Totoo kaya ‘yon?Tuliro akong lumabas ng ospital at bumalik sa Shaw Villa. Ang aking ina ay naghanda ng ilang masusustansyang pagkain para sa ilang mga bata.Tulala akong napaupo sa sofa. Lumapit sa akin ang aking ina pagkatapos niyang magluto at tinanong ako, “Kumusta si Dixon?”Umiling ako at sumagot, “Maayos na siya sa ngayon.”Nakahinga nang maluwag ang aking ina, “Mabuti naman.”Pagkatapos ng ungol bilang sagot, bigla kong tinanong ang aking ina, “Mom, noong nakaranas ako ng kidney failure noong labing-apat na taong gulang ako, anong sinabi ng nephrologist? Sinabi ba niyang mauulit ang kundisyon ko?”Nagtatakang tanong ng aking ina, “Bakit mo naitanong ‘yan bigla?”“Oh, wala naman. Gusto ko usisain.”Pinag-isipan ito ng aking ina at hindi nag-abalang magtago ng anuman.“Sabi ng doktor, maigi ang kalagayan mo. Kung pangangalagaan mo ang iyong katawan, panatilihin ang pagkain ng malulusog at makakuha ng tamang pahinga, walang magiging problema.”Huminto ang aking ina at saka idinagd
Nang marinig niyang sinabi ko ang mga salitang iyon para pagaanin ang loob niya, hindi sumang-ayon si Elaine.“Miss Shaw, magkaiba tayo.”“Oo, pareho nating mahahanap ang liwanag sa dulo ng lagusan,” tiniyak ko sa kanya.“Miss Shaw, sana maging maganda ang hinaharap mo.”Buong gabi akong hindi nakatulog. Maya’t-maya kong pilit na sinusubukang matulog ngunit nabigo ako hanggang madaling araw.Kinaumagahan, nag-alinlangan ako nang matagal sa tabi ng kama bago nagpadala ng mensahe sa aking lolo.[Caroline: Hello, ako si Caroline. Ang aking ina ay si Natalia Ravens. Sinabi niya sa akin ang tungkol sa kanyang pamilya bago siya pumanaw.]Ang numerong iyon ay ang isinulat ng aking ina sa liham. Hindi ko alam kung gumagana ‘yon, pero ayos lang dahil iniwan din niya sa akin ang address ng tirahan ng kanyang pamilya—sa Green City Hill ng River Mo.Walang pinatunguhan ang mensahe, at walang bumalik na tugon.Itinabi ko ang phone ko at inutusan si Leo na kunin ang mga bata sa Shaw Villa. Pagkatapo
Habang sinusubukan niya pang magtanong sa bodyguard, isang pamilyar na pigura ang lumitaw sa ikalawang palapag ng villa. Ang tao ay nakasuot ng kaswal na damit: puting sweater na ipinares sa pantalong may magaang kulay. Meron siyang bangs na bagong gupit, at siya ay nagpapalabas ng guwapong aura!Lalong natakot si Summer nang makita siya!Nagbitiw siya ng mahinang ngiti at masiglang tumawag, “Stefan.”Inutos ni Blueson gamit ang kanyang mababang boses, “Pumasok ka.”Pinigilan ni Summer ang takot sa loob niya at pumasok sa villa. Sa sandaling iyon, nasa ibabang palapag na si Blueson. Sa takot na baka lamigin si Blueson, mabilis na tumalikod si Summer para isara ang mga pinto, pinipigilan ang pagpasok ng malamig na simoy ng hangin.Tumayo si Blueson malapit sa kanya at tinanong siya nang may malamig na boses, “Mrs. Ai, alam mo ba kung bakit ka nandito?”Tumango si Summer, umamin sa kanyang pagkakamali. “Patawarin mo ako.”Tila pagod ang mga mata ni Blueson. Napakurap siya nang ilang bese
Umupo ako sa first-class cabin kasama ang aking mga anak. Limitado ang mga upuan at ang iba pang mga bodyguard ay nakaupo sa mga economic-class na upuan sa likod.Parheong hindi komportable ang mga bata sa eroplano, walang tigil sa pag-iyak. Kahit na ang karaniwang tahimik na si Ralph ay mahirap alagaan.Kinarga ni Leo si Ralph at sinabing, “Marahil ang Little Young Miss at Little Young Master ay hindi masyadong nakakapagbiyahe sa mga eroplano at hindi sila sanay habang paangat ang eroplano. Malamang magiging maayos naman na sila maya-maya.”Ang first-class cabin ay hindi limitado sa aming sariling mga tauhan dahil may iba pang mga pasahero. Kinainis nila ang pagiyak ng mga bata.“Napakaingay. Pwede bang patahimikin mo sila?”Kami ang mali, kaya humingi ng paumanhin si Leo, “Paumanhin. Ang Little Young Miss at Little Young Master ay hindi sanay dahil bihira lang sila sumakay ng eroplano. Baka kapag mas nakaangat na ang eroplano—”Humagalpak ng tawa ang taong iyon, “Hahaha, ano na bang
