PAGMULAT ng mata ay likod agad ng babae ang nakita ko. Ang mahaba at itim nitong buhok ang tumatakip sa hubad niyang katawan.
Napatingin ako sa orasan sa tabi ng kama. 7: 06 am pa lang... napa-aga ang dating niya.
Pero hindi na iyon mahalaga. Ang importante ay nandito na siya... kasama ko.
Hinawi ko ang mahaba niyang buhok saka siya niyakap nang patalikod. Hindi pa ako nakuntento at pinagsalikop ang kamay naming dalawa.
Hinalik-halikan ko ang balikat niya pero hindi man lang siya magising. Mukhang may jet lag pa siya.
Sa dami nang nangyari kagabi... reward ko na itong nandito siya at yakap-yakap ko.
"Noreen... I'm glad you're here." Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa mukha niya saka siya sinilip. "A-anong..."
Nagmulat siya ng mata at napatingin sa akin. Tulad ko ay gulat na gulat rin.
Agad akong napalayo sa kanya sabay hila ng kumot. Tuma
HINDI MAKAPANIWALA si Gab matapos makita si Thalia sa room. Nagpalipat-lipat pa ang tingin niya sa aming dalawa. Kinusot niya pa ang mata pagkatapos."A-anong nangyayari? Ba't nandito ka?" ang tanong niya kay Thalia.Napabuntong-hininga na lang ako. Paano ko sasabihin sa kanya lahat kung pareho kami ni Thalia na walang maalala.Tumingala ako habang mariing napapikit. Nakakabaliw ang mga nangyari pero kailangan namin itong pag-usapan at mabigyan ng solution bago pa dumating si Noreen dito at mas lalong magkagulo."Okay, do'n tayong tatlo sa sala. Kailangan nating pag-usapan ang nangyari," ang utos ko at nauna na sa kanila.Pero ilang sandali na kaming nakaupo at magkaharap ay wala ni isang nagsasalita. Hindi ko rin kasi sigurado kung saan mag-uumpisa."Walang gustong magsalita sa inyong dalawa?" ang tanong ni Gab. "O sige, ganito na lang... magtatanong ako, tapos gusto kong
KANINA ko pa tinitingnan si Gab mula sa rearview mirror ng sasakyan. Nasa passenger seat siya at abala sa cellphone.Dahil natapos na namin ang photoshoot sa Toulouse ay balik na naman siya sa pag-aasikaso sa schedule ko."Mamayang 2 p.m. ay may schedule ka sa isang mall to promote the drama. Tapos... nakikinig ka ba?" ang tanong niya matapos lumingon.Tumango naman ako."Malapit na tayo sa condo, makakapagpahinga ka na," ang dagdag niya pa.Sa tingin ko nga ay kailangan ko talaga nang pahinga. Pareho naman kaming bumiyahe pero bakit parang ako lang ata ang may jet lag?Inabala ko na lang ang sarili sa cellphone habang papunta na ang kotse sa condo. Tinignan ko ang inbox... at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang messages sa akin.I need to see Noreen. I want to know kung bakit hindi ito nakarating sa Toulouse. Buong araw akong naghintay na dumating pero
Chapter 22 ANG SAKIT sa dibdib at ang hirap huminga nang maayos kung ganito ang nararamdaman ko. Humahapdi pa ang mata ko dahil sa halo-halong emosiyon.Parang sasabog na ang puso ko nang makitang may pumatak na luha sa mata niya.Ang ibig sabihin..."Sino si Boss?" ang ulit ko. "Sino siya?!"Pero hindi niya masabi at panay lang ang iling. Tumayo ako para lumapit pero agad siyang lumayo.Agad kong nahabol ang braso niya. "Sabihin mo sa 'kin, sino siya?" mas mahinahon na ang boses ko. "Hindi mo kayang sabihin? Bakit?"Tuluyan na siyang umiyak. Pumatak sa kamay ko ang luha niya. Binitiwan ko ang braso niya at niyakap siya. Hindi ko kayang makita siyang umiiyak at nasasaktan."Shhh... tahan na," ang bulong ko,"I'm so sorry Aaron... I'm sorry," ang hikbi niya."Ayos lang," sabay punas ko sa luha niya. "Hindi na importante sa 'kin kung ano man ang nangyari."Ilang beses siyang umiling at pagkatapos ay lumayo sa akin. "Aaron... I'm sorry, pero kailan
[Past]SA SENYAS ng staff crew ay naglakad ako sa gitna ng stage. Madilim dahil hindi pa binubuksan ang ilaw. Tumingin ako sa pianist nang mag-umpisa na itong magtipa sa piano.Pumikit ako para damhin ang musikang nililikha ng piano. Inangat ko ang hawak na microphone at buong pusong inawit ang 3rd single ko.“Lubusan mang nasasaktan, hindi maiibaTibok nitong puso’y tanging sa ‘yo lamangLimutin mo man ako’y laging nariritoSana’y madama mo itong tinitibok ng puso…”Nang imulat ang mata ay may nakatutok na sa aking ilaw. Tiningnan ko ang mga audience na parang nakikita ko talaga sila. Kahit madilim at tanging sa puwesto ko lang ang may ilaw ay patuloy ako sa ginagawang pagtingin sa audience. Gusto kong maramdaman nila ang kinakanta ko.Lalo na at ako mismo ang nag-compose at nag-arrange. Ibinuhos ko ang lahat ng makakaya ko para magawa ang kantang ito.Masigabong palakpakan ang natanggap ko
