Chapter 5

“Good morning Ma'am Shenna.” nakangiting bungad ng guard sa restau. Ginantihan ko din siya ng ngiti.

Mas lalo akong napangiti pagkapasok ko sa restaurant. Marami rami ng costumers kahit maaga pa, busy ang mga chef at waitress eh. Malakas talaga ang impluwensya ni Lololo at ng Danger Zone.

Nagtataka lang ako kung bakit lahat ng empleyado ko ay babae. Mga chef, waitress, janitress, dishwasher miski ang guard ay babae. Tinanong ko sina Lololo at ang Danger Zone kung bakit gano'n, hindi naman nila ako sinasagot ng ayos. Sabagay, pabor na rin sakin 'to, mas komportable naman ako sa mga babae eh.

“Good morning Ma'am Shenna.” bati sakin ng mga empleyado. Nginitian ko naman sila.

Dumiretso ako sa kusina at nagsuot din ng apron at hairnet. Gusto kong tumulong sa pagluluto. Tiningnan ko ang mga kailangang lutuin na nasa screen.

Makalipas ang isang oras ay nagpahinga muna ko at lumabas sa kusina. Umupo ako sa isang table at uminom ng juice. Nakakapagod, ang dami kasing costumers eh.

***

Sarah's POV~~~

Walang sabi sabing pumasok ako sa office ni Prince. Natigilan ako nang maabutan ko siya na nakangiti habang nakatitig sa glass wall niya na kita ang mga malalaking building at mga gusali.

Mukhang hindi niya naramdamang pumasok ako, bago 'to ah. Malakas ang pakiramdam ni Prince.

At ang isa sa pinagtataka ko sa lahat ay ang makita siyang nakangiti. Ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumiti sa loob ng tatlong taon. Pakiramdam ko ay nanikip ang dibdib ko.

Mukhang alam ko na ang dahilan ng mga ngiting 'yan.

“Ehem.” nawala ang ngiti sa labi niya at napalingon sa pwesto ko.

“H-Hey Sarah.”

Lumapit ako sa kanya at umupo sa table sa tapat niya.

“Saya mo ngayon ah.” sabi ko habang nakatitig sa kanya.

“It's nothing, may naalala lang ako.” malamig na sabi nito at kumuha ng isang folder sa table at may binasa doon.

“Dahil kay Shenna ba?” natigilan siya at napatingin sakin.

“Sarah.” sabi nito na tila nakikiusap.

“Mahal mo pa ba siya Prince?” tanong ko habang nakatitig sa asul niyang mga mata.

“Sarah, let's not talk about it. Okay?” sabi nito na tila iniiwas ang topic.

“Kung mahal mo pa siya, sabihin mo sakin. Lalayo naman ako eh.” tila naluluhang sabi ko.

“Sarah, diba napag-usapan na natin 'to? You're special to me.” huminga ako ng malalim at mariing napapikit.

“Hanggang ngayon itinatanggi mo pa rin na mahal mo si Shenna. K-Kung mahal mo siya, sabihin mo.” sabi ko at tumayo na saka dire-diretsong umalis sa office niya. Narinig ko pa ang pagtawag niya sakin pero hindi ko na pinansin 'yon.

Paglabas ko ng office niya ay padabog kong isinara ang pinto.

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi na lang sabihin ni Ice na mahal niya si Shenna. Sabihin niya sakin na mahal niya si Shenna, yu'n lang naman ang gusto kong marinig para umalis na ko sa buhay nila. Gusto ko rin namang sumaya si Prince, kahit kasama niya ko sa loob ng tatlong taon alam kong may kulang pa rin.

“Kung alam mo naman palang mahal pa ni Prince si Shenna, edi ikaw na ang kusang lumayo.” napatingala ako at bumungad sakin ang gwapong mukha ni Bullet. Nakasuit siya ng tux at mukhang may pag-uusapan sila ni Prince tungkol sa business.

Pakiramdam ko ay kumulo na naman ang dugo ko. Kailan niya ba ako tatantanan? Napapagod na kong magtimpi at pakisamahan siya!

“Bakit ba lagi kang nakikialam? Buhay namin 'to kaya tigilan mo ang pangingialam!” galit na sabi ko habang nakatingin ng masama sa kanya.

Dahan dahan naman siyang naglakad papalapit sakin, atras ako ng atras hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na pader sa likod ko. Ang lapit lapit niya na sakin, buti na lang walang tao dito.

“That's right Sarahlyn Mendez, show your true colors to me.” nakangising sabi nito. Pakiramdam ko ay nanghina ang mga tuhod ko sa sobrang lapit niya sakin.

“I-I hate you.” mahinang usal ko.

“So do I, Sarah. I despise you.” bulong nito sa tainga ko bago naglakad na paalis.

Napahalukipkip ako. Nakakainis ka talaga Bullet!

I freakin' hate you Bullet Andrei Farenn!

