LUZMINDA POV* “Why this happened?” i asked Fred. “Una palang sinabi ko na saiyo,hindi si Heaven ang makakasagot sa mga katanungan mo. Ngayon pati si Ace nadamay. “Nararamdam ko na siya ang kailangan ko Fred and you can't change my mind!” “Akala ko ba hindi ko alam na ikaw ang...”paputol na saad ko dahil tinitigan niya ako ng masama. “Itatakas ko si Heaven at wala kang magagawa!" Dagdag kong muli at tinalikuran na ito. “Kapag nagakamali ka ulit,sana kayanin mo!" Rinig kong saad niya. Batid ko naman kung ano ba ang pinupunto niya minsan na akong nagkamali at hindi ko hahayaang magkamali ulit ako gagawin ko ang lahat para mahanap ang Vamparian. Pipiliin ko na kung sino ang pagkakatiwalaan ko at hindi. Kapag dumating sa punto na hindi ko na mapagkakatiwalaan si Fred sisiguraduhin kong hindi niya magugustuhan ang gagawin ko. At isa pa natutunan ko na hindi magtiwala sa sino man. Kahit ang anak ko pa, para sa akin sila ay mga laruan ko lang na ginagamit para makuha ang gusto ko. Ha
Pinakiramdaman ko naman ang paligid at mukhang ligtas na kami rito. “Mukhang ligtas na tayo rito pero kailangan muna nating makahanap ng mas ligtas pa na lugar para pagtaguan.” wika ko ngunit nanatiling tahimik lamang ito. “Magpahinga ka muna ng kaunti, pagkatapos ay kailangan ulit nating magmadaling umalis rito."dagdag ko pa ngunit wala talagang ni isang letra na lumalabas sa kanyang bibig. Huminga ako ng malalim at tumabi sa kanya. “My name is Heaven Cruz, isa akong pulis. Marangal na pulis pero hindi ko alam kung anong kamalasan ang dumapo sa akin. Hindi ko alam why i am here now facing this kind of b*llsh*t.”saad ko sabay tawa. “Nakapatay ka rin ba?”tanong nito sa akin. “Yes,madami na akong napatay na masasamang tao. Sila yung binibigyan ko ng pagkakataon na sumuko pero pinili nilang manlaban. Bilang pulis tungkulin namin iyon. Tungkuling naming ipagtanggol ang mga naaapi at sundin ang batas."saad ko naman. “Ako napatay ko si papa." Saad niya at bumuhos na ang mabibigat na