Share

CHAPTER 64 “MIRIAM”

“NANDITO ka na pala, gusto mo bang ipaghanda kita ng makakain mo? O kumain ka na ba?” iyon ang magkakasunod na tanong ni Miriam kay Ryan na kararating lang kahit kung tutuusin ay umaga na.

Noon malamig ang emosyon sa mga mata lang siyang sinulyapan ng lalaki at pagkatapos ay padabog pero walang imik na ibinaba sa mesa na nasa loob ng kwarto nila ang dala nitong bag.

“Ah, Ryan, may---,”

“Putang ina, Miriam! Hindi ka ba naman makahalata na hindi kita gustong kausap? Mukha mo nga lang sukang-suka na ako eh! Kaya tantanan mo ako sa mga kaartehan mo!” ang galit nitong bulyaw sa kanya na labis niyang ikinabigla.

Iyon lang at nagtuloy na ito sa loob ng banyo.

Alam niyang maliligo lang ito at aalis na naman.

Noon parang dinudurog ang pusong huminga ng magkakasunod si Miriam. Hindi man niya gustong magalit kay Ryan sa mga ginagawa nito sa kanya pero hindi niya mapigilan. Alam niyang hindi si Jenny ang unang naging babae nito. D

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status