Kinabukasan, dumiretcho muna sila sa work place ni Bea. Magpa-paalam muna si Bea na hindi muna sya makakapasok sa boss nyang si Andrei. Pagkarating nila doon ay nadatnan nilang magbubukas pa lamang ng shop si Andrei.
"Sir Andrei!" Tawag ni Bea.
Napalingon si Andrei at napangiti kaagad ng makita nyang ang ka-isa-isang empleyado nya sa shop nya.
"Bea! Aga natin ah?" Napatingin sya sa kasama ni Bea at napatanong. "Sino 'tong kasama mo? Sya na ba ang boyfriend mo?"
Napa-atras si Dawn at namula naman si Bea.
"Hindi sir! Grabe ka naman, friends lang kami."
Lumawak ang ngiti ni Andrei, "Ah okay, so may sasabihin ka ba?"
"Opo, magpapaalam lang ako na di muna ako makakapasok ngayon sir. Kailangan ko tulungan 'tong friend ko."
"Ganun ba? Oh sige lang, basta mag-ingat ka ah?"
"Thankyou po sir."
Dumako naman ang tingin ni Andrei kay Dawn, nawala ang ngiti nya' t naging seryoso ng pagsabihan nya ito. "Ingatan mo 'tong si Bea ah? Naku, pag may nangyaring masama sa batang 'to makakatikim ka sa'kin."
Natawa naman si Bea sa inasal ng boss nya. "Sir naman, wag nyo pagbantaan 'tong kaibigan ko."
Napalunok lang si Dawn habang napatango kay Andrei.
Pagka-alis nila ay saka lang nagreact si Dawn. "Nakakatakot naman yung boss mo, parang tatay mo lang."
Napangiti ng matamis si Bea.
"Oo nga eh, minsan iniisip ko na sana sya na lang yung tatay ko."
"Bakit? Ayaw mo ba sa totoong tatay mo?" Tanong ni Dawn.
Naging malungkot si Bea sa natanong nya.
"H-Hindi naman, never ko pa kasing nakikita ang tunay ko tatay. Iniwan na kasi ng papa ko si mama nuong pinagbubuntis nya pa lang ako."
"Yung mama mo naman? Nasaan sya?"
Natahimik sandali si Bea bago sumagot ulit.
"She's dead."
"... i'm sorry."
"Don't be, ganun lang talaga ang buhay." Aniya.
Medyo matagal ang paglalakad na ginawa nila bago sila makarating sa terminal. After nilang magbayad ng ticket ay nasakay na sila at magkatabi pa. Nagtalo pa ang dalawa kung sino uupo sa may gilid ng bintana. Sa huli, si Dawn ang nanalo dahil pinagbigyan na lang ito ni Bea.
"Tch, kung'di ka lang bata hindi kita pagbibigyan." Inis na sambit ni Bea.
Natawa si Dawn.
"Yeah, thankyou ate. Hahaha!"
Napahampas na lang si Bea sa braso nya, "Aray, binibiro ka lang ah?"
"Hindi tayo close para makipagbiruan ka sa'kin."
"Ah, okay. So hindi rin tayo close para bigyan kita nito." Sabi ni Dawn ng kuhain nya yung malaking Nova.
Lumaki ang simangot ni Bea. Mahilig pa naman sya sa Nova.
"Anduga naman oh."
"Bakit? Hindi nga tayo close diba?"
"Edi hindi."
"Pffft, ahahaha!" Nang buksan ni Dawn ang chichirya ay inalok nya din naman si Bea. "Oh, kuha ka na."
Sinamaan lang sya ng tingin ni Bea.
"Uy, inaalok ka na nga, aarte pa?"
"Oh ito ah! Kukuha na ko, thankyou!" Sarcastic na sagot ni Bea.
Di naman mapigilang tumawa ni Dawn, naisip nyang mas pikon pa ang mas nakakatanda kaysa sa kanya. Masungit na din dahil sa tuwing nagtatama ang mata nila, iniirapan sya ni Bea. Walang nagawa si Dawn kung'di intindihin na lang ito.
"Thanks." Dinig nyang bulong ni Bea ng maubos na nila ang kinakain nila.
Napangiti lang si Dawn at mayamaya'y naramdaman na nilang umandar ang bus na sinasakyan nila. "Nice, ilang oras ba bago tayo makakarating sa Benguet nito?"
"Hmm, i think 8 to 10 hours? Depende pa sa traffic yon." Sagot ni Bea.
Napanganga si Dawn, "Antagal naman nun!"
"Malamang."
"Wala pa ba ibang option na mas mabilis?"
