Share

Chapter I.II

“Bahay mo ‘to?” tanong ni Aeon. Hindi makapaniwala si Aeon na ganito kalaki ang bahay ng lalaki. Frankly saying, hindi mukhang mayaman ang lalaki. Napaka-simple lang kasi nito manamit.

Namamangha pa siyang nilibot ng tingin ang kabahayan. Nakahilera ang mga katulong nito sa bukana ng spiral stairs nito.

Kung ikukumpara sa mansiyon nila sa Cebu ay natitiyak niya na mas maliit lang ito ng kaunti.

Nakumbinse din siya na hindi nga talaga siya nito kilala. He didn't give any slightest glint of recognizing her. At mukhang wala rin itong interes na kilalanin siya maigi. Sa buong byahe kasi ay ni isang tanong tungkol sa pagkatao niya ay di nito tinanong. Sumama siya dito para may matuluyan siya pansamantala tutal naman ay nag-alok ito ng tulong sa kanya. And besides, her instincts are telling him that she can have a good use of him.

“Ikaw lang ang mag-isa dito?” patuloy na tanong niya habang iginagala ang mata sa buong kabahayan. "Besides your maids." dugtong niya.

“Yes. I bought this last month to getaway from my parents.” sagot nito.

Mabilis siyang napatingin dito.

"Tumakas ka din?" tanong niya.

Ngumiti ito. "No. Gusto ko lang huminga sa pangbubuyo ng magulang ko na magpakasal."

Just like her. They both escaped from their fate. But the man can handles his situation well enough to not worry. Mabuti pa ito ay may kalayaan kahit papaano.

“Good evening po sir!” bati ng isang babaeng sa tingin niya’y kasing edaran niya lang.

“She’s Aeon, my friend,” agad na introduce ni Chuck sa kanya. “Pansamantala muna siyang tutuloy dito hangga’t di pa siya nakakahanap ng matitirhan.”

Nagbigay lamang siya ng tipid na ngiti sa babae.

“Good evening ma’am. Ako nga po pala si Mia.” pakilala nito.

Ipinakilala din ng lalaki ang dalawa pang kasambahay nito. Ang isa na may edad na ay si Inang Nita at ang isang kasing-edaran din nito ay si Camela.

Tango at ngiti muli ang itinugon niya sa mga ito. Tuluyan na siyang nakampante sa kaalamang hindi lang ang lalaki ang makakasama niya sa bahay. Naalala niya rin ang sinabi nito na madalas ito wala sa bahay. So she will be left with just the maids alone.

“Ahmm…Mia, pakihatid na siya sa magiging kwarto niya.” kaswal na utos ni Chuck sa babae. Napansin niya rin ang pakikitungo ng lalaki sa mga kasambahay. Kahit na ito ang amo ay may bahid pa rin ng respeto sa pananalita nito.

“Sige po,” tugon nito pagkuwa’y bumaling sa kanya. “Sumunod po kayo sa akin.” Nagsimula na itong maglakad.

Minsan pang  tumingin siya sa binata. Nakatingin ito sa kanya.

"I hope you get along with them." tahimik nitong wika na nakangiti.

"I will try my best." tugon niya dito.

Ngumiti lang ito at tumango. He then bid goodbye. Anito ay may aasikasuhin pa raw ito sa opisina. Tumalikod ito at nagsimula nang maglakad palabas ng bahay. Samantala, nanatili lang siyang nakatingin dito hanggang sa mawala ito sa paningin niya. Something about him made her curious. Is he really just a good Samaritan?

"Tara na, Ma'am?" tanong ni Mia sa kanya na ikinauntag ng pag-iisip niya.

Iginiya na siya nito sa magiging silid niya.

Hindi naman sa panghuhusga subalit ang unang interpretasyon niya sa lalaki ay walang alam sa buhay, irresponsible, manloloko, at playboy. Kaya sa una pa lang ay nagdalawang-isip pa siya kung maniniwala ba dito o hindi. But then, she found herself coming with him -- to a stranger whom she just met. Instincts na rin naman niya ang nagsabi na ang best option niya ay sumama dito.

Mas mataas ang tyansa na magiging makikita siya ng ama sa labas o kung tutuloy man sa mga hotel, alam niya na patuloy niyang iisipin ang pera.

