Chapter IV

HARMONEE

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang pulsuhan ko at hinila ng malakas kaya napatayo ako ng wala sa oras. Kaming dalawa na lang ang naiwan doon kaya ang lakas ng loob niyang gawin iyon.

"Aray! Ano ba Apollo, nasasaktan ako! Let go of me!" Sigaw ko sa kanya ngunit parang wala siyang naririnig at hinatak ako palabas papunta sa sasakyan. He was mad I can feel it. Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang marating namin kung saan nakaparking ang sasakyan niya. Yes sasakyan niya kasi pakiramdam ko hindi naman niya ako asawa at wala lang ako sa kanya.

Malakas niyang binuksan ang pinto at tinulak ako papasok sa loob nito. Pagkatapos ay mabilis itong umikot at umupo sa driver seat at walang pasabing pinaharurot ang sasakyan pauwi. Buti at naikabit ko agad ang seatbelt ko dahil kung hindi baka nasubsob na ako sa dashboard. Hindi siya nagsasalita habang nagmamaneho kaya biglang umusbong ang kaba sa dibdib ko. Nang makarating kami ay padabog itong bumaba at naunang pumasok sa bahay at iniwan ako.

Bumaba na rin ako at sumunod sa kanya. Dumadagundong ang dibdib ko hindi ko alam kung bakit. Nang makapasok ako ay agad akong napaigtad ng hilain niya at itulak at sinandal sa pader. Ang kabang kanina ko pa iniinda ay halos domoble pa. He pressed and locked me on the wall.

"Anong problema mo?" gulat kong tanong sa kanya.

"Problema? You don't have any fucking idea how mad I was when I saw you with that fuckin' bitch talking," untag niya na ikanakunot ng noo ko.

"What?! Who? with that guy named Patrick? You're unbelievable Apollo! Wala kaming ginagawang masama, siya ang unang lumapit sakin, ni hindi ko nga yon kilala!" sagot ko sa kanya.

"But you entertained him! Ni hindi mo naisip na naroon lang ako at may ibang taong nakakakita sa inyo! Ano na lang ang iisipin nila?!" He blurted. I can feel his hot breath on my face.

Pinatatag ko ang tuhod kong kanina pang nanginginig. Kailangan kong tatagan at manindigan sa sarili dahil wala akong ginagawang masama.

"Pwede ba Apollo? Huwag mong ibentang sakin ang gawain mo! Damn you!" Asik ko sa kanya.

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. He lifted his face and stare at my eyes.

"Filter your mouth Harmonee!" Saad niya.

"Tsk! Ano bang kinababahala mo kung makita ako ng ibang tao na may kasamang lalaki? Di ba, hindi naman nila alam na asawa mo'ko?! Na may asawa kang dinala sa impyernong village na to at kinukulong sa bah—hmmp!"

He pinned me on the wall then sealed and cut my words with his lips. He kissed me savagely. It was not our first kiss but it was deffirent from before. It was not passionate. It was a kiss of anger and jealousy. Mapangahas at mapagparusa at nakapikit pa siya habang hinahalikan ako. I admit, he was good kisser but damn I hate him right now. Sinubukan kong itulak siya at nagtagumpay naman ako.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako! I hate you!" bulyaw ko sa kanya. Pero hindi siya natinag.

Ang kaninang kaba na naramdaman ko ay napalitan ng galit dahil naalala ko ang babaeng sumagot sa cellphone niya kagabi. How dare he act like this na para bang wala siyang ginawang kasalanan kagabi?! Eh siya nga tong may malaking atraso sakin.

"Bitaw!" Sigaw ko ulit sa kanya pero tinitigan lang niya ako ng mariin. Dahil bumaba ang kamay niya sa baywang ko.

"Open your lips for me," matigas niyang utos sakin.

Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niya. Baliw ba siya?

"Huh! and why would I do that? Hindi ka pa ba kontento sa babaeng kasama mo kagabi?!" Lakas loob kong tanong sa kanya. Pansin ko ang pagkunot ng noo nito. Maang-maangan?

"Wala akong kasamang babae kagabi," tanggi niya.

Pinanliitan ko siya ng mata at walang signal na sinampal. "Liar! I called you last night and there, your woman answered it! Alam mo ba kung anong sinabi niya? Ayaw ka daw niyang istorbuhin at tulog ka na dahil pagod ka!" I shouted at his face. Hindi ko napansin na tumulo na pala ang luha sa pisngi ko. I cried out of anger, jealousy and frustrations because I can't imagine my man will hurt me like this.

Tumabingi ang mukha niya at umigting ang panga nang binalik ang tingin sa akin. Ngunit napansin kong lumambot ang uri ng tingin niya nang makita ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko. Ang kaninang mahigpit na pagkakahawak niya sa'kin ay lumuwag.

"I'm in the middle of meeting at the conference room and I neglected my phone on the table at my office, thats why I didn't noticed your calls."

"Huwag ka ng magpalusot huli ka na, saka dis-oras na ng gabi nasa meeting ka? Baka ibang meeting ang inatupag mo, tsk!" sabi ko sabay iniling-iling ang ulo.

"I'm telling you the truth babe, and I will find out who the culprit was and has the courage to do that on my things then I will fire her." tugon niya.

"Stop calling me with your bullshit endearment, at sa tingin mo ba maniniwala ako sayo? I'm so tired of your lies and excuses, Apollo! Go to hell and explain there!" pagkasabi ko no'n ay tinulak ko siya at umakyat sa kwarto. Ramdam kong sinundan niya ako ng tingin but I refuse to turn my gaze at him. I want him to realize that I was fuming mad at him. At alam ko na ang kasunod na mangyayari, he will lock me again in this huge house. Lonely and alone.

Hindi pa man ako nakapagbihis ay narinig ko ang pag-alis ng sportscar niya. May lakad na naman siya at hindi nagpaalam sa'kin. Anong bago do'n Harmonee? asik ko sa sarili.

Nang matapos akong magbihis ay humiga muna ako saglit, kinuha ko ang cellphone at nagbukas ng facebook. I search for Apollo's name and there I saw pictures uploaded a while ago. It was me and Apollo. And maybe it was taken from someone who was curios about his life. There's a caption written above and it caught my attention. "Look, the hot bachelor of the village was with another girl again. Who is this girl? His new fling?"

Magta-type sana ako ng comment at sabihing "I'm his wife," pero binura ko din at hindi tinuloy. I scrolled again at puro papuri at interview niya about sa business ang lumalabas. Nang magsawa ako ay bumangon ako at naisipang magluto dahil hapon na rin.

Magluluto ako kahit masama ang loob at hindi ko alam kung dito ba siya kakain ng hapunan. But deep inside I was hoping he will come home and eat what I cooked. I'm still making ways to make our marriage work.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status