Share

"OVEN "

                           CHAPTER 4

           

         Halos nawalan na ako ng gana pang kumain. Nawala na sa pananaw ko ang taong nag aapoy ang katawan at sunog na sunog ang mukha. Nagkagulobnaman ang mga kasamahan ko sa kusina. " Ano iyong amoy? Ang baho! Parang sunog na iwan na parang amoy patay na daga! Saan nanggagaling yon? Nasaan na pala ang pinatay mong ahas sir Carlo?". Tanong ni  Paul. " Tinapon ko na sa malayo." Tapis na ba kayo. Bukas na natin linisin ang kusina. Pahinga na tayong lahat." sabi ko sa kanila. Nakatingin lang sila sa akin na parang nagtataka at natatakot. Nakatitig lang si Myla sa akin at hindi ito nagsasalita. Nagtataka ako bakit ganoon ang kanilang mga reaksiyon . 

            " May problema ba? Bakit ang talim ng mga titig niyo sa akin?" tanong ko agad sa kanila. Isa isa na silang nagsialisan at umakyat na sa taas at pumasok na pabagsak ang mga pinto ng kanilang mga kuwarto. Samantalang si Myla nakatingin lang sa akin na parang nagtataka ito. "  Myla,  bakit may problema ba? May dumi ba ako sa mukha? Magsalita ka naman! Hey! Sweetheart!"  takang sigaw ko nito sa kanya ngunit parang wala pa rin itong naririnig.  Hindi ko alam ano ang nangyayari sa kanya. Hindi siya nagsasalita. Kaya hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila papasok ng kwarto namin. Saka siya pumipiglas sa pagkakahawak ko sa kanyang mga  kamay.

         " Ano nangyari saiyo? Bakit tulala ka sweetheart?" taka kung tanong kay Myla. " Hindi ko alam! Bakit ano nangyari?" takang tanong nito . " Ewan ko di ko rin alam nagtataka na lamang ako saiyo na nakatulala at nakatingin sa akin at hindi nagsasalita na para bang nakakakita ka nang multo!" Sabi ko nito sa kanya. " Wala akong naalala at wala akong alam . Basta ang alam ko kumakain tayo. Nasaan na pala ang mga pagkain? Nagugutom ako hindi pa tayo tapos kumain di ba?" tanong nito sa akin na nakataas ang mga kilay. " Nandoon pa rin hindi naman nailigpit ang mga pagkain . Tinakpan ko lang ang mga pagkain." sabi ko. " Samahan mo naman ako sweetheart. Nagugutom pa ako." hindi na ako naktanggi pa kaya tumayo nalang ako sa aking kinauupuan at hinawakan siya sa kamay at sinamahan ko na sa kusina. Halatang gutom na gutom ito. Hindi man lang ako inalok. Kain lang siya ng kain. Sarap na sarap. Pinanuod ko lang siya habang napapalunok ako na parang nakakaramdam ako ng gutom. Kaya nang hindi ko na napigilan ay kumuha na rin ako nang plato at kumain na rin ulit. Maya maya may kung ano akong  narinig na kaluskos galing sa labas. Sarap na sarap naman sa pagkain si Myla. Hinayaan ko na lang ang aking naririnig upang hindi madisturbo sa pagkain ang aking kasintahan.  Papalapit na papalapit ang kaloskos na aking naririnig. Nagsitayuan na ang aking mga balahibo pati ang buhok ko sa batok ay nanlalamig na din. Kaya bigla akong napatayo. Nawala na din ang naririnig kong ingay at kumakaluskos sa labas. Ang tagal matapos kumain ni Myla. Mukhang napasarap siya sa pagkain. Biglang bumaba sina Martin Azenti , Noel Luchi, Tom Quar,  Paul Lambert.  

           " Sir  Carlo? Kumakain pa rin ba kayo?" Takang tanong ni Paul sa akin na nakataas ang kanang kilay nito. Na mukhang nang aasar pa.  " Nagyaya kasi si Myla. Ginutom ata at  iyan kain ng kain. " nakangiti kong paliwanag sa  kanila. " Saan ba kayo pupunta? Bakit kayo bumaba?" tanong ko sa kanila. " A ...e... nagyaya kasi itong si  Noel na lumabas magpapahangin. Magyoyosi na rin kami sa labas." Sabay turo ng bitbit nitong isang kahon ng Marlboro. Natuwa na lang ako. Lumabas ang apat ng pintuan tanaw ko pa sila. Maya maya pa'y, isinara na nila ang pinto. Diko na maririnig ang kanilang mga boses. Tapos nang kumain si Myla. Agad nitong niligpit mga plato. Tinulungan ko siyang maglinis. At maghugas ng mga pinakainan kanina. Inilgay ni Myla sa refrigerator ang mga natitirang pagkain.  Biglang sumakit ang aking tiyan. Nagpaalam ako na pumasok muna ng kwarto namin at magbabanyo lang ako. Tumango lang ang aking mahal. Agad akong umalis at pumasok nang banyo. Habang ako'y nasa loob ng banyo at nakaupo sa inodoro. May narinig akong isang malakas na sigaw at hindi ko alam kung saan nanggaling. Humihingi ito ng tulong dali dali akong lumabas ng banyo at hinanap ko kung saan nanggaling ang malakas na sigaw. 

