Share

CHAPTER 04

Pang-sampu at pang-huling araw ng aming initiation. Atlast, after 10  days of facing various activities from our Masters and Tribal Chiefs sa initiation ay feeling proud na masasabi naming napag-tagumpayan namin ito with flying colors.

So ayon nga, it’s our last day and we’re celebrating our Hell Night tonight, kung saan lahat ng nag-survive will be baptized at kilalanin bilang isang certified Epsiilonian.

Finally!!

Wearing my Black Cocktail dress, simple make-up, messy bun hair and black ankle rivet high-heeled boots ay excited at magkasabay kaming pumasok nina Maica at Ashley sa loob ng University Theater ng aming school kung saan gaganapin ang Hell night ngayong gabi.

“Shocks! Andaming gwapo beshies!!” ani ni Maica na namamanghang iginala ang mata sa crowd.

“Look! Who’s with Ythann Samaniego.” Walang emosyong saad ni Ash sa tabi ko na agad na nagpalingon kay Maica.

“Asan besh?” energetic na tanong ni Maica at bahagyang niyugyog pa ang balikat ni Ash na ikinairap lang nito. Sa aming tatlo, Maica is the energetic one iyong animong nakalunok ng sampung pakete ng tsokolate bawat araw sa pagiging hyper.

She’s kinda' hype lalo na pagdating kay Ythann Samaniego na ultimate crush niya since we’re in elementary. Yeah, just like me kaya nga siguro kami nag-click nito eh. 

Not like Ash, she’s kinda' wierd at parang may sariling mundo minsan. Perks ng isang matalinong bata na nasobrahan sa pagiging seryoso at higit sa lahat kulang nalang magsuot ito ng malong at saya  para sabihing madre ito. Daig niya pa kasi ang pari at monghe na hindi tinatablan ng kilig at di nakaka-appreciate ng biyaya sa mga kababaihan.

Kahit crush wala eh. Tomboy ata tong si Ash, di niya lang maamin.  Malay namin gandang-ganda na pala siya sa amin ni Maica tapos nahihirapan siyang pumili kaya di niya maamin-amin na Tombi siya. Myghad!!

Sa mahigit tatlong buwan na pag-aaral namin dito sa HS department ay napag-alaman naming sikat pala talaga ang apat na kuwago dito. 

Well, they all have it from looks, talent, charm and even brains. Pero kung gaano sila kakilala sa pagiging gwapo ay mas kilala sila bilang Chickboy ng University. Aba’y parang nanonood kalang ng Meteor Garden sa tuwing napapadaan sila sa harap, gilid o likod mo. May maririnig ka talagang mahinang tili sa mga babaeng nakapalibot dito. At feel na feel naman ng mga loko, mabuti nalang itong si fafa Kem ko seryoso at walang pakialam sa mundo.

Kaya nga I doubt it, tanging si Ythann lang ang pinaniniwalaan kong malanding bebe ng Campus. Ewan ko nga ba’t nahumaling doon ang kaibigan ko eh panigurado naman sakit sa ulo’t -  isip lang ang aabutin niya sa kanya.

“Aissh....Malamang nakawala naman diyan sa puso mo.. ayon oh nakipag-harutan na naman sa iba.” Nanunuyang saad ni Ash kay Maica habang nakatingin sa dulong bahagi ng UT.

“Tse!! Sadyang mabait lang talaga ang bebe ko kaya kailangan niyang maging gentleman sa mga kababaihan na tulad ko, hindi gaya mo na hindi marunong mag-appreciate ng biyaya ni Papa G..” litanya nito at inirapan si Ash na kibit balikat lang na umupo sa bakanteng random table sa tapat namin.

Napabuntong hininga nalang ako at napairap.

Nag-umpisa na ang programa at nagkakasiyahan ang lahat na manonood sa ilang special performance ng SPA students habang si Maica naman ay parang bulate na nanginginig akong hinarap.

“Oh my G, Chrizelle! Ang gwapo naman ng Prince Charming mo, look oh! “ sabi nito habang pinapagalaw ang nakangusong labi na sa bandang kaliwa namin.

Nang marinig ko ang sinabi ni Maica ay bigla nalang akong napalunok.

Aware akong nandito siya pero iba pa rin talaga ang makita siya ng malapitan lalo kung napaka gwapo niya sa suot niyang Gray Tux with his usual signature look. Ang pagiging serious. Nakapamulsa siya  at pawang nakikinig lang sa fellow Supreme Council na kumakausap kay Izrhael.

By the way, Supreme Council nga pala ang apat na Kuwagong  iyon.

Izhrael Von Valencia - SSG President at Supreme Council - Rajah and also a varsity player.

Kem Hallison Cordova -  "Asawa ko, char!" varsity player at Supreme Council - Ranee.

Ythann Cryle Samaniego - varsity player and Gen. Technical Staff of Supreme Council.

Daemon Yiel Alzada - varsity player and Gen. Technical Staff of Supreme Council.

Apat na kuwago kung tawagin ni Ashley.

“Oh itikom mo na iyang bibig mo at baka mapasukan ng hanging may kasamang utot, bahala ka magkaka-bad breathe ka niyan.”  ani ni Maica sa likuran ko na bahagyang sinilip ang mukha ko at hinawakan ang aking baba gamit ang hintuturo nito. Bigla naman akong napa-ayos ng upo at bahagyang tinampal si Maica sa braso. 

