Share

Im Inlove With My Nanny?
Im Inlove With My Nanny?
Author: Paupau

PROLOGUE

"My dear cousin help me! Anong alam ko dito sa Manila? Kung hindi mo ako tutulungan humanda ka sa akin! Ayaw kong magpakasal sa matandang hukluban na amoy lupa!" Sunod sunod kong litanya sa pinsan ko habang nakikipag-usap sa kaniya sa telepono.

Wala akong alam dito sa Manila kaya naman nagpapatulong ako sa kaniya. Ang plano ko lang naman ay pumunta sa karatig bayan sa aming lugar pero ang seste! Nakatulog ako ng mahimbing, at nang magising ako'y hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ako napunta! Nang bumaba ako sa sinakyan kong victory. Puro nagtataasang gusali ang nakikita ko sa paligid. At puro daan na hindi ko alam kung patungo saan!

"Insan kalma! There's such thing called g****e map gaga!" Sagot naman ng pinsan ko sa kabilang linya, na kung nasa harap ko lang malamang nasabunutan ko na.

Kasalanan ito ng pinakamamahal kong ama kung bakit ako narito ngayon e! Kung hindi niya lang ako pinilit pilit magpakasal sa pesteng anak ng kumpare niya, 'di sana'y hindi ako lumayas sa hacienda.

Ang aking ama ay purong Kastila, habang ang Mama ko naman ay Pilipina. Ilang henerasyon na rin nila ang nagdaan, at ang salitang pinagkasundo ay hindi na bago sa kanila. Kahit ang mga magulang ko ay pinagkasundo lang din. Ganoon din ang mga magulang ng nag-iisa kong pinsan, na ngayon ay kasalukuyang nasa U.S. Malayang nagtatrabaho bilang assistant ng isang sikat na modelo. Minsan nga'y nakakaramdam ako ng inggit, dahil mabuti pa siya nagagawa niya ang gusto niya. Samantalang ako ito, bawat kilos ko ay may mga matang nakatingin.

I was born in Rancho Mejia sa probinsya ng Mariveles Bataan. Kung saan kilala ang aking pamilya bilang mayayamang hacienderos at hacienderas sa aming lugar. Mayroon din kaming piling kumpanya na nag-aangkat ng ibat ibang klase ng prutas sa ibang bansa. Sa madaling salita, mula ako sa mayamang angkan.

But to be honest, sa edad na dalawampot lima'y hindi pa ako nakarating sa ibang lugar, maliban sa probinsya namin at sa ibang bansa. Pero ang libutin ang buong Pilipinas, ni sa panaginip ay hindi ko pa nagawa. Kaya ngayong narito ako sa Manila, dinaig ko pa ang mulalang pusa na nakawala sa lungga!

"Zafy kung umuwi ka na lang kaya sa Rancho n'yo at ng matigil na yang kahibangan mo! Goodness! Ala-una ng madaling araw pa lang dito sa Cali. May rampa pa ang amo ko mamayang alas-dies. Kumusta naman ang beauty ko kapag nagkataon ha?" Muling giit  ng pinsan ko sa kabilang linya.

Sa totoo lang, ang daming litanya sa buhay nitong pinsan ko. Alam na alam ko naman na tutulungan niya rin ako. Nag-aaksaya lang siya ng laway!

"Alinnyta Carmi ito ang tatandaan mo. Kapag ako ay naligaw at napahamak dito, sinasabi ko sayo gabi gabi kang dadalawin ng kaluluwa ko. Hanggang sa iyang tinatawag mong beauty mo ay maging ugly! And one more thing, ipagkakalat ko sa buong mundo na may balat kang kulay pula sa singit mo!" Malakas kong sigaw sa kaniya, kahit na nga ba nasa kabilang linya siya. Ewan ko na lang talaga kung hindi pa mawindang ang buong pagkatao ng pinsan kong si Lenny, sa lahat ng pinag-sasabi ko sa kaniya.

"O ito na nanginginig pa! Ipinag-book na kita ng hotel. Kailangan pa talagang bigkasin ng buong buo iyang pesteng pangalan ko na yan! Five star hotel 'yun good for one week. Nakakahiya naman sa iyo mahal na seniorita! I'll call Blue also to help you hanggang sa matauhan kang gaga ka." Pa balang naman na sagot niya.

Napairap na lang ako sa sinabi niya. Mabuti na lang talaga at may pinsan akong maasahan. But wait! Tama ba ang narinig ko? Sinabi niya ba'ng five star hotel? Fucking great! I'm running out of money! Nakalimutan kong sabihin sa kaniya na kinumpiska ni Daddy ang lahat ng cards ko. At nanginginig na dalawang libo na lang ang laman ng wallet ko! Urggghh Alinnyta Carmi!!

Sasagot pa sana ako ulit pero nawala na si Lenny sa linya. Pinatay na ng pinsan ko ang tawag! Wala na akong ibang nagawa, kun'di amg pumunta sa nakita kong coffee shop at maghintay ng himala.

As I enter inside the coffee shop. Naamoy ko na kaagad ang mabangong aroma ng kape at tinapay, na sadya namang nagpakulo ng tiyan ko. I get my wallet and sat beside the glass window, kung saan kita ang lahat ng naglalakad at naglipanang sasakyan sa labas.

Tinignan kong muli ang laman ng wallet ko at nakitang nanginginig na dalawang libo na lang talaga ang naroon. Ayaw pa nga yatang pahugot ng isa sa kanila. Paano ko ba ito pagkakasyahin sa loob ng isang linggo, sa hotel na sinasabi ni Lenny?

