Share

Chapter 02

Kung maganda ang rest house ni Blue, higit na maganda naman itong bahay ng amo ko. It's a modern house, a bungalow to be exact. Ipinasundo ako ng kapatid ni Nay Hilda sa driver daw ng amo niya, at dito nga ako dinala sa Macho Gwapito Subdivision. Such a wierd name for a bachelor's house.

"Ikaw ba iyong tinutukoy ni Hilda na papasok ng katulong?" Pinasadahan ako ni Nay Meling ng tingin mula ulo hanggang paa, at parang nagdadalawang isip pa kung papasa nga ba akong katulong o hindi. Natural hindi!

Ngunit may magagawa ba ako kung kailangan ko ng pera? Aarte pa ba ako? Eh matagal na akong maarte!

"Ako nga po, Zafy po ang pangalan ko. Na kwento na rin po kayo sa akin ni Nanay Hilda." Nananantiya kong sabi sa mayordoma at baka bigla akong pagalitan.

"Kung titignan ka'y parang hindi ka naman katulong ineng. Napakaganda ng kutis mo at mukhang wala kang alam sa gawaing bahay. Sigurado kabang mag-aapply kang katulong?" Sunod sunod na tango na lang ang isinagot ko sa kaniya, dahil kahit ako'y hindi kumbinsido kung gagawin ko ba 'to o hindi.

"Kung ganoon pala'y mag ayos ka na, naroon sa kaliwa ang kwarto mo na malapit sa kusina. Ang akin ay sa kanan sa tabing kwarto mo. At ang kay Justine ay sa taas naman. Dalhin mo na ang mga gamit mo doon at baka gumising na si Justine. Mamamalengke lang ako sandali." Tumango na lang ako ulit saka hinila ang maletang dala ko. Wala na bang katapusan ang paghihila ko ng pesteng maleta na 'to?!

Isinuot ko ang damit pang-katulong na nasa ibabaw ng kama ko pagkapasok ko sa kwarto. In fairness sosyalin ang higaan.

Itinali ko na rin ang lampas kili-kili kong buhok pataas, bago naglagay ng manipis na make-up. Naglagay rin ako ng lipstick at blush on para naman hindi ako mukhang maputla. Kinuha ko rin ang nag-iisang sandalyas na dala ko at isinuot. I gave my self a final glance in a life size mirror, then went to the kitchen to get some water.

Ilang minuto na rin akong naghanap ng nawawalang ref para kumuha sana ng malamig na tubig. Pero ang seste! Nalibot ko na ang buong kusina hindi ko man lang nakita. Mabuti na lang talaga at napasandal ako sa isang malapad na bagay na halos nakakabit na sa pader. At 'yon pala ang missing ref! Sa sobrang high-tech naman yata ng bahay na 'to ay sadyang nangangain ng tanga!

"Excuse me, but who are you?" Muntik na akong mabulunan sa pag-inom ng tubig ng bigla na lang may magsalita sa likod ko.

Dahan dahan akong humarap, only to see a handsome six foot tall and brown eyes guy. Siya 'yun! The LRT guy! I mean, iyong lalaking nakita ko sa Steve's hotel!

***

Sa kabilang banda, late ng nagising si Justine dahil late na rin naman siyang nakatulog kagabi.

As I finish taking a bath, I just wear a jogger and a plain white sando then went to the kitchen. Hindi ako nakakain kagabi kaya naman nakaramdam ako ng gutom ngayon.

I'm about to call Nanay Meling but a woman caught my attention. Nakasuot siya ng damit pang-kasambahay pero naka-LV ang sapin sa paa. And when she turn around, ang inaantok kong diwa ay tuluyan ng nagising. Nakamake-up pa nga talaga!

"Ahm... ako ho ang bagong katulong niyo Sir." Napakunot ang kilay ko sa sinabi niyang 'yon. Bagong katulong? Katulong ko itong babaeng 'to? Ngayon lang ako nakakita ng katulong na nakasandalyas na LV at kulang na lang ay sa party pumunta, dahil nakamake-up pa talaga. Take note mukha siyang sinapak sa sobrang pula ng mukha niya dahil sa blush on, at nakalipstick pa.