Wala sa sariling, napahawak ako sa ulo at bahagyang inayos ang buhok, bakit ba bigla akong na curious sa itsura ko?

Nagulat ako ng bigla akong hinawakan ni Ash sa binti at marahan itong tinapik.

“Tss.. maganda ka na, kaya h'wag kang ma-insecure d'yan. Insecurity kills the cat nga di ba?"

Kunot-noo naman na bumaling si Maica sa amin at parang may malalim na iniisip.

“Hoyy.. hindi ah! Curiousity 'yon! Curiousity kills the cat!” sabi nito at mas lalong humaba pa ang nguso habang nakatitig sa malayong pigura ni Ythann na may kasamang ibang babae.

“Insecurity 'yon! Kaya nga insecure na iyang pagmumukha mo sa babaeng kawayan na kasama nang malanding bebe mo. Eh mas hamak na maganda pa nga ako diyan. Tss...” nakaismid na saad ni Ash.

Nagkatinginan kaming tatlo at sabay na natawa. 

Well, this is us tatlo laban sa lahat.

Naging masaya ang buong program. Pagkatapos mamigay ng awarding of certificates para sa mga new member ng Sigma Mu Epsilon ay kaagad nagbigay ng closing remarks ang Principal namin.

“Once again, thank you and enjoy the night, Epsilonians!!” pagtatapos ng Principal sa kanyang speech.

Masaya kaming lahat na nagsipalakpakan at naghiyawan sa matagumpay nilang events na Math - Science Initiation Week.

Nagkakasiyan na ang lahat.

“Im glad that you’re having fun.” Sabi ng isang pamilyar na boses.

Dahan-dahan kong hinarap ang pinanggalingan ng boses.

“H-hi.” Tanging nasambit ko.

Ngumiti lang ito at muling iginala ang mata sa loob ng UT kung saan halos lahat nang naroon ay nagkakasiyahan na.

“Where are your friends?” pambabasag ko sa katahimikan sa pagitan namin.

“They’re enjoying others company.” kaswal nitong sabi.

“And you?”

Bumaling siya sa akin na bahagyang nakakunot ang noo pero bago pa siya makapagsalita ay bigla nalang nagbago ang music sa dance floor. From hiphop to slow music.

Napalunok ako.

Kusang naglakbay ang isip ko. Ano kaya ang feeling na maisayaw ng isang Kem Hallison Cordova.

Bago pa man makapag-isip ay parang may sariling buhay ang dila kong di man lang nakapag-preno.

“Can I dance with you, Kem?”

This is it pansit.. Wala ng atrasan 'to. Napansin kong bahagya itong nagulat sa aking sinabi.

“M-may I have this dance?” trying to sound cute.

Kunot-noo akong tinitigan at bahagya pang natawa.

“I should be the one asking you for a dance, lady?” 

Ako naman ngayon ang natigilan at bahagyang napahiya pero agad kong binawi ang aking composture.

“Aishhh...C’mon Kem, let’s dance! C’mon!” hinawakan ko ang kamay nito at hinila patungong dance floor.

Naramdaman ko ang mga matang nakatingin sa amin, or let's say sa akin.

I immediately snaked my arms around his neck and ignored the stares around us.

Nagsimula akong humakbang at kusa namang pumalibot ang mga kamay nito sa aking bewang na ikinatindig ng balahibo ko sa batok.

Tahimik lang kaming sumayaw.

“By the way, congrats you're now a certified Epsilonian. Welcome to the club." pabulong nitong saad. 

“Thanks.” Nahihiya kong tugon.

Aba! Ngayon kapa nahiya eh nakaladkad  mo na nga sa gitna tapos makalingkis ka —gandang babae ka?! Pambubuksa ng sariling utak.

“Maganda naman talaga ako!” natigilan ako ng maramdamang nanginig bigla ang balikat ni Kem. 

Is he laughing at me? Wait— did I say it loud? 

Shocks Chrizelle nakakahiya ka talaga!!

“Pffftt.. you’re crazy.” natatawa nitong saad.

Napanguso nalang ako at napayuko dahil sa kahihiyan.

“Cute.” 

Nakayuko itong tiningnan at ng makita itong nakangiti ay bigla nalang akong nahawa sa kanya. Biruin mo iyon ang tinaguriang suplado at snobbish ng school ay ngumiti at tumawa dahil sa akin. 

"Oh well, Im Yza Chrizelle Ardiente."

Nawala ang awkward ambiance sa pagitan namin at nagawa ko siyang matingnan ng malaya.

Wala akong gaanong narinig sa pinagsasabi ng host sa gitna ng stage gayong nasa gitna lang naman kami ng dance floor at naka-mikropono naman ito. Bukod tanging mukha lang ni Kem ang umuokupa ng buong isipan ko sa ngayon.

“Let’s all welcome our special guest for tonight, Ms. Mocha Louise Nillama!!” agad akong bumaling sa harap pero bago paman ay nakita ko pa kung paano bumaling ang mga mata ni Kem sa babaeng nasa itaas ng entablado na may halong paghanga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status