iilan sa kanila ay pinagtitinginan ako. Dahil ba sa aking kasuotan, o sa maskarang nakabalot sa buong mukha ko? Nang mapag-isipan ko ang atmospera na aking kinabibilangan ay kaagad kong hinanap si Nica,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status