Chapter 6: Joaquin

What the heck...tinamaan ng kamalasan.Anong ginagawa ng lalaking 'yan dito?

"Catalina and Salvador.Mabuti naman at nakarating kayo." my Dad greeted them with a wide smile on each other's face habang ako naman ay hindi maalis ang tingin sa binatang nakasama ko sa elevator kanina lamang.

"Hi Hinari!" bati sa akin ng katabi niyang si Luigi.So siya siguro ang kapatid na sinasabi ni Gigi last time.Ang kapatid niyang naiwan sa ibang bansa,e bakit naman umuwi agad siya?

Ngumite ako pabalik sa kaniya."Have a seat." anyaya sa kanila ng Mommy ko at sa di-inaasahang pagkakataon o baka naman sinadya niya...umupo ang binata sa tabi ko habang hindi maalis ang mga mata ng iba naming kasama sa amin especially her Mom and my Mom.

What? Intrigue.

Sa mga mata ng dalawang Ina tila sumisilay ang tinging may halong kilig or what...basta para silang sira na nakangiteng nakatingin sa aming dalawa.

Umupo si Gigi sa tabi ng Mom niya habang nasa magkabilang dulo ang dalawang Padre de Pamilya.Lihim akong napa-ismid dahil sa tinging nakikita ko na parang may halong malisya.

"Perfect for each other.Right Catalina?" nakangiteng tanong ng aking Ina kay Tita Catalina.

Pakiramdam ko tuloy ay may iba silang iniisip sa tingin at base na rin sa mga binitawang salita ng aking Ina.

It's like...pina-partner nila ako sa binatang nakasama ko sa elevator at ngayo'y katabi ko sa hapag-kainan.

'I hate this.'

Nagsimula kaming kumain habang nag-uusap ang mga nakatatanda.Kami nina Gigi nama'y tahimik lamang na kumakain.

Kanina'y bahagya pa akong nakaramdam ng hiya nang si Joaquin pa mismo ang naglagay ng pagkain sa plate ko.Dinig ko din ang lihim na tighim ng mga kasama namin.Pati ang malisyosong tingin nila ay hindi nakaligtas sa mga mata ko.

Hindi ko alam kung napapansin din ba iyon ni Joaquin o hindi.Baka hindi niya lamang pinagtutuonan ng atensiyon niya.

"Tell me something about your love life,Hinari Hija." biglang baling sa akin ni Tita Catalina.Bahagya pa akong natigilan dahil sa tanong niyang iyon.

Namuo sa isip ko ang isang tanong para sagutin ang sinabi niya.Paano akong magkakaroon ng lovelife na tinutukoy niya gayong sobra akong nakakulong sa mga utos ng aking mga magulang?

I don't have any means of freedom para magkaroon ng lovelife na iyon.Hindi rin malabong sila Mom din ang masusunod tungkol doon but what if ganoon nga ang mangyare?

'Kakayanin ko bang sundin ang ini-utos nila knowing that it wouldn't give me any happiness again?' 

Nakaramdam ako ng bahagyang pamumuo ng laway ko dahil sa mga salitang iyon.Pilit akong ngumite."I don't have time for that Tita.I'm still young and wanted to live my life away from any relationship commitments." sagot ko at ngumite ang aking Ina sa akin.

Hindi ko alam kung para saan ang ngiteng iyon at wala din naman akong balak pang alamin.What they heard from me is pure facts...walang halong pagpapanggap.Hindi ko sinabi ang mga salitang iyon just to save myself para sa pang-iintrigang pwedeng gawin ng aking Ina o Ama mamaya kapag wala na ang bisita namin.

They would definitely accused me for being impolite to their friends.Ayaw kong mangyare iyon.Sawa na ako kaya't kung pwedeng iwasan...gagawin ko.

"Ang anak ko ring si Joaquin ay wala pang girlfriend,Hija." sa tono ng pananalita ni Tita Catalina ay parang inirereto nito sa akin ang panganay na anak niya.Dinig ko ang pagtawa mula sa aming mga kasama liban lamang sa amin ni Joaquin na nananatiling tahimik.Miski si Gigi ay nakitawa na rin sa kanila.

I rolled my eyes then I heard Joaquin's deep and smooth whispered."Just don't mind them." he stated at saka siya nilingon.

Parang sa itsura niya ay sunod-sunuran din siya sa mga magulang niya gaya ko.Well kung ganoon nga mukhang nakahanap ako ng karamay.Or not totally karamay atleast someone I can share my thoughts.

'My pain.'

Nang matapos kaming kumain ay napag-pasiyahan nina Mom na pumunta ng pool area at doon nag-usap tungkol sa kung anong bagay.

Antok pa akong napa-upo sa sofa namin at saka niyapos ang unan doon.Naiwan kaming tatlo nina Gigi habang kumakain ng dessert na ice cream na hindi ko naman ginagalaw dahil giniginaw na rin ako at busog na.

It was late in the midnight at heto ako gising na gising pa.Ang gusto ko lang ay matulog na...hopefully.

"CR muna ako,huh." singit ni Gigi sa namamayaning katahimikan sa pagitan naming tatlo.Tumayo ito at naglakad patungong CR namin for the guest.

Tinapunan ko ng tingin ang katapat kong si Joaquin na busy sa hawak niyang cellphone.Bakit hindi niya ba kasi dinala ang cellphone na 'yan noong na-stuck kami kanina.

"What?" biglang tingin niya sa akin kaya agad din akong napaiwas.Nagawa ko pang iiwas ang tingin ko gayong nahuli naman na niya akong nakatingin sa kaniya.

I took a deep breath as I heard him cough."Next time be quick." saad niya at alam ko kung ano ang pinapatukuyan niya.

Anong oras ba kasi sila aalis?Gusto ko nang matulog masyado na silang abala.

I raised my both arms in the air as I yawned dahilan para maagaw kong muli ang atensiyon ng binata.

I saw a grin in his face."What?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.He just shrugged at saka inalis ang tingin sa akin.

Naisandal ko ang likod ko sa sofa at hindi namalayang dinala na pala ako sa pagtulog ng aking antok.

Bigla kong naimulat ang mga mata ko ng maramdaman ko ang bisig na nakapulupot sa aking bewang at gayundin sa aking hita.

I smelled a very manly fragrance coming from the chest of a man na siyang may karga sa akin habang naglalakad.

'wait.Karga?'

"Shit!" he cursed nang tangkain kong bumaba mula sa mga bisig niya.What the fuck!Why is he carrying me?

"Take me down you asshole!" giit ko ngunit mas hinigpitan niya pa ang pagkakapulupot ng mga bisig niya sa akin.

"I said take me down,Joaquin!" pag-uulit ko but I received a dark glared from him.

"I'm not going to try anything little child.Napag-utusan lang akong dalhin ka sa kwarto po." seryosong sagot niya.

"I can walk.Ibaba mo na ako." I irritably said at wala naman siyang kemeng ibinaba ako ng basta.Mabuti na lang ay hindi ako lumagapak sa sahig na nilalakaran namin.

"Such a gentleman.Salamat huh!" I sarcastically said in his face bago iritadong tinahak ang kwarto ko.I heard him chuckled na siyang nagdagdag pa sa akin ng inis.

No one dared to touch me.Naiirita ako sa kaniya...bwiset talaga siya!

Pabagsak kong isinara ang pinto ng kwarto ko ng makapasok ako dahil sa pagkainis sa binata.

Nang matapos kong magpalit ng damit pabagsak kong inihiga ang katawan ko and since talagang antok pa ako agad din naman akong nakatulog.

And the next morning I woke up six kaya dali-dali kong binaba ang kama ko para mag-intindi sa pagpasok ko.

Ayaw ko talagang matulog ng late dahil parati akong late ng gising.Ayaw ko pa namang maabutan ng traffic.

"Good morning, Ma'am." our maids greeted me at ngite lamang ang iginanti ko sa kanila.

Hindi na ako nagtungo pa sa kusina for some breakfast at deretsong tinahak ang garage namin.

"Tay pasok na tayo." sambit ko kay Tatay Pablo na napatayo mula sa kabilang gilid ng sasakyan.

"Ay!Ma'am hindi po kita ihahatid ngayon.Nasa labas na po si Sir Joaquin sinusundo kayo." he announced at saka itinuloy ang kung anong ginagawa niya mula sa kabilang bahagi ng sasakyan.

"Tay kayo na lang maghatid sa akin.Ayaw kong sumabay sa antipatikong lalaking 'yun." I said in irritation.

"E,sira po ang sasakyan natin Ma'am.Gamit po ng Mama't Papa niyo ang dalawa pang sasakyan." sagot niyang muli and left me much irritated.

Puro na lang kamalasan,Hinari.What the heck is this?Kaaga-aga nakakairita.

Pinagbuksan ako ng gate ng guard namin at bumungad sa akin si Joaquin na nakasandal sa itim niyang Ferrari.

Sorry I'm not fantasize with expensive cars.

"Ang bagal mo." he said at saka pumasok sa kotse niya.Bwiset na 'toh!

"Are you going to get in my car or what?" iritableng tanong niya sa akin ng buksan niya ang bintana ng kotse niya.

I mimic the way he said those words bago sumakay ng kotse niya."Aarte pa sasakay din naman." he sarcastically said at taas kilay ko siyang binalingan.

"Pake mo?" I asked sarcastically.

