Share

Chapter 03

"Zafy ikaw na nga ang mag hain ng pagkain ni Justine, pakidala mo na rin sa study room. Hindi lalabas ang isang iyon doon hanggat hindi tapos ang ginagawa niya." Sa sinabing iyon ni Nay Meling nag sandok na ako ng pagkain ng mahal na siniorito.Kung pwede ko lang lagyan ng lason ito kanina ko pa ginawa.

I knocked on the door twice pero walang nag bukas. As I knocked again, the door parted a bit then I saw Justine sleeping in his study table. I went inside the room and carefully put the tray with full of foods beside him.

Nagkaroon ako ng pagkakataon para pagmasdan ang natutulog niyang mukha. Justine is handsome indeed. Matangos ang prominente niyang ilong, may makakapal na kilay at malalantik at itim na itim na pilik mata. His eyes is deep set golden brown, and his lips is pinkish na parang nakaliptint. Suddenly I wanted to touch his face. Gwapo ka sana pero nuknukan ka ng sungit.

At nang inangat ko ang aking kamay upang hawakan sana ang kaniyang mukha, bigla niyang hinawakan ang kamay ko at inilayo.

"Dont! youre not allowed to touch me." Nagtutulog tulugan lang ba siya o nakaramdam kaya na gising? Napaka o.a ng taong 'to, pa chansing lang eh hmp!.

"Eh Sir gigisingin lang kita, narito na kasi ang tanghalian mo." Pagkasabi ko no'n, agad siyang umupo ng tuwid at tinignan ang pagkaing nakahain sa tabi niya ng may bahagyang pagkunot ang noo.

"Pwede mo bang tawagin mo si Nay Meling? Pakisabi gusto ko siyang makausap." Madilim ang mukha niya habang sinasabi niya iyon kaya nakaramdam ako ng konting kaba.

***

Pagkalabas ni Zafy, ilang beses pa muna akong nag buntong hininga.

Ilang minuto bago pumasok si Nay Meling ay pinilit ko na munang pakalmahin ang sarili ko. Hindi na ako natutuwa sa katulong na mayroon ako ngayon. Paano na lang pag bumalik si Nay Meling sa bahay, edi iyong mulalang Zafy na 'yon ang araw araw na mag sisilbi sa akin? Baka ikamatay ko ng maaga ang babaeng 'yun!

"Pinapatawag mo raw ako?" Pinakatitigan ko ang matanda bago nag buntong hininga saka nagsalita.

"Nay Meling pasensya na pero pwede ho ba kayong maghanap ng ibang katulong?" Nagtataka man ay nagtanong pa rin si Nay Meling kung bakit.

"Hindi ko kayang tagalan iyang si Zafy. At hindi ko rin alam kung may ideya ba siya sa pinasok niya. Kanina pag gising ko, nabungaran ko siya sa kusina. You did see her right? Saan naman kayo nakakita ng katulong na halos mag mukha ng clown sa tindi ng kolorete sa mukha?! At ang seste nakasandals na at LV pa nga! Alam niya bang katulong ang pinasok niya at hindi dancer sa bar? One more thing, kumakain ako ng gulay. Pero hindi ko kayang kainin 'yong hinain niyang isang katerbang lettuce, at buo buong carrots as my lunch! Can you imagine that Nay Meling? I'm not a fucking horse nor a rabbit for goddamn sake!" Sunod sunod kong litanya kay Nay Meling.

Not to mention the killer coffe that she make, at baka atakihin na sa puso si Nay Meling. Halos tumalsik na rin lahat ng laway ko at magkandapatid-patid na ang litid ko kasisigaw ng dahil sa kapalpakan ng kutulong ko.

"Eh iho pag pasensyahan mo na at bago pa lang hayaan mo't pag sasabihan ko siya. Kawawa naman iyong tao kung sisisantehin mo kaagad, kailangan niya pa naman ng pera." Gustuhin ko mang tumaliwas kay Nay Meling pero hindi ko magawa.

Kahit papaano ay may konsensya pa rin naman ako. Pero nang makita ko na naman 'yong pagkaing kadadala ni Zafy rito, parang gusto ko talagang mag dalawang isip.

She gave me a lunch yes! Gutom na gutom na rin ako. Pero isang tingin ko pa lang sa dinala niyang pagkain, parang gusto kong mag wala ng paulit ulit shit!

Ang magaling kong katulong ay dinalhan ako ng lunch na hindi ko malilimutan sa buong buhay ko. Hinainan niya lang naman ako ng isang plangganang kanin lintik! Isang plangganang kanin na halos sing taas ng Mount Everest sa sobrang dami.

Gutom ako oo, pero tangina! Daig ko pang patay gutom sa kanin na dinala niya. At iyong ulam okay na sana dahil bulalo. Pero shit! Nagmistulang Ilog Pasig sa dami ng sabaw at nag-iisa lang ang sahog. Buto pa nga na parang bangkay na nag papalutang lutang sa baha! Goddammit!

