Share

Marrying A Casanova
Marrying A Casanova
Author: monocrystal

Chapter 1

(Charlene)

"What?!" My bestfriend Mariz screamed in disbelief.

"Shhh, Girl 'wag ka ngang maingay dyan. Baka may makarinig sa atin. Lalo akong malalagot nyan eh!" I silently admonished her afraid to be heard by our colleagues.

Mariz and I were in our office when I broke the news that I am pregnant. Of course who wouldn't be surprised? I've never had a boyfriend. Everyone knew it. Kaya kung sakaling may makarinig, sigurado akong ako ang magiging hot topic for the next nine months.

But the most shocking part really was the father of this child. It was none other than our great boss: Mr. Greg Francisco, the King of all Casanovas.

It happened six weeks ago.

Broken hearted ang bestfriend ko na si Mariz kaya pinilit nya akong samahan sya sa bar kung saan pwede nyang ibuhos ang lahat ng sama ng loob nya at magpakalasing. Hindi talaga ako mahilig magpunta sa mga bars because I was raised by a conservative family. Yung tipong dapat alas sais ng gabi nasa bahay na kundi pagsasaraduhan na ako ng pinto. But that was just an exaggeration because it was actually seven in the evening.

Syempre kahit ayaw ko dahil hindi pa ko nakakapunta sa ganoong lugar ay napilitan ako dahil magpapakamatay daw ang bestfriend ko kapag hindi nya naibuhos ang nararamdaman nya. Ganoon kasi sya, may suicidal tendencies just like her sister Clariz.

Hindi ako komportable sa lugar dahil nga first time ko lang dito. It was so loud and so smoky. Lights are turning on and off and it makes me feel dizzy. Hindi ko pa gusto ang tingin ng mga tao. It was like they're hiding their hidden agenda behind their wicked smiles. Nakakakaba.

Nagsimula nang uminom si Mariz. Ako naman ay juice lang ang inorder ko. Hindi talaga ako sanay sa mga hard liquors. Inaabutan niya ako ng pakonti konting alak na kunwari ay iniinom ko pero tinatapon ko lang sa sahig.

Kaming dalawa lang ni Mariz nasa table and I am very much thankful for that. Ayoko kasi talagang malapitan ng mga nakakatakot na lalaki dito.Titingin tingin ako sa paligid dahil natatakot ako na baka may makakitang kakilala dito at isumbong kay Papa. Ayaw na ayaw kasi nun na pupunta kami sa mga ganitong lugar. For sure he'll freak out if he finds out.

Nagulat na lang ako nang may umakbay sa akin. A very manly scent conquered my nose.

"Hi girls." Nakangiting bati ni Sir Greg. Bukod sa pagiging hari ng casanova ay hari din sya ng kumpanyang pinagtatrabahuhan namin ni Mariz.

Most girls adore him. Well he got the looks, the body and wealth but the manners? No thanks. He's the last man I would want to be my husband. I mean he's the exact opposite of my ideal man. Sobrang immature nyang kumilos para sa edad nya. At saka mamaya may sakit na sya sa dami ng babaeng hinahalikan at ikinakama nya diba. He pulled me closer to him and inhaled my neck. Kinilabutan ako sa ginawa nya. How dare he!

"Bitiwan mo nga ako." Asar na reklamo ko. Aba!! Hindi porque sya ang boss ko ay papayag na akong magpaganyan sa kanya. This is sexual harassment.

"Chill lang Charlene. Feeling ko kasi nabobored ka na dito eh. Kaya mabuti pa, sa amin ka muna sumama." He grinned mischievously.

Tiningnan ko sya ng masama dahil ayoko sa mga sinabi nya. Mas gugustuhin ko nang ma-bore kaysa sumama sa kanya. Hindi ko kayang tagalan ang presensya nya. Baka magkasapakan lang kami. Babae ako pero sanay din naman akong manakit ng mga nambabastos sakin.

"Oh.. S-sige na Charlene. M-mag-c-CR lang a-ako." Tumingin sya kay Sir Greg. "S-ser. K-ayo po muna ang bahala s-sa bestfriend k-ko, ha." Utal utal na sabi ni Mariz tapos ay tumayo sya papunta sa CR at iniwan ako kasama ang lalaking nakakaasar ang ngiti na ito.