Napailing iling na lang ako at umupo sa harap ng lamesa. Habang siya naman ay nanatiling nakatayo at nakamasid sa akin.

"Mas maganda sana kung sisimulan mo ng ihanda ang pagkain ko. I'm hungry you know. I skip dinner so ahm... can you gave me my lunch?" Sunod sunod kong sabi sa kaniya. Pero nanatili pa rin siyang nakatunganga sa gilid ko.

"Nakakaintindi ka ba ng english? I mean, naintindihan mo ba ako?" I ask her again, but she just nodded and remain standing beside me.

"Ano ba! hindi ka ba nakakahalatang gutom na ako? May trabaho pa ako so please lang kumilos ka naman na. Nasaan ba si Nanay Meling?" Ayaw kong mainis ng maaga pero nakakainis naman itong bubungad sa akin na katulong, may pagkamulala pa yata. 

Ilang minuto rin akong naghintay bago siya dumating. Dala ang tanghaliang hinihingi ko sa kaniya.

Ngunit ng mailapag niya na ang pagkain, sadyang ikinakunot noo ko talaga.

"Ano yan?" Manghang tanong ko.

"Lunch mo Sir." Sa sobrang gutom ko kaya kong umubos ng isang buong lechong manok para sa tanghalian. Ngunit ang magaling kong yaya, binigyan ako ng isang platong punong puno ng lettuce na may kasamang carrots na hindi man lang hiniwa, tamang binalatan lang! At may saw-sawan pa nga na gawa sa ketchup at mayonnaise. Ano naman ang tingin niya sa akin, kabayo na gustong pakainin ng damo?

"Ano nga bang pangalan mo ulit?" Tanong ko sa kaniya habang hinihilot ang sintido.

"Zafy Sir," sagot naman niya habang may malawak na ngiti na mas lalong ikinainit ng ulo ko.

"Aware ka naman siguro na tao ako at hindi kabayo?" Kalmado ko pa ring tanong sa kaniya, kahit na mangali-ngali ko ng ipakain lahat sa kaniya iyang ginawa niyang pagkain ng ilang minuto.

"Oo naman Sir, wala ka namang buntot at 'di ka rin humahalinghing katulad ni Sky. Sigurado ho akong hindi ka kabayo. Bakit Sir may problema ba?" Nakangiting tanong niya rin.

"Malaki! Alam mong hindi ako kumain ng gabihan tapos ngayon ay tanghalian na, pero hinandaan mo ako ng... damo?! Nahiya ka pa yatang hiwain iyang carrots, tingin mo sa akin kuneho na may pagka-kabayo tapos nag alyas tao?" Bulyaw ko sa kaniya at tumayo na. Bwisit na buhay to oh! Pati ba katulong hindi na rin maaasahan sa panahon ngayon?

"Ipagtimpla mo na nga lang ako ng kape. At nasaan ba si Nay Meling?" Pagkasabi ko no'n ay bigla naman bumungad si Nay Meling na maraming dala galing sa pamamalengke.

"Anong nangyayari dito Justine? Zafy?" Tanong ng matanda habang inilalapag ang pinamalengke sa counter top.

"Nay Meling magluto nga ho kayo ng tanghalian tapos pakidala na lang sa study room." Iniwan ko na silang dalawa sa kusina para magtrabaho na lang sa study room. Nawalan na ako ng ganang pumasok sa office.

Narinig ko pang kinakausap ni Nay Meling si Zafy bago ako tuluyang pumasok sa study room.

***

Nang maiwan naman sina Zafy at Nay Meling sa kusina, agad na pinag usapan nila ang nangyari kani-kanilang.

"Ano bang ginawa mo at mainit yata ang ulo ni Justine?" Tanong sa akin ni Nanay Meling, habang sinasalansan ko sa ref ang mga pinamalengke niya.

"Eh nanghingi ho ng pagkain, binigyan ko naman siya kaso hindi ho yata vegetarian ang alaga n'yo. At saka malay ko ho ba kung anong pagkain ang gusto niya. Wala rin namang lutong pagkain. Wala ho ba kayong cooked?" Sunod sunod na paliwanag ko kay Nay Meling.

