Share

CHAPTER 2

Sobrang sakit ng ulo ko dahil naparami yata akong inom ng alak. Inikot ko pa ng paningin ang kabuuan ng kwarto.

Nasaan ako?

May pumasok na babae sa kwarto at nag-abot sa akin ng kape.

“Miss yung kasama niyong lalaki ay pinapabigay ito sainyo at yung damit niyo po ay ilalagay ko na lang sa table,” paliwanag niya.

“Si—sino yun? Nasaan siya?”

Umiling siya bago sumagot. “Umalis na po siya kanina. Pinapalit niya ang damit mo kagabi at umalis. Bumalik lang siya kanina para tignan ang kalagayan mo,”

Sino kaya iyon? Ang sakit parin ng ulo ko. Tinignan ko yung orasan at 8:30am na. 11am pa ang start ng first class ko pero wala ako sa mood pumasok.

Sa hotel na ako naligo. Umuwi ako para kumuha ng uniform.

Nakasalubong ko si Elizana gumuguhit ng kung ano. Tinawag niya ako ngunit hindi ko na pinansin pa.

Pagdating ko ng school. Agad akong niyakap ni Ysa noong makita ako.

“Isabelle, anong nangyari sayo last night?” nag-aalala niyang tanong.

“I was drunk and---”

Pinutol niya ang sasabihin ko. “Magkasama ba kayo ni James kagabi?”

Kunot-noo ko naman siyang tinignan at nakita kong palapit na rin sina Katherine.

“I was drunk last night. Ang alam ko ay magkasama kami sa kotse then---”

“Si James naaksidente kagabi. Wala ka sa kotse,” dagdag pa ni Katherine.

“Magkasama kami noong mga oras na iyon dahil nawalan siya ng preno,” paliwanag ko.

“Sabi na eh magkasama kayo dahil may nakakita,” ani ni Vien noong makalapit.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa

kanila.

“Si Ysa kasi parang may ibang nararamdaman,” dugtong ni Lorein.

Hindi ko sila masyado maintindihan.

“Nagising ako kanina na nasa hotel. May nagdala daw sa akin,” napapaisip kong sagot.

Lalo silang naguluhan. “Chineck ang mga CCTV, hindi ka nakitang lumabas ng kotse,”

Anong ibig nilang sabihin?

“Wag na kayong manakot. Tara na at baka mag-umpisa na ang klase,” aya ni Ysa.

Naunang pumasok si Katherine at Lorein. Hinawakan ako sa kamay ni Ysa at bumulong.

Iba ang pakiramdam ko sayo Isabelle, mag-iingat ka,” tapos ay pumunta na rin siya ng room nila.

*****BREAKTIME*****

Hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ni Ysa. May biglang humarang na mga ulupong.

Wala ako sa mood makipag-usap sa

kanila pero hindi nila ako tinitigilan.

“Wala ako sa mood so back off or you will die on my arms,” madiin kong sagot sa

kanila.

Hindi sila nagpatinag kaya bibigyan ko sila ng isang laro. Cafeteria pa talaga ang naisip nilang lugar dahil alam nilang hindi ko sila gagantihan kapag maraming tao.

Hindi ako malinis maglaro. Nakikipaglaro lang ako sa mga patagong lugar kaya wala silang ebidensiya sa mga ginagawa ko.

Mukha silang seksyon C dahil nakikita ko sila madalas sa pilahan.

Unang sumugod sa akin ang mukhang leader sa

kanila. Iniiwasan ko lang ang mga kamay nila.

Ang hirap magpigil lalo na at gigil na gigil ako sa mga mukha nilang puno ng kolorete.

Hinawakan ako ng dalawa niyang alalay sa kamay matapos ay sinampal ako.

Tinignan ko siya na puno ng pagbabanta. “Galitin mo na lahat huwag lang ang mas demonyo sayo,” bulong ko at marahang pumikit.

Hinihintay ko na lang na muling dumampi sa mukha ko ang palad niya ngunit ilang segundo na ang nakalilipas ay wala parin.

Pagmulat ko ay nakita kong hawak ang kamay niya ng isang lalaki.

“Kung mag-aaway kayo, huwag dito dahil hindi kayo magandang ehemplo sa iba,” sabi niya matapos ay tumalikod na.