"Paliparin mo 'tong bus kung kaya mo."
"Hayst, matutulog na nga muna ako." Tinalikuran na ni Dawn si Bea. Napa-ikot lang ang mata ni Bea dahil ang moody ng lalaki na kasama nya, kanina nakangiti lang pero nagsusungit na. Bipolar daw ata.
Imbyernang-imbyerna si Dawn sa kalagayan nya, kanina lang ay maganda na ang panaginip nya sa pagtulog nya pero naudlot ito ng magising sya sa sobrang ngalay. Nakatulog din si Bea at umunan sa kanyang braso.Inayos naman ni Dawn si Bea ngunit malikot ito matulog, muli itong sumandal sa kanya at niyakap pa sya. Biglang napalunok si Dawn ng maramdam nya ang dibdib ni Bea na sobrang dikit sa kanyang braso. "Pasalamat ka't mabait akong lalaki." Bulong niya at inilayo muli si Bea sa kanya.Kinuha niya ang kanyang bag at nilagay sa lap nya, then dahan-dahan nyang hinila si Bea at ipinwesto ang ulo nito sa bag nya. Napangiti sya ng maisip nya na parang sya ang mas nakakatanda na nag-aalaga sa babaeng ito.Muling nainip si Dawn kaya't pinagdiskitahan nya na lang ang buhok ni Bea, nadismaya pa sya ng hawakan nya ang buhok ni Bea. Masyadong dry, di nakakatuwang hawakan. Napabuntong hininga na lang sya at napatingin na lang sa labas
"My gahd! I can't believe pinagkamalan tayong magboyfriend-girlfriend, like eww! Sinong magkakagusto sa lalaki na 'to." Sambit ni Bea sa kaniyang sarili.Nakalabas na sila sa karinderya at nag-i-ice cream.Napangisi si Dawn at halata sa hitsura nya na naiirita sya, "Wow, makasabi ka ng ganyan parang ang ganda mo ah?""Di ko naman sinasabing panget ka, ampanget lang sayo yang pagka-manyakis mo, hmp.""Sabing aksidente lang yun diba? Tsaka wag kang feeling na gusto kitang pagsamantalahan, you're not my type." Natawa si Dawn na medyo sarcastic ang dating.Napahinto si Bea at tinignan si Dawn mula ulo hanggang paa, "Don't worry, the feeling is mutual. Hindi rin kita type, at hindi din ako nagfi-feeling ha? Bwisit ka talaga.""Tss, yeah whatever."Nang matapos na silang kumain ng icecream ay bumalik na sila sa bus. Pagkabalik nila sa pwesto ni
Hingal na hingal ang dalawa ng malayo na ang narating nila. Napasalampak na si Bea sa lapag at, napabuga lamang ng hangin si Dawn.Nagulat na lang si Bea ng biglang tumawa si Dawn. "W-What's funny?""Mm, nothing." Aniya't mayrong napakalaking ngiti.Napa-iwas lang ng tingin si Bea, at patuloy na tumawa lang si Dawn."Tumigil ka nga dyan, nakaka-irita ka na.""Sorry na po----girlfriend ko! HAHAHAHA!"Namula si Bea sa sinabi ni Dawn, parang gusto nya balikan 'yung lalaki kanina at kunin ang baril nito tsaka pagbabarilin si Dawn. "Uuuugh! Manahimik ka nga! Nakakarindi ka na.""Pffft, okay-okay! Pero ano gusto mong tawagan natin? Bhebheqouh? Or babe lang? Hahahaha!"Nabatukan sya tuloy ni Bea, iritado na talaga sya sa pang-aasar ni Dawn."Aray naman bhebhe ko, maaalog utak ko sayo."