Pinakinggan niya naman ako pero umiiling-iling siya, kaya hindi ako kumbinsido kung panig ba siya sa akin o hindi.

"Kaya nga nangailangan ng katulong Zafy. At ang katulong all around yan, ikaw ang gagawa lahat kung sakaling wala ako. O siya, ipagtimpla mo na lang ng kape si Justine tapos dalhin mo sa study room. Magpapalit lang ako saglit at ng makaluto na."

Umalis din kaagad si Nay Meling at pumasok sa kwarto niya kaya naiwan akong nakatanga sa kusina.

Paano ba magtimpla ng kape? Way back in our Ranch, if I want a coffee our maids will serve it to me, mabilis pa sa alas kuwatro. But as far as I remember tea ang hinihingi ko. Hindi ko alam kung paano ginagawa ng katulong namin 'yun. Kaya ngayon, saang legendary book ko hahanapin ang pagtitimpla ng kape?

Kinuha ko ang cellphone ko, bago tinawagan ang kaisa isa kong pinsan upang mag tanong.

"Hi cousin! I have a question. How can I make coffee?" Tanong ko kaagad kay Lenny ng sagutin niya ang tawag ko.

"Hunyeta, hantok na hantok pacho!" Kailan pa naging chinese si Lenny? Ni wala man lang akong naintindihan sa kaniya.

"Ayusin mo 'yang salita mo sasabunutan kitang babae ka!" Bulyaw ko sa kaniya ng kabahan naman buong pagkatao niya.

"Ano ba naman yan Zafy para kape lang hindi mo alam! I-g****e mo tanga! Antok na antok pa ang tao kung makatawag ka riyan parang pareho tayo ng oras ah! Naiirita na ako baka masampal kita riyan ng walo!" Pasigaw niyang sagot na ikinairita ko.

Abat ang magaling na Lenny, hindi na lang sabihin kung paano timplahin ang kape. Ang dami pang sinabi, kung siya kaya ang sampalin ko ng siyam?!

"Alinnyta Carmi, just tell me how to make coffee ng makatulog ka na at kahit 'wag ka ng gumising pa! Napakarami mo pang sinabi nagtatanong lang naman ako. Gusto mo pa yata talagang magkwentahan tayo ng naitulong ah. Bakit, noong college ka, ako ang gumagawa ng math mo dahil laging tres ang grade mo nanginginig pa nga!" Kulang na lang talaga tumirik ang mata ko sa ka iirap kahit wala naman sa harap ko si Lenny. Ngunit ang magaling kong pinsan, pinatayan ako ng cellphone!

Ilang minuto pa akong nag-isip kung anong gagawin ko, upang makapagtimpla ng lintik na kape. Hanggang sa umilaw ang cellphone ko at lumbas ang pangalan ni Lenny.

Step1. Kumuha ka ng baso.

Step 2. Lagyan mo ng mainit na tubig.

Step3. Put some coffee( note that the coffee is color black)

Step4. Add some sugar.

Step5. You can add some creamer too, pero kung ayaw mo ng may creamer leave it!

Step6. Higupin mo na ng mag palpitate buong pagkatao mo ng dahil sa kape peste!

As I read Lenny's message, mabilis pa sa alas kwatro na nanguha ako ng baso. Then I follow the instructions that she sent. It Seems like Lenny is expert in doing it. Inilibot ko ang paningin ko sa kusina para hanapin ang kape. As Lenny said, its color black. Marami naman akong kulay itim na nakita kaya lang hindi ko alam kung saan doon si kape. Mio di dios!

Pinili ko na lang 'yung kulay itim na nasa bote saka inilagay sa baso. Then I put a hot water, buti na lang may dispenser sila ng tubig dito kahit papano'y alam ko 'yun gamitin. I saw a small plastic and it labeled as sugar, so I open it and pour a large amount of it into the glass. Creamer na lang ang problema!

I message Lenny again kung ano ang itsura ng creamer. She just said its color white and its powder. Kaya ng may makita akong kahon na may nakalagay na cornstarch kumuha ako ng isang kutsara at inilagay ko sa ginagawa kong kape. Brand lang siguro ng creamer ang cornstarch. Im about to taste it as I finished doing it, but I realize na hindi nga pala ako nagkakape.

