Chapter 2

"You're all 3 seconds late." Matigas na ani ng lalaking nakatalikod sa harap nila. Infairness malapad ang likod sa tantiya niya'y 6 footer to. Kasalukuyan itong nakatingin sa glass window kaya di niya makita ang mukha. Yummy ang likod panu pa  kaya ang mukha.

"P-pasensiya na po Mr. Sarin traffic po kas--" 

Nanginginig na ani ni Brandy kawawang bakla.

"FUCK THAT ALIBI! Don't get near me you bunch of wenches." 

Malakas na singhal nito at parang nandidiring nakatingin sa kanila. Agad na napairap ang dalaga sa inakto ng binata. Napapiksi na silang tatlo at napahawak sa kaniya si Balosh. Maingat na nahigit ng dalaga ang hininga ng humarap sa kanila si yummy at literal na nakurot niya ang pwet niya. Napakagwapo kasi at inapakan niya si Balosh. Mukhang timang lang balot na balot eh. Itim pa lahat ng suot mula sa boots nito hanggang sa gloves at mask niya. 

"Arayyy!" Mahina at nagpipigil na masigaw na ani ni Balosh na halatang naga gwapohan din sa kaharap nilang yummy. Kawawa talaga sa dami ng tunnel sa mukha nito mas lalong pumangit dahil lumalaki na ang mata niya.

"Bruha ka inapakan mo ang byotipol paa ko. Talagang patay ka sakin mamaya babae ka." Nanlalaki ang matang ani niya sa dalag na ipit na ipit pa ang boses. Napa peace sign na lamang ang dalaga.

"Hoy mga stupida. Magsitigil nga kayo diyan. Tara na mabuti't parang nagandahan sayo si Mr. Sarin bruha ka. Bilis na dun tayo sa table niya't ayaw niyang pinaghihintay. Mga boba talaga alam kong gwapong-gwapo kayo sa kaniya. Business before pleasures okay? Kaloka kayo! Pigilan niyo yang kalandian niyo." 

Isa pa tong si Brandy eh. Panira ke sarap supalpalin. Anang isip ng dalaga.

"Ano ba kayong dalawa ang ho-hot niyo. Grabe kayo para namang papatayin kayo haler? ke anong problema kalma lang." Mahinang aniya't pinaikot ang mata niya.

"Nasasabi mo lang yan kasi hindi ikaw ang nasigawan bruha ka!" Inis  na ani Brandy at naunang nang lumabas sa kanila. Natahimik na lamang ang dalaga ang laki na ng butas ng ilong eh galit na galit gusto manakit.

"Mamaya ka talaga sa bahay bruha ka't malilintikan ka sakin. Naiinis ako sayo gorl kung alam mo lang. Di ka na naawa sa ingrown ko bruha ka." Maiyak iyak na ani ni Balosh. Napahagikhik nalang siya. Alangan namang umiyak siya diba? Sayang ang ganda para luluha lang. 

"Ikain mo nalang yan Balosh gutom lang yan. Ang daming papabols mamaya sa venue mag retouch ka nalang kesa magtatalak ka diyan. Ikaw din sayang ang byoti mo maraming papa ang mahuhumaling sayo dun."  Pangloloko niya sa bakla mukhang kinagat naman ng bakla kaya napahinga siya ng maluwag.

"Balosh hindi ako makahinga. Ba't ang sikip ng bra ko parang luluwa na ata itong avocado ko." Reklamo niya ang sikip kasi eh. Parang luluwa pa sa damit niya.

"Gaga push up bra ang tawag diyan. Hayaan mo na sa larangang ito katawan at mukha mo ang pinagkikitaan natin. Ang inportante dito hindi ka nagbebenta ng laman jusko day." Mahabang litanya niya't inirapan siya. Agad naman silang sumakay sa kotse ni Brandy. 

"Eh Balosh paano ba mag benta ng laman? Malaki ba kikitain dun?" Tanong niya na rin beke nemen diba?

"Gaga, yan ang wag na wag mong gagawin Marija. Sayang yan ganda mo tapos kung sino-sino lang titikim sayo. Jusko day magtinda ka nalang ng balut araw-araw baka kako may maawa pa sayo't aasawahin ka ng mayaman."  Ani ni Brandy na nagce-cellphone na  naman.

"Hay naku ano ba  kayo? Magbebenta lang naman ako hindi magpapatikim. Tsaka mag drive ka nga diyan Brandy wag puro cellphone. Pag tayo mahuli ng PLDT patay tayo. Ikaw din sayang ang 100k per day." 

