Share

EPISODE II: "Beginning"

Matamlay na tinapon ni Ash ang bag sa sahig.

“B-Bes.. Okay lang yan. Diba nga, achievement na yung tumagal ng isang minuto yung eksena mo?”

Tumingin si Ash kay Danna na may pilit na ngiti at naluluha ang mata. Lumapit si Danna sa kaibigan.

“Nako naman. Wag ka nang malungkot. Try and try until you die.” Hinaplos ang ulo ng kaibigan.

Tumingin lang ulit si Ash na naluluha pa rin.

“Aaay. Gusto mo luto kita ng paborito mong pancit canton na may bacon?” Malambing na pagkumbinsi ni Danna.

Sa wakas, ngumiti na si Ash. “Tapos may boiled egg ha?”

Ngumiti si Danna at naglakad patungong kusina. Nag-umpisang ihanda ang mga kailangan. “Bes, bakit ba kasi gustong gusto mo mag—artista?”

Napatingin lang si Ash at naalala ang ina.

“O diba, anak? Sabi sayo mananalo ka e!”

“First place nga lang, nay e. Sorry po.”

“Ano ka ba nanalo ka pa rin!” Lumuhod sa lupa si Conchita at hinawakan ang dalawang balikat ng anak. “Tandaan mo, hinding hindi natatalo ang taong di marunong sumuko. Balang araw, magiging artista ka rin kagaya ko!”

Ngumiti si Ash. “At magiging bida rin ako sa ‘Adobong Kangkong’ starring Conchita Calleja?”

“Hahaha. Iba syempre ang sa’yo, anak. Kay nanay yun e.” Tinitigan ang anak. “Halika ka nga dito.”

Niyakap ni Ash ang unan sa sofa habang inaalala ang yakap ng ina.

“Tutuparin ko ang pangarap ni nanay.” Ngumiti at tumingin kay Danna.

---

Beep.

“Are you home?”

“Babe. Mag-uumpisa na ang party. Tinanong ni direk kung nasan ka sabi ko nauna ka na.”

“Gusto mo ba sumunod ako dyan? Tatakas nalang ako.”

“Babe, update naman. Nag-aalala ako.”

“Babe. Huy.”

Ilang minuto ring tinitigan ni Jane anng cellphone at binalik sa bulsa. Nginitian ang ilang kamag-anak na pumunta sa party ng ate nya.

“Jane?” Tinawag siya ng ate niyang si Joy. Hawak nito ang cellphone. Lumapit siya. “Si John, kausapin mo.”

“Hello?”

“Babe! Bakit di ka nagrereply? Kanina pa ko text ng text sayo.”

“Uhm, busy dito sa party. Sorry. Text nalang kita after. Enjoy your own party muna.”

“Pero babe—”

“Bye.”

Pinatay ni Jane ang tawag at inabot sa ate ang phone nito.

“Hmmm. I smell something.”

“Wala lang ako sa mood, ate. Can I go upstairs? Medyo masama kasi yung pakiramdam ko e.”

“Uh, sure.”

“Thanks, ate. Happy Birthday.” At humalik sa kapatid.

Pagdating ni Jane sa kwarto, tinitigan niya ang picture nila ni John noong sila ay nasa college pa, at binalikan ang mas masayang memories nila na magkasama.

“Babe! Babe!”

“O, babe! Bakit ka naman tumatakbo? Hinihingal ka na o.” Hinaplos ang likod ng girlfriend.

“Yung reality show na lagi nating pinapanood? Babe! Andito sila sa school!”

“Talaga?”

“Oo!” Sobrang excited ang mukha ni Jane. “May audition mamayang hapon sa AVR! Babe, mag-audition tayo!”

“O? Ah, babe. Alam mo namang wala akong hilig sa mga ganyan diba?”

“Babe!” Yumakap sa boyfriend. “Alam mo namang pangarap kong maging artista diba? Chance ko na tong makita sa TV! Tsaka ayaw mo yun, yung pila sa audition, precious time na nating dalawa!”