Nang matapos ay kaagad akong pumunta sa kinalulugaran ng amo ko, bago ibinigay ang kaniyang kape.

"Sir ito na ho ang kape mo, may iuutos ka pa ba?" Inilapag ko ang kape sa study table niya, at bahagyang inilibot ng tingin ang loob ng study room.

"Wala na. Nakaluto na ba si Nay Meling? Pakidalahan ako dito kaagad ng pagkain kapag luto na." Tumango lang ako sa kaniya at pinagmasdan siya ng inabot niya ang baso ng kape bago dahan dahang hinigop.

"Fuck! Anong klaseng kape to?! Shit its not even taste like coffee!" Muntik pa akong mabasa ng bigla niyang ibinuga iyong kapeng tinimpla ko. Buti na lang nakaiwas ako agad. Pero anong sabi niya? Hindi raw 'yon lasang kape? Patay ka sa akin Lenny!

"Eh Sir ano ho bang lasa ng kape?" Maang kong tanong sa kaniya. Iyong klase ng pagtitig niya sa akin parang kakainin niya ako ng buhay. Kaya napaatras ako ng kaunti.

"Lumayas ka sa harap ko ngayon din at baka ipalaklak ko sayo itong tinimpla mo, nang malaman mo kung ano ang lasa ng kape! Saang lupalop ka ba ng daigdig nakuha ni Nay Hilda ha?" Galit na galit na singhal niya.

Kung hindi lang siya ang amo ko at kung hindi lang din ako nangangailangan ng pera, baka nasapak ko na itong lalaki na 'to. Akala mo kung sinong siniorito! Bakit ba hindi siya ang magtimpla ng kape niya para makuha niya ang gusto niyang lasa!

"Eh Sir taga Tagaytay po ako." Mahinahong sagot ko pa rin sa kaniya, kahit gustong gusto ko ng ahitin ang nakakunot niyang kilay sa sobrang irita.

"Saan doon?" Tanong niya.

"Diyan lang po Sir sa may ano... sa malapit po sa Makati." Lalo naman kumunot ang kilay niya kaya kinabahan na naman ako. Tama ba ang sinabi ko?

"Sige na lumabas ka na baka atakihin ako sa pinagsasabi mo."

***

When Zafy left the room, I throw the coffe in the trash bin, then immediately chat my friends.

Macho gwapitos:

Justine: Mayroon bang Tagaytay sa Makati?

I ask my friends because I got curious about what my nanny said. Kani-kaniyang sagot naman ang mga kaibigan ko.

Janrick: Kailan pa nagkaroon ng Tagaytay sa Makati?

Lucas: Ayan sa sobrang kamumukmok mo, hindi mo na alam ang mga lugar dito. Alam mo pa ba kung anong bansa ito?

Nico: What is the capital of the Philippines Justine?

Dahil alam kong wala naman akong makukuhang magandang sagot sa mga baliw kong kaibigan, ini-off ko na lang ang cellphone ko.

Napapaisip pa rin talaga ako kung nasasapian ba ang katulong ko o sadyang tanga lang talaga siya? Kanina hinainan ako ng pagkaing tanging hayop lang yata ang may gusto. Ngayon naman iyong tinimpla niyang kape. That was a killer coffee!

Lasang oyster sauce na napakatamis. Isang kilong asukal yata ang nilagay ng magaling kong yaya! Napansin ko rin na may buo-buo pang puti, cornstarch pa yata ang nilagay para mangulay brown ng bahagya. Papasa na 'yong sawsawan ng kikiam sa kanto ah! Akala ko nasagot na ang problema ko ng malaman kong may bagong katulong nang papasok. Pero pakiramdam ko tumanda kaagad ako ng limang taon sa isang araw niya palang na paninilbihan. Dimwit!

Comments (7)
goodnovel comment avatar
Maria Villaresis
I like it. Crazy maid.
goodnovel comment avatar
Jennifer Nene
nakakaluka ha ha ha ha ha
goodnovel comment avatar
Liza Pagalanan Valdellon
ha ha ha ha napapaiyak ako aa katatawa inulit ko pa tawa pa rin ako ng tawa ha ha ha ha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status