Chapter 11: Missing

Chapter 11

Missing

"Happy Monday Ma'am Hinari!" masayang bati sa akin Lea nang makapasok ako ng opisina.Ibinigay ko sa kanya ang hawak kong laptop at coat ko.

"Masaya ka yata ngayon?" tanong ko sa sekretarya ko dahil hindi maalis sa labi niya ang ngite hanggang sa makapasok kami ng loob ng opisina ay naroon pa rin iyong ngite niya.

"Wala po ba kayong ipaguutos,Ma'am?" she asked.Nangunot naman ang noo dahil ngayon ko lamang siya nakitang ganito kasaya simula ng magtrabaho siya sa akin.

Unang kita ko pa lang sa dalaga ay nagustuhan ko na ang ugali niya.She's jolly and worth to trust too kaya nang mag-apply siya as my secretary ay agad ko siyang inihired.

"Ano ba'ng dahilan niyang ngite mo?" usisang tanong ko sa kaniya.Doon nasilayan ko ang bahagyang pamumula ng pisnge niya na para bang may nakakahiya sa itinanong ko sa kanya.

Kung hindi ko lang siya kilala ay baka akalain kong nahipan na ng hangin ang utak niya.

"Lea?" tawag ko sa pangalan niya."E, Ma'am wala naman po." halata sa pagsagot niya ang pagka-ilang.Ano bang nangyayare sa kanya?

"I know na...yang mga ngiteng 'yan alam ko na 'yan." pagsisinungaling ko kahit pa ang totoo'y clueless ako sa inaakto niya.

"Si Ma'am may pagka-chismosa din.I will remind you Ma'am na may meeting po ang board ngayon at kailangan po kayo ngayon 'dun." she announced.

"Alam ko na iyon pero ang hindi ko alam ay iyang dahilan ng ngite mo.Tell me ano bang mayroon?" usisa kong muli.Napa-awang lamang ang bibig ko ng bigla itong magtitili  sa harapan ko.

May kasama pang pagtalon ang pagtili niyang iyon at nangangamba akong matapilok siya dahil naka heels siya.

Nang matapos siyang tumili she begun to calm herself without noticing my reaction towards her."Sorry Ma'am.Hindi ko lang po mapigilan,e." she said at may nalalaman pang papaypay ng kamay niya.

She took a heavy breath before facing me again."So ano nga?" atat na tanong ko.Base sa reaction niya ay may kakaiba talagang mayroon sa kanya.Parang kinikilig na natatae yata siya.

"E kasi ganito iyon Ma'am." she started at naupo sa silyang nasa harapan ng desk ko.Mahigpit pa siyang nakahawak sa kanto ng lamesa ko at tila pinipigil ang muling pagtili.

"Sinagot na po ako ng crush ko." she announced and because of that...napaawang ang mga labi ko.

Hindi ko alam ang dapat na sabihin sa kanya o dapat na maging reaksiyon ko dahil sa sinabi niya.

Iyon ang dahilan niya...seriously?Kaya ba walang paglagyan ang mga ngiti niya dahil sa bagay na 'yun?Todo pa siya kung tumili gayong siya ang sinagot ng crush niya.

"Ma'am naman ang KJ niyo.Alam ko pong ang awkward sa pandinig na ako ang sinagot ng crush ko pero my ghad!...ang sarap sa pakiramdam." muli siyang nagtitili kaya wala akong ibang nagawa kundi tabunan ang mga tainga ko gamit ang kamay ko.

My office was filled by her scream at nakahinga lang ng maluwag ang tainga ko ng lumabas siya.

Sinabihan din niya akong tumatandang dalaga dahil daw masyado akong KJ sa usapang crush.Hindi naman sa KJ ako but that topic doesn't hit my mind yet.

Ni-isa ay wala pa akong nagiging nobyo o kaya naman ay kahit na crush.E,paano ko nga ba naman mapagtutuunan ng pansin ang bagay na iyon kung parati akong nakatali sa rules ng parents ko.