She has never had an issue about money though; she was raised in the bed of roses. Ni hindi nga niya alam kung paano maghirap.

Not until when she went broke. Di niya lubis akalain na mapupunta siya sa ganoong sitwasyon.

May rason talaga kung bakit niya natagpuan ang lalaki.

“Diyan po ang magiging kwarto mo.” pukaw ni Mia sa pag-iisip niya.

“Salamat.” tugon niya. Binuksan nito ang isang napakalaking kwarto. Ito yata ang master's bedroom ng kabahayan.

Umalis na ito at madaling nawala sa harap niya. Pumasok na siya sa silid

Tinignan niya ang kabuuan ng silid.  Maaliwalas ito tignan dahil sa perfect combination ng asul na kurtina at light pink carpet na may design na patong may korona na nasa lawa.

Halos lahat ng kulay ng gamit sa loob ay asul. Sa kisame ay may mga disenyo ng heavenly bodies na kapag nasa dilim ay kumikinang. Sinilip niya rin ang comfort room ng silid. Tulad ng inaasahan niya, kulay asul din ito. May mga nakadikit din ditong bagay na umiilaw sa dilim. Kumpleto ang mga gamit dito. Bukod ang shower at bathtub. Nasa bandang kaliwa naman ang toilet bowl na nahaharangan ng asul na bulaklaking kurtina.

Sa labis na pagkaaliw niya sa pagtingin sa silid, hindi niya inaasahan na mahagip ng tingin ang litrato na nakapatong sa bedside cabinet.

Tila bonding moments ito ng binata at isang batang babae. Umupo siya sa kama at iniangat  ang frame. Nasa kabataan pa din dito ang lalaki. Sa tantiya niya ay nasa teenage years ang lalaki.

Magkayakap ang dalawa at nakasuot ng makapal na kasuotan. Nahuhulaan niyang sa ibang bansa ito kinuhanan dahil sa background nitong may snow. Winter season doon.

Nakaramdam siya ng inggit sa picture. Ang saya kasi ng mga ito tignan, tila walang problema. Hindi niya naranasan ang ganito sa kapatid niya. Palagi itong kasama ng ama niya kahit saan ito magpunta. Kung magkaroon man sila ng oras ay napaka-ikli. Parang minuto lang yata. Subalit hindi iyon naging hadlang upang maging malapit sila sa isa’t-isa. Sa last two years ng pagiging teenager niya’y naging malapit silang magkapatid gawa na din ng Lola Derilda niya.

May litrato silang magkapatid. Kuha iyon noong eighteenth  birthday niya. Kung titignan, tila may kulang. Parehas nga silang nakangiti subalit malungkot naman ang mga mata nila. Ang dahilan ay fixed marriage din ito. Naglayas din ito tulad niya pero madali din itong napabalik dahil ginamit ng ama nila ang nobya nitong si Beatrice; mula ito sa simple at may kayang pamilya. Simple lang itong babae kaya madaling minahal ng kapatid niya. Ang naging problema lamang ay ang mariing pagtutol ng ama nila. Wala raw kasing magiging buhay sa pamilya nito.

Minsan na niyang nakahalobilo ang babae. At masasabi niya na mas mabait ito kung ihahambing sa ipinakasal sa kapatid niya na masyadong maluho at maarte kaya hindi niya makasundo.

Sa pagkakaalam niya ngayon, nalulugi ang kompanya ng babaing ipinakasal sa kapatid niya kung kaya’t ito ang naging dahilan upang mag-file ng annulment ang kapatid niya at makipagbalikan kay Beatrice. Mariin ang pagtutol ng kabilang kampo sa nais ng kapatid niya. Ani ng mga ito, nakapaloob ang mga ito sa General Partnership Agreement which states na kalugihan nila ay kalugihan din ng pamilya niya dahil nasa loob sila ng iisang negosyo.

Ang usaping ‘yon ay hindi na abot ng kanyang kaalaman.

Kahit na kasal pa sa babae, sinisimulan ng hanapin ng kapatid ang dating nobya.

Ang tanong, nasaan na nga ba si Beatrice?

  ++++

About dun kay Beatrice, may story din sila entitled "Back To Me".. pero yun nga lang mas malalim ito dahil more on business partnership ang tema.. hahaha.. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status