Share

Chapter 01

"Hey brute! Ano magmumukmok ka na lang dito sa kumpanya mo? Men, napakayaman mo na ah! Do you even know the word relax and enjoy life?" Tanong sa akin ng pinsan kong si Blue. Hindi ko rin alam kung bakit, pero bigla na lang sumulpot ang ungas na 'to sa opisina ko.

Blue is my cousin from my mother side. Except from my crazy friends, malapit din sa akin si Blue. Sanggang dikit kung tawagin. Nag-iisa akong anak, habang si Blue naman ay may isang nakababatang kapatid.

"Wala akong gana! Ano na naman bang kailangan mo sa'kin at narito ka? Huwag mong sabihing pera dahil marami ka niyan." I said while glaring at him. Blue is also a business man. Siya ang namamahala ng Land and Subdivision Company nila. Habang ako naman ay sa engineering firm.

At the age of 25, I choose to create my own career in my chosen profession which is engineering. My family own's a company that sell's different kinds and brands of liquors from mild to strong. Bukod pa dito sa Pilipinas, may branches na rin 'yon sa iba pang karatig bansa. Ilang beses na ring inalok sa akin ng aking ama ang kumpanyang iyon, ngunit ilang ulit ko ring tinanggihan. Sa kadahilanang ayaw kong pamahalaan ang kumpanyang ilang beses na ring nagsalin lahi. Higit sa lahat, kaya ko namang tumayo sa sarili kong paa.

"Wala naman bro, may inasikaso lang ako doon sa hotel ng kaibigan mo."

He said while texting and sitting in my couch na nakataas pa ang paa. Akala mo talaga kung sinong umasta itong lalaking ito.

"Steve's hotel? Bakit anong inasikaso mo doon? Babae lang ang alam kong inaasikaso mo sa hotel ah!" Kunot noong tanong ko sa kaniya. Ni hindi man lang ako pinansin ng magaling kong pinsan, dahil abala siya sa ka-tetext at umiling-iling pa nga.

"Sino ba yang ka text mo at para kang ulol diyan?"

Bahagya lang siyang lumingon sa akin bago bumalik ulit sa pag-tetext.

"Si Lenny. By the way 'yung house and lot na binili mo sa Macho Gwapito Subdivision ayos na. Pwede mo ng lipatan kahit bukas na bukas. At naroon na rin sina Janrick pati asawa niyang si Ayesha. Ang weird ng pangalan ng Subdivision, buti inapprove 'yon?" Mahabang saad niya sa akin. Kahit ako ay na wi-wirduhan sa napili ni Janrick na ipangalan sa Subdivision na 'yun.

That name came from our group chat.

As you can see, I have six friends. Binili namin iyong subdivided lot property kay Blue, upang doon magtayo ng sarili naming bahay. At dahil unang nag asawa si Janrick, siya ang unang lumipat doon sa Subdivision.

Kung hindi lang sana siya umalis baka kaming dalawa ang unang lumipat doon. Ang tagal na rin pala simula noong umalis siya, wala na rin akong balita sa kaniya. Kasalanan ko rin naman, ako mismo ang pumutol sa komunikasyon naming dalawa. Im still trying to move on, pero hindi pala madaling kalimutan ang limang taong pinagsamahan naming dalawa. Damn! Bakit ba naisip ko na naman 'yun? I shouldn't have think about her. Not now!

"Pwede ba akong manghiram ng kasambahay sa'yo saglit hanggang sa may makita ako? I mean, kailangan ko ng katulong kung sakaling lilipat na ako doon." I ask my cousin, when suddenly came that in my mind after a deep thought about my ex. I hope that he lend me a help. Puro katarantaduhan lang kasi ang alam ni Blue.

"Why dont you hire your ex girlfriend? Malay mo willing siya tapos magkabalikan kayo."

"Gago!"

Akala niya naman kilala niya ang ex girlfriend ko. Oo, nababanggit ko sa kaniya si Pauline dati pero ni minsan ay hindi niya pa nakita. Dahil bukod sa ibang bansa nag-aral si Blue, nangibang bansa rin si Pauline noong umuwi naman si Blue dito.

