THREE

FREDA'S POV

"STOP HIM…" sambit ni Hani kaya napatingin ako sa gawi niya habang sarap na sarap sa milktea na kaniyang iniinom. Naka-sumbrero ito at simpleng t-shirt at pants.

"Seriously, Hani… lagot ka kay Leyson kapag nalaman niyang andito ka na naman sa Pilipinas."

Imbis matakot ay tumawa lang siya sa sinabi ko. Itong batang ito talaga, hindi ko alam kung paano ako nakakasabay sa mga trip niya sa buhay.

"Com'on, Ate Ysa! I know you wouldn't dare tell him my whereabouts, and don’t change the topic here. Look, your good for nothing husband was doing some flirtatious things with that bitch!" Tinignan ko naman ulit ang tao na nasa kabilang mesa lang namin ni Hani.

It was Daniel, my husband and Era, the famous gal in the campus, kasama ang mga alipores nitong akala mo a-attend ng children's party dahil sa make up nilang mukhang mga clown.

Ilang weeks na ba silang "thing" dito sa campus? Ay mali… It’s been a month na pala ng maging sila. Inirapan ko lang si Hani at ibinalik ang tingin sa kinakain ko.

"So? As if I have the rights…" naging tugon ko lamang.

"Of course, you do! You have all the rights to be mad and be jealous… you are the wife, Ate! Bali-baliktarin man ang mundo kasal na kayo and it was damn legal!" tugon niya at napansin ko rin ang pag-irap niya sa akin, malditang bata… kaya nga kami nagkakasundo nito eh.

Ma. Hanibella Custodio, 16 years old, apat na taon ang agwat ng aming edad pero halos magka-built lang kami ng katawan. At may blonde itong buhok dahil na rin sa lahi niyang Espanyola at Amerikana. Anak siya nina Tita Hani at Tito Edward, mukha nga siyang barbie doll eh. But do you think, she's just an ordinary girl? Na-uhh! She had a secret. Oh well every one of us does have a secret, don’t we?

Pero isa lang ang masasabi ko na kahinaan siya ng cold-hearted kong kakambal, Frederik Leyson Wilford at ako lang ang nakakaalam no’n.

Umiling lang ako at nanahimik na dahil ayokong makipagtalo sa kaniya, lalo na at kapag tungkol sa mga dirty tricks / monkey business ni Daniel at ng mga babae nito.

Hindi pa ba ako nasasanay?

We are already one year and a half months married, it was our darkest secret that only family members, closest friends and family friends knew about it. At sa halos dalawang taong pagsasama bilang mag-asawa, ilang beses ko na rin siyang nakikitang may kasamang iba’t-ibang babae at hindi alam ng pamilya namin iyon. I didn’t even bother telling it to them, for what? Para magmukhang desperada lang sa mga mata niya dahil nagpapakampi ako sa mga magulang namin… no way, I chose this life with him, so be it.

"Let’s go…" sambit ko kay Hani. Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko.

Napansin ko namang napatingin sa gawi namin si Daniel. But I didn’t bother to give a damn.

"Where to, Ate? I am tired pa. Com'on! I just got here at ikaw kaagad ang pinuntahan ko. ‘Di ba two hours naman ang break mo?" pagta-tantrums niya kaya inirapan ko lang siya sabay ngiti.

"Let’s go somewhere… I will not attend my afternoon classes," sambit ko na nagpagalak sa kaniya ng todo.

"Really, Ate? You would ditch it for me?"

Ngumisi lang ako at naglakad na palabas ng cafeteria. And I know people are staring at me including them… why not?

I am Freda Ysabel F. Wilford, I got it all; fame, money, brain and beauty. At apelyido ng taong mahal na mahal ko… hindi nga lang pwedeng ipangalandakan that I am Daniel Apolonio Jr.'s wife dahil iyon ang kagustuhan naming dalawa. Actually gusto niya lang, but then, I have no choice but to agree with him. Mahal ko eh, sobra na handa akong magpakatanga.

