Share

CHAPTER 04

Pagkaalis nina Reyna at Bernice ay naiwan mag-isa si MeAnn na nahulog sa malalim na pag-iisip. Nakatulala ito at nakatingin lamang sa harap ng salamin. “Bakit kaya ang lakas ng kabog sa dibdib ko? Please relax ka lang MeAnn, kaya mo iyan dahil kahit anong gawin mo wala ng pakialam si Lawrence sa iyo. “ Pang-aalo nito sa kanyang sarili. 

“Haaisst.. Sobrang kinakabahan ako ngayon, iba talaga ang pakiramdam ko sa kanya ng makita ko s’ya. Waaahh.. Ayoko ng ganitong pakiramdam baka magkamali pa ako. Focused ka na nga,“ naiiyak nitong turan ng marinig n’yang tinawag ng stage director ang kanyang pangalan. 

“MeAnn, please be ready your next to perform with the Twilight band.” Pa-snob pa s’ya nitong tinignan. 

“Okay po direk! “ sagot na lamang n’ya and she plastered with a fake smile.

Muling naiwan si MeAnn na malalim ang iniisip at nakikiramdam siya sa bilis na tibok nang kanyang puso. She took a deep sigh and keep herself, to stay calm and relax. 

“Umayos ka nga MeAnn ngayon mo lang nakita ang Macoy na iyan pero bakit ba ganyan, mas gwapo pa s’ya sa ex mo?“ Pabulong nitong sabi sa kanyang konsensya. “Tama na nga iyang kabaliwan mo MeAnn at mag-concentrate ka nalang sa performance na gagawin mo ngayon.“ sagot naman ng kanyang isipan.

Nakapagbihis na si MeAnn at nakapag-ayos na rin sa kanyang sarili nang marinig niyang tawagin ang kanyang pangalan for the next performer kasama ang kanyang banda. But then she suddenly felt nervous and scared to death. Knowing that Macoy Delos Reyes and her ex Lawrence Dela Vega are there waiting for her performance.

Kunting rehearse muna s’ya bago sumalang sa stage at ang unang kanta n’ya para sa gabing ito ay ang "Love you like a lovesong by Selena Gomez.” Sumilip sa dressing room ang stage director at sinabihan s’yang “It's your turn MeAnn and please get ready.“ 

She smiled a bit. “Thank you, direk. I'm ready!” 

Then she heard the announcement from the host. “Please welcome our very own, gorgeous and talented performer for tonight Ms. Mery Ann Dela Cruz!!“ Narinig niyang masigla ang palakpakan mula sa mga audience.

She walk towards the center stage and give them a brilliant smile to her audience. “Maayong gabi sa tanan!! And it's a great evening to all especially to special guests for tonight. This is a very special song to all of you. So, please sing with me guyss..” 

Biglang sumigaw si Reyna mula sa table ng kanilang inuupuan. “I love you sissy...” 

[She smiled sweetly as she started singing. 🎶🎶 ]

“It's been said and done, every beautiful thoughts been sung and I guess right now, here's another one. So your melody will play on and on with the best of 'em. 

"You are beautiful like a dream alive incredible. A centerfold miracle, lyrical, you saved my life again and I want you to know baby...." Raise and wave her hands in the air.

[C'mon and sing with me guyyss.. Wooohh.. ]

"I ,I love you like a lovesong baby.."

[audience participation]

“I, I love you you like a lovesong baby..” 

[Muling kumanta si MeAnn]

“I, I love you like a lovesong baby..and I keep hittin' repeat-peat-peat-peat-peat-peat.."

“Constanly, boy you play through my mind like a symphony. Theres no way to describe what you do to me. You just do to me, what you do and it feels like I’ve been rescued, I’ve been set free.. I am hypnotized by your destiny. You are magical, lyrical, beautiful you are and i want you to know baby..” 

[She shout out with excitement.] 

“Hey.. C'mon.. I, I love you like a lovesong baby..” 

[audience participation] 

“I, I love you like a lovesong baby..” 

[Sumabay na rin si MeAnn.]

“I, I love you like a lovesong baby..and I keep hittin' repeat peat-peat-peat-peat-peat..”

“No one compares, you stand alone to every record I own. 

Music to my heart, thats what you are. A song that goes on and on.. 

I, I love you like a lovesong, baby (3x). And I keep hittin' repeat-peat-peat-peat-peat..

I, I love you like a lovesong baby (3x) love you..like a lovesong..” 

Natapos nito ang kanta na sobrang taas pa rin ng energy mula sa audience, at humihiyaw pa ng another song. Pero kailangan n’yang magpahinga muna para bigyan ng chance na tumugtog ang kanyang bandmates. 