Dinaig ko rin ang unggoy na nauubusan ng saging dahil isang piling ng saging ang nilagay niya sa tray. Tapos ni isang basong tubig man lang sana ay wala! Ano kapag nabulunan ako sa hinain niya diretso agad sa imbalsamuhan? This is the worst lunch I've ever have in my 25 years of existence.

***

Meanwhile, Zafy call her cousin Lenny upang mag labas lang sana ng sama ng loob dahil sa napakasungit niyang amo.

Though, Lenny didn't know that I am working as a nanny. Baka kasi kapag nalaman niya ay sumugod agad ang bruha!

"Lenny what should I do? I mean, I always did my best." Pag uumpisa ko palang kay Lenny, ng sagutin niya ang tawag ko pero agad namang pinutol ng bruha ang moment ko.

"Alam ko ang kasunod niyan! I did my best, but I guess my best wasn't good enough la la la lalalala." Napakahayop talaga ng pinasan ko. Alam niyang nag rarant ako dito puro kalokohan naman ang alam ng Lenny na ito.

"Ako Alinnyta Carmi 'wag na 'wag mong binubusit. Gusto mo sabihin ko kay Blue na patay na patay ka sa kaniya at kulang na lang ay gayumahin mo siya?" Pananakot ko sa kaniya para tigilan niya ako sa pang-aasar niya.

"Hindi na pala! Ano bang problema mo seniorita?" Huminga muna ako ng malalim bago ko kin-wento sa kaniya lahat. As in lahat!

"Hala gaga! Kapag nalaman ni tito na namasukan kang katulong patay ka. Baka pati iyang amo mo ipakulong niya. Ang gaga gaga mo talaga Zafira. Iyong totoo, nasaan ang utak mo? Umuwi ka na at tapusin mo na yang kagagahan mo. Baka mamaya niyan ikaw pa ang makadisgrasya dahil sa mga hinahanda mong gaga ka!" Mahabang litanya ng pinsan ko pagkatapos niyang malaman ang lahat.

Kung ganoon lang sana kadali gorabels na, kaso hindi. Ayaw kong magpakasal sa taong ni minsan ay hindi ko pa nakita. Isa pa, ni minsan hindi ko pa naranasan ma ka jowa tapos kasal agad!

"Lenny I have to go, but promise me. Lets keep it secret okay? Even Blue doesn't have any idea about this. So please dont tell anyone. Ngayon lang ako nakalaya sa labing limang taong pagkakakulong sa hacienda, let me enjoy this kind of freedom even if its hard." Yes, nasa akin na lahat. Pero ang wala sa akin ay kalayaan.

Ang hirap maging masaya kung nabubuhay kang mag-isa. I have a complet family yes, but they always busy working. Ni hindi na nga yata nila alam kung kailan ang birthday ko. That's why I envy my cousin, I envy those people who live simple yet full of happiness.

"Narinig ko ang lahat ng pag-uusap n'yo sa telepono ng kausap mo, mag tapat ka nga sa akin Zafy. Sino ka nga bang talaga?" Halos mapugto ang hininga ko ng biglang nagsalita si Nay Meling sa likod ko, at hindi ko man lang namalayan kung saan galing. Kung narinig niyang lahat, wala na akong pwedeng itago sa kaniya. Patay kang Zafy ka! Humarap ako sa kaniya bago yumuko at mahinang nagsalita.

"Eh Nay Meling kasi po-" Hindi ko maumpisahan at lalong hindi ko matapos tapos ang gusto kong sabihin kaya naman yumuko na lang ako.

"Alam kong hindi ka ordinaryong babae lang. At mas lalong hindi ka katulong dahil hindi ka sanay sa lahat ng bagay. Kahit ang kutis, tindig at pananalita mo ay hindi pang karaniwang katulong. Narinig din kita sa wikang english at masasabi kong bihasa ka sa pag gamit no'n. Pwede mong sabihin sa akin lahat maiintindihan kita." Para akong nakahinga ng maluwag ng sinabi 'yon ni Nay Meling. Kaya naman walang pag aalinlangang sinabi ko na sa kaniya.

"I'm from Mariveles Bataan, I came from a wealthy family Nay Meling. I never tried to be a nanny before, but we have lots of nanny in our Ranch. I run away," I stop for a moment to see what Nanay Meling's reaction to the information that I said.

"I run away because I dont want to get married to someone I didn't know." Pagtatapos ko saka yumuko ulit.