Tumayo din ako at balak na sumunod kay Mariz pero hinawakan ako ni Sir Greg sa baywang at iginiya papunta sa table ng mga kaibigan nya. I'm not sure on what I felt he held me by my waist. Para akong kinuryente at kiniliti nang sabay. What was this?

"Guys, this is Charlene, my date for tonight." He introduced me to his friends and everyone happily waved and smiled at me. I smiled, too although I want to roll my eyes at them and then my boss assisted me to sit on the vacant chair before he took the seat next to mine.

Lahat ng nasa table ay may kanya kanyang kapartner. Yung iba parang may sariling mundo dahil panay ang bulungan. Yung iba habang nagtatawanan at naghahalikan. It was a cringey moment for me.

"Inom ka babe oh." He whispered, his lips almost touching my ears and I felt goosebumps all over. Inabutan ako ni Sir Greg ng isang basong alak pero agad kong hinarang ang kamay ko.

"Ayoko. Hindi ako umiinom eh." I said. Pasimple din akong umusod palayo sa kanya. May sakit yata itong boss ko at mukhang wala sa bokabularyo nya ang salitang space.

"Isa lang Charlene. Ipapahiya mo ba ang ka-date mo? " Sulsol ni Jonas na bestfriend ni Sir Greg.

"Oo nga. Isa lang Charlene," dagdag pa ng iba pang mga kaibigan nila.

They were all looking expectantly at me. Syempre tinablan naman ako ng hiya dahil feeling ko pinagkakaisahan ako kaya ininom ko na. Sobrang pait pala nun at gumuguhit sa lalamunan. Nagpalakpakan at nagtawanan ang mga kaibigan nila nang maubos ko ang isang baso.

I thought it would be just a glass. Nagkamali ako dahil buong gabi akong uminom ng lahat ng ibinibigay nila sa akin. And that was my last memory of last night.

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. I can't even open my eyes completely because of the throbbing pain I feel. My lower body is hurting so badly, too. I tried opening my eyes again and saw unfamiliar walls around me.

Where am I? I quietly asked myself when I realized that I wasn't wearing anything underneath this white blanket.. Iginala ko pa ang paningin ko sa paligid at nagulat ako sa nakita ko.

"Aaaaaahhhh " I suddenly screamed as I sat up, pain crossing in between my thighs. Hinila ko ang kumot para mas matakpan ang katawan ko. I'm not dumb not to realize what had just happened.

"Ang ingay naman!" Galit na sabi ni Sir Greg na hindi man lang nagulat sa ayos namin. He irritately sat up and shot a glare at me.

"Y-you raped me." Hindi ko na napigil na maluha. Naaasar ako sa katangahan ko. Paano nangyari ang lahat ng ito? I promised to take take care of myself to be worthy of my future husband.

"Rape?" He chuckled. "I've never raped anyone my entire life. You should've seen how you throw yourself out at me last night." Agad na nagdilim ang paningin ko at nasampal ko sya. Huwag na huwag nya akong itulad sa ibang babae na magpapakababa maikama lang nya.

"Liar!" Sabi ko at lalong humigpit ang hawak ko sa kumot dahil nagpipigil ako ng galit.

He faked a laugh as he touched the cheek I just slapped.

"Kaya nga ayaw kong patulan ang pustahan namin eh. Kasi daig mo pa ang tigre pag nagalit. Pero di bale, tatanggapin ko na lang ang sampal na yun. I won a hundred thousand plus your virginity." He laughingly said and my eyebrow creased.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pustahan lang ang lahat ng ito. One hundred thousand kapalit mo. Ikaw lang kasi ang nag iisang empleyado ko na walang gusto sa akin. Pero ngayon, matapos ang nangyari, hindi ko na hihilinging magkagusto ka pa sa akin. I've had you fresh and tight. And that's all I want."

Hindi ko na mapigilang magwala sa harap nya. Pinagbabato ko sya ng unan, kumot, at kung ano pa mang mahablot ng kamay ko.

I'll hate him for the rest of my life.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status