Share

Chapter 6

"Oh hi pretty Marija." Nakangising bati sakin ni Yco at tumabi.

"Uyy si Sir chansing na naman kay Marija." 

Tukso sa kanila ni Bela agad naman siyang napangiti ng palihim. Kilig much. Nahinto lang ang pag ngisi niya ng mamataang nakatitig sakaniya si Marco. Tinaasan niya ito ng kilay at nakipag usap kay Yco.

"Akala ko ba ayaw niyan sa mga public place ba't andito yan?" 

Mahinang aniya. Agad namang lumapit at bumulong sakaniya mas lalo pa tuloy siyang kinilig dahil sa hanging dumadampi sa tenga niya tuwing nagsasalita siya. Napaka landi!

"He's just checking out his bar. But maybe he's here to see you." 

Nakangising sagot nito. Agad naman siyang kinilabutan at hinampas ng mahina ang siko ni Yco. Rawr! Ang tigas!

"Kilabutan ka nga. Mukhang timang yang pinsan mo pinaglihi yata yan sa sama ng loob." 

Aniya ng pairap. Agad naman siyang napatawa at napailing-iling.

"You like him don't you?" 

Tudyo pa nito sa kaniya.

"FYI, nasa tamang posisyon pa ang turnilyo ng utak ko noh. Kilabutan ka nga. Pinagsasabi mo. Naiinis lang ako kung makatingin sa mga tao dito parang diring-diri siya kala mo naman."

"He's a cleanfreak Mari. You should understand him. I know i'm not in the right place to say but after his accident before, he experienced this unusual trauma. He's allergic to dirts." 

Paliwanag ni Yco. Napatango naman siya sa sinabi nito.

"May ganun bang klase ng trauma?" 

"Unfortunately yes, people often misunderstand my cousins situation. But it doesn't change his lifestyle anyway. Kasi noon paman ilag na yan sa mga tao."

"Pansin ko nga rin." 

Aniya'r nagtawanan sila. Tiningnan niya ito sa bandang gilid. Ang sama-sama ng tingin nito sakaniya. Gwapo sana ang sama lang ng ugali. 

"I need to go. I'm having an eye sore here." 

Kunot-noong ani ni Marcos at mabilis na lumabas. Kitang kita naman ang pagka dismaya ng mga kasamahan ko pag-alis niya. Ni hindi na nakapagsalita si Yco. Hinayaan ko na rin pagod na rin akong makipagtalo sa kaniya.

-------------

"Ms. Maldevar here's your schedule for the first semester." 

Mabilis niyang kinuha ang crosswise paper at napangiti. Sa wakas makakapag-aral na siya. 

"Hi Miss." Bati sakaniya ng mga nagkukumpulang mga estudyante. Halata dsa mga  mukha nito ang paghanga. Nginitian niya lamang sila at naglakad na palabas ng College University. May na at ngayon ang enrollment. Buti nalang din at nakapasa siya sa entrance exam at may kaunting ipon kaya less hassle. Isang buwan na lang din naman at start na ng pag-aaral niya.

"Kumusta nak?" 

Bungad sakaniya ng kanyang nanay Apple mula sa pinto. Nakangiting iwinawagayway niya sa harap niya ang papel. 

"Ahhhh!! Salamat naman!" 

Tili nito. Labis ang kasiyahan sa mukha niya. Salamat sa hinayupak na yun nakaipon sila at nagkaroon ng maliit na tindahan at pwesto sa palengke. Sapat para sa kanilang mag-ina. Hindi niya biological mother si nanay Apple. Siya ang nagpalaki sakaniya nung iwan sya ng kaniyang butihing ina na sinisipon at nilalagnat sa harap ng bahay. Naayos na rin ang bahay nila, kung noon ay amakan lang ngayon naka whole hallowblock na at nabayaran na rin nila ang tubos ng lupa. Tinulungan na rin sila ni Balosh at Brandy na makuha ang titulo ng lupa. Sa nakalipas na tatlong buwan masasabi niyang sa tatlong araw na yon ang laki ng pinagbago ng buhay nila ng kaniyang nanay. Wala na rin siyang balita sa Sarin na yon. Ang alam niya lang successful ang launching ng bagong produkto nito't masaya na rin siya't tinangkilik ng mga tao ang pagiging brand model niya. Sa ngayon rumaraket pa rin naman siya sa mga modelling agency. Kailangan niya talagang mag-ipon lalo na't medyo may pagka mahal ang tuition fee. 50% lang ang na avail niyang scholarship kaya ang another 50% ay kailangan niyang bayaran kaya todo kayod siya sa buhay. 