Siguro noong highschool ako ay tinamaan ako ng puppy love but when I turned twenty,e kusa rin iyong nawala.Hanggang ngayon ay wala pa akong matatawag na experience tungkol sa relationship na 'yan.

Experience sa trabaho especially sa financial mayroon pero kapag usapang lovelife...'wag niyo nang tanungin.Wala kayong makukuhang sagot.

Napahalumbaba na lamang ako bago sinimulan muli ang araw ko.Minsan'y napapatingin ako sa pintuan kung may papasok ba but ended up na wala ni-anino.

Ewan ko ba.Parang nakakaramdam ako ng guilt nang iwan ako ng antipatikong Joaquin na 'yun sa mall two weeks ago.

Two weeks na ang lumipas at hindi ko na muling nakikita pa ang binata.Hindi na rin ito nagpupunta rito sa kompanya o di kaya'y sa bahay namin mismo.

I am thankful dahil sa wakas ay mukhang nagsawa na rin itong bumuntot sa akin pero parang may mali kasi.The way he quickly changed nang biruin ko siya nang araw na iyon...parang may nahit ako sa kanya.

Ang buong akala ko nga ay iintayin niya ako sa labas ng mall since nahuli akong maglakad but it turned out na iniwan niya akong mag-isa.Pilit ko namang inisip ang mga binitawan kong salita pero wala namang offensive 'dun.Wala naman akong masamang sinabi sa kanya para magkaganun siya.

I took a deep breath bago muling nag-focus sa trabaho ko.Wala rin naman akong mapapala kung iisipin ko pa ang pag-iinarte niya.Hindi ko rin siya susuyuin kung iyon ang hinihintay niya...ni humingi ng sorry ay hindi ko gagawin.What?Wala naman akong kasalanan so I shouldn't feel guilty.

Baka talagang inabot lang siya ng toyo niya at napag isip-isip niyang hindi good idea ang bumuntot sa akin.Infact parati rin naman akong nalalagay sa alanganin kapag nasa tabi ko siya.

Nalalagay ako sa chismis na pilit kong iniiwasan kung maaari.Mabuti nga't hindi na lumalim pa ang issue about sa away namin ni Nicole.Thanks to him dahil inayos na raw niya...kung totoo man edi thank you.

"Lea pakidalhan mo nga ako ng meryenda.Ginutom ako sa meeting kanina." utos ko sa kanya bago pumasok ng office ko.Nakita ko namang agad itong umalis sa cubicle niya para sundin ang utos ko at inintay ko na lamang ang pagdating niya.

Ilang minuto lamang akong nag-intay nang bumukas ang pinto ng office ko."Ma'am ito na po ang meryenda niyo." she stated with a smile on her face.

Hanggang ngayon ba ay hindi niya maalis sa labi niya ang ngiting iyon?Aba't halos maghapon na siyang naka-ngite ng ganyan.

Hindi makapaniwalang sinagot na siya ng crush niya?Iba rin talaga ang panahon ngayon.Napailing pa ako dahil sa iniisip ko.Para namang ang tagal ko nang nabubuhay at sa tono ng salitang ginamit ko ay lumalabas na nabuhay ako noong panahon ng mga Kastila.

Habang ginagawa ang mga naiwan kong papeles ay itinuloy ko ang pagkain ko.Naroon pa rin ang paminsang pag-iisip ko tungkol kay Joaquin at kung bakit ito biglang hindi nagpakita.

It might sound na namimiss ko ang binata pero it's not.Nagtataka lamang ako kung bakit bigla naman yata siyang hindi nagpakita ng walang sabi-sabi.Pero kung sa bagay...kapag narito naman siya ay hindi rin kami nagkakasundo.

