Share

TBC Chapter 31

Christofer Ken Johnson

Kauuwi ko lang ng aking condo, pag bukas ng pintuan ay agad din akong nag tungo sa aking kwarto at ibinagsak ang aking sarili sa higaan nang may pag hihinayang pagkatapos ay malalim na napabuntong hininga...

"Hayyy na duwag nanaman ako at alam ko naman na wala talaga akong pag-asa hisst!!! sabay kamot sa ulo na halos pati sapin ng aking kama ay nagulo rin...

shittt kung na tuturuan lang talaga ang puso at kung may magagawa lang talaga ako hihilingin kong ako nalang sana.

Clara Jane De Vega

Abala ako sa aking kwarto to choose my outfit para mamayang reunite naming mag kakaibigan baka kasi hindi nanamin ito magawa ng madalas...

Dumaan ang limang minutong pag-hahanap niya ng maisususot ng mag ring ang kanyang phone...

Ring.....

Lumapit ito at nag taka kung sino ang tumatawag...

"Unknown number? hmm sino naman kaya ito? sinagot ko ang tawag ng may pagtataka

yes hello? seryoso kong tanong.

"Ang sungit naman may dalaw ata!!! na tatawang pang-aasar niya dito

"Hoyyy misterrr!!! wala akong time para makipag-bolahan sayo!!! at saan mo naman napulot ang number ko? Inis kong sinabi dito na halos rinig na sa kabilang bahay ang lakas ng boses ko.

"Sandali chill ka lang masiyado ka namang high blood sige ka baka bigla kang atakihin ka dyan!! pang-aasar parin nito sa kanya.

and she ended the call...

"Bwiset tanghaling tapat na ninira ng araw ko walang matinong magawa sa buhay kaya kung kani-kanino nalang ng titrip. hayyy bwiseett talaga!!! at nag patuloy ulit siya sa kanyang pag pili ng maisusuot nang bigla siyang napaisip. wait parang familiar yung boses niya I think na rinig ko na siya somewhere hmmm.... hayyy ewan di naman importante mabuti pa iligo mo nalang yan Clara, yan ang the best way to calm your self and think the positive energy hayyy.. Sabay hagis niya ng kanyang phone sa higaan at nag tungo sa banyo

One message receive...

After one hour ng matapos siyang maligo at mabilis na nakapag bihis....

"Clara, anak bumaba kana diyan para sabay sabay na tayong makakain. malakas na sigaw ng kanyang ina dahil sa nasa baba ito ng hagdan...

"Ok mom pa baba na rin po! sigaw naman nito ni Clara ng ibaba niya ulit ang kanyang phone at hindi na dinala pa baba.

"Ohh, ija hali kana umupo kana dyan.

"Ok mom! pa upo pa lang ako ng mapansin kong kakaiba ang tingin sakin ng pinsan kong lalaki na kasabay din namin dumating galing baguio dahil sa isa siya sa mag mamanage ng company business nila dad kaya dito na rin siya mag iistay sa bahay.

Ohh bakit kuya Ken? kung makatingin ka naman parang may nagawa akong krimen tsskkk!! paano naman kasi seryoso ng mukha at hinahabol ako ng tingin at may pailing iling pa ng mukha...

"Hayyy naku ija parang hindi mo naman kilala yang pinsan mo nag kakaganyan lang yan pag may na lalaman pag dating sa love life mo.

Nakasubo na ako ng pag-kaen nang bigla akong nasamid dahil sa tanong nito saakin...

"What? anong love life? gulat kong tanung dito na palipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa

"Paano naman kasi anak may napansin kasi kami kaninang lalaki dyan sa labas ehh sabi naman ni manang kanina pa daw yun nasa labas palingon lingon dito, lalapit tapus biglang babalik ulit sa kotse. Kaya ni lapitan ni kuya Ken mo tinanong kung anong kailangan.

"Ano namang sabi at tsaka bakait daw? nalilito ko paring tanong

"Yun na nga tinanong ko kung anong kailangan, wala naman binanggit may inabot lang sa akin na paper bag ibigay ko daw sayo at ang sabi thank you daw. Yun lang hindi naman sinagot yung tanong ko na takot ata haha!!! natatawang pang aasar nito. Sabihin mo sino yung lalaki na yun kanina sa harap ng bahay at para mabinyagan na namin ni tito! hindi naman pwedeng libre ka lang niyang makuha sa amin dapat muna siyang dumaan sa karayom bago-----nang bigla akong nag salita...

"Wait para sabihin ko sayo kuya Ken wala akong boyfriend ok at isa pa may pa karayom karayom kapa diyan ehh ikaw kaya ang ipasok ko sa butas nun. At higit sa lahat wala pa sa isip ko ang mag love life kaya pwede ba kuya tigilan moko diba pwedeng pinaabot lang sa kanya tsskkk!!!!

"Ohh sige na tumigil na kayong dalawa nasa harap tayo ng pagkaen, kayo talaga pag nag sasama hindi pwedeng hindi kayo mag-aasaran hmm... napapailing niyang sinabi

maya maya ay na tapus na kaming kumaen at ako naman ay dumiretso na ng kwarto dala ang paper bag na inabot ng lalaki kanina...

