Share

SIMULA

As Justine walked outside the car, she saw many students as they make a line to enter the school.

Today's the first day of school in Helena Highschool University. She was currently studying first year highschool in this university.

Justine closed the door of her mother's car and looked inside it again through the opened window.

"Goodluck, sweetheart," saad ng Mama niya mula sa driver seat.

"Thanks, Ma. By the way, magte-text na lang po ako kung magpapasundo po ako. It's still the first day though, baka mag catch-up po kami ng kaibigan ko." 

"Bye, ate!" Paalam ng bunsong kapatid niyang lalaki. 

Nginitian niya ito at nag-paalam na rin. 

Nagsimula na si Justine na sumama sa pila ng mga estudyanteng pumapasok.

Marami siyang nakitang bagong mukha ngunit mayroon din namang iilang mga pamilyar lalo na sa mga senior year.

Nang nasa harap na siya ng gate ay binuksan niya ang bag at pina-check ito sa guard na naroon.

Nang makapasok na siya ay narinig niya ang malakas na sigaw ng isang pamilyar na boses.

"Justine!" 

Napangiti si Justine ng marinig niya si Reez. Isa siya sa mga matagal na nitong kaibigan. Simula palang grade two sila ay magkaibigan na sila.

Patakbo itong lumapit sa kanya. Nakangiti ang kaibigan habang palapit ito sa kung nasaan siya. Sinuklian niya rin ito ng matamis na ngiti at sinalubong ng yakap ang kaibigan.

"Kamusta ka na? Na-miss kita," saad ni Reez nang maghiwalay sila.

"Same here," saad niya at nagsimula na silang maglakad. "Wala akong ginawa buong bakasyon kundi sumama kay mama sa mga delivery niya. Nag-bakasyon din kami sa Bataan nila lolo pero hindi nakasama si papa dahil siya ang nag- take over sa businesses ni mama," mahabang saad ni Justine.

"Kaya naman pala. Nagtaka kaming lahat kung bakit hindi ka man lang nagparamdam buong bakasyon. Hindi namin alam na naging busy ka sa business niyo." 

Tumango siya. "Pasensya na. Hindi ko rin kasi inaasahan na ipapatulong ako nila mama." Inayos niya ang palda bago umupo sa bench. Maaga pa naman kaya umupo na muna sila. Mula roon ay tanaw nila ang dami ng estudyanteng pakalat-kalat na nakikipag-kwentuhan rin. 

Mula rin dito ay kita nila ang isa sa junior building. Medyo kita rin ang canteen na marami ng laman. Sa likod naman nila ay ang campus' church. 

"Nag-bakasyon kami sa Palawan. Halos tatlong linggo rin kami roon," kwento ni Reez. "Binisita namin ang lupang binili ni daddy roon. Hindi ko nga malaman kung bakit pa nila ako sinama, eh hindi naman nila ako halos asikasuhin. Buti na nga lang at naroon sila lolo at lola."

Napalingon siya sa kaibigan. Alam niyang problemado ito pagdating sa magulang. Hindi man ipakita nito pero alam niyang gusto nito ang atensyon ng magulang na halos wala na dahil sa dami ng inaasikaso ng mga nito. Buti na nga lang at nakasubaybay dito ang grandparents.

"Nga pala, asan sila Viah?" Liko niya ng usapan.

As if on cue, biglang sumulpot ang iba pa nilang kaibigan. Si Viah, si Zaune at Licy. 

Matagal na niyang kaibigan ang apat. Simula palang grade two ay magkakasama na sila kaya naman kumportable sila sa isa't isa bagama't kabisado na ang bawat ugali.

"Hoy Justine. Asan ka naman naglalagi huh? Hindi ka man lang nagparamdam," saad ni Zaune sabay upo sa tabi niya.

"Miss na miss ka na niyan, Just. Halos maputol na nga ugat niyan sa kakatanong samin kung anong balita namin sayo," sabat ni Licy.

"Kulang na nga lang sabihin niya sa tatay niya na paiksiin na lang ang bakasyon para makita ka na niya." Tawa ni Viah.

Nilingon ko si Zaune na nakanguso at natawa sa reakyon niya. Isang mayor ang papa ni Zaune. Hindi man ganoon kataas ang posisyon nito, kilala naman ito sa larangan ng business kaya naman lagi nilang asar yun sa dalaga sa katotohanang parang kayang gawin ng papa nito ang kahit ano.

Umupo lang sila doon at nagkwentuhan hanggang sa narinig nila ang bell at anunsyo sa school speaker na pumunta na lahat court para sa first flag ceremony.

Marami ng estudyante nang makarating sila sa court. 

"Lis, na-arrange mo naman na magkakasama tayo sa isang sec. diba?" tanong ni Reez.

"Oo naman. Ako ang pinag-arrange ni mama." 