“Well, thank you guyyss for joining me here tonight but I’ll be back later for more.” masaya nitong paalam sa mga audience na pumalakpak pa ng sobrang lakas pagkatalikod nito. 

Pagkatapos ng kanyang unang kanta ay pumalit ang host at ngumiti ng matamis sa lahat. “Thank you so much MeAnn for such a wonderful song at magpahinga muna s’ya while preparing for her next song after a break .

Sa dressing room nagpalit agad ng kanyang damit si MeAnn nang biglang pumasok si Reyna. 

“Sissy..ang galing mo talaga! Biruin mo ang lokang si Bernice nakisayaw pa with the other guest.“ himutok nito sabay yakap ng mahigpit sa kanya.

“Thank you sissy at sinabayan n’yo pa ako kanina kaya nag-eenjoy nalang ako sa show kasama kayo. Tsaka hayaan mo nalang iyan si Bernice sadyang malandi pa sa atin ang lukaret pagdating sa kanyang mga fafabels.“ masaya rin na niyakap si Reyna. 

“Dalian mo na d’yan at doon tayo sa table namin para makilala mo na si sir Macoy at ang kaibigan nitong si Harry.“ May kakaibang kislap sa kanyang mga ngiti ng mabanggit ang pangalan ni Harry.

“Hmmm. Teka lang, anong ibig sabihin n’yang mga ngiti mo? Don’t tell me you like that Harry guy, the Mr. Stranger? Do you really like him, sissy?“ sinusukat ni MeAnn ang kaibigan sa pamamagitan ng mga tingin.

“Ano ka ba nakakahiya, sissy? We’re just friends, you know?! I'm happy with his company.“ she shrugged.

“Friends, but with benefits? Umayos ka nga sissy, tuktukan kita eh hindi ka na natoto sa akin. Nagmahal, nasaktan, nagluksa!! At ang taong nanakit ng damdamin ko, ayon masaya na sa iba.“ may bahid ng lungkot sa kanyang biro.

“Hey, sissy! Move on, isang buwan na kayong hiwalay ng Lorenzo na iyan kaya kalimutan mo na ang mokong mong ex boyfriend. I don’t care his damn reasons of breaking your heart but I guess it’s about time to move out from your shell, sissy. Go out and chillax with other guys dahil marami pa ang mga isda sa dagat.“ mahabang litanya ni Reyna para pagaanin ang kanyang nararamdaman.

“Ang dami mong satsat! Tara na nga sa labas nang makahuli tayo ng malaking isda at may malaking ulo.“ ngisi ni MeAnn at hinatak na palabas ng dressing room ang kanyang kaibigan.

“Pero gusto mo talaga ng malaking isda tapos may malaking ulo?“ ulit n’yang tanong sa sinasabi nito.

“Manahimik ka na nga lang d’yan kainis ka naman sissy. Huwag mo na kasing ulitin pa kasi nakakahiya eh,“ pinong kinurot n’ya ito sa braso.

Sabay na silang lumabas ng dressing room at tinungo ang table nila. Agad naman na tumayo si Bernice para salubungin si MeAnn at Reyna na naglalakad papalapit sa kanilang table. 

“Sis ang galing mo naman talaga, congrats! I’m so proud of you. Kaya lang gusto ko pang sumayaw, ang pogi kasi ng kasayaw ko kanina.“ yakap ni Bernice kay MeAnn at nakipagbeso-beso pa ito sa kanya. 

“Anyways, sissy, I’d like you to meet sir Macoy Delos Reyes and sir Harry Cheng, gentlemen this is our princess Mery Ann Dela Cruz! ” nahihiyang nakipagkamay si Mary Ann sa mga bisita. 

“Thank you po sir Macoy and sir Harry for being here tonight. I hope you’ll enjoyed the rest of the show.” matamis nitong nginitian ang dalawang bisitang lalaki. 

“It’s our pleasure to see a talented performer like you, Mery Ann and congratulations.. ” naiilang siya sa paaran ng pagtitig nito sa kanya.

Parang nalulusaw ang kanyang puso sa mga titig nito. “Pasaway, behave ka nga!” sita nito sa kanyang isipan, kaya tumingin nalang s’ya sa ibang direksyon, para makaiwas sa mapanuksong kaisipan.

Kaya binaling nalang ni MeAnn ang kanyang sarili sa pakikipag-usap sa lahat para hindi n’ya maramdaman ang pagkailang na magkatabi sila ngayon ni Macoy sa table. 

“Sissy, okay ka lang ba d’yan ang tahimik mo yata? Huwag ka ng mahiya sa kanila dahil mabait ang mga iyan.“ bulong ni Reyna sa kanya.