“Mrs. Gregg, meron kang terminal cancer…”Namumutla ang aking mukha habang tinanong ko ang doktor, “Anong sinabi mo?”Idiniin ng doktor ang aking medical records sa kanyang braso at malinaw na binigkas ang bawat salita. “Mrs. Gregg, ang iyong matris ay hindi ganap na naitanggal no’ng nagpalaglag ka dalawang taon na ang nakakalipas. Tapos, nagkaroon ka ng impeksyon at ‘yon ang nagsanhi sa cells sa iyong matris na maging cancerous…”Sumabat ako nang mangiyak-ngiyak, “Gaano katagal na lang ang meron ako?”“Kumakalat na ang cancer cells. Mayroon kang tatlong buwan para mabuhay…”“Hindi ko na naintindihan ‘yung ibang sinabi ng doktor. Malakas ang pag-buzz ng isip ko at bumulwak sa aking isipan ang mga salitang "tatlong buwan para mabuhay"…“No’ng gabing iyon, sa Gregg villa:Humilata ako sa kama na para bang patay na aso, ibinaon ang aking ulo sa unan. Punong-puno ng kalungkutan ang aking puso.Ang taong intimate sa akin kanina ay ang aking asawa, si Dixon Gregg.Sa loob ng tatlong taon, g
Nagulat si Dixon at napatanong, “Anong pakulo yan?”Nagsimula nang mag-snow sa labas. Sa loob ng dalawang buwan ay ika-dalawampu’t tatlong taong kaarawan ko na.Sa gabing din iyon ay bisperas ng Bagong Taon.Hindi ko alam kung aabot pa ako sa panahong ‘yon.Hinihimas ko ang aking mga labi, pagkatapos ay ngumiti at iminungkahi, "Alam mo na gusto kita. Kaya't nais kong palayain mo ang lahat ng hindi matwid na opinyon na mayroon ka sa akin at i-date mo ako sa loob ng tatlong buwan."Nagalit si Dixon at sumagot, “Managinip ka.”‘Yung boses niya sa phone ay wala man lang bahid ng pagmamalasakit. Dito sa malaking silid, napalibutan ako ng kalungkutan at tumulo ang aking luha. Sa sobrang sakit ng puso ko, wala na akong maramdaman.Itinago ko ang kalungkutan na nararamdaman ko at nagsalita nang pangiti, “Dixon, hindi ba gusto mo na makipaghiwalay? I-date mo ako sa loob ng tatlong buwan, maging lalaki ka na mag-aalaga at maga-alala para sa akin. Kahit na hindi mo ako mahal, kailangan mong magpa
Binabaan ako ng phone ni Dixon nang galit.Nilagay ko sa bag ang aking phone at paalis na sana nang makita ko ang taong pinakaiiwasan ko.Si Gwen Worth.Ang babaeng pinakamamahal ni Dixon.Nakatayo kami nang nakaharap sa isa’t isa. Nginitian ko siya at palakad na sana ako palagpas sa kanya nang sinabi niyang, “Ikaw ba si Mrs. Gregg?”Napatigil ako at tumingin sa gilid ng aking mga mata. “Bakit?”“Masaya ka ba bilang Ms. Gregg?”Hinahamon ako ni Gwen Worth. Lumingon ako para pagmasdan siya. Ang kanyang features ay sobrang ganda. Meron siyang light makeup ngunit ang kanyang mga labi ay napakapula. Napakalamig ng winter, pero ang kanyang kasuotan ay isang manipis na pinkish-grey dress na napapatungan ng white coat.Talagang napakaganda niya. Hindi kaduda-duda na nagustuhan siya ni Dixon.Nasa harap ko lang ang karibal ko at nagselos ako. Gusto ko siyang wag pansinin pero iniinsulto niya ako, sinasabing, “Kampante ba talaga pakiramdam mo sa posisyong inagaw mo sa akin? Mahal ka ba ni Dixon
Na-realize ni Dixon na kakaiba ang kilos ko. Inilahad niya ang kanyang mga braso sa likuran ng sofa at hinintay akong kumain. Ang mga pagkaing ay nakahain na nang ilang oras at tila nagyeyelo na sa lamig. Wala akong malasahan sa aking bibig at dahan-dahan kong kinain ang mga ito.Sinubukan ko ang kanyang pasensya. Bumangon siya at tumayo sa harapan ko, malamig at marahang sinabi, “Caroline, ano bang gusto mo?”Ibinaba ko ang aking mangkok at tumingin sa kanya. Nakita kong nakatingin siya sa mga pagkain sa lamesa.Biglang nagtanong si Dixon, “Ikaw ba nagluto ng mga ‘to?”Kakaiba ang tunog niya. Tumayo ako at nagsimulang maglinis habang sinasabi, “Tinanong kita sa maghapon kung uuwi ka ba para sa hapunan. Sinabi mong oo, kaya't tuwang tuwa kitang ipinagluto.”Biglang sumimangot si Dixon at tinanong, “Anong pakulo yan?”Napatigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya. Ang kanyang mga mata ay nagyeyelo sa lamig at wala akong makitang anumang lambing na dating naroroon sa kanyang mga mata