***

Shenna's POV~~~

Nakatayo ako sa pinto ng unit ko habang nilalaro ang mga daliri ko.

Bakit ang tagal ni Ice? Nasaan na ba ang yelo ko?

Natigilan ako nang lumabas mula sa elevator si Ice at naglakad na papuntang unit niya.

“Ice! Ice!” tumakbo ako papalapit sa kanya at kumapit sa braso niya. Napatingin naman siya sakin.

“Ice, naiwan ko yung card ko sa restau.” nakangusong sabi ko. Sana maawa siya sakin! Please!

“Edi kunin mo.” malamig na sabi nito. Tinanggal niya ang pagkakapit ko sa braso niya at pumasok na siya sa loob ng unit niya.

Napatungo naman ako. Ang unfair niya! Pinatuloy ko siya a unit ko, tapos siya walang paki sakin!

Natigilan ako nang magbukas ulit ang pinto ng unit niya. Sumalubong sakin ang walang emosyon na mukha niya.

“O-Okay lang, kay Henry na lang ako makikitulog, malapit lang naman yung---” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papasok sa unit niya. Yes!

Nakarating kami sa kwarto niya habang hawak hawak niya pa rin ang kamay ko. Pinaupo niya naman ako sa couch.

“Sleep there.” walang ganang sabi nito at pumasok na ito sa cr.

“Ang daya, samantalang ako pinatulog ko siya sa kama ko.” nakangusong sabi ko.

Tumayo muna ako at lumabas ng kwarto niya. Dumiretso ako sa kusina, bigla akong nagutom eh.

Napatingin ako sa laman ng ref niya. Ano ba yan? Puro alak at tubig ang laman ng ref niya. Tsk tsk tsk!

Napatingin ako sa isang sulok at nakakita ako ng chocolate ice cream na nasa malaking lalagyanan. Napangiti ako, mahilig pa rin pala siya sa chocolate ice cream.

Kinuha ko iyon at kumuha ako ng kutsara. Umupo ako sa upuan at sinimulang kainin yung ice cream.

“What are you doing?” napatingin ako kay Ice.

Kinuha niya ang ice cream mula sakin at tinakpan ulit. Napanguso ako.

“This is mine.” masungit na sabi niya.

“Para kang bata! Pahingi lang ng konti eh.” padabog na nilagay ko ang kutsara sa lababo at nagpunta sa kwarto niya.

Imbis na sa couch ako dumiretso, sa kama ako humiga.

“Kama ko yan.” masungit na sabi nito.

“Dito ako sa kama, diyan ka sa couch! Grabe ka naman, kababae kong tao tapos diyan mo ko papatulugin!”

“Pero kung kumain ka ng ice cream, para kang hindi babae.” bulong pa nito.

“Anong sabi mo?!” napaupo ako sa kama at tiningnan siya ng masama.

“Tss.” iyon na lang ang sinabi niya at humiga na sya sa couch

“May extra toothbrush ka ba?” tanong ko at napatayo. Tumango siya.

“White toothbrush.” simpleng sabi nito. Tumango tango na lang ako at pumasok na sa cr niya.

“Wow.” naibulong ko nang makapasok ako sa cr niya. Di hamak na mas malinis ang cr niya kaysa sa cr ko.

Dumiretso na ko sa lababo at hinanap ang toothbrush na sinasabi ni Ice. Tatlong toothbrush ang nasa lagayan. Isang white, isang black at isang pink.

Napakunot ang noo ko at kinuha ang toothbrush na pink. Nanghina ang mga tuhod ko nang makita kong may pangalan sa toothbrush na 'yon.

Sarah <3

Nagmamadaling ibinalik ko iyon sa lagayan. Nawalan ako ng gana magsepilyo at nanghihinang lumabas ng cr niya.

“You need to leave before 8 am, pupunta dito si Sarah.” malamig na sabi niya habang nakapikit.

Nanghina ang mga tuhod ko at nagsituluan na naman ang mga luha ko.

Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ko ang card ko doon. Oo, hindi ko naman talaga nakalimutan ang card ko.

“N-Nasa bulsa ko lang pala yung card.” napadilat si Ice at tumingin sakin. Napakunot ang noo niya, siguro nakita niyang namumugto ang mga mata ko.

“Shenna.”

“A-Aalis na ko, p-pasensya na sa abala.” tumakbo na ko paalis ng kwarto niya.

“Shenna!” narinig ko pang tawag niya pero hindi ko iyon pinansin at dire-diretsong lumabas ng unit niya.

Nakakainis ka Ice! Nakakainis ka!

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Leonicel Dela Cruz
tumulo n din tuloy luha q...naaawa aq ky shenna...c prince kc msyado pkipot hihihihi...
goodnovel comment avatar
Leonicel Dela Cruz
selos c mr.yelo hihihihi...pakipot p kc..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status