Nang makacheck-in na sila sa motel, medyo maliit na kwarto na may iisang kama ang ibinigay sa kanila. Ang gusto sana ni Bea ay yung may dalawang kama, ngunit mas mahal iyon. Kulang pa ang pera na dala nilang dala.Pagkapasok nila sa kwarto ay agad binato ni Bea ang bag nya sa kama at humiga rito. "I'll sleep here, sa lapag ka.""Ayoko nga! Ansakit sa likod pag sa lapag." Angal ni Dawn.Ibinaba nya naman ang bag nya sa isang tabi at naupo sa gilid ng kama. "Ikaw na lang sa lapag." Sabi nya.Napa-awang bibig ni Bea, "Hoy, babae ako. Ikaw mag-adjust since ikaw ang lalaki.""Mas bata ako, ate kita! Ba naman yan.""Kahit na! Ako dito, ikaw doon sa lapag." Nagtalo nanaman ang dalawa."Bwisit na yan, asaan na ang gender equality!? Nakakabanas naman! Ansakit kaya nung likod ko kagabi sa lapag ng apartment mo." Reklamo ni Dawn, hihiga sana sya sa
Nang makalabas si Dawn sa motel ay naglakad-lakad lang sya, medyo mainit pa rin ang mukha nya dahil nahihiya sya sa nagawa nya kay Bea. It was fun, pero matatanda na nga pala sila. Mamaya ang harutang ganun mapunta sa ibang bagay."Hi kuya pogi!" Napatingin sya sa babaeng tumawag sa kanya. Alam nyang sya yung tinatawag kasi bukod sa Dawn, handsome, gwapo, cutie isa din sa palayaw nya ang pogi."Ano 'yon?" Nakangiting tanong nito sa babae. Natuwa naman ang babae ng pansinin sya nito. Sabi na nga ba sya talaga yung pogi na tinatawag nito."Punta po kayo mamaya sa Happy Place Bar, masaya dun! Mayrong masayang ganap dun mamaya." Aya nito.Natawa lang si Dawn, "Naku, minor pa ko.""Weeeh, hindi po obvious kuya pogi." Nagbyutipol eyes pa ito."Pero sige, pupunta ako mamaya. Saan ba?""Daan po kayo dito then kakaliwa. Makikita nyo din kaagad ang
"Table for two, please." Sabi ni Dawn sa waiter."Okay sir, please follow me." Aniya't sinundan nina Bea at Dawn ang waiter.Nang makaupo na sila ay babalikan pa daw sila ng waiter para makuha ang order nila. Napahikab lang si Bea dahil nabo-bored sya. "Uy Dawn, anong oorderin mo?" Tanong nya"Hmm, hindi ko pa alam. Kita mo namang wala akong menu na hawak diba?" Pambabara niya kay Bea.Umikot ang eye balls ni Bea at kinuha yung bread knife, tinutok nya ito kay Dawn. "Alam mo kanina ko pa gusto putulin yang dila mo na yan.""Naku wag po ate Bea, mamimiss mo yung pagtawag ko sayo ng bhebhe ko.""Yan! Yan talaga ang dahilan kung bakit ko gusto putulin dila mo." Tumawa nanaman si Dawn sa kanya."Sabing wag mo putulin 'to di mo pa nga natitikman e.""Huh?" Di kagad nagets ni Bea yung sinabi ni Dawn, medyo slow ang ate nyo.
Pagkatapos nilang kumain, inaya naman ni Dawn pumunta sila sa Happy Place Bar, ang tinuro sa kaniya kanina ng babaeng tumawag sa kanyang pogi. Hindi pumayag si Bea nong una pero napapayag din ito kaagad ni Dawn dahil binantaan nyang babawasan nya yung ibabayad nya ka Bea."Speaking of that, bakit nga pala wala sa bag mo yung mga pera kanina? Did you lost it?" Tanong ni Bea."Wag mong alalahanin yun, nakalimutan ko lang ilagay yun sa bag ko nong nasa apartment tayo. Naiwan ko sa bahay mo, kaya kahit takasan kita meron ka pa ring pera." Natatawang sagot ni Dawn."Ah, burara ka pala.""Grabe! Nakalimutan ko lang yon, burara na ko kagad.""Pera mo na napakalaking halaga nakalimutan mo!? Grabeee, kailangan mo yata ng psychiatrist, may mali sa utak mo.""Oo nga eh, ikaw dahilan kung bakit ako ganito.""Manahimik ka na nga!" Uminit mukha ni Bea.
"D-Dawn, anu ba! Ayoko nga sabi!" Sabi ni Bea ng mahila sya ni Dawn.Napanguso ito sa kanya, "Pag ayaw mo hahalikan kita.""Yuck, no way!""Edi sayaw na lang tayo!" At napilitan syang sumakay sa trip ni Dawn.Gusto kitang isayaw ng mabagal,Gusto kitang isayaw ng mabagal.Hawak kamay, pikit mata,Sumasabay sa musikaDi magawang makipagtinginan si Bea kay Dawn, titig na titig ito sa kanya. Feeling nya nga malulusaw na sya sa mga tingin nito eh. Hinawakan sya ni Dawn sa bewang at napahawak naman sya sa mga balikat nito."Ayiieee, kinikilig ako bhebhe.""Baliw ka Dawn!""True, nababaliw ako sayo."Gusto kitang isayaw ng mabagal,Eto na ang kantang hinihintay natin,Eto na ang pagkakataon na sabihin sa iyoAng nararamdaman ng puso koMatagal ko ng gusto