"Si nanay akala mo naman diploma ang hawak ko." 

Natatawa niyang ani.

"Pabayaan mo na nak alam mo namang masayang-masaya ako dahil sa wakas nagkatotoo na rin ang pangarap mo. Tsaka pinaghirapan mo yan noh. Lubos kang pinagpala kasi ang bait-bait mo." 

Nakangiting ani ng nanay niya. Agad  itong napayakap sa kaniya ng mahigpit.

"Mas mabait ka nay. Kung di dahil sayo baka kung saan-saang lupalop na ako napunta. Baka nga hindi na ako humihinga eh. Kaya salamat sayo." 

Mahal na mahal niya ito. Lahat kaya niyang gawin para sa kanilang dalawa.

"Nay, alis na po ako. Mag-iingat kayo sa palengke ha pupunta din agad ako dun pagkatapos ng klase ko mamaya." 

Nagmamdali niyang sinuot ang sapatos niyang FILA na inorder pa sa online shop ni Balosh. Ayun ang bakla doble kayod para sa pamilya niya. Nagta-trabaho sa bagong bukas niyang parlor at nag-o-online business na rin. Si Brandy naman patuloy pa rin ang career niya sa pagiging photographer may studio na rin siya. 

"Sige anak ingat ka." 

Agad niyang pinara si Manong Lino suki niya ito papunta sa Unibersidad na pinapasukan niya. Sa tricycle na siya nagsuklay mamaya nalang siya magpo-polbo pag may time dahil late na talaga siya. Tumakbo na siya't papasok ng gate at buti nalang nandon pa si Rodelita ang bago niyang kaibigan dito.

"Naku Marija nahiya naman itong ingrown ko dito kakahintay sayo tingin ko nga inuugat na ito rito." 

Himutok niya at talagang lumalaki ang butas ng ilong nito. Likas na malaki talaga ang ilong niya pero maganda naman siya in her own little way.

"Yaan mo na. Ngayon lang naman. Tayo na't baka magka fines pa tayo dahil late tayo." 

"Buti alam mo, pag talaga marked late tayo ikaw magbabayad." 

Pangongonsensiya niya pa.

"Oo na sorry na nga diba?"  Giit niya at niyakap ang braso nito.

"Okay, kung di ka lang maganda naku!" 

"Sus! Kung alam ko lang kaya mo lang naman ako kinaibigan kasi seatmate ko sa Philo ang crush mo." 

Untag nito sa kaniya na ikinairap niya. Pero halatang kinikilig ng sinali sa usapan ang crush niya.

"Kung ba't naman kasi ang ganda mo eh. Nakakainis ka!" 

Umiling na lamang siya't hinila na siya papasok sa Gymnasium. Minsan talaga nalulula pa rin siya sa laki ng eskwelahang ito. 

"Hi Marija." Nakangiting bati sakaniya ng mga  nagkukumpulang mga estudyante nung dumaan sila sa kinauupoan nito. Medyo nasasanay na rin siya sa mga pagpapansin ng mga estudyante rito. 

"Hello boys."  Bati pabalik ni Rodelita sa kanila.

"Boooo!!!" Nagtawanan sila't pinagtawanan siya. Napailing na lamang siya't hinila na si Rode sa bakanteng upoan.

"Mga bwiset na mga bubwit apaka choosy." 

Inis na aniya at padabog na umupo. Naupo na lang din siya't nakinig na sa nagsasalita na Dean. Nagulat naman ang dalaga ng may padabog na umupo sa tabi niya. Hahayaan niya nalang  sana pero parang sinasadya talagang banggain ang siko niya.

"Ahem." Tikhim niya't nginisihan ng sarkastiko ang katabi.

"Ano?" Nakataas kilay na tanong nito sa kaniya. Napaka maldito naman nito ang sarap upakan ah. 

"Yung kamay niyo po kasi po." Sagot niyang naaasar sa tingin niyang parang nangangain.

"What about my hands?" Tanong niya na napaka angas pa rin. Bwesit na lalaking to.

