Share

Eight: Fall

Para akong tanga na nakangiti. Hindi ko alam kung bakit, kung ano ang dahilan, at kung para saan—basta masaya ako. . .para akong nakalutang sa mga sandaling iyon. Kahit nga ang mahabang traffic na kinaiinisan ko ay hindi ko man lang naramdaman. I was like an idiot, enjoying the moment while driving at home.

Pero napawi ang mga ngiti ko nang pagpasok ko sa gate ay nakita ko na roon na ang mga sasakyan ng mga kapatid ko at nakaparada. Mukhang nandito na silang lahat at ako na lamang ang wala.

Lumabas ako ng sasakyan ko at nagmadaling naglakad papasok sa loob ng bahay. Dumeritso ako sa kusina at doon ko naabutan ang mga kapatid ko, pati na rin si Daddy na nagsisimula pa lang na kumain.

"Oh, I hate traffic," pagdadahilan ko at nginitian sila. "Late na ba ako?" Hinila ko ang upuan na katabi ni Dahlia at naupo roon.

Habang naglalagay ako ng pagkain sa plato ko ay pinasadahan ko ng tingin si Rose, I eyed her cautiously. Bakit hindi pa siya nagsasalita? Kailangan na niya sab
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status