Nangalumbaba na lang ako habang nag-iisip ng maganda gandang paraan. Hindi naman ako pwedeng mamalimos sa daan. Sa ganda kong ito baka pagkamalan pa akong artista na nagpa-prank sa mga tao'ng daraan. Hindi rin naman ako pwedeng mag-apply bilang manager o kung ano man. Dahil wala akong dalang kahit na anong patunay tungkol sa educational background ko, at mga papel na kailangan para sa pag-aapply ng trabaho. Jusmio! Ano ba itong kinasadlakan ko?

Nasa ganoong pag-iisip ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, at nakita kong may mensahe mula kay Lenny.

"Mahal kong pinsan, ayan ang link kung saan mo makikita ang five star hotel na kinausap ko para sa'yo. Dont worry bayad na ang isang linggong ilalagi mo riyan, maraming salamat sa akin!"

Napangiti ako ng mabasa ko ang mensaheng iyon galing sa pinakamamahal kong pinsan. Binuksan ko pa ulit ang isa pang mensahe na kararating lang galing pa rin sa kaniya.

"P.S! Utang yan! Tingin mo sa akin papagoyo? Mayaman ka kaya 'wag ako! Paki save na rin iyang number ni Blue na si-nend ko sa iyo. Na kwento ko na rin lahat ng kamiserablehan mo sa kaniya, kaya wala ka ng magagawa pa bye!"

Tulad ng sinabi niya, si-nave ko kaagad ang number ni Blue. Blue is Lenny's best friend, ewan kung paano at saan sila nagkakilala. Pero ilang beses ko na ring nakasama ang lalaki na 'yon. Ilang beses na rin silang nagbakasyon sa Rancho dati.

Nangangalay na ang leeg ko kalilingon sa kaliwat kanan ko at gutom na rin ako. Pero punyeta! Halos mag-iisang oras na akong nakaupo dito, wala man lang katulong o kahit na sinong tao ang lumapit sa akin para tanungin kung ano ang gusto ko! Anong klaseng serbisyo ba ang mayroon sa lugar na ito?

Itinaas ko ang kamay ko upang kunin ang atensyon at mag complain sa may-ari ng coffee shop, ng biglang may pumasok na lalaki. Matangkad siya at higit sa lahat gwapo. At kahit na nakapang-corporate attire pa siya, mapapansin mong may abs dahil sa ganda ng pangangatawan at tindig niya.

Pinasadahan ko pa siya ng tingin ng lumapit siya sa counter, tambok ng pwet sis! He look's respectable and smart. Halos lahat ng kababaihan na nasa loob ngayon ng coffee shop ay nakatingin sa kaniya, na akala moy nakakita ng artista. And when he turn around, nagtama ang paningin naming dalawa na ikinakunot ng kilay niya. Hindi ko rin inaasahang lalapit siya sa akin habang nakapamulsa. Pinasadahan ko pa siya ng tingin pababa, hanggang sa dumapo ang malikot kong mata sa pundilyo ng slacks niya ulala!

"Is there any problem Miss?" Tanong niya sa akin ng makalapit siya. Kumunot naman ang maganda kong kilay ng dahil sa tanong niya. Ako ba ang kausap nito? Bakit naman siya lalapit sa akin?

"You're raising your hand as if you're calling for someone, do you need help?" Sa sinabi niyang iyon, doon ko lang napagtanto na nakataas nga pala ang kamay ko kanina pa. What a shame! Ah basta! Hihintayin kong lumapit ang manager, bahala ka riyan sa buhay mo kahit gaano ka pa ka yummy!

***

Hindi alintana ni Justine ang mahuli sa trabaho. Dahil siya naman ang humahawak at nagmamay-ari nito. At dahil nga'y huli na, gawa ng inumang naganap ng napaka-aga sa bahay ng kaibigan niya. Hindi na rin siya nagmadali pa.

I went inside the coffee shop next to my building, to buy a coffee. Para mawala rin ang lasa ng beer na ininom namin kanina. Dire-diretso akong pumasok hanggang sa counter para sabihin ang order ko. At ng makapagbayad na'y tumalikod ako, upang humanap ng upuan habang hinihintay ang inorder kong kape. Napatingin tingin ako sa paligid dahil maraming tao ngayon sa coffee shop. But a woman raising her hand caught my attention.

She looks lost or something. Kaya naman nag desisyon akong lumapit sa kaniya at kausapin siya. Nakadalawang tanong na ako sa kaniya, pero ni isang sagot wala man lang akong napala. And worst she keep on raising her hand. Weird!

Umupo ako sa katabing mesa nang babae habang hinihintay ang kape ko ng may dumaang waiter, at hinila naman kaagad nang babae sa kabilang mesa.

"Hoy! Kanina pa ako nakaupo rito at halos kalyuhin na ang pwet ko, pero ni isa sa inyo wala man lang lumapit para tanungin kung ano ang gusto ko." Mataray na singhal ng babaeng kanina ay nakataas ang kamay sa waiter na dumaan.

At dahil katabing mesa ko lang siya, rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Eh Ma'am kung may order po kayo, doon n'yo po sa counter sabihin." Sagot naman ng waiter na itinuro pa ang counter na tinutukoy niya.

"Uutusan mo pa ako, e ikaw ang nagtatrabaho dito. Hay nako makalayas na nga!" Giit pa ng babae bago tumayo at naglakad palayo.

Pinasadahan ko naman ng tingin ang babae na naka-boots na itim hanggang tuhod. Nakasuot siya ng white crop top at fitted na pantalon, na may dalang isang malaking maleta at back pack. Sa pananalita at kilos ng babae isa lang ang masasabi ko sa kaniya. Ang wierd niya!

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
umpisa palang maganda na ang story na to
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
starting to read, author
goodnovel comment avatar
Joan Ramos
pau umpisa naq mabasa ha.....
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status