            " Sweetheart! Ano nangyari saiyo?" takang tanong ni Myla habang sinasalubong ako sa may sala papalabas na ako ng bahay. " Saan ka pa ba pupunta? Matulog na tayo pagod na ako!. hila nito sa akin pabalik ng kwarto namin. Di na ako nakaimik. Kaya sumunod na lang ako sa kanya. Pangalawang gabi namin ngayon. Ngunit bakit parang hindi mabuti ang nararamdaman ko sa bahay na ito. Dami akong nakikita at naririnig. Sana makakatulog ako ngayon ng maayos.  

       " Maligo muna ako sweetheart , kanina pa ako naiinitan." sabi ko. " Magpunas ka nalang sweetheart! Pagod na pagod ang katawan mo. Maupo ka dito punasan na lang kita ng mainit na bimpo. Halika dito". tawag nito sa akin. Agad naman ako umupo sa kama. Kumuha siya ng bimpo at nagpunta ng banyo. Agad naman itong bumalik na may bitbit nang maliit na planggana na may laman na tubig.  Maya maya pa'y dahan dahan nang pinunasan nito ang aking mukha at buong katawan Ang sarap ng pakiramdam kapag may nag aalaga sayo. Lalo na sa ganitong paraan. Ramdam ko ang totoo noyang pagmamahal sa akin.

       " Tapos na  sweetheart! Magbihis ka na at matulog na tayo. Antok na rin ako kanina pa. Nakabalik na ba sina Noel?. tanong nito sa akin. " Hindi ko alam, nasa labas pa sila. Nagpapahangin pa." Kwento ko sa kanya.  " Hayaan  na natin sila papasok din ang mga iyon." sabi ko. Tumango na lamang si Myla. Nahiga na kami. Maya maya pa'y nakatulog na agad si Myla. Antok na din ako.  Kaya ipinikit ko na ang aking mga mata.  Lingid sa aming kaalaman nagkakagulo na pala sa labas sina Noel. Dahil nawawala si Paul at hindi nila ito mahanap. Hindi nila mabubuksan ang pintuan kaya hindi sila nakapasok sa bahay at hindi rin namin naririnig kung ano ang mga ginagawa nila sa labas. Hindi rin nila dala ang kanilang mga phone. Hinanap nila  si Paul ngunit wala ito.

          " Nasaan na si Paul? Tawagin niyo si sir Carlo kailangan malaman nila ang nangyari. Saan na kaya nagpunta iyon? kinakabahan na sabi ni Tom. Katukin niyo ng malakas ang pinto." utos ni Martin.  Agad na kinatok ng kinatok nina Tom ang pintuan hanggang sa narinig ni Myla ang mga katok. Agad na bumangon si Myla at binuksan ang pinto. 

        " Bakit ang ingay niyo? Ano ba nangyari sainyo?"takang tanong ni Myla sa kanila. " Kanina pa kami naghahanap kay Paul ngunit hindi namin mahahanap!". "Ano? Anong nangyari ? Nasaan na si Paul?". Agad akong naalimpungatan sa ingay nila sa labas. Dahan dahan akong bumangon at tinungo ang kinaroroonan nila. Nagulat ako nang sinabi nila na nawawala si Paul. 

          " Paanong nawala. Nasaan siya?"tanong ko sa kanila. " Hindi nga po namin mahanap sir e! Nagpaalam lang siya na iihi lang saglit doon sa may puno ng malaking mangga. Hindi na po siya nakabalik." kwento ni Tom. Samahan niyo ako puntahan natin kumuha ka ng flash light sa loob Noel . Magdala ka ng apat! Kumuha ka na rin ng itak sa loob ng kusina Martin. Bilisan niyo!" utos ko sa kanila. Kanina pa pala nawawala si Paul hindi man lang nila ginawan ng paraan . Puro lang sila sigaw nang sigaw wala naman may nangyayari.  Agad na bumalik ang dalawa. Agad ko binigay sa kanila isa isa ang mga flash light at itak. Myla bumalik ka sa bahay. Umakyatbka sa taas. Sabihin mo sa mga babae na nawawala si Paul. Huwag na huwag kayo lumabas ng bahay. Sarado mo ang pinto.  Tatawagan kita kapag dumating na kami upang mabuksan mo ang pinto. Nakakalungkot na nawala si Paul. Hindi puwede na hindi natin siya makikita!" Sabi ko sa mga tauhan ko.

            " 

   

Imelda Aviles

Halos hindi na kumain si Carlo aa mga nangyayari. Lalo na si Myla. Nagsi akyatan na sa taas ng kwarto ang mga kasamahan nito. Dahil sa nakita nilang ahas na pinatay ni Carlo Tavez . Halos di makakibo si Carlo Tavez nang nakita niya muli ang taong nasusunog ang katawan at naagnas ang mukha. At sobrang masangsang ang amoy. Nagulat si Carlo Tavez sa mga kilos ni Myla at mga kasamahan nito. Kaya pinaakyat na lang nito sa taas. Nang bumalik na ang isip ni Myla ay agad ito nanghingi ng makain. Habang kumakain sila ni Myla bumaba naman sina Paul, Tom, Martin, at Noel. Nagpaalam ang mga ito na magpapahangin sa labas at magyoyose. Pumasok na sina Marlon sa kanilang kwarto at hindi nila alam na nagkakagulo na pala sa labas. Dahil nawawala si Paul at hindi nila ito mahanap

| 1

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status