"Hoy ikaw! Kung anong trip mo sa buhay wag mo kong isali ha. Nakakabanas ka na. Yang kamay mo ilayo mo sakin tinatamaan ang tagiliran ko adik na to." 

Irap niya dito. Parang di siya  makapaniwalang nakatingin sakin.

"Di mo ba ako kilala?" 

"Kung kilala kita sana hindi kita tinawag na hoy. Common sense nga diyan." 

Walang reaksiyon ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya at humalakhak ng napakalakas. Naalarma naman agad siya at yumuko. Pinagtitinginan na kasi sila ng mga estudyante. Maging ang Dean ay nakatingin na sa kanila.

"Bwesit na pahamak na to." 

Mahinang bulong niya't siniko si Rodelita.

"Bakit?" Aniya. Ni hindi niya napansin na pinagtitinginan na sila ng mga estudyante. Nakayuko kasi natutulog. Isa pa tong pahamak eh. Ininguso niya ang sa gilid niya. At talagang ngumunguso rin si Rodelita napaka slow. Ilang nguso pa't na gets din niya. Agad nanlaki ang mga mata  niya at tumingin sa kaniya.

"Ang gwapo niya Marija ang swerte-swerte mo di mo ba kilala yan?" Nagniningning ang mga mata nitong ani sa kaniya. Agad niya itong pinukpok sa ulo.

"Aray naman tingnan mo tong babaeng to."

"Kung kilala ko kasi edi sana di na ako nakipagchukchakan diyan." 

Irap niya dito at lumaki na naman ang mata niya. 

"Top engineering student yan, si Xenon Sarin di mo kilala? Kilalang-kilala yan dito sa University kasi kita mo naman. Obvious naman na gwapo,hot, atsaka varsity yan ng baseball at higit sa lahat ubod ng yaman isa ang pamilya nila sa may pinaka malaking share sa school. Ibig sabihin sa kanila na rin itong school kaya umayos ka diyan at baka ma expel ka pa. Nasa kaniya na talaga ang lahat." 

Kinikilig na aniya. Agad siyang napalingon sa lalaking umiiling-iling at nakataas ang kilay na nakatingin sakaniya. Buti naman at tumahimik na at nagkanya-kanya na ang mga estudyante. Nagpatuloy na rin ang Dean sa pagsasalita. Sumenyas siya na lumapit siya sa kaniya. Kunot ang noong tinignan niya lang ito.

"You know what? You're obviously pretty but you're obviously dumb and dense. But I kinda love it." 

Nakangising aniya at kinindatan siya. 

"Aba't iniinsulto mo yata ako ah. Gago ka ba?

Umuusok na talaga ang ilong niya sa bwesit na to. Gwapo nga ang sama-sama naman ng ugali. 

"What do you think baby?" 

At kumindat na naman ito. Sa inis niya'y piningot niya ang tagiliran nito. 

"Ouch,ow!" Aniya at ngumiti ng pagka tamis-tamis sa kaniya..

Baliw na ata to..

"Incase you don't know my body isn't for free. You have to pay for it big time or else." 

"Or else what?" Kuryoso niyang tanong.

"See those students?" Tukoy nito sa mga  babaeng kanina pa pala nakatingin sa gawi nila. At ang sasama ng tingin nila. Shit! Nagkamali yata siya ng binangga.

"They are my fans club here. Kung ayaw mong awayin ka nila susundin mo lahat ng gusto kong ipagawa sayo." 

Nakakakilabot na tingin ang iginawad nito sa kaniya. Agad siyang napatawa at tiningnan siya.

"Hindi mo pa yata ako kilala. You only know my story but not my name." 

Taas noong aniya. Akala niya kasi.

Agad naman siyang bumunghalit ng tawa at bumulong naman sa kaniya si Rodelita.

"Gaga you only know my name but not my story yun bumanat ka pa mali-mali naman." 

Gagad niya. Napakagat na lamang siya sa labi at pinangangatawan na ang sinabi.

"Ganun pa rin naman yon noh." 

Angil niya sa kaibigan na nagkibit balikat na lang din. Umiiling na tumayo ang bwesit at malaki ang ngiting tumalikod na paalis ng Gymnasium. Ni hindi pa nga nangangalahati ang topic ng Dean. Ni hindi man lang siya tinawag. Hinayaan lang..porket may-ari pwede nang umastang hari tsk..

Tbc

Zerenette

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status