PART 1-TWO, THE BAD BOY

                                                       NAPANGISI si Johnny nang lalong humigpit ang pagkakayakap ng mga braso ni Celeste sa baywang niya nang irebolusyon niya ang sinasakyan nilang motorsiklo.

          “Make it go faster, Johnny!” udyok ni Celeste sa binata gayong halos lumipad na nga sila sa bilis habang papalabas ng malawak at mahabang driveway papasok sa villas ng mga Winter.

          “As you wish, sweetheart,” tugon ni Johnny na lalong pinabilis ang pagpapatakbo sa bagong motorsiklo niya.

          His overprotective mom, Dita Winter, hated to let him use it but since his dad already gave the go ahead, wala na rin itong naggawa sa huli. Sa bahay nila, batas ang bawat salita ng ama niya na si David Winter.

          His new motorcycle was a Harley Davidson, one of the latest models. Kaya nga sobra ang tuwa niya nang manalo sa argumento ng mga magulang niya ang Dad niya na siyang tumulong sa kanya upang mabili ang motorsiklo. Binili iyon ng Dad niya sa kondisyong babayaran niya ito out of his allowances and salary sa pagpa-part time niya bilang service crew sa isang fast food joint sa bayan.

          His father, David Winter, is a shrewd businessman who expanded the food business he inherited from his father, John Winter. And since his father expects him to one day take over the family business, ngayon pa lang ay gusto na nitong matuto siyang magtrabaho at paghirapan ang bawat bagay na gusto niya. Bagay na hindi naman niya tinututulan dahil mula pa pagkabata, mahilig na talaga siya sa challenges. And the harder it is to acquire something, the more he thrives and strives for it.

          And with his latest acquisition, no doubt the guys at school would drool with envy. It sure will be a chick magnet too, though hindi rin naman na niya kailangan ito para maka-attract ng girls. Ayon na rin sa Mom niya, his face and irresistible charm na namana niya sa mga Winter, are more than enough to ensure he always has a different girl on his arm every other week.

          “Ririii!!!”    

          Mas naunang narinig ni Johnny ang hintakot na hiyaw ng kaibigan ng ina niya na si Aunt Shebbah mula sa kabilang bahagi ng kalsada bago niya nakita ang dalagitang tumatakbo diretso pasalubong sa kanila ni Celeste. Marahas niyang kinabig pakanan ang handle bars, dahilan para sumadsad sila sa malaking fountain sa gitna ng bakuran.

          “Riri!!!” hiyaw niyang bago pa huminto ang motorsiklo ay nakatalon at patakbo na sa bumagsak na dalagita.

          Ni hindi sumagi sa isip niyang tingnan kung ayos lang ang lagay ni Celeste sa pagkaka-semplang nila. Ang tanging gumigiit sa buo niyang katawan ay ang kondisyon ni Riri. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama rito.

          Mas nauna siyang makalapit kay Riri kaysa sa mga magulang nito na humahangos rin papalapit rito. Buong ingat at halos hindi humihinga sa takot na itinihaya niya ito.

           “Riri?! Sweetheart, open your eyes for me. C’mon, sweetheart,” nanginginig ang tinig na pakiusap niya rito.

          Kinapa niya ang likod ng ulo nito para lang mapatda nang may makapa siyang basa. Nang iangat niya ang kamay mula sa ulo nito, namumula ang kamay niya. It was blood, her blood.

          “Riri!? C’mon, honey, Daddy is here,” nanginginig rin ang tinig ng ama ni Riri na si Uncle Ravin nang tumalungko ito sa harap niya.

          Marahang kinuha nito mula sa mga bisig niya si Riri bago marahas na nilingon ang asawa nito at inutusang kunin ang kotse ng mga ito na nakaparada sa ‘di kalayuan. Hula ni Johnny, gustong iwasan ni Uncle Ravin na galawin nang higit pa sa kinakailangan si Riri dahil hindi nila alam kung gaano pa katindi ang injuries nito. At kung bubuhatin ni Uncle Ravin si Riri hanggang sa kinapaparadahan ng kotse ng mga ito, baka mas lalong masaktan at lumala ang injuries ng bata. They couldn’t afford to wait for the ambulance either.

          Tila itinulos naman sa pagkakatayo at nakatitig lang sa namumutla’t walang malay na anak nito si Aunt Shebbah. Waring hindi nito narinig si Uncle Ravin kaya siya na ang tumakbo patungo sa kotse. Natataranta na ini-start niya ang sasakyan at inihinto iyon sa mismong tapat nina Uncle Ravin, Aunt Shebbah at Riri. Bahagya na lang tumagos sa isip niya ang galit na galit na pagtutungayaw sa kanya ni Celeste habang nakapameywang ito sa tabi ng nakatumbang motorsiklo niya.

          “Riri! Riri!” paulit-ulit na sambit ni Aunt Shebbah habang hinihimas-himas ang paa ni Riri na para bang tinitiyak sa sariling buhay pa ang anak.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

                                                    “SHE’S safe now, Johnny,” marahang tapik ni Ravin sa balikat ng nakayukong anak ng kaibigan ni Shebbah nang lapitan niya ito sa bench sa waiting room ng hospital na pinagdalhan nila kay Riri.

          Ilang beