Share

CHAPTER NINE – Planned Encounter

MUP Written Examination day (Same day na nangyari ang Chapter Two)

RICHARD’S POV

Nakaupo ako sa waiting area habang hinihintay na tawagin para sa written examination. Para sigurado, chineck ko uli ang mga gamit na kakailanganin ko. Calculator, eraser at tatlong lapis. Okay nato. Nagmasid-masid ako sa paligid ng may napansing lalake na nakatayo malapit sa pintuan ng examination venue. Pamilyar ang lalake. Siya yung nakita ko sa mall noong nakaraang araw. Yung nakasabay kong bumili ng lapis at sinundan ko hanggang foodcourt. Napangiti ako. Pagkakataon nga naman ano. Dito ko lang pala siya makikita muli.

Tinatawag na kaming mga examinees at isa-isa ng pinapasok. Nang nasa loob na ako, hinanap ko kung saan siya nakaupo. Binggo! Nakita ko sya at swerte dahil bakante ang upuan na nasa likuran niya kaya doon ako pumwesto.

“Please settle down, we will start the written examination in a few minutes” sabi ng facilitator na babae.

Nakahanda narin ang mga gagamitin ko. Lapis, eraser at calculator.

“Clean your desks. Pencil, eraser at calculator lang dapat ang nadiyan.”  Wika uli ng aming facilitator.

Nagulat nalang ako ng biglang mahulog ang pencil case ng lalake na nasa harapan ko at nagkalat ang maraming lapis. Dahan-dahan siyang yumuko para pulutin ang mga ito. Tinulungan ko narin siya sa pagpupulot. “Kakausapin ko ba? Anong sasabihin ko?” tanong ko saking sarili.

“Magkano?” Ang naitanong ko.

“Huh?” sagot niya

“Magkano ang lapis? Ang dami kasi. Para kang nagbebenta.” Sabi ko sabay ngiti.

Nakatingin lang ako sa kanya ng biglang nagsalita ang aming facilitator at sinabing bilisan namin kasi magsisimula na ang exam.

Bumalik kami sa aming mga upuan at binigay narin ang mga test papers. Habang hawak ang aking lapis, nag-isip ako kung paano ko kaya siya makakausap ulit?

Ngumiti ako. “Alam ko na!”sabi ko sa sarili ko. Diniin ko maigi ang lead ng aking lapis sa desk hanggang sa ito ay maputol. Kinalabit ko siya at sinabing manghihiram ako ng lapis niya kasi nabali yung sa akin.

----

Pagkatapos ng halos dalawang oras, bigla nalang siyang tumayo. Pinasa ang kanyang papel at lumabas na ng room. Agad kong binilisan ang pagsagot sa aking test paper. Pinasa ko ito sa aming facilitator.

“Please proceed sa information office para kumuha ng schedule ng physical examination” sabi ng facilitator sa akin. Pagkatapos ay dali-dali nadin akong lumabas.

“Hey!” Sigaw ko habang tinatawag siya pero parang di niya ako naririnig “Hey! Hey! Pencil Case!”

Lumingon siya. Tanda na narinig niya ako kaya tumakbo akong papunta sa kanya at ibinalik ang lapis niya.

Sabay nadin kaming pumunta sa Information Office. Habang naglalakad, nagpakilala narin kami sa isa’t-isa. Siya pala si Ice Angelo Jimenez. Ang cute ng pangalan niya. Parang siya.

----

Una siyang tinawag para sa schedule ng physical examination. Lumabas na sya pagkatapos. Kasunod niya, tinawag naman ako.

“Friday ang schedule mo Mr. Bailon” Sabi sakin ng isang staff

“Yes po. Salamat” sagot ko sabay tayo at lumabas na ng office.

Naabutan ko si Ice na nakatayo sa labas. Tinanong ko siya kung kelan ang schedule niya.

“Tuesday ako next week. Ikaw?” ang sabi niya.

Naku! Friday yung schedule ko. Paano ito? “Huh? Ako? Tuesday din” pagsisinungaling ko

“Nice. Sabay padin pala tayo.”

“Ice. Wait lang pala. May nakalimutan ako sa loob. Hintayin moa ko dito.” Paalam ko kay Ice sabay takbo pabalik ng office. Susubukan kong makiusap kung pwede nila mapalitan ang schedule ko ng physical examination.

“Maám, sorry pero naalala ko pala hindi ako available ng Friday para sa physical examination. Pwede po bang magpa-reschedule ng Tuesday? Please?” Pakiusap ko sa staff.

“Wait lang sir. Check ko muna if may available pa na slot for that day”

“Sige po”

Tiningnan ng staff ang kanilang record. Sana may available na slot. Please.

“Sir, buti nalang may available pa. Sige papalitan naltin ang schedule mo” sabi ng staff

“Salamat po” sagot ko sabay ngiti.

Pagkatapos magpa-reschedule, binalikan ko na uli si Ice.

“Anong kinalimutan mo?” tanong ni Ice sakin.

“Huh? Wala pala. Kala ko naiwan ko ang ballpen ko sa loob. Nasa bag ko lang pala. Meryenda tayo?” sabi ko sabay palihim na ngumiti. Salamat at magkikita pa kami ulit.

Nalaman ko noong sinusundan ko si ice sa mall na siopao pala ang paborito niya kaya dinala ko siya sa isang snack bar na kung saan ay may nagbebenta ng masarap na siopao.

“Alam mo, masarap ang siopao nila dito” sabi ko sa kanya

“Talaga? Wow favorite ko pa naman ang siopao.”

“Alam ko” sagot ko sa mahinang boses

“Alam mo?” tanong ni Ice na ikinagulat ko. Narinig niya pala ang sinabi ko.

“Huh? Hindi. Ang ibig kong sabihin, ngayon alam ko na na siopao ang paborito mo. Asado o bola-bola?” Palusot ko.

“Asado” sagot niya sabay ngiti.

Hindi ko maiwasan na mapangiti ng lihim. Bakit ganon? Attracted na ata ako sa kanya. Paano? Lalake siya. Lalo na kapang ngumingiti sya. Di ko maiwasang mapangiti narin.

Habang kumakain, nagkakilanlan nadin kami ng Mabuti ni Ice. Chief Engineer pala ang papa niya at taga Cebu sila. Nakikitira siya ngayon sa pinsan niya dito sa Manila. Yun na siguro yung kasama niya ng una ko siyang makita sa mall. Hindi ko din pinalampas ang pagkakataong ito para mahingi ang number niya. Simula ng araw na iyon, lagi na kaming nagtetext at nagkakausap sa cellphone. Hindi ko maipaliwanag pero ang saya-saya ko kapang nakakausap ko siya. Napapangiti niya ako ng di sad’ya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status