Naging gawi na nila ito simula nang mag-grade six sila at magkaroon ng iba't ibang section. Teacher ang mama ni Licy sa school na 'to at taon-taon ay ito ang inatasang mag-ayos ng section kaya naman taon-taon din silang magkakasama sa iisang classroom.

"Lahat ay pumila according sa kanilang baitang. Lahat ng grade seven ay rito..." Utos ng isang guro sa stage.

Agad na naglakad ang magka-kaibigan papunta sa itinuro ng guro. Marami ang bagong mukha ang nakita ni Justine na nakapila. Nginitian ko naman ang mga dating kakilala.

Halos isang oras rin ang naging tagal ng ceremony dahil marami pang naging pakulo ang mga guro nila. Nang matapos na ang speech ng principal ay inatasan na silang sundan ang mga guro para sa magiging classroom nila.

Nang makarating sila sa building ay nagkanya-kanyang hanap na ang mga estudyante sa mga magiging section nila. Naka-post ang mga pangalan ng mga estudyante sa pinto ng mga section nito. At dahil kasama nila si Licy, hindi na sila nahirapan at agad na pumasok sa bagong room.

Leviticus ang pangalan ng section ng magka-kaibigan. Lahat ng section ng campus ay mula sa bible dahil na rin sa ang nagtatag ng campus na ito ay magkaibigang madre at pare.

Na-upo sila sa pinaka-likod nang magkakatabi. Unang araw palang kaya wala pa kaming proper sitting arrangment. Wala pa namang guro kaya kaunti palang ang estudyanteng nasa loob. Sa tanya ko ay mga bente palang kami. Ang alam ko ay 30+ ang bawat isang section. 

Unti-unting dumarami ang mga tao sa loob ng classroom. Karamihan sa mga ito ay mga hindi niya kilala. Bakasyon palang ay sigurado na si Justine na marami siyang bagong kaklase dahil sa first year highschool sila at maraming lilipat pagkatapos ng elementarya. Ilang minuto lang ang lumipas nang pumasok ang isang babaeng naka-damit pang-guro.

Inayos niya ang bag bago tumayo upang batiin ang bagong guro. Ganoon rin ang ginawa ng mga kaklase. Sabay sabay ang mga itong bumati.

"Goodmorning Ms..."

"Ms. Lina," sagot nito.

Umupo na ang guro at nagsimula na ang pagsasalita nito. Wala naman silang masyadong ginawa. Pinaliwanag lang ni Ms. Lina ang mga rules at ang iba pang bagay. Nagkaroon rin sila ng self-introduction.

Pagkatapos ng ilang sandaling introduction. Nag-announce ang teacher nila ng sitting arrangement.

"Licy, hindi mo rin ba to naayos?" Rinig niyang bulong ni Reez kay Licy.

"Hindi ko na to hawak, bro."

Narinig niya ang sabay na buntong hininga ng dalawa. Lihim na lang siyang natawa dahil sa kabaliwan nila.

Tumayo silang lahat, bitbit ang mga gamit, at tumayo sa likod ng classroom para sa sitting arrangment. 

Isa-isang tinawag ng guro namin ang mga pangalan ayun sa student's list. Unti-unti nababawasan ang mga kaibigan niya dahil sa tinawag na ang mga ito. 

Nahahati sa tatlong linya ang nga upuan, kada linya ay may dalawang linya ng mga upuan. Limang row rin ang upuan kung titingnan ng pa-landscape.

"Ms. Quezon." Tawag ng guro.

Agad siyang naglakad sa itinuro ng guro na upuan. Inayos niya muna ang bag niya roon bago siya umupo ng maayos. Nasa pinaka gitna siyang linya ng upuan. Nasa pangalawang row siya ng mga upuan. 

Inilibot niya ang paningin at nakitang katapat niya si Zaune at may isang upuan ang pagitan nila ni Reez, meaning ay nasa pinaka-likod ito at may katabing lalaki. Nasa left side niya naman sila Licy at Viah.

Napansin niyang alternate ang arrangement nila. Babae, lalaki, babae, lalaki. 

Nagulat siya nang may biglang umupo sa tabi niyang lalaki. Inayos nito ang bag sa baba bago umupo sa tabi niya. 

Nakatingin siya rito ngunit hindi man lang ito lumingon sa kanya at nakatutok lang sa guro na nagsimula nang magsalita ulit.

Narinig niya ang tawa ni Zaune mula sa kabilang linya ng upuan. Halatang nakasundo na nito ang katabi. Nilingon niya sa Licy at Viah sa kabila, at nakikipag-usap na ito. Hindi man niya lingunin si Reez alam kong kompartable ito sa katabi dahil dati nila itong kaklase.

Napabuntong-hininga ako at pasimpleng sinilip ang katabi. 

"At ito ako, may katabing istatwa." 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status