"Anyway I'll go ahead, my friend messaged me to help her cousin."

Matapos niyang sabihin 'yon ay lumayas na rin siya kaagad.

***

Meanwhile, Zafy get's annoyed on finding the LRT that Blue said.

"Hoy bughaw, where are you? I swear I will kill you for making me find that LRT whatever! Ni hindi ko man lang alam ang itsura ng LRT na iyan!" Sunod sunod na litanya ko ng sagutin ni Blue ang tawag ko. Instead of staying at the hotel that my cousin booked for me, napagkasunduan naming kay Blue na muna ako titira hanggang sa makahanap ako ng trabaho.

"Calm down woman! LRT lang hindi mo pa alam, saang kweba ka ba nanggaling? Sabi kasing aral muna bago landi. Basta diyan ka lang sa labas ng Steve's hotel malapit na 'ko. And one more thing LRT is ahmmm... A handsome guy, brown eyes and 6 foot tall I think. Bye!"

Sa sinabing 'yon ni Blue na curious ako bigla. Kung sinabi niyang gwapo pala ang kailangan kong hanapin, edi sana kanina ko pa tinanong kung sino si LRT sa kanila. Napakarami kayang gwapong naglipana dito.

"Excuse me, are you LRT?" Tanong ko sa lalaking dumaan sa harap ko. I think he's six footer but his eyes was grey not brown.

"Ahm no... Im kevin." Binigyan ako ng nagtatakang tingin ng lalaki bago umalis na rin kaagad.

Siguraduhin lang talaga ni Blue na gwapo 'yung LRT na sinasabi niya kung hindi gigilitan ko siya ng leeg.

Nakalimang tanong pa ako sa mga lalaking napapadaan kung sila ba si LRT. Hanggang sa mamataan ko ang isang lalaki na kaparehong kapareho sa deskripsyon ni Blue. Lumapit ako sa kaniya at marahang siyang tinanong. Kahit na nga ba hindi ma itimpla ang itsura ng mukha niya.

"Hi, sorry pero ikaw ba si LRT?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Kumunot pa ang makakapal niyang kilay, na lalong nag-emphasize ng masungit niyang aura. He looks familiar tho.

"I'm hundred percent sure that I'm not a fucking LRT! Im a human not a transportation!" Pasigaw niyang sagot. Hala, bakit galit? Nilampasan niya ako bago sumakay sa napakagara niyang sasakyan.

And now I realize that the LRT wasn't a person. Thats a vehicle! Busit na Blue pinagmukha akong gaga kahahanap sa LRT na akala ko'y tao! Patay ka sa'king bughaw ka!

Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating si Blue.

"Hey seniorita-" Agad kong binatukan si Blue ng lumapit siya sa akin pagkarating niya. "Hey! para saan iyon? Halos maalog ang utak ko sa pangbabatok mo ah!" Nakangusong reklamo niya habang nanlalaki ang mata at hinihimas himas ang ulo.

"Walanghiya ka, mabuti na lang hindi ko kilala at hindi rin ako kilala ng mga pinagtanungan ko kung sila ba si LRT! I thought LRT is a human just the way you describe it moron!"

Halos tumalsik naman ang lahat ng laway ng ungas sa katatawa dahil sa kalokohan niya. Sinabunutan ko pa siya at pinagkukurot makaganti ganti man lang sa lalaking 'to!

"Ang dali mo namang maloko! Mamaya ipapakilala kita sa LRT okay. Parehong pareho talaga kayo ng pinsan mo, mga mapanakit!"

Sumakay na kami sa sasakyan niya upang pumunta sa kung saan mang lupalop ng mundo. Ni wala nga akong ka idi-ideya sa lugar na ito kaya mabuti na lang din at narito si Blue.

"See that? Thats the LRT mahal na seniorita." He pointed the LRT. Isang mahabang sasakyan na mistulang tren.

"Thats a fucking tren, sinabi mo sanang tren 'di sana'y alam ko bobo!" I said, bago binatukan ulit ng bahagya ang ulo niya.

