Share

KABANATA 4

Pagkatapos ng napakahabang araw para sa kanila. Sa wakas ay dumating na rin ang biyernes. Sa araw na ito magaganap ang main event. 

Pagkapasok niya palang kanina ng school ay marami ng students na abala. Merong pabalik-balik sa room. Meron ding naka-upo lang sa benches at hinihintay mag-bell. Meron din namang, hanggang ngayon ay hindi pa tapos sa props.

Nung thursday palang ay tinapos na nila ang mga props at nagkaroon na rin ng final decisions sa magiging costumes.

Hapon pa naman ang presentation ng mga jingle kaya naka-p.e uniform palang sila ngayon. 

Kasama niya sila Zaune at Reez sa bench habang hinihintau nilang mag-bell.

"Ang tagal naman ni Viah," biglang sabi ni Reez.

"Alam mo naman yun. Pag may ganitong events, parang nanay kung umasta at kulang na lang dala na ang buong bahay nila." Tunog chismosa ang tono ni Zaune kaya naman natawa sila.

"Hayaan niyo na. Baka naman nakatulog lang yun ng mahaba. Pagod din yun nitong mga nakaraan," sambit niya

Mula sa malayo ay tanaw nila si Licy na papunta sa kanila. Kakagaling lang nito sa classroom para ilapag ang bag.

"Uy, wala pa ba yung kapitbahay mo?" Tanong ni Zaune kay Licy, tumutukoy kay Viah.

"Dinaanan ko kanina. Sabi niya, susunod na lang daw siya. Aligaga naman si mayora." 

Hanggang sa nakita nila si Viah na papasok na ng campus. Lumapit ito sa kanila. Mukhang hinihingal pa ito.

"Anyare sayo?" Tanong ni Reez.

"Na-late ako ng gising. Nakakainis talaga yung alarm na yun, may sira ata ang utak." 

"Viah, walang utak ang alarm." sabi niya.

"Ah, kaya pala." 

Ilang minuto lang ang narinig na namin ang bell. Bumalik na sila ng classroom at doon ay pumila sila para sabay sabay bumaba.

Maganda ang papagkaka-design ng mga teachers sa stage. Meron itong green na tela na nagsisilbing backroung ng mga salitang 'Pagkain ng gulay ang gawin, para makamit ang pangarap natin' at nasa taas nito ang mga letrang gawa sa styro na idinikit sa tela para buuin ang salitang 'Happy Nutrition Month'.

Pumunta na ang pila nila sa sinabi ng teachers at nag-indian sit doon. Nasa likod si Zaune at nasa likod naman nito si Reez. Sila Licy at si Viah naman ay nasa harapan niya. Nakapila sila by height kaya naman medyo nasa dulo sila. Halos magkaka-height lang silang magkakaibigan kaya halos sila ay nasa likod.

Katabi ng pila ng mga babae ay ang pila ng mga lalaki. Pagkatapos nilang maka-upo ay tyaka pa lang umupo ang mga lalaki.

"Yow." Bati sa kanya ng umupo sa tabi niya.

Nagulat siya nang makita ang naka-ngiting mukha ni Jake. Nag-indian sit ang binata at tyaka ito humarap sa kanya.

"Yow. Morning." Bati niya rin rito.

Lalong ngumiti si Jake. "Bakit parang nagulat ka?" Tanong nito.

"Ha? Wala. Nagulat lang ako na magkatabi tayo sa ngayon, eh mas matangkad ka sakin." 

Hindi niya alam kung namalikmata lang siya pero nakitang naaliw sa kanya si Jake. Ang ngiti ay naging ngisi na ngayon.

Ang mga reaksyon ng lalaking 'to, akala mo hindi first year highschool.

"Marami kasing matatangkad sa aming mga lalaki kaya minsan kahit saan na lang sa pila kami pumupunta. Nagulat nga rin ako na magka-tapat tayo eh." paliwanag nito.

Tumango naman siya. Tumingin na siya sa harap nang marinig niyang magsalit ang katabi.

"Well, this is much more better than sitting next to Zaune." 

Natatawa naman siyang bumaling rito. "Bakit? Natatakot ka pa ring gawin ka niyang pako?" 

"Yeah. She looks like a hidden monster, by the way." 

"Hey. She's my friend. " nakangiting saway niya rito ngunit may diin.

"Oh. Sorry." hingi nito ng tawad.

Tinanguan niya ito at humarap na sa stage nang marinig ang salita ng m.c.

Unang nagsalita ang principal nila hanggang sa sumunod ang doxology. Pagkatapos naman nito ay ang mga palaro.

"Tinatawag namin ang mga representative ng gr. 7 na lumapit na." 

Nung monday palang ay nag-anunsyo na ang advicer nila tungkol sa bagay na yan. Nag-tanong na ito kung sino-sino ang mga gustong sumali sa mga unang palaro.

Tumayo si Cason na unang kasali sa laro at naglakad papuntang stage. Naroon na rin ang iba pang mga kalahok.

Nag-arrange ang ilang C.A.T ng isang pahabang lamesa. Nang mai-ayos ito ng mga yun ay naglagay ang mga teachers ng apat na plato na may takip ng kulay stainless. 

"Ready?" Tanong ni Mr. Reynald na siyang isa sa mga m.c.

Umalis ang mga teachers sa harapan at pumalit ang mga representatives. Pumunta ang mga ito sa kabilang parte ng table kung saan ay naka-harap ito sa audience. Tumapat ang mga ito sa mga platong may takip.

"Okay. Pagbilang ko ng tatlo, sabay-sabay niyong buksan ang mga takip, okay?" sabi pa ni Mr. Reynald.

Natawa ang lahat ng audience nang makitang raw egg ang nasa plato at kailangan nga mga itong maubos yun. Kung sino ang unang makakaubos ay siyang panalo at lalaban sa battle of winners.

Halos masuka ang mga kalahok dahil sa lasa habang ang ingay ng audience dahil sa tawa at cheer ng mga ito.

Nagtuloy-tuloy ito at sa kasamaang palad ay natalo si Cason. Ito pa nga ang huling naka-ubos ng tatlong raw egg.

"Next representative please," sabi ng m.c nang matapos ang gr. 10 sa parehas na laro.

Apat na uri ng pagkain ang inihanda ng mga teachers at hindi alam ng mga representatives kung ano-ano ang mga ito.

Napalingon siya kay Jake nang magsalita ito.

"Pag nanalo ako, libre mo ako ng chukee," sabi nito sa kanya.

"Huh? Kasali ka ba?" Tanong niya. "Tyaka, kung kasali ka, maglaro ka na lang, nandamay ka pa." 

Natawa naman ito. "Basta ililibre mo ako." 

Tumayo na ang binata at naglakad papuntang stage. 

Pagbukas nito ng takip ay nakita niyang raw ampalaya ang mga yun. Napangisi siya.

Siguradong, hindi siya mananalo. Sino ba namang kakayanin ang pait niyan?

Magkalipas ang ilang sandali ay nakangiting mukha ni Jake ang sumalubong sa kanya.

"Pano ba yan? Chuckee ko ah?" 

Hayss...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status