"Kanino kay ito galing! pagtatakha kong tanong sa sarili. Hmmm hindi ko naman birthday? lalong wala naman akong pinadeliver!!! Hayyyy ano kaba Clara buksan mo kaya wag kang tanga! sabay hampas ko sa noo.

Biglang bumilis ang heartbeat ko nang makita kung ano ang nasa loob nito at nang bigla ring mag flashback ang nang yari noon...

"Here,suotin mo muna baka magkasakit ka, ako pa sisihin ng mga kaibigan mo

"No, I'm ok mas kailangan mo yan don't mind me

"Look at youre self para kang basang sisiw, kinuha ko ang panyo at pinunasan ang kanyang mukha at unti-unting tinatanggal ang botones....

End of flash back ng bigla siyang umiling-iling at napahawak sa kanyang ulo habang ginugulo gulo....

"Oh my god ano bang iniisip mo Clara nakakahiya bakit ngayon ko lang naisip yun hayyy grabi nakakahiya talaga tsskk baka kung ano pa ang isipin nun! may pagkapervet pa naman ng mokong na yun!!! bigla niyang ibinagsak ang sarili niya sa kanyang kama at sabay niyang pag sipa-sipa ng paa nang mapalingon siya sa kanyang cellphone na nasa kanyang gilid. nang muli siyang mag salita

OH M G Clara!!! siya ata yung tumawag kanina! dali-dali niyang kinuha ang phone niya at nakita ang 3missed call and 2messages sa kaparehang number at agad niyang inunlock ang phone.

1st message

Hi, Clara it's me your lightning shining armor mo, kanina ko pa sana gustong mag doorbell noong binabaan mo ako ng tawag ang bilis mo kasing mapikon. Kaya lang na hiya ako, buti nalang may lumabas kanina mukhang galit boyfriend mo ata.

2nd message

Thank you sa blazer mo and handkerchief sorry kung ngayon ko lang na isuli, naging busy kasi! pinuntahan kita doon sa hinatiran ko sayo, kaya lang ang sabi ng lola mo umuwi kana raw ng manila kaya I ask her your number and incase na hindi ka sumagot kinuha ko na rin ang number mo ohh diba ang smart ko. And isa pa dahil sa blazer mo hindi ako nagkasakit kaya pasasalamat ko sayo binilhan kita ng dress nung time na pumipili ka sa mall nakita kong hawak mo and I think na baka gusto mo.

Napangiti siya ng bahagya ng mabasa niya ito ngunit na pawi rin yun ng mapagtanto niyang.....

"Hayyyy naku Clara nag papasalamat lang yung tao walang ibig sabihin nun ok!!! at isa pa hindi ka dapat mahulog sa mga pa charming nun, ganyan ang mga gawain ng mga babaerong katulad niya kukuhain sa malalambing na salita pagkatapos iiwan karin sa ere hmmp sinong niloko niya!!! sabay hagis nito sa knyang phone at palinga lingang tingin dito na parang gusto niya rin itong pasalamatan. No Clara tama lang na hindi ka na mag reply

Jack Brend Garcia

after 2 weeks.....

Pinuntahan ko ito kung saan ko siya hinatid noon to return her blazer and handkerchief pagkababa ko ng kotse ay agad kong nakita ang isang matandang babae na nakaupo sa labas ng kanilang gate...

"Good morning po lola. magalang kong pagbati sa kanya at agad din naman itong tumugon

"Magandang umaga naman sayo iho! may kailangan kaba? tanong nito sa akin at magandang ngiti

"Hmm itatanong ko lang po sana kung andyan po ba si Clara? ahmm kaibigan niya po ako may gusto lang sana akong ibalik sa kanya.

"Naku iho! si Clara ba kamo? umuwi na nang manila kahapon, baka matatagalan ang pag uwi nila ulit dito. Ano ba yung gusto mong ibalik sa kanya ako nalang ang mag aabot pag napabisita sila ulit dito.

"Ahhm lola pwee po ba malaman kung saan po sila sa Manila? para ako nalang po ang personal na mag aabot sa kanya o kahit yung number nalang po niya don't worry po lola mabuti po akong tao! nahihiya kong sinabi habang napapakamot sa aking ulo...

"Naku iho sa tingin ko naman ay mukha ka namang mabuting bata, at isa pa natatandaan kita ikaw yung lalaking nag hatid sa kanya dito noon na ang sabi ehh ikaw ang tumulong sa kanya.Kaya halika pumasok ka muna at mag miryenda para naman makapag pasalamat na rin ako sa pagtulong mo sa aking apo.

"Naku po lola hindi na po nakakahiya naman ho sa inyo. habang dahan dahan ko itong inaalalayan!

"Hayy ano ka bang bata ka ayus lang naman at hindi ka nakakaabala, kaya halikana!!!