After an hour of driving, nakarating na rin kami sa rest house niya raw na nakatayo sa Tagaytay. Napakagandang tignan lalo na kapag nasa labas ka. It looks like a native house with a modern touch. May infinity pool sa gilid at napakaraming halaman na namumulaklak ang nagkalat.

"I can stay here forever Blue, pwede na ako rito. Now get my things and follow me inside the house pronto!" Namamangha pa ring utos ko sa kaniya.

"Aba naman seniorita, ipapaalala ko lang na bahay ko ito at ako ang amo dito kaya ikaw ang kumuha ng gamit mo. At saka isa pa, anong stay here forever ang sinasabi mo diyan? Asawa kita? Jusko patawarin kahit 'di na ako mag asawa pa!" Sunod sunod na sagot niya naman sa akin. Habang may pasuka-suka pang nalalaman. Anong tingin niya sa sarili niya? Napaka gwapo? Kamukha niya nga si 'Dolphy!' 

"Kung makapagsalita ka parang ikaw pang nalugi a! Hoy! My Mom said, I have a beauty that can captured even hard as a rock heart at naniniwala ako doon! Samantalang ikaw, para kang kalabaw namin sa Rancho noong napasma pwe! Bagay kayo ni Lenny, magsama kayong dalawa." Sunod sunod rin na giit ko habang hila hila ang maleta ko at hawak naman ni Blue 'yung bag ko.

"Lenny is just a friend of mine, nothing more and nothing less. At mas kamukha n'yo ang kalabaw n'yo sa Rancho. Hawig na hawig! Lalo na noong time na napasma 'yung kalabaw n'yo gano'n na gano'n 'yung itsura n'yong dalawa." Mangali-ngali ko ng bigwasan ang hudas kung hindi lang kumaripas ng takbo papasok sa bahay niya.

Ang kapal ng mukha ng Blue na iyon! Kung hindi ko lang kailangan ng tulong niya at matitirahan, nunkang sumama ako sa kaniya. On the second thought, kawawang Lenny friendzone ang iha!

Sinalubong kami ng mayordoma na galing pa mismo sa family house nila Blue. Her name is Nanay Hilda as Blue said. Siya raw ang namamahala dito sa rest house kapag wala si Blue. And speaking of Blue, lumayas din siya bigla ng matapos siyang maligo. Kailangan niya rin daw ng sex life paminsan minsan. Gross!

"E iha ano ba ulit ang pangalan mo? Ikaw palang kasi ang pangatlong tao na bumisita rito sa rest house ni Blue." Pangatlo ako? I got curious kung sino 'yong dalawa.

Its not that I'm proud na dinala ako dito ni Blue, sadyang naubos na talaga ang pera ko kaya kailangan ko ng umalis sa hotel. At dahil daw may ginintuang puso si Blue siya na muna raw ang bahala sa akin, that's what my cousin said. Dahil kung ako lang hindi ko ipagkakatiwala ang sarili ko kay Blue, bukod kasi sa loko-loko siya, hindi ko makita kung saan banda iyong ginto sa puso ng lalaking 'yun.

"Just call me Zafy Nanay Hilda, at sino po 'yung dalawa pa na dinala na dito ni Blue? And one more thing Nay Hilda, I'm looking for a job can you refer me to someone?" Tanong ko kay Nanay Hilda habang kumakain ng fresh salad na inihanda niya. Ah this is life!

"Ah iyong kaibigan niyang si Lenny, dumadalaw ang batang iyon dito kapag umuuwi galing ibang bansa. At saka si Sir Justine, pinsan naman ni Blue." So dito pala pumupunta ang lukaret kong pinsan kapag nagbabaksyon. Ang malanding 'yun ni hindi man lang ako isinasama.

"At kung trabaho naman ang hanap mo," pinasadahan muna ako ni Nay Hilda ng tingin bago nagsalita ulit. "Pakiwari ko ba'y hindi ka naman papasang katulong."

Halos ma ibuga ko naman ang lahat ng salad na kinakain ko ng dahil sa sinabi niyang iyon. Ako magiging katulong? That's out of my league! Nagpapasahod ako ng halos sampong kasambahay sa Rancho at apat na namamahala sa mga ibat ibang klase ng hayop sa hacienda. Ultimo pagsalin ng kape ay may magsisilbi para sa akin, tapos ngayon mag-aapply akong katulong?! Ano 'to lokohan?