I only heard the sound of my keyboard since may tinatapos akong report na tungkol sa meeting kanina.Napangite naman ako nang marealized kong malapit ko na itong matapos.Sa wakas ay makakauwi na ako at makahihiga na sa malambot kong kama.

Iniisip ko pa lang ang kalambutan ng kama ko ay nakararamdam na agad ako ng antok.Sayang at hindi pa oras ng uwian.Ayaw ko rin namang umuwi agad nang hindi tama sa oras.Unfair iyon sa ibang empleyado.Titiisin ko na lang muna ang pananabik ko sa aking kama at ang aking pagka-antok tutal naman ay ilang oras na lang naman ang lilipas.

Wala man akong kakompetensiya sa Xerox machine ay minamadali ko ang pag gamit nun.Kay Lea ko sana iuutos ang bagay na ito but after seeing na marami pa siyang ginagawa ay ako na ang gumawa.

Ito na lang din naman ang gagawin ko at pagkatapos nito'y uuwi na ako.Tinawagan ko na rin si Tatay Pablo na  pumunta na rito sa kompanya at nang sa pagbaba ko ay deretso uwi na kami.

Gusto ko pa sanang dumaan sa karinderya ni Manang Loleng pero talagang inaantok na ako at pagod na rin ang katawan ko.Ewan ko ba...wala naman akong gaanong ginagawa sa opisina kundi pag-upo lamang at ang paminsan-minsang pagtayo pero napapagod pa rin ako.

"Bye Ma'am!" paalam sa akin ni Lea nang sabay kaming makalabas ng kompanya.Dumeretso siya sa nakatigil na motor di kalayuan sa kotse ko.

Napangite pa ako nang makita kong halikan siya sa labi ng lalaking naroon.Siguro ito ang tinutukoy niyang crush niyang sinagot na siya.Iba rin talaga ang sekretarya ko...siya pa yata ang nanligaw sa lalaking 'yun.

"Let's go,Tay." aya ko kay Tatay Pablo nang makapasok ako ng kotse.Sa loob pa lamang nang kotse ay tinanggal ko na ang suot kong heels.

Kanina pa ako nagtitiis na suotin iyon.Ang ngalay na ng paa ko idagdag mo pang ang init ng stocking na suot ko.

"Pagod yata kayo ngayon Ma'am?" 

"Pagod na pagod,Tay.Ang sakit pa ng likod ko at balakang dahil sa pagkaka-upo." reklamo ko habang minamasahe ang sarili kong leeg.

Ipinikit ko na lamang muna ang aking mga mata at inintay ang pagdating namin sa bahay.Siguro'y may isang oras kami sa daan bago ko iminulat ang mga mata ko.

"Magandang gabi,Señorita." bati sa aking ng maid na parating nagbubukas ng pinto para sa akin.Iniabot ko lamang sa kanya ang coat at bag ko at agad siyang umakyat sa hagdan.

"Hija join us on dinner.May bisita rin tayo ngayon." anyaya sa akin ng aking Ina nang magtungo ako sa kusina.

Naabutan ko silang naghahanda roon ng pagkain habang si Dad ay nasa dulong bahagi ng lamesa at naka-upo na.

"Sinong bisita?" tanong ko nang ilapag niya sa lamesa ang sobrang plato para sa isang tao.

"Si Joaquin.Lumabas lamang siya saglit para sagutin ang tawag sa telepono niya." my Mom announced that makes me smile randomly.

Hindi ko alam kung bakit ako biglang napangite nang marinig ko ang pangalan niya.After two  weeks ng hindi niya  pagpapakita ay maaabutan ko siya rito sa bahay at makakasabay pang kumain.

"Oh ayan na pala siya." naka-ngiteng sambit ng aking Ina.Nang makita ako ni Joaquin ay biglang naging seryoso ang mukha nito.Ang kaninang may bahid ng ngite niyang labi ay biglang naging maiba ang timpla.