I think he was not that proud to be my husband, na madami nga ang nag-aasam na ako ay kanilang maging nobya pero siya?

Com'on Daniel, I am a big catch oh… bakit hindi mo pa rin ako kayang mahalin ng totoo at buo. Kung sabagay mahal mo lang naman ako kapag nakapatong ka sa akin while pumping hard inside me…” monologue ko sa aking isipan, mga salitang hindi ko kayang sabihin sa kaniya sa totoo lang. Because I am afraid, takot akong sa maling masabi o magawa ko ay iwanan niya na lang ako.

Naramdaman ko namang nakasunod na sa akin si Hani. But before we could get out the cafeteria, nakita ko pa kung paano nagkunwaring natisod si Hani sa mismong lamesang kinauupuan nina Daniel at Era. And as expected, tumilapon ang nangangalahati palang na milktea ni Hani sa pagmumukha ni Era.

Napasinghap naman ang lahat dahil sa nangyari. Era is famous here in the campus, kaya halos lahat ay kilala siya, kilala sa pagiging bitch niya. Being the heredera raw ng pamilya nila at pagiging isa sa Board of Directors ng Tito niya sa University na ito. Falcon University; the biggest, brightest and prestige University here in the country. Which is pag-aari ng tatay nina Dominic at Dominica na si Ninong David Falcon na isa ng senador ngayon.

"Ops! It slipped to my hand, sorry really. I didn’t mean it," sarkastiko pang paghingi ng paumanhin ni Hani… na mas lalong ibinuhos ang natirang milktea sa damit ni Era like she's not doing it intentionally. Gosh, she was really the bitch. If Era is a bitch, well, Hani is way more different because she's not just A bitch but she is The Bitch.

"Ugh! You bitch! What have you done to my face and dress. Hindi mo ba alam na binili ko pa ito sa France? This is a limited design for christ sake!" bulalas pa ni Era, syempre hindi siya basta tatahimik lang sa ginawa ni Hani, kasi nga naman imported ang damit na suot-suot niya.

Kaya napatingin naman ako sa suot niyang damit… at hindi ko napigilang mapataas-kilay, so she's my fan? Hmm.

She was wearing one of my creations. At hindi ko naman sinasadyang mapasulyap sa poging lalaking prenteng nakaupo lang habang ang babae niya ay ngawa nang ngawa at handa ng sampalin si Hani. Napatingin din ito sa akin at binigyan niya lang ako ng malamig na tingin… as usual. Kapag nasa kama lang naman kami, natitignan niya ako ng may pagnanasa eh. Inirapan ko na lang siya at tinawag na si Hani.

"Hey, Sister in law! Let’s go..." At mabilis pa sa alas-kwatrong tumakbo ito sa tabi ko, at sabay na kaming lumabas. Ngunit bago pa man kami tuluyang makalabas sa cafeteria ay narinig ko pa ang sinabi ni Daniel.

"Let’s break up." Napairap naman ako, what a jerk. He just broke up like that with Era sa harap ng buong student body, sadness for her.

Napasulyap naman ako kay Hani na kanina pa ako binabangga-bangga. Knowing her? Masaya iyan dahil nadagdagan na naman ang exes ni Daniel.

"Ayon oh, Ate Ysa… sa’yong-sa’yo na naman si Kuya Neil! Am I a great actress kanina? You saw that damn B-I-T-C-H face. But I got to say sorry for one of your creations, Ate… tinapunan ko lang ng milktea. Kasi naman, it’s not bagay kaya sa kaniya. She shouldn’t wear your designs." Kinurot ko na lang sa pisngi si Hani sa sobrang kakulitan nito. But I felt so thankful having her on my side everytime Daniel was cheating on me.

"Call Nica," sambit ko na lamang kay Hani. Isasama ko na rin ang  malditang iyon. I am sure kasi na hahanapin ako no’n mamaya kapag uwian na, kahit kasi magkaiba kami ng course ay parehas pa rin ang schedule ng tapos ng mga klase namin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status