"Naiintindihan ko, hayaan mo't tutulungan kita sa gawaing bahay. Hanggang hindi pa ako pinapabalik ni Justine sa mansion ng mga Cortes. Sana matulungan mo rin si Justine iha. Wala akong karapatang pang himasukan ka kung ano man ang dahilan mo, pero sana maging totoo ka sa ipinapakita mo kay Justine, kahit na alam nating nag papanggap ka lang na katulong." I got curious about what Nanay Meling said so I ask why.

"Mabait na bata iyang si Justine, bata pa lang siya ay alaga ko na. Nagkaroon siya ng kasintahan, limang taon din ang itinagal nila. Pero umalis si Pauline para sa pangarap niya. Simula noon, naging mainitin na ang ulo ni Justine kaya naman wala rin halos tumatagal na katulong sa kaniya. Dahil lagi niyang binubulyawan at napaglalabasan ng init ng ulo. Kaya pagpasensyahan mo na lang din sana, kung sakaling pagtaasan ka niya ng boses at sabihan ng hindi maganda."

Ngayon alam ko na kung anong dahilan kung bakit nuknukan ng sungit ang amo ko. Nakaka curios din naman kung ano bang itsura ng Pauline na 'yon, at binaliwala lang ang bebe ko! Makalaglag panty kaya ang kagwapuhan ni Sir Justine.

With that thought in mind, na pag pasyahan kong akitin na lang si Sir! Char! Tutulungan ko siyang kalimutan ang nakaraang relasyon na mayroon siya noon, para naman hindi mistulang nag me-menopause ang bakulaw na iyon! Pero paano ko gagawin 'yon kung bawat buka ng bibig niya e, puro pagmumura ang ibinubuga? At imbes na matunaw ka sa klase ng pagtitig niya, mas gugustuhin mo na lang bumulagta bigla at mag patay patayan para hindi mo makita ang nanlilisik niyang mata!

***

Sa kabilang banda, Justine call his cousin to accompany him in Club-V na agad namang pumayag.

After taking a bath dumiretso na ako sa garahe. Nakita ko pang nagluluto ang dalawa sa kusina at mukhang nangungunsumi si Nay Meling sa mulalang si Zafy.

That woman, she reminds me of Blue's friend. Though, isang beses ko palang siyang nakita pero parang pareho sila kung kumilos. And Zafy looks familiar also. Kamukha niya 'yong babaeng nakita ko sa labas ng Steves Hotel, na nagtanong kung LRT ba ako! Damn! Siya nga yata iyon.

Ngayon naalala ko na. Siya rin iyong babaeng nakita ko sa coffee shop sa tabi ng office ko. Ang nakapagtataka lang ay kung bakit nag apply siyang katulong, mukha naman siyang may pinag-aralan? Sa itsura niya mas papasa pa siyang Seniorita kaysa katulong. Pero bakit ko ba pinag-aaksayahan ng oras para isipin ang mulala kong yaya?

After a minute, nagkita na kami ni Blue sa loob ng Club-V. Gusto ko sanang imbitahin din ang mga ungas kong kaibigan pero ayaw kong abalahin sila para lang uminom. Tama ng si Janrick ang mag ayang uminom para sa lahat.

"Problem?" Blue said as he ordered jd

for our drinks. I just shrugged then drink.

"Alam mo insan, kahit hindi mo naman sabihin alam kong problemado ka pa rin diyan sa ex mo." Uminom din si Blue pagkasabi niya no'n.

Ano namang kinalaman ng ex ko? Ni hindi nga pumasok si Pau sa isip ko, at himalang hindi ko nga siya naalala ngayong araw ng dahil sa lintik na Zafy na yan.

Pero sige sakyan na lang natin si Blue.

"I miss her. Ano na kayang nangyari sa kaniya? Sana natupad niya ang pangarap niya." Tangina! Wala naman akong balak mag mukmok pero dahil kay Blue naalala ko na naman si Pau!

"Why dont you try to talk to her?" He asked. Ilang beses kong sinubukan pero hindi ko kaya.

Hindi ko pa yata kaya. Kasi alam kong iiyak siya at ayaw kong mangyari 'yon. Call me masochist, but I'd rather hurt myself than to make her feel miserable. Ayaw ko ring masaktan siya dahil hindi niya deserve ang masaktan. At ayaw kong ma guilty siya sa desisyon niya ng dahil sa akin.

Nakailang shot pa kami ni Blue ng makaramdam na 'ko ng pagkahilo. Hindi ako pwedeng malasing dahil may trabaho pa ako bukas. Wala si Pau para tanggalin ang sakit ng ulo ko at lalong wala si Pau para sana pakalmahin ako. Naalala niya pa kaya ako? Shit! Kaya ayaw kong maalala ang isang iyon dahil kapag pumasok na siya sa isip ko, para ng gripo na tuloy tuloy ang bagsak at hindi malaman kung kailan hihinto. Kung pwede lang sanang patigilin kung kailan ko gusto. Pero walangya ang hirap!

++++++++++++++++++++++++++++++++

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status