Share

VIGOR: SEVENTY-SIX Pt.2

***

We've been walking for almost half an hour. Kasama namin ang squadron nina Jerick, habang ang ibang tatlong squadron ay tinungo ang posisyon nila. Tahimik ang gubat na sinabayan pa ng pagkatahimik naming lahat. Masyado kaming kinakabahan at nag-aalala para magsalita. Madilim din ang paligid na nagpapahirap sa aming maglakad. Napakadelikado din dahil sa mga posibleng pag-atake ng mga halimaw.

Dao told us na baka maka-encounter kami ng halimaw dito dahil sa naging kilos nila n’ong papunta pa lang kami sa kampo. Kaya doble ‘yong takot at pangamba namin ngayon. Pero hindi ito nagpahinto sa amin sa paglalakad. Nandito na kami. Masyado nang huli para umatras. At isa pa, kailangan naming iligtas si Trisha, kahit makipagbakbakan pa kami sa mga halimaw.

Speaking of Trisha, todo pa rin ang kontak ko sa kanya. Umaasang kahit ilang segundo lang ay makausap ko siya. "Trisha?" tawag ko sa kanya. Sa hindi mabilang na pagkakataon, wala na namang sumagot. Ayokong isipin na may nangyari na sa kanya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status