Bago siya tuluyang makaalis ay muli siyang nagsalita. “Ms. Jaydon, go back to your next class,” matapos ay umalis na siya.

Paano niya ako nakilala? Sino siya?

Bumili na muna ako ng Nova at isang bottle ng mineral bago bumalik ng room.

Pagpasok ko ay nandito sa room yung lalaking nasa cafeteria.

Taka ko siyang tinignan at nakipagtitigan naman siya sa akin.

“Why are you looking me like that?” tanong niya na ikinailang ko.

Ahm.. kayo ang bagong history professor namin?” tanong ko at tumango naman siya bilang sagot.

After ng breaktime, muling nagsimula ang klase namin. Sa totoo lang, kakaiba ang nararamdaman ko sakaniya.

Is it love at first sight? He is totally perfect kumbaga ideal man.

Para siyang Hollywood star. Blue eyes at talagang perfectly sa mata ng mga babae.

“Btw. I am Franco Dominguez and you can call me Sir. Franco,” pagpapakilala nito.

“Isa akong half Spanish at half Filipino pero madalas ay pure monster kaya kapag hindi kayo sumunod, hindi niyo gugustuhin ang parusa,” pananakot niya na ikinatawa naman ng iba.

Yung tapang ko sa mga guro ay hindi ko mailabas sakaniya.

“Ms. Jaydon? Are you with us?” tanong niya at ang lahat ay tumingin sa akin.

“Ye-yes sir. I am listening,” sagot ko.

Kumunot naman ang noo ng mga tao sa room.

Hindi yata sila makapaniwala na hindi ako sumagot o namilosopo sa isang guro.

Well, sorry kasi inlove ako.

 *****

After ng mahabang discussion ay nagpagawa siya ng summarize. As usual, hindi ako nakinig kaya wala rin akong naisulat. Ang lahat ay nagpasa na maliban sa akin.

Kami na lang ngayon yung nasa room. Tumayo na ako para magpasa at aalis na sana pero muli niya akong tinawag.

“Ito lang ang lahat ng naintindihan mo sa tinuro ko?” disaappointed ang boses niya.

Doon ay muli ako nakaramdam ng pagkapahiya. Mabuti nalang at kami lang ang tao dito.

“Yes Sir. Hindi naman siguro sukatan ang essay para masabing may natutunan ka,” sagot ko.

Tinitigan niya ako na parang binabasa ang nasa isip ko.

“Then tell me, ano pa mga naintindihan mo na hindi nasulat dito?” hamon niya.

Napalunok na lang ako. Bakit ba kasi mukha siyang anghel kaya ang hirap kalabanin.

“Araw-araw ay natututo tayo at hindi lang dito sa loob ng room kun’di sa nararanasan natin buong araw,” kumpiyansa kong sagot.

Wala pa mang minuto ay sumagot siya.

“Ano ang natutunan mo sa pakikipag-away?”

“Natutunan kong ilagay ang sarili ko sa kapahamakan para iligtas ang iba. At alam mo ba ang mas natutunan ko sir?” tanong ko sakaniya.

“Kahit anong gawin mong tama, mali parin ang tingin ng ibang tao sayo,” dagdag ko bago umalis.

Totoo naman talaga, kahit anong gawin ko ay puro mali lang ang naaalala nila dahil iyon ang nakikita ng kanilang mata sa akin.

Paglabas ko ng room, nakita ko yung mga nakaaway ko kanina sa cafeteria. Nakita nila ako at malakas pa ang loob na tumawa.

Nagdilim na ang paningin ko at sa

kanila naibuhos ang galit.

Pagmulat ko ng mata, nakita ko na lang silang nakahiga na lang at bulagta na sa sahig.

Tahasan ko silang tinitigan at binalaang huwag na magsalita.

Naghanap ako ng sakayan ngunit wala naman dumaraan kahit pagabi pa lang.

Habang naglalakad ako, ramdam kong may sumusunod sa akin na hindi ko na lang pinansin pa. Nagpatugtog na lang ako sa earphone hanggang marating ang bahay namin.

“Ms. Isabelle, hinihintay kana nila mommy mo sa balcony,” sabi ng isa naming katulong.

“Sabihin mong masama ang pakiramdam ko,”

Sinara ko na ang pinto para hindi na siya mamilit pa. Maya-maya ay dinalaw na rin ako ng antok.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status