THE INNOCENT GIRL(tagalog)
THE INNOCENT GIRL(tagalog)
Author: Lady-V
Prologue

Title: The innocent girl

Genre: Comedy, Romance

Author: Lady-v

Ano bang akala mo sa sarili mo santo? Akala mo talaga mapasunod mo ang lahat ng tao? Kong ganon ibahin mo ako hindi ako tulad ng iba madali mong mauto. Tingnan lang natin kong hindi ka susuko lalo pa't magawa ko ang  iniisip kong plano. Punong puno na ako sa'yo lalaki ka kunti nalang aapaw na ang galit ko sa'yo. Akala mo naman nakakatuwa na s'ya? Ang lakas pang tumawa ang pangit naman. De porket dinadaan ko lang sa biro lahat at ngingiti kahit nasasaktan? Hindi ibig sabihin ok lang sa akin ang gusto n'ya? May araw karin sa'kin kahit amo kita hindi kita sasantuhin. 

Wag kang magpaparinig d'yan, bakit dimo nalang sabihin sa'kin! Nagpaparinig kapa ang lakas naman ng bunganga mo. Akala mo ikaw lang yong naiirita? Para sabihin ko sa'yo lalo na ako kulang nalang iiwan na kita sa ire.

Wow may mang iiwan bang nag papaalam? Kong aalis ka? Ay di lumayas ka hindi kita kailangan. Kong ayaw mo sa'kin? Mas lalo na ako wala na akong pakialam sa'yo kahit umalis kapa ngayon. Katulong mo ako dito Darwin hindi mo ako pag-aari para saktan mo ng paulit-ulit. 

Hoy' kong manunuod ka nang drama? Wag mo akong idamay d'yan sa kabaliwan mo. Anong sinasaktan ang sinasabi mo? Kailan kita sinaktan ha? 

Pag-igihan mo pa Dorothy kunti nalang lalayas na ang amo mo bulong ko sa isipan ko bago ko siya sinagot.  Maawa ka naman sa akin Darwin babae ako walang lakas lalaban sa'yo. Kong 'di mo ako kayang mahalin? Sana naman respituhin mo ako bilang tao. Hindi bakal ang puso ko Darwin kong ang puso mo titibok? Gano'n din ang sa'kin kaya wag kang gan'yan. Hindi mo lang alam kong gaano ka sakit dito sa puso ko.

Tumahimik ka nga Dorothy ano ang pinagsasabi mo d'yan ha? Anong sinasaktan kita? Ikaw tong panay ang pananakit sa'kin umaiiwas na nga ako sayo. Wag mo akong idamay sa pagka-isip bata mo.

Anong wala? D'yan sa mga sinasabi mo diba sinasaktan mo na ako? Ang sakit mong magsalita Darwin hindi mo alam masakit sa'kin yon. Mahal kita pero gan'yan ang pakikitungo mo sa akin? Para sabihin ko sayo durog na durog na ang puso ko Darwin. Kahit ano pa ang gagawin mo hindi na magiging maayos pa.

Hindi na kita maiintindihan Dorothy sige kong gan'yan din ang akala mo sa'kin? Lalayasan na kita akala mo ha.  Kinuha ko na ang mga gamit ko at nag impake pagkatapos  lumabas ako ng bahay.

Hindi kana magpaalam sa'kin? Ganon nalang yon?

Para ano pa? Bahala kana sa buhay mo sawang-sawa na ako sa'yo. 

Ok fine, kahit saan ka papunta wala na akong pakialam sayo hindi kita pipigilan. 

Lalong-lalo na ako never na akong babalik sa buhay mo. Mahirap na at nakakatakot Dorothy lalo pa't naging baliw kana baka mapatay mo na ako rito. Ilang sandali pa nakasakay na ako sa kotse ko at pinaharorot ko papalayo sa bahay. 

" Napatalon at nagpagulong-gulong nalang si Dorothy sa subrang saya. Sa wakas lumayas din ang amo niya malakas niyang sigaw. 

Ang galing kung umakting good job ka talaga Dorothy napalayas mo ang amo mo. Ngayon kailangan ko ng maligo at tatawagan ko ang kaibigan ko para mag walwal kami. Masaya yon wala na ang asungot sa bahay tahimik at maaliwalas na ang pakiramdam ko. Dahil ako nalang mag isa sa bahay ngayon pwedeng-pwede ko nang gawin ang lahat ng gusto ko. Pwede rin dun kami magpunta ng kaibagan sa bar para doon mag walwal ang sarap maging malaya. 

Di pa ako masyadong malayo sa bahay bumalik ako sa katinuan at naalala ko ang kasundoan namin ni sir Lance Sr. Kaya huminto ako sa gilid ng kalsada para mag muni-muni.

FLASHBACK..

Wala akong ibang maasahan sa aking apo Darwin kundi ikaw lang. Malaki ang tiwala ko sa'yo tulad ng ama mo ganon din ang kalaki ng tiwala ko.

Salamat sir kong ganon, alam ko po at nasaksihan ko kong paano niyo mahalin at respitohin ang daddy ko noon kahit private bodyguard niyo lang siya.