“Oo naman sissy, kaso naiilang ako kay sir Macoy, ang lakas talaga ng dating n’ya kaso nararamdaman kong may mga matang nakasubaybay sa akin. Alam mo ang feeling na ganon? Feeling kong binabantayan ang mga kilos ko eh.“ mahinang sagot ni MeAnn para hindi marinig ni Macoy ang kanyang sinasabi.

“Isa lang ang ibig sabihin n’yan sissy, PRANING KA LANG! Haba naman ng hair mo ateng, akala mo ba tinitignan ka ni Lawrence asa ka pa! Busy ang loko sa bago n’yang kalandian na waitress kaya ikaw focus ka nalang sa amin, okay? Huwag mo ng isipin pa ang hinayupak na iyon.“ inis na sinapok si MeAnn.

“Oh, Reyna may problema ba kayong dalawa ni MeAnn? Bakit mo naman siya sinapok? Akala ko nag-aaway na kayo eh.“ gulat na tanong ni Macoy.

“Wala naman sir inalog ko lang ang ulo niya mukhang natutulog na eh, kung saan-saan na nakarating ang utak niya. Pero okay lang naman kami sir Macoy.“

“Baka napagod lang si MeAnn, kumain ka muna at kung may gusto ka pa na pagkain mag-order ka lang. Akong bahala sa lahat, pero nakakatuwa ahh ang galing mong kumanta at sumayaw.“ asikaso naman ni Macoy sa kanya.

“Hey, ako ang ka-date mo Reyna pero wala naman sa akin ang attention mo. Andito lang ako sa tabi mo pero hindi mo naman ako kinakausap.“ himig tampo ni Harry.

“Ayy.. oo nga pala sorry naman sir Harry na-busy ako sa pasaway kong kaibigan. May kailangan ka ba? Gusto mo ng sugpo? Masarap po iyan, kaso dahan-dahan lanh kung meron kang high blood.“ 

“Wala naman akong ibang gusto, kundi ikaw lang makausap at makakuwentuhan ka lang sapat na sa akin. Basta nasa akin lang ang buong attensyon mo, masaya na ako.“ malumanay na sagot ni Harry at pinisil pa ang kanyang kamay.

Pero nagulat silang pareho ng biglang bumalik sa kanilang table si Julliene at kasama pa nito si ma’am Ruiz. Gulat na gulat si Harry ng makita nitong muli si Ruiz ang babaeng sinusundan niya kanina pero sobrang ilap nito.

“Nawala lang ako saglit may pumalit na agad sa pwesto ko? Pwede bang lumipat ka ng pwesto mo dahil d'yan ako nakaupo.“ taas- kilay na tanong ni Julliene na ikinalingon ng lahat. Si MeAnn ang pinaringgan nito dahil siya ang nakaupo sa dati nitong upuan.

“Honey Yeng! Glad that you’re back. Saan ka ba nagsusuot-suot at ang tagal mong bumalik? By the way, this is Mery Ann kaibigan nila Reyna at Bernice.“ he introduced her to Julliene.

“I don’t care, who the hell you are! Umalis ka d’yan sa kinauupuan mo dahil upuan ko iyan. “ madain na nitong sabi.

“Hold on, Yeng. Magpa-add nalang ako ng table and chairs para mas comfortable tayong makaupo.“ suggest ni Ruiz at kaagad na tinawag si Myrah para magpadagdag ng table and chairs..

Naayos na ang lahat ayon sa gusto ni Julliene, magkatabi na sina Ruiz at Harry, tsaka lumipat na rin si Mery Ann sa kabilang side ni Macoy samantalang si Reyna nasa tabi na ni Bernice magkaharap na sila ngayon ni Harry. Kaya mas lalong naiinis si Reyna sa ginawa ni Julliene ang dating maingay at kulitan biglang tumahimik dahil bumalik na ang bruhilda.

"Are you alright, Reyna?" Pabulong na tanong ni Macoy sa kanya.

"Yes sir Macoy, don't worry ayos lang ako."

"Pasensyahan na ninyo si Julliene, medyo spoiled brat kaya ganyan ang kanyang ugali. Pero mabait naman ang batang iyan depende lang sa mga kasamahan niya."

"Nako sir Macoy, wala jud nay problema sa amoa. Basta buotan kaayo ka ug ang iyahang igsuon na si sir Harry."

"What did you say, Bernice?"

"Ang ibig niyang sabihin sir, walang magiging problema po sa amin iyon, basta mabait naman po kayo at ang kapatid niyang si sir Harry."

"Ahh..ganon ba. Ang lalim pala at nahirapan akong intindihin ang sinasabi mo Bernice, pasensyahan mo na ako."

"Sorry pala sir Macoy medyo nakalimutan ko ang aking language pala. Hahaha..."

Muling nagtawanan sila na ikinalingon nina Julliene at Ruiz sa kanilang gawi. Pero umirap lamang ito at hindi na sila pinansin pang muli.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status