[Present]BIGLA kong nakita si Mama na papunta sa amin pero nang makita niya ako ay bigla siyang nagulat at mabilis na napa-atras.“Anong ginagawa niya dito?” ang tanong matapos makitang nakasunod sa kanya si Papa.Kita ko ang kaba sa mukha ni Mama matapos akong magtanong.“Napadalaw lang ako, Aaron,” ang sagot ni Papa.“Maayos ang buhay namin kaya hindi mo kailangang dumalaw.”“Aaron,” ang saway ni Mama at saka lumapit sa akin. “’Wag ka namang magsalita ng gan’yan sa Papa mo.”Pero hindi ko pinakinggan si Mama. “Ano bang kailangan mo? Naubos na ba ang perang binigay ko sa inyo?”Gumuhit ang galit sa mata niya matapos ko iyong sabihin. “Wala kang galang, a!”Hindi ko siya pinansin at tumingin kay Mama. “Sa kwarto lang po ako,” ang sabi ko at nilampasan sila.“Napakawalang-modo, porket artista’t sikat,” narinig
NAGISING ako sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Bumangon ako para ayusin ang kurtina pero bago pa makatayo ay agad kong naramdaman ang sakit sa ulo. Ilang beses akong napamura dahil sa sobrang sakit.Gaano ba karami ang nainom ko? Parang mabibiyak na ang ulo ko sa sobrang sakit.Nahigit ko ang hininga nang biglang sumakit ang tiyan. Sh*t! sobrang sakit!Muli akong napahiga nang hindi na kinaya ang sakit. Resulta na ata ito nang pag-inom ko ng walang laman ang tiyan. Kahapon pa ako hindi kumakain.Hindi pa nagpupunta si Gab dito simula nang magkasagutan kami.Imbis na ayusin ang kurtina ay lumabas na lang ako ng kwarto para maghanap ng gamot para sa sakit sa tiyan.“Bw*sit! Wala bang gamot para sa sakit sa tiyan?” Namimilipit na ako sa sakit. Halos itapon ko na ang laman ng medicine box para lang mahanap ang kailangan pero wala akong makita kahit isang gamot para sa tiyan.Pumunta na lang ako sa kusina at uminom ng tubig. Baka saka
NAGISING ako at agad hinanap ng mga mata si Thalia. Muntik pa akong bumangon para hanapin sa labas.“Aaron?”Napalingon ako nang lumabas siya mula sa banyo.“Akala ko umalis ka na,” ang sabi ko matapos makahinga nang maluwag.“Naghugas lang ako ng kamay,” ang sagot niya at lumapit sa akin. “Humiga ka ulit, hindi ka pa magaling.”Sinunod ko ang sinabi niya at muling nahiga. Tiningnan ko sa side-table ang orasan. Malapit na palang magtanghali.Napansin ko ang damit niya. Kahapon niya pa ito suot. At sigurado akong hindi pa siya nakakauwi sa kanila. “Baka hinahanap ka na sa inyo.”“Nagpaalam na ako kay Daddy at Mommy kaya ayos lang.”“Pero kasi…” Pagkatapos ay tinuro ko ang suot niyang damit.“Bakit?” ang tanong niya. Mukhang hindi nakuha ang ibig kong sabihin.“Kahapon pa kasi ‘yang suot mo. Baka lang hindi ka na komportable.”Sandaling lumikot ang mga mata niya.“Kung okay lang sa ‘yo may extra akong damit d’yan. Never ko pang nagamit. Pwede ka rin
SA LOOB ng ilang linggo ay naging maayos ang trabaho ko. Kahit may dumagdag na mga project ay mas maayos naman sa point na nakalimutan kong may project pala kaming magkasama.Laking pasalamat na lang siguro na naging artista ako at kayang kontrolin ang emosiyon sa harap ng ibang tao.“Do’n lang ako sa likod,” ang sabi ni Gab matapos magkumustahan sa director, staff and cast ng movie. “Ito nga pala ang script.” Sabay abot sa akin.Tinapik ko lang ang balikat niya saka naupo. Katabi ko sa long table ang female lead. Sa hilera namin ang ibang actor na may malaking role sa movie. Kahit hindi ko nakuha ang lead role na in-audition ay thankful pa rin ako dahil napasama sa cast.Ang papel ko sa movie ay kaibigan ng leading man at isang doctor.Sa kabilang side naman ng table nakaupo si Noreen, sa pinakadulo. Nakangiti sa lahat pero hindi man lang ako matignan. Parang hindi ako nag-i-exist sa paningin niya at tumatagos lang.Well,