Oo ganon ako sa mga tao ko Darwin, balik tayo sa apo ko Darwin kailangan n'ya ako ngayon. Kailangan mo siyang makita sa lalong madaling panahon. Alam ko hindi mo pa siya kilala ang pakiusap ko sa'yo hanapin at alagaan mo siya para sa akin.

Sir saan ko naman siya mahahanap? Dumating nalang ako sa idad kong 34 pero ngayon ko lang nalaman may apo pala kayo. Paano ba nangyari? Bakit wala manlang nakakaalam kong may apo kayo oh wala?

Ganito ang estorya Darwin. Meron kaming kaaway noon bata kapa nun tanging ang daddy mo lang at ako ang nakakaalam sa sikretong yon. Ang anak kong si Lance Jr ay may girlfriend at lihim namin silang kinasal sa huwis dahil buntis na ito. At hindi rin namin pinaalam sa publico ang tungkol sa pag-aasawa ng taga pagmana ko. Mahirap na baka malaman ng mga kaaway namin ang tungkol sa pagbubuntis ng manugang ko.

Mahirap nga yon sir. Pero kilala niyo ba ang kaaway niyo? Baka naman hindi pa nila alam ang lihim na yon hanggang ngayon?

Kilala namin Darwin kapatid ko sa ama si Javier. Noong pumanaw ang ama namin maraming ari-arian sa'kin ang iniwan ni daddy.  Dahil ako lang ang tumotulong sa kanya tungkol sa mga negosyo at kompanya.

Ang ibig n'yo bang sabihin sir pinag-silosan kayo nang kapatid mo? At s'ya din ang dahilan kong bakit namatay nang maaga ang anak mo? At ngayon nalayo pa sa inyo ang kaisa-isang taga pag mana n'yo? 

Ganon na nga Darwin dahil sa yaman maagang namatay ang anak ko. Pati ang manugang ko ay dinamay nila mabuti at nailigtas ko ang aking apo.

Paano po?

May katulong kami noon matagal na itong nanilbihan sa amin. Siya ang nautosan kong itakas ang apo ko kaya naligtas siya sa kamay ni Javier.  Pero hindi rin nagtagal namatay ito dahil narin sa katandaan n'ya. Bago palang siya namatay siguro ay isang buwan na ang nakalipas.

Paano n'yo po nalalaman ang lahat nang yan sir?

Palihim pa rin siyang pumopunta dito sa akin noon upang ipaalam na ligtas ang apo ko at nasa mabuting kalagayan ito. Kaya nga gusto kong ipahanap sa'yo. Kawawa ang apo ko Darwin nag iisa nalang siya ngayon. Isang buwan ng patay ang lola Melissa niya kaya nag-aalala ako ng lubos Darwin. 

Ibig sabihin nag iisa nalang ang apo n'yo ngayon sir? Saan ko naman siya hahanapin?

Kaya nga nakikiusap ako sa'yo Darwin hanapin mo siya at bantayan habang hindi pa maayos ang problema sa aming pamilya. Hindi bali nang malayo siya sa akin basta ligtas lang siya. 

Pero sir hindi ko po kilala ang apo niyo. Paano ko po siya mahahanap?

Ito may litrato ako sa kanya dalagang dalaga na siya Darwin. Kahit pa malayo kami sa isa't isa alam ko parin ang nangyari sa kanya.  

Bakit di niyo nalang po ipaalam sa kanya sir ang totoo para alam din niya may pamilya pa siya.

Hindi pwede Darwin baka madamay ang kaisa-isang taga pagmana ko kung mangyayari yan.

Anong gusto niyong mangyari sir? Ako ang mag silbeng taga-bantay niya? Paano ko magagawa yon?

Puntahan mo siya sa Cebu kung makita mo na siya bantayan mo kahit saan man siya pupunta. Kahit ano pa ang gagawin niya dapat nandon ka Darwin.

Paano ko gagawin yon sir? Hindi naman pwede mag apply ako nang bodyguard sa kanya. Kasi mahirap lang siya sa pag makaalam niya.

Mayroon akong bahay sa cebu Darwin pwede ka tumira don at dalhin mo siya sa bahay ko para mabantayan mo bawat kilos niya. 

Anong gagawin ko sir? Aasawahin ko siya? Para madala ko sa bahay niyo? Alam niyo naman pong may girlfriend ako.

Wag naman gano'n.  May paraan pa Darwin mag isip tayo para magkasama kayo sa iisang bahay.

Sige sir ikaw ang bahala.

Paano kong gawin mo siyang katulong!

Katulong po? Apo niyo sir maging katulong ko? Ayaw ko naman ng ganon sir. 

Wala ng ibang paraan Darwin. Wala na akong pakialam kung anong gagawin mo oh kong anong plano mo. Basta makuha mo siya at maitira mo sa bahay ko. 

Sige po sir kong ganon pala ako ang amo niya ngayon?

