Share

His Hunter Luna
His Hunter Luna
Author: pinkfantaxxy

Prologue

Prologue:

Alam niyang hunter ang kinabibilangan niyang pamilya—sa side ng Papa niya ngunit hindi niya alam kung ano ang hina-hunting ng mga ito ngunit wala naman siyang pakialam kung ano ‘yon at hindi na nagbalak pang alamin ito.

Wala rin namang nagsasabi sa kaniya kaya hindi na niya pinagtuunan pa ng pansin ang bagay na ito, isa pa, that’s the rule. As long as you are not included with the hunters, then you wouldn’t know what they are hunting. Habang wala naman rin siyang ideya sa side ng Mama niya at wala rin namang nababanggit ang Lolo niya rito.

She is just watching her cousins train themselves in combat and handling different deadly weapons. Pero minsan, nakikisali siya ngunit hindi kailan man na sumama sa mga misyon ng mga pinsan niya. She just wanted to have a peaceful life and not meddling with her family’s business.

Hindi naman siya pinipilit ng mga Tita at Tito niya, lalo na ang Lolo niya pagdating sa ganitong bagay, lalo na’t isa siya sa pinakamabilis at magaling sa pakikipaglaban. She only wants to live normally and away from danger.

Wala na siyang mga magulang dahil namatay ang mga ito sa isang aksidente. Simula no’n, kinupkop na siya ng kaniyang Lolo at pinatira sa mansyon nito.

Until one day, she had a dream, a strange dream that will make her find what is the meaning of it. Kaya naman ng magtanong siya sa Lolo niya patungkol dito, may nagtulak sa kaniya na alamin ang buong katotohanan nito. At isang paraan nito ay ang pag-alis niya sa puder ng kaniyang Lolo at habang siya’y naglalakbay, mayroon siyang natuklasan sa kaniyang sarili na magpababago sa buong buhay niya.

And from wanting to live a simple and peaceful life, she doesn’t know that her fate will play with her and put her into a challenging life. And it was started with meeting a huge werewolf that nearly killed her, and when she met this silver eyes man that will turn her life upside down.

“Be careful with her touch, because sometimes, it can heal, but most of the time, it can kill.”

***

pinkfantaxxy

Author’s Note: First Series of Crimrose City. Hope you will also like this story! HIS HUNTER LUNA Genre: Fantasy/Vampire/Werewolf Written by: pinkfantaxxy

| 2

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status