Wala na rin akong choice at pumayag sa ka gustuhan ng lola ni Clara na same silang dalawa na ipipilit kung anong unang sinabi...

"Stella mag hain ka ng miryenda para sa bisita dalian mo huh hindi puro ka tiktok diyan! napakamot sa ulo ang kanilang kasambahay sa sinabi sa kanya ni lola.

"Oh iho ito nga pala ang number at adress ni Clara sa Manila at kung may tanong ka ito na rin ang number ko pwede kang mag tanong sa akin.

Ikaw talaga lola kahit matanda na ay may asim parin ehhh. pag bibiro sa kanya ni aling stella na ikinatawa rin nito at ako.

"Tumigil ka nga dyan stella puro ka kalokohan mabuti pa't ilapag muna yan dito bago pa kita kalbuhin.. napatawa niyang bahagya habang na papailing

"Totoo naman po lola kahit matanda na ay may asim parin, hayaan niyo hahanapan po kita ng ka tiktok niyo ay este ka text mate pala hihi!

"Bolero ka ring bata ka para kang mga anak ko ganyan din ang laging sinasabi! napapailing niyang sinabi na may malawak na ngiti sa kanyang mukha...

"Biro lang po lola pinapatawa lang po kita! salamat po pala sa miryenda lola baka hanap hanapin ko ito sige kayo baka araw araw niyo po akong makita dito..

"Mabuti kung ganun para naman hindi puro mukha ng kasama ko dito ang nakikita ko mas mabuti na ibang mukha naman para hindi malungkot, simula kasi nag asawa ang mga anak ko nag simula na ring mag karoon ng sariling pamilya at malayong tirahan kaya bihira ko nalang din sila nakikita. Aasahan ko yan iho ang pag bisita mo ulit dito! naka ngiti niyang sinabi na may lungkot kang makikita sa kanyang mga mata

"Oo naman po lola babalik po ako ulit dito at ipapasyal ko po kayo pangako po yan, kaya mag palakas at mag pagaling po kayo. Kita po kasi dito sa mga gamot niyo wag po kayo mag skip ng gamot at ng pagkaen kailangan nasa tamang oras lagi para mabilis po kayong makarecover.

"Ou na iho para kang si Clara kung makabilin sa akin halos isang minutong paulit ulit! nga pala ano nga palang pangalan mo? kanina pa tayo nag kekwentuhan dito.

"Jared po lola pasensiya na nakalimutan ko rin po, ang sarap niyo pokasing ka kwentuhan na libang din po ako, sige po lola ma uuna narin po ako salamat po sa masarap na pa miryenda at kwentuhan.

"Ohh sige na apo mag-iingat ka sa daan at pag-mamaneho mo pa dilim na rin kay mag-iinggat ka patnubayan ka nawa ng ating panginoon...

"Sige po lola salamat din po...

Nasa loob na ako ng kotse at nag mamaneho ng mahagip ng mga mata ko ang isang mall na siya agad ang pumasok sa isip ko, kaya mabilis kong inikot ang aking sasakyan patungo sa isang mall. Ipinarada ko muna at sabay bumaba na rin.

Nag tungo ako sa isang dress shop kung saan ko siya unang nakita hinawakan niya yun at matagal din siyang nakatitig doon na I think gusto niya bago siya tumungo sa ibang dress na pang patanda. Pag punta ko ay napangiti ako ng malawak ng makitang andun parin yung dress na gusto niya. Kaya binili ko agad para pag papasalamat ko na rin sa kanya

Pag dating ko sa adress na binigay ni lola ay na alala kong may number din pa lang binigay ito kaya bago ako lumabas ng kotse tinawagan ko muna siya...

Nang marinig kong mag ring ay may sumagot sa kabilang linya..

"Yes hello?

Na seryoso ang boses kaya na isip kong pagtripan siya dahil na miss kong asarin siya!

"Ang sungit naman may dalaw ata!!!

"Hoyyy misterrr!!! wala akong time para makipag-bolahan sayo!!! at saan mo naman napulot ang number ko?

"Sandali chill ka lang masiyado ka namang high blood sige ka baka bigla kang atakihin dyan!!

and she ended the call...

Ang bilis niya talagang ma pikon hayy!!! ako na nga lang mag bibigay nitong paper bag na hawak ko, masyado na siyang pa VIP nag biyahe ako ng malayo para ibigay lang sa kanya to tapus papatayan niya lang ako ng phone tskk walang manners talaga.

Nasa tapat na ako ng gate nila nang makita kong may papalabas kaya napatakbo ako pa balik sa sasakyan ko.

"Sino po sila? boses ng lalaking nag salita mula sa likuran ko,! shiittt boyfriend pa niya ata hayy!! Humarap ako at ngumiti ng bahagya

"Ahhmm!!! pano ba to.. ahhmm p...pwede paki bigay ito kay Clara! mabilis kung kinuha ang kamay nito para ibigay ang paper bag na hawak ko at mabilis na pumasok sa loob ng kotse. Ahmm bro salamat mauuna na rin ako paki sabi nalang kay Clara salamat.

"Okey!!!!!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status