Parang gano'n na nga hindi naman mahirap gawin yon diba? Mayaman ka naman at lalong hindi ka mahirapan sa pagbabantay sa kanya dahil isa ka namang pulis.

Sige po sir susubukan ko pero paano kung hindi siya papayag maging katulong ko?

Gawin mo ang lahat para makuha mo siya. Ang alam ko nag hahanap siya nang trabaho. 

Ok sir no probs, hindi ba bahala na ako sa deskarte ko?

Oo pero ingat ka sa apo ko Darwin may pagka masungit yon.

Walang problema sir kong gano'n siya sa iba? Sa akin hindi siya uubra.

END OF FLASHBACK..

Walang hiya bakit ako ang aalis eh ako ang amo niya. Nag paluko karin Darwin. Kakaibang babae naiisahan mo ako ahh humanda ka sa akin. Neliko ko ang kotse at bumalik sa dinadaanan ko pagdating ko nang bahay rinig ko siya sa banyo ang lakas pang kumanta. Siguro ay naliligo ito bahala siya humanda ka talaga sakin. Hoy babae lumabas ka nga d'yan.

Sino yan? 

Anong sino yan? Si Darwin to lumabas ka d'yan mag-usap tayo.

Tayka lang hindi pa ako tapos mag hintay ka d'yan, bakit kaba bumalik?

Ano ba? Lalabas ka oh papasukin kita d'yan sa loob.

Nanakot ba kayo sir? 

Hindi, bakit natatakot ka? 

Bakit naman ako matatakot hindi ka naman katakot-takot isa pa hanggang salita ka lang naman eh. 

Ako ba hinahamon mo Dorothy? Buksan mo ang pinto pagbilang ko nang tatlo kapag hindi pa nakabukas papasukin na talaga kita d'yan.

Ok sir gusto mo ako pa ang mag bilang sa'yo 1 2..

Ganon pala ah sige talagang ng hahamon ka binuksan ko agad ang pinto at nakita ko ang hubad niyang katawan. Nakapikit  ito dahil nag sasabon siya sa ulo. Akala mo ah!

Ay ano ba yan sir, lumabas ka nga ano ba? Walang hiya ka talaga sir. Gusto ko siyang sampalin pero diko makita kong saan siya. 

Oh ano ka ngayon? Para kang timang dyan.

Pumasok ka e bastos ka talaga bastos. Para akong baliw diko alam kong saan ang una kong takpan yong sa taas ba oh yong sa ibaba ko. Walang hiya ka talaga bastos ka lumabas ka na nga. 

Bakit ako lalabas eh bahay ko ito? 

Banyo ito at nandito ako naliligo bulag kaba? 

Hindi naman nakikita ko nga ang hubad mong katawan eh pang aasar ko pa.

Walang hiya ka talaga kapag ako nakaalis dito humanda ka talaga sa akin sir. 

Oh talaga? Hindi ako natatakot sa'yo.

Mabilis ko kinuha ang tabo at naligo ulit pero siya andito lang sa loob nang banyo diko alam kong pinanuod niya ba ako? Oh wala.

Kahit nasa loob ako nang banyo diko parin tiningnan ang hubad niyang katawan. Oo nakita ko ito pero inalis ko agad ang tingin ko dahil apo siya nang amo ko at diko hahayaan madesmaya sa akin si sir Lance Sr.

" Pagkatapos naligo ni Dorothy lumabas na ito at hinanap agad ang kanyang amo. Una kasing lumabas si Darwin sa kanya pagkatapos niyang mag bihis. 

Oh bakit ganyan ang mukha mo?

Bakit ka pumasok sa loob? Alam mo naman naliligo ako? 

Kasalanan ko ba? Ikaw nga tong may kasalanan dito tapos kong makaasta ka parang ikaw yong amo.

Binastos mo ako e.

Ako pa talaga? Katulong lang kita kaya umayos ka kong ayaw mong palayasin kita dito Dorothy.

Ay sorry naman sir, ikaw talaga sir dika mabiro ang gwapo mo pa naman tapos ang sungit-sungit mo.

Wow chance mood agad, kanina para kang tigre diyan tapos ngayon para kang maamong topa. Takot ka naman pala mawalan nang trabaho tapos ang tapang mo kanina.

Sir limang buwan na po tayong magkasama dito tapos ganon-ganon lang paalisin mo na ako?

Ayaw ko nang pakinggan yan baka saan na naman papunta sige na magluto kana diyan para makakain na tayo.

Pwede na ba ako sir?

Pwede saan?

Katanggap-tanggap na ba ang akting ko? Alam mo na mag aartista ako.

Hindi bagay sa'yo, d'yan kana nga.

Ayy nako ikaw talaga babatukan na talaga kita d'yan nakakainis kala niya kong sino siya. 

May sinasabi ka?

Wala sir, ang sabi ko kasing gwapo niyo si James Lu. 

Alam ko yon sagot ko habang papalayo sa kanya. 

Naniniwala naman siya! Akala talaga niya gwapo siya ha ha ha ha aasa kapang maging gwapo ka.

To be continued.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ms. Palangga
Sana magustohan n'yo .........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status