Spotlight
Spotlight
Author: Zera Xeven
EPISODE I: "Starring"

“Hay naku! Napakarami mo namang pinabitbit na damit,isang eksena ka lang naman!” Reklamo ni Danna habang nakabuntot sa kanyang best friend.

“Bes, tatagal ng isang minuto yung eksena ko sa TV! Isang minuto, Bes! Achievement unlocked to!” Abot-tenga ang ngiti ni Ashley at ramdam ang kilig at gigil sa mukha at boses niya. Natanggap niya ang tawag mula sa isa sa mga staff kaninang umaga.

“Sa lahat ng project na natanggap ko, Bes, eto na ang pinaka-challenging! Makakaharap ko yung mismong bida! Eto na yung simula ng career ko! Eto na ang breaking project na magpapayaman sakin!” Itinaas pa ang kamay na parang nanalo sa lotto.

Napangiwi nalang si Danna habang pinapanuod ang kaibigang hindi man lang naisip na tulungan siya sa mga dala-dala niya.

“Kaya kailangan perfect dress ang suot ko! Wala na kasi akong time mamili kanina.” Napahinto sa paglalakad ang dalawa ng makita ang set.

“Okay, next scene in 5 minutes!” Malakas na sigaw ng direktor. Excited na excited na lumapit si Ash.

“Direk! Andito na po ako!”

“Sino— Ah, Ashley! Ashley, tama?”

“Opo, direk! Saan ba ang tent ko?” Tuwang tuwang tanong ni Ash.

“Aaah. Antay ka nalang muna doon sa upuan.” Tinuro ang monoblock na kinapi-pwestuhan ng ibang crew.

“Do-doon, direk? Sa upuan?”

Napatingin ng seryoso at ngumiti ng sarcastic ang direktor.

“Opo nga po.” Napalunok sa pagkahiya.

Lumakad ang magkaibigan sa itinurong upuan ng direktor. Di pa rin nawawala ang excitement sa mukha ni Ash.

“OMG, Bes! Feeling ko artista na talaga ako! Tignan mo, ang lapit na nila satin o!”

Mapapatingin si Danna sa tent ng mga artista. Sampung metro ang layo nila sa mga tents. “Oo nga,” matamlay niyang sagot.

“Teka, nasaan na ba yung script mo?”

“Ha? Uhm, sabi ni direk  dito nalang daw niya ibibigay e.”

“Okay, Scene 14! Scene 14!”

“Uy, scene ko na yun!” Halos mapatalon sa excitement si Ash. “O sya, dyan ka na muna ha?”

Pinanuod ni Danna ang paglapit ng kaibigan sa set.

Nakapwesto ang dalawang artista sa gitna. Sa likod ay may mga mesa at ilang upuan. Pinaupo si Ash at iba pang extra ng direktor sa mga upuan.

“Uh, direk?” Nagtaas ng kamay na parang nagre-recite. “Ano pong sasabihin ko?” Ngiting ngiting sabi ni Ash.

“Ah, wala ka namang kailangang sabihin. Kakain ka lang ng ice cream hanggang matapos yun scene.” Ituturo ang crew, at iaabot ng crew ang ice cream kay Ash.

“Pe-”

“Okay, action!”

Makikita sa eksena na nag-uusap ang dalawang bida. Si Ash ay literal na kumain lang ng ice cream sa buong shoot.

“Okay, cut! Good, good job!”

Huminto sa pagkain ng ice cream si Ash at matamlay na umalis sa set. Hinawakan siya ng crew sa balikat at inabutan ng 500 pesos. Nawala ang saya sa mukha ni Ash.

---

Sa isang taping sa beach, makikita sa eksena ang dalawang artistang nag-uusap.

“Brent,” aakbay si Jane sa ka-eksena. “May gustong kumausap sayo.” Ngumiti at lumingon sa likuran. Lumapit ang isang babae.

Lumabas si Jane sa set at naghawak ng kamay ang dalawang bida. Masusing pinanuod ni Jane ang magkatambal.

“Bakit ka nandito? Akala ko tumuloy ka sa Taiwan?” Bigkas ni John, a.k.a Brent.

