Share

CHAPTER 6

CHAPTER 6

"HOY! MAY TAO!" malakas na sigaw ni Angel na nakasakay sa tabi ng driver.

Malakas silang nagsigawan sa pagkakabigla.

Bigla na lang kasi may lumitaw na lalaki sa gitna ng daan. Mabuti na lang at agad na naikot ng nagmamaneho ang manibela at naapakan ang break.

"Hoy! Nagpapakamatay ka ba?!" galit na tanong ng nagmamaneho sa taong kanilang nalagpasan.

Lumingon sa kanilang direksyon ang lalaki sa gitna ng daan at iniangat ang nakayukong ulo. Masama itong nakatingin sa kanilang sasakyan.

Nagtaasan ang balahibo sa kanyang batok sa paraan ng pagtingin ng lalaki.

NAPAMULAT NANG WALA sa oras si Ashley. Hindi niya namalayang nakatulog siya sa kanyang mesa.

"Oras ng trabaho. Bakit ka natutulog?"

Napaangat siya ng tingin sa lalaking nagsalita habang kinukusot ang mata. Agad siyang napatayo nang makita si Doc Cuevas, ang bagong doctor na sobrang gwapo.

"Sorry, Doc," paumanhin niya at pasimpleng pinunasan ang gilid ang labi at baka naglaway siya.

Nangunot ang noo nito. "I thought you're anemic. Bakit mukhang puyat ka? You should know Miss Arevalo that I don't tolerate your behaviors in our workplace. Follow me in my office."

Naglakad na ito papasok sa pinto malapit sa mesa niya. Wala siyang nagawa kundi sundan ito. Nakarinig pa siya ng mahihinang cheer mula sa kasamahang nandoon din sa opisina nila.

Bata pa ang doctor pero mukhang matanda na sa sobrang seryoso. Malayong-malayo ang ugali nito sa dati nilang head Doctor, na sobrang bait. Kaya nga, wala siyang pag-aalinlangang magprisinta bilang assistant nito.

Tahimik angopisina nito at mas malinis kaysa sa dati. Maayos ang mga kagamitan na kanya nang inayos noon.

Tumigil siya sa paglalakad nang matapat sa mesa nito.

"Sit down," prisinta nito sa upuan bago nagpatuloy. "Kilala ka dito bilang pinakapasaway na nurse."

"I don't get what you mean Doc."

"Gusto mong isa-isahin ko? Una, your uniform is quite revealing."

"May ipagmamalaki akong hinaharap at maputi naman ang legs ko," sagot niya kaagad.

Napansin niyang napalunok ito. Kung sabagay lalaki pa din pala ang doctor.

"Pangalawa, ang nurse ay dapat nakataas ang buhok at maayos na nakapunggos. Pati makeup mo ay masyadong makapal. Natutulog ka din sa oras ng trabaho."

Kumagat siya ng labi. Huminga siya ng malalim.

"Doc, the way how I dress up doesn't affect the way I work. Kaya sa tingin ko, hindi ko dapat baguhin ito. Kung ang problema ay ang nakita niyong pagtulog ko kanina. I'm sorry. Mali ko iyon. Pipilitin kong huwag matulog sa oras ng trabaho. Siguro naman naipaliwanag ko na ng maayos ang sarili ko."

Tumalikod na siya at humakbang pero agad din siyang napatigil nang biglang umilaw ang isang pilyang ideya.

Muli niyang hinarap ito at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa mesa nito. Napaatras si Luke nang sumampa siya sa mesa nito.

Nakita niyang bahagyang nanlaki ang mga magagandang mata nito sa gulat.

Inilapit niya ang mukha at pinapungay ang mga mata. She can see a glimpse of lust in his eyes after. Narinig din niya ang malalim na paghinga nito na para bang inaamoy ang kanyang pisngi.

Mga lalaki talaga.

Gumuhit ang ngusi niya sa labi saka umatras bago bumaba sa mesa.

Ngumiti siya ng ubod ng tamis. "Pag-iisipan ko muna, Doc," aniya bago umalis.

Dumiretso siya sa upuan upang maghandang umuwi. Nakita niya sa kanyang orasan na mag-aalas-sais na.

Nilalagay palang niya ang mga kagamitan sa bag nang biglang pumasok sa kanilang opisina si Cassandra, ang kanyang kaibigan. Halata sa mukha nito ang pagkabalisa.

"Ashley. Si Kat--"

"Ano'ng nangyari?"

"Si Kat, nawawala."

"Ano?"

"Nagpunta kami kagabi sa club kaso pagkatapos ng kaguluhan, bigla siyang nawala. Nagtext siyang umuwi siya. Pero hindi siya pumasok. Tinawagan ko siya pero hindi sumasagot. Nang tinawagan ko ang bahay nila, hindi daw siya umuwi kagabi."

"Cassy, anong club ba ang pinuntahan ninyo?"

"Sa Club X."

She was there? Nandoon sila kagabi sa ni-raid nilang club? They hunted vampires last night. At nagdulot iyon ng kaguluhan sa lugar. Hindi naman niya akalaing nandoon ito.

"Cassy, ano'ng gagawin natin?"