Aniya't kinalikot ang kuko niya. Unti-unti niya namang tiningnan ang dalawang bakla at agad na napasiksik sa gilid ng kotse isa-isa ba naman siyang pinagpapalo ng dalawa.

"Gaga ka ang pagbebenta ng laman ay pagpapatikim ng katawan mo sa mga kalalakihan at may kapalit na kwarta. In short prosti gets mo?" Inis na ani sa kaniya ni Brandy. Malay niya ba na iisa pala yun?

"And FYI Marija MMDA hindi PLDT gagang to. Mas mabuti sigurong wag ka na magsalita at baka di ako makapagpigil masasabunotan na kita." Reklamo ni Balosh parang hindi nga nagbibiro ang bakla kaya nanahimik na siya sa gilid. Baka tumaas pa ang BP nila siya pa dahilan ng pagpanaw.

"Gaga nasan ka na ba? Kanina pa kami naghihintay dito sa opisina. Bubuga na ang dragon dito sa galit. Ilang sandali nalang ay andito na si Mr. Sarin." 

Galit na bungad sa kaniya ni Balosh. Kasalukuyan siyang tumatawag sa dalaga. Nalingat lang ito sandali ang mga  bruha nauna na pala sa kaniya. Nginitian ng dalaga ang babae sa reception area na hindi man lang nag-abalang tingnan siya. Wala naman siyang paki. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang akmang sasarado na ang lift. Mabilis na tumakbo siya papunta at napasigaw. Huli na ng mapagtatnto niyang nakaka eskandalo na pala siya.

"Tabiiiiii!" 

Agad namang nagsi tabihan ang mga empleyado at nanlalaki ang mga matang nakatingin sakaniya. She closed her eyes and smiled so wide.

"Whooo! Success!"  Masigla niyang ani at akmang papasok sa gitna. She looked at the three persons inside. Mukhang hindi makapaniwala ang dalawang naka black suit habang nakatingin sa kaniya. Tinaasan niya ito ng kilay. Ngayon lang ata nakakita ng Diyosa. Ang nasa gitna naman ay salubong ang kilay na nakatingin sa kaniya habang nakapamulsa. Umirap siya't akmang tatalikod ng maramdamang naipit ang damit niya at napunit. Huli na nang mapagtanto niyang wala na siyang suot na damit. Nilamon na ng pesteng elevator. Nanlaki ang mga mata niyang napatingin sa tatlong lalaki na kasabay nito.

"HUWAG KAYONG TUMINGIN! MGA BASTOS TUMALIKOD KAYO!" 

Nagpa panic na sambit niya't agad namang napatalikod ang dalawang naka suit ngunit ang nasa gitna ay nanatiling nakatingin sa kaniya. Halata ang pagka disgusto sa nakikita. 

"Hoy! Ikaw ba't di ka tumalikod? Tumalikod ka walang hiya ano pang hinihintay mo pasko? Malayo pang pasko uy! February pa ngayon. Kita na ngang hubo't hubad na ako ni wala man lang respito naku---

Akmang magsasalita yung lalaki sa gilid na may kulot na buhok ng pinanlisikan niya ito ng mata. 

"Hep! Wag ka nang sumabat kulot ka! Sabi nang tumalikod eh nakakainis. Isang titig pa at maba black eye ka sakin." 

Agad niyang pinakita ang kamao't tiningnan ng masama ang nasa  gitna. Para itong walang nakita. Ang bastos talaga napaka bastos. Mabilis niyang kinuha ang isang dress sa bag niya't nagbihis. 

"Oh ba't titig na titig ka sakin? Kayo talagang mga lalaki nakakita lang ng babaeng hubad tumitigas na yang mga putotoy niyo. Ni hindi na kayo nahiya sa lipunan. Kawawa ang mga bata sa lansangan dahil sa inyo eh. Magaling lang kayong magpatigas ng putotoy niyo pero di kayo marunong manindigan. Nakakahiya kayo! Oh anong tinitingin-tingin mo diyan? Siguro hinahalay mo na ako sa isipan mo noh? Ang kapal talaga."

Naiinis niyang ani at sinundot sundot ang dibdib nito na ang tigas pala. Anyway nakakawala talaga ng gana  ang mga lalaking magaling lang sa kama. Mga animal!

"Out." Malaki at malamig na boses ang pumailanlang sa loob ng lift. 

"A-ano?" 