“Na-realize ko kasing ang layo ng kailangan kong puntahan, e ang pangarap ko, nasa harapan ko lang naman.” Naluluhang ngumiti si Alice, a.k.a. Celine.

Hahawakan ni John ang mukha ng katambal at hahalikan. Napahawak sa kwintas niya si Jane habang pinapanuod ang halikan.

“Cut!”

Nagpapalakpakan at naghihiyawan ang mga staff. Ang cameramen ay inikot ang camera at kinunan ang pagsasaya ng mga ito para sa bloopers ng pelikula. Huling eksena na kasi ang kinunan nila.

“That’s a wrap! Congratulations to you!” Bebeso si direk sa dalawang artistang magpapayaman sa kaniya sa mga susunod na buwan.

Pumunta si Jane sa isa sa mga bar sa resort na pinagshooting-an nila.

“Isang bucket ng flavored beer, kuya.”

“Ang dami nyan, a.” Umupo si John sa tabi ni Jane.

“Pampamanhid.”

Sumimangot si John. “Babe naman, di ka pa rin ba nasasanay?”

“I’m trying. Bakit ka sumunod agad? Baka hanapin ka ni direk.”

“Iche-check ka. Sabi ko na magkakaganyan ka na naman e. Grabe kaya yung titig mo samin kanina! Parang dragon!” Ngingisi.

Napangiti nalang si Jane sa mukha ng kasintahan. Tumunog ang cellphone niya at agad niyang chineck. “Si mommy. Kailangan ko na raw umuwi para sa birthday party ni ate.”

“Sige, hahatid na kita. Papaalam lang ako kay direk.”

Lalapit ang isang crew. “Sir John, nakahanda na raw po yung room ninyo. Dito na raw po kayo mag-stay for the night kasi may party mamaya.”

“Ha? E kailangan ko na kasing—”

“It’s okay. Kaya kong magdrive.”

Nag-iwan ng pera sa table si Jane at tumayo. Susundan sana siya ni John pero sumenyas siya na wag na.

Pagdating ni Jane sa kotse, napahawak siya ulit sa kwintas niya. Bakas sa mukha niya ang lungkot.

---

“Alis na ko, love.” Humalik si James sa pisngi ni Nadine.

Matamlay na tumingin sa ka-live in. “Uuwi ka ba?”

“Baka tomorrow morning na, love.”

“Okay.”

Pinanuod ni Nadine na lumabas ng pinto si James. She knew. She knew where, what and who. Pero mas pinili niyang wag nalang kumibo.

Matamlay na naglakad si Nadine sa kusina. Binuksan ang ref at kinuha ang matcha-flavored ice cream.

Napaupo siya ulit sa sofa at nagbukas ng TV. Nakatingin siya sa TV, pero hindi siya nanunuod. Napabuntong hininga nalang siya.

Maya-maya, nagring ang phone niya.

“Where’s James?”

“He left.”

“And you let him?” Inis ang boses ni Jom, best friend slash manager ni Nadine.

“Hmn.”

“Nads, alam mo namang mainit ang mata ng media sa inyong dalawa. I told you, wag muna kayong maglalalabas. Kaya nga I bought you two a condo last month. Para maging lovers’nest nyo!”

“Jom, I’m not listening to this again.”

“But, Nads—”

Binaba ni Nadine ang cellphone. Biglang nagnotify ang I*******m. Photo na tinag sa kaniya. Probably ng fan.

“Wait, where’s Nadine? And who’s this f*ing girl na sobra kung makadikit kay James? #TheBar #Jadine” Caption ng isa sa mga fans. Makikita sa picture si James katabi ng isang babae sa bar habang nagtatawanan.

Nag-scroll si Nadine ng mga comment.

“OMG! Where’s our queen? Does she know this?”

“Sabi ko na womanizer yang si James!”

“NOOOOOOOOO!”

“Hey, whore! Stay the f* away from our king!”

“Ak3n k4 n4l4ng Nad3n3. J3j3j3.”

“Are the break-up rumors true?”

She stopped right there. Nangiti siya at pinisil ang lagayan ng ice cream na hawak niya.

Nagbeep ulit ang phone niya. A text from James. “Love, I’m coming home.” Hinagis ni Nadine ang phone.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status