I don't know kung ako lang ba ang nakapansin nun pero nawala rin bigla ang sayang nararamdaman ko ngayong narito siya sa bahay.Maliwanag ang mukha niya nang pumasok muli ng kusina pero nang magtama ang mga mata namin ay para siyang biglang sumimangot.

Iniwasan ko na lamang na tingnana ang binata habang kumakain kami.Tahimik lamang akong nakikinig sa kwentuhan at paminsan-minsang tawanan nila nina Mom and Dad.Hindi naman ako tanga para hindi mapansing may kakaiba sa reaksiyong pinakita ng binata kanina.

Mas minadali ko na lamang ang pagkain nang maka-akyat na rin ako sa taas at makapag-pahinga."Kumusta naman kayong dalawa ng anak ko?" muntikan pa akong masamid nang dahil sa biglaang tanong ni Mom sa kaniya habang umiinom ako ng tubig.

Joaquin glanced at me before answering my Mom's question."We're in a good terms,Tita." he answered.Muntik ko pang maibuga ang tubig na nasa bibig ko nang sabihin niya iyon.

Wala namang malisya para sa akin ang sagot niya but base on my Mom and Dad's facial expressions na may pilyong mga ngite...alam ko na ang iniisip nila.

Marahil ay iniisip nilang may namamagitan sa amin nang binata kahit pa'y wala.What the...bakit ba masyadong malisyoso ang utak ng parents ko pagdating sa mga usapang ganito.

"Hindi talaga kami nangkamali nang Mommy mo,Hijo." makahulugang banggit ni Mom dahilan para mapataas ang kaliwa kong kilay.

"Excuse me...what do you mean by that Mom?" singit kong tanong sa kanya dahil parang may pinapakihulugan siya sa sinabi niya.

Hindi sila nagkamali ni Tita Catalina...saan naman?

Umasa akong sasagutin ni Mom ang tanong ko pero iniba niya ang usapan at tila iniwasan ang itinanong ko sa kanya.Lalo tuloy akong na-curious sa sinabi niya.

"You know what Hija bakit hindi mo muna i-entertain si Joaquin tutal nama'y hindi pa malalim ang gabi.Mag-usap muna kayo pagkatapos kumain." she said and it sounded like...ibinubuyo niya ako sa binata.

I just saw Joaquin glimpse of smile on his lips.Iyong ngiteng kinasanayan kong makita sa kanya sa tuwing kausap ko siya at niyayabangan niya ako.Kanina lang ay sinimangutan niya ako tapos ngayo'y ngingite-ngiti naman siya.

Bipolar talaga siya.Hindi ko talaga makuha ang ugali niya.Sometimes he looks like arrogant and antipathetic man.Minsan nama'y mukha siyang butihing kapatid at kuya.O di kaya nama'y masyadong seryoso tapos bigla ring sisingit ang mood swing niyang pabago-bago.

'Ah basta!Ang gulo nang utak niya.'

"Um...hindi ka pa ba uuwi?" wala akong maisip na sabihin dahil kanina pa kami walang imik sa isa't-isa.Nang matapos ang dinner nami'y nagtungo kami rito sa garden pero nabalot lamang kami nang katahimikan.

Naisip kong baka wala siyang balak na kausapin ako kaya naging straight forward na ako.Gusto ko na siyang pauwiin para maka-alis na rin ako sa awkwardness na bumabalot aa aming dalawa.

Napa buga na lang ako ng hangin nang manatili siyang tahimik at walang kibo.Walanghiya!Deneadma ang tanong ko.

Ako na nga itong nag-initiate na basagin ang katahimikan sa pagitan namin tapos deadma lang sa kanya.Bahala nga siya sa buhay niya.Mukha siyang may dalaw na babae.

"Hinari." he called my name when I was about to go inside dahil hindi ko na rin matagalan ang pagiging pipi niya.

Lilingunin ko na sana siya but in my shocked he quickly pulled me dahilan para mapadikit ako sa kanya nang sobrang lapit.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status