“Hays. Okay. Pero promise me. Kapag nakapasa ka, kahit di ako makapasa, tutuloy ka okay?”

“Yes! Pero sure akong papasa tayo!” Hinawakan ang pisngi ng boyfriend at hinalikan ito. Hnatak niya na si John papuntang AVR.

Makalipas ang ilang oras ay sampung babae at sampung lalaki nalang ang natira sa audition. Kasama pa sina Jane at John sa mga pagpipilian.

“Okay, and the last girl that would qualify for the next step is..”

Nagngitian ang magkasintahan.

“Mary Kaye Alemania!”

Nawala ang ngiti sa mukha ni Jane. Malungkot na bumalik siya sa upuan at sinalubong ang boyfriend na papunta naman sa stage.

“Now, the first boy who made it is no other than.. John Nelson Chua!”

“What?”

“Okay, step forward.”

Gulat at kabadong napatingin si John kay Jane. Ngumiti lang ito sa kanya bago lumabas ng AVR.

Napahawak muli si Jane sa kwintas habang nakakaramdam ng lungkot at pagkadismaya sa bahaging iyon ng kanilang relasyon. Iyon ang naging umpisa ng pagsikat ni John, at ang pagtago nila ng kanilang relasyon.

---

Bumukas ang pinto at pumasok si James. Tinitigan lang siya ni Nadine.

“Hi, love.” Lumapit ito at humalik sa ulo ng girlfriend.

Walang reaksyon ang mukha ni Nadine at pinagpatuloy ang panonood.

“O..K.. Kumain ka na ba?”

She didn’t answer.

Kinuha ni James ang remote sa kamay ni Nadine at pinatay ang TV. Hinawakan niya ang mga kamay nito. “Babe.”

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Jom. Galit na galit na lumapit ito sa dalawa.

“Gosh, James! What did you do?”

“I went out for drinks, that’s all.”

“Yeah? And your photo is now trending on social media! I told you to be more careful!”

“Jom, relax.” Hinawakan niya ang baba ni Nadine at hinalikan.

Click! Chineck kung maganda ang pagkakakuha niya ng litrato. Nagfocus sa phone na parang walang nangyari at nagtype ng caption.

“Cuddles all night.”

“See? I changed my shirt. Di naman malinaw yung mukha dun sa photo so they will have doubts.”

Napangiti si Nadine sa ginawa ni James. Demonyo. Marami pang sinasabi Jom pero tumayo na si Nadine.

“Babe?”

Di niya pinansin ang boyfriend at naglock siya ng pinto sa kwarto. Napaupo sa sahig si Nadine at tuluyan nang naiyak. 5 years. Naisip niyang ganun na pala katagal.

“So, James, maraming fans ang nagtatanong and very excited to know the truth. Kayo na ba ni Nadine?”

Nagulat si Nadine. “Ah-”

“Actually,” tumingin si James kay Nadine at ngumiti, “I’m about to ask her now.”

Naghiyawan ang mga fans sa gilid.

“Nads..”

“W-what’s this?” She mouthed.

“Will you be my girlfriend?”

Lalong lumakas ang hiyawan ng mga fans.

Nangiti si Nadine, sa gulat at kilig.

“So, what’s the answer, Nadine?”

“Uhm,” tinignan niya si James na nakatitig lang sa kaniya habang nakangiti. He’s so charming. “Y-yes. Yes.”

Lumakas pa ang hiyawan at niyakap ni James si Nadine. She was caught off-guard.

Tumayo si Nadine mula sa pagkakaupo sa tabi ng pintuan ng kwarto. Kinuha niya ang mga larawan nila ni James na nakalagay sa frame at binasag ang mga ito.

Narinig nila James at Jom ang pagbabasag kaya agad silang kumatok sa pinto. Binuksan ni Nadine ang pinto, tinitigan nang masama si James at lumakad palabas ng condo.

“Nads!” Sabay na sigaw nila James at Jom.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status