Napapantiskuhang sambit ng dalaga. Ang galing! Parang walang nakita ah. 

"Don't make me repeat, stupid." 

Galit na aniya. Napakislot naman siya kaya agad na lumabas nasa 15th floor na pala sila. Sakto nandito sina Balosh at Brandy. Naramdaman niyang may nakatingin sa kaniya kaya agad siyang napatanga. Ngayon niya lang napansin. Napaka gwapo pala ng lalaki. Ni hindi niya napansin ito kanina ah. Hmm, medyo pamilyar ang postura. Ni hindi niya namalayang napapatitig na pala siya dito. Men! Ang gwapo ang tangos ng ilong mahahaba at malalantik ang pilik mata ang mga labi nitong parang kay sarap lamukusin ng halik ang buhok nitong medyo kulot pero bagay na bagay sa napaka masculine niyang jawline at ang mga matang tila nangungusap. Ang katawan pa nitong siguradong pag-aagawan ng mga kababaihan. 

"Tsk, close your mouth stupid witch." 

Tiningnan niya ang dalaga mula ulo hanggang paa at inismiran. Tila nandiri pa ito ng pahiran niys ang gilid ng bibig niya. Tumulo pala laway niya.

sheet! Nakakahiya ka Marija.

"You're not worth looking at. You're not even beautiful so don't act like you've been harassed." 

At tumalikod na para namang mga baka ang dalawang lalaking nakasunod sa kaniya. 

"Give me my alcohol. Tell my private cleaner to clean my private lift thoroughly. Make sure that it's germs and bacteria free. Use the gadget every minute to detect if my lift has dirts understand?" 

Ma otoridad na ani nung gwapo agad namang nagsi oo han ang dalawa si kalbo at kulot. Ang tagal bago na digest ng utak niya ang sinabi ng binata. Nang mapagtanto niyang ininsulto siya ng kumag talagang naramdaman niyang tumaas ang kaniyang BP. Shit! Sino ba siya sa akala niya? Di porket napaka gwapo niya ay basta-basta niya nalang itong insultohin at talikuran bakit di man lang siya nakatikim ng halik este siya ng sampal. Di pwede to niyurakan niya ang kaniyang pagka babae. Nagmamadali itong sinundan siya't malakas na binuksan ang opisina na pinasukan niya. Magsasalita na sana ang dalaga ng agarang may humila sa kaniya sa gilid. 

"Ano ba---" 

"Magsalita ka pa't ngunguyain kita ng buhay letse ka! Kanina pa kami naghihintay sayo nandito na si Mr. Sarin" 

Galit na dada ni Balosh. Maging si Brandy ay ang sama-sama ng tingin sa kaniya. Agad siyang nag peace sign at ngumiti ng napakalaki. Inirapan lang siya ng bruha at inismiran. Ang sarap talagang supalpalin. Nanahimik na lamang siya't inayos ang damit. Agad silang napatayo ng tawagin sila papasok sa pinaka main na opisina ng may-ari. Agad na napalingon siya sa gilid ng makita ang lalaking inaway-away niya kanina. Binasa niya ang nakasulat sa glass na  nakapatong sa ibabaw ng mamahalin nitong mesa. Marcos Theus H. Sarin CEO/Chairman. Literal na napanganga siya't yumuko ng yumuko. Nakakahiya ano ba kasing klaseng araw ito? 

"I need to have the result as soon as possible Mr. Brandy Futa." 

Baritonong boses ang pumailanlang sa tahimik na opisina. Para siyang kiniliti sa tawag niyang Mr kay Brandy. Naka tube summer dress na nga ito Mr. Pa rin ang naisipang itawag. Napailing-iling siya't napa igik  ng kurutin siya ni Balosh. 

"Bakit?" 

"Huwag kang yumuko tinititigan ka ni Mr. Sarin pusa ka." 

Pigil na pigil ang boses ni Balosh na sabi sa kaniya. Ayaw niya sanang tumingala pero kinukurot siya nito. Ang sakit lang eh parang alimango ang kamay. Agad na nagsalubong ang kilay ni Mr. Sarin ng makita siya.

"Oh the stupid one. What is she doing here?"  

Kunot ang noong tanong niya. 

"H-hi M-mr Sarin." Nahihiyang bati niya rito. Kung pwede lang lamunin siya ng lupa matagal na siyang nagpalamon. Litse! Nakakahiya kung anu-ano pa naman ang nasabi niya dito sa kaniya  kanina.

Tbc

Zerenette

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status