"Eh Nay Hilda wala na po bang iba? I mean, naka-graduate naman ho ako kailangan ko lang talaga ng pera." Pagpipilit ko pa rin. Baka sakaling may alam siyang nangangailangan ng Manager or C.E.O. Pwede na rin sa akin kahit secretary 'wag lang katulong dahil wala naman akong alam sa pagiging kasambahay!

"Nako ineng, sa panahon ngayon mahirap na maghanap ng trabaho. At kung kailangan mo talaga ng pera kailangan mong maging wais. Malaki naman magpasahod ang alaga ng kapatid ko kaya hindi kana lugi doon. At saka mabait naman 'yon, pero kung ayaw mo ayos lang din naman."

"Magkano ho ba ang sahod?" Kuryoso kong tanong. Aba kung magiging kasambahay rin naman ako, mabuti ng alam ko kung magkano ang sasahurin ko para worth it ang pagsisilbi ko.

"Nasa dalawampong libo iha,'yun ang alam kong sinasahod ng kapatid ko. Baka ganoon rin sa iba." Sagot naman ni Nanay Hilda. Malaki rin pala, sa amin kasi sampong libo lang kada buwan.

But they got lots of benefits as my dads wish. Lahat ng kasambahay namin at namamahala sa hacienda ay may kani-kaniyang lote na mapapasakanila dahil sa kagustuhan na rin ng mga magulang ko.

Matatagal na rin naman silang naninilbihan sa amin kaya tingin ko'y kulang pa iyon para sa pagsisilbi nila. Their we're also insured. At may libre rin silang madical every six months. Pati na rin gamot, bigas at kung anong kailangan nila ay ibinibigay sa kanila as long as hindi umaabuso.

"Sige po Nay Hilda, bukas na bukas din mag-uumpisa na ako." Disididong sagot ko kay Nay Hilda. Kaagad niya namang tinawagan ang kapatid niya para ipaalam na ako na lang ang papasukin na katulong.

Iisipin ko na lang na isa sa exciting moment sa buhay ko ang pagiging kasambahay para hindi sumama ang loob ko. At saka kikita naman ako, kaysa ikasal sa anak ng kumpare ni daddy na ni minsan ay hindi ko pa nakita. Iniisip ko palang na mukha siyang matandang baka tapos may mabahong hininga at bungal pa kinikilabutan na ako.

***

Sa kabilang banda, umuwi naman si Justine sa Macho Gwapito Subdivision upang silipin lang sana ang bahay niya. Simula kasi ng maghiwalay sila ni Pauline inabala niya ang sarili niya sa pagtatrabaho upang makalimot. Binili niya rin ang bahay na 'yon para rin malimutan ang ala-ala sa condo niya dahil halos doon na rin umuuwi si Pauline dati.

"Nay Meling kumusta ho kayo dito?" I ask her as I enter the house. Si Nanay Meling ay kapatid ng mayordoma nila Blue.

"Ayos lang naman ako iho, ikaw ang kumusta minsan ka lang lumagi dito e. At nga pala may darating ng kasambahay bukas dito nirekomenda ng kapatid ko." Sa sinabing iyon ni Nay Meling nabawasan na rin ang iniisip ko. Hindi na ako magpapahanap kay Blue at baka kung sino pang dalhin niyang katulong dito.

I went to my room and lay in my bed only to see the big picture of Pauline and I hanging on the wall. We're both smiling and seems happy with so much love in our eyes.

Sinong makapagsasabi na mauuwi rin pala kami sa hiwalayan? Damn that fucking dreams of her and also my ego. Everybody said I need to let go and move on, but how can I? How can I move on when everything that I do seems like she's always there? Every time I wake up and start my day, seems like I hear her voice saying hi hon.

At ngayon maging sa paghiga ko ba naman at bago ipikit ang mata, nariyan pa rin siya at nakangiti sa akin na parang tunay at hindi isang larawan lang. Kailan ba ako makakalimot? Nakakasawa na!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status