IPINAHID NI ASHLEY ang pinakapulang lipstick na mayroon siya sa kanyang labi. Ginulo niya ang kulot na buhok saka hinawi ito upang ilagay sa likuran ng tainga. Ngayon, kita na ang makinang at mahaba niyang hikaw.

Bitbit ang kanyang mataas na sandals, dahan-dahan niyang tinungo ang labas ng bahay kung saan sila nakatira ni Elijah.

Hating gabi na pero nagtungo pa din siya ng Club X nang hindi nalalaman ng kasama niya.

Kailangan niyang hanapin si Kat. Kailangan niyang alamin kung ano talaga ang nangyari sa kaibigan.

Nag-report na sila sa mga pulis. Pero hindi pa din siya mapalagay kaya siya na mismo ang kumilos.

Malakas ang pakiramdam niyang nasangkot sa kaguluhan si Kat kagabi. Nakasalubong kaya ito ng bampira?

Wala naman siyang ikabahala dapat dahil matagal nang wala ang pagkabirhen ng dalaga. Wala nga kaya?

Ilang taon na niyang kasama ito pero ni minsan hindi pa nila nakilala ang sinasabi nitong boyfriend kuno na tinatakas siya kapag sa bahay nito.

Pumasok siyang muli sa Club X. Pero wala na siyang maskara upang itago kung sino siya. Mukha lang siyang isang normal na party girl sa gabing iyon. Hapit ang damit at kita na ang pisngi ng kanyang hinaharap.

Naupo siya sa may bar counter at umorder ng maiinom. Humihop siya sa baso saka pasimpleng inikot ang paligid upang makakita ng ano mang makakapaghatid sa kanya ng impormasyon tungkol sa kaibigan.

Pero iba ang kanyang nahanapan. Pinaglalaruan ata siya ng kanyang paningin. Pero hindi siya pwedeng magkamali. Nakaupo mag-isa ang isang lalaking taglay ang mga matang sobrang ganda. It was none other than Doctor Luke Cuevaz.

Hindi niya alam pero agad siyang tumalikod upang itago ang mukha sa kanyang buhok.

Ano'ng ginagawa nito dito? At sa ganitong lugar pa talaga?

Agad niyang nilagok ang inumin saka nagtungong CR. Pagkadating doon, sinapo niya agad ang dibdib na sobrang bilis ang tibok.

Bakit ba siya nakakaramdam ng ganoon? Hindi ito normal.

Dati naman na siyang nakikipaglandian sa ibang mga lalaki. Pero hindi pa siya nakaramdam ng ganoon.

Tinignan niya ang sarili sa salamin. Kulot siya ngayon na baliktad sa pang-araw-araw niyang unat na buhok. Kinalkal niya ang bag at nilabas ang maskara na ginagamit niya kapag may misyon bilang huntress. Isinuot niya iyon saka itinaas ang kanyang buhok. Doon na tumambad ng napakadaming hikaw niya sa dalawang tainga.

Lumabas siya sa banyo saka pinuntahan anf direksyon kung saan niya nakita ang doctor.

Hindi siya binigo ng tadhana. Nandoon pa din ito nakaupo mag-isa.

To her surprise, his eyes went up meeting her gaze. Ilang metro pa ang layo nila sa isa't-isa. Nakikilala kaya siya nito? Kahit pa may maskara.

One thing to find out.

Pumipilantik ang kanyang balakang habang naglalakad palatpit sa lalaki. Wala din namang pumandin sa kanya na nakamaskara. Madilim ang paligid at busy ang mga taong nagkakasiyahan.

His sexy lips took a sip on his glass. Ni hindi man lang nito pinutol ang mga tingin sa kanya. Nang tuluyan na nitong ibinaba ang inumin ay sakto namang nakalapit na siya.

Kumikinang ang mga labi nitong nabasa ng inumin. Napalunok tuloy siya.

Hindi na din niya alam kung dulot ba ng alak na ininom niya kaya nilapit niya ang mukha nito sa lalaki.

Hindi naman niya alam na siya iyon, 'di ba?

Inilapit niya ang bibig sa bibig nito. Hindi naman ito lumayo kaya sinamantala na niyang tikman ang likidong natira sa labi nito. Pero hindi lang iyon ang ginawa niya.

Kusang gumalaw ang labi niya at sinimsim ang bawat sulok ng labi nito. Naging malalim pa ang halikan nila at ikinapit niya ang kamay sa braso nito upang kumuha ng pwersa.

Hinawakan nito ang baywang niya. Kaya doon na siya natauhan. Humiwalay siya bigla. Pero lumapit ang lalaki at saka inamoy ang leeg niya. Nagdulot iyon ng pakiramdam na parang kinokoryente.

Ngumisi ito. "Beautiful," mahinang puri nito.

Lumayo pa siya lalo dahil sa kabang naramdaman. Nang aabutin na nito ang maskara upang tanggalin ay doon na siya tuluyang napaatras.

Napakurap siya ng ilang beses saka tumalikod at naglakad palabas sa mabilis na hakbang.

Humihingal tuloy siyang nakalabas ng club. Idinapo niya ang daliri sa bibig saka kinagat iyon.

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Parang sasabog na ang dibdib niya sa kaba. She felt herself wanting more of that hot doctor.

Cupid

Enjoy reading!

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status