"Parang kagabi lang mukha kang inosente then all of the sudden bigla kang naging masungit na bruha." he said na tila nagpausok ng ilong at tenga ko.

"Whatever!" inis na sagot ko sa kanya at saka ikinabit ang seatbelt ko.

Bakit pa niya ako sinundo if he's going to pissed me off lang naman?Nakakainis ang presensiya niya sa tabi ko.

"Iwasan mong dumaan sa traffic." sambit ko sa kanya habang nagmamaneho palabas ng subdivision.Tiningnan ko ang relos ko at mukhang male-late pa nga ako sa trabaho.

Kasalan niya 'toh,e.Kasalanan ng pamilya niya.Ang tagal nilang lumayas kagabi kaya napuyat ako.

"Kung makapag-utos ka akala mo driver mo ako." he stated beside me.

Napa-ismid na lamang ako bago siya binalingan ng masamang tingin."Ay sorry huh!Sinabi ko bang sunduin mo ako?" I irritably said habang nakataas pa ang isa kong kilay.

"Yeah...pero sinabi ng Mama mo." sagot niya kaya ang kilay kong nakataas ay biglang nagsalubong.

"What did you say?" takang tanong ko sa kanya.

"Can you just shut your mouth off.Nagmamaneho ako ang daldal mo." sagot niya sa akin.

Nagtataka pa rin akong napasandal sa swivel chair ko at paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Joaquin kanina.

Bakit naman sasabihin ni Mom na sunduin niya ako?Ano nanaman ang pakana nila?

"Ma'am ito na po ang pagkain niyo." sambit ni Lea nang makapasok siya sa office ko dala ang isang paper bag.

Inutusan ko siyang bilhan ako ng pagkain kanina since hindi pa talaga ako nakakakain ng breakfast dahil sa sobrang pagmamadali kanina.Ayaw ko namang magtrabaho ng walang laman ang tiyan ko...baka pati sa utak ko'y wala akong makuhang talino.

"Ma'am I would like to remind you of your meeting with Mr.Sandoval." she stated.

"Anong oras?" I asked habang inilalabas sa paper bag ang pagkain ko.

"2:00PM Ma'am." she said bago lumabas ng office ko.Dinalian ko na lang ang pagkain ko para matapos ko kaagad ang mga papeles na nasa desk ko.

Napabuntong hininga pa ako ng tapunan ko ito ng tingin at iritadong napasubo ng salad.Nakaka-inis ang tambak ng papel na nasa desk ko.Tinitingnan ko pa lang napapagod na agad ako...paksyet!

Nasa kalagitnaan ako ng pagtatrabaho ko ng bumukas bigla ang pinto ng office ko.What the...ano nanaman kayang kailangan ng bruhang 'toh?

"What is it this time,Nicole?" tanong ko sa kanya at saka ibinalik ang tingin ko sa aking monitor.

"Hinatid ka pala ni Joaquin dito kanina?" panimula niya at napansing umupo siya sa couch.

Elegantly crossed her legs at saka ako tiningnan nang deretso."Hinatid nga niya ako...then?" walang ganang tanong ko sa kaniya at tiningnan siya with my usual stare.

"And why would he do that?" nakataas na kilay na tanong niya sa akin.

"Instead of asking me that question bakit hindi siya ang tanungin mo?You know what kung 'yan lang ipinunta mo dito...makakaalis ka na.I have lots to work on and you're not included." sagot ko sa kaniya kaya wala siyang nagawa kundi lumabas ng office ko.Walking with her swayed hips na akala mo naman ay kinaganda niya.

For heaven's sake...buong mag-damag na nga akong gigil and woke up irritated tapos dadagag pa siya.Manahimik siya kung ayaw niyang mabangasan.

Nang matapos ang meeting ko with Mr.Sandoval nakasimangot akong naglakad pabalik ng office ko.I was in the middle of my way nang mapansin ko ang mga matang nakatingin sa akin.

It was the employee in this floor with their eyes on me at hindi ko alam kung bakit."What?" tanong ko sa kanila bago nagmamadaling bumalik sa kani-kanilang cubicle nang hindi man lang sinasagot ang tanong ko.

"Weird." I uttered nang makapasok ako sa office ko.

"What's weird?" I was shocked when I saw Joaquin sitting on the couch with his phone.Dahil sa gulat ko ay napahawak pa ako sa dibdib ko habang humihigop ng hininga.

"Nanggugulat ka ba?" tanong ko sa kanya ngunit nagkibit-balikat lamang ang binata.

"At ano namang ginagawa mo dito?" tanong kong muli.

Tumayo siya at saka nag-unat."Sinusundo ka." he said at sa ikalawang pagkakataon...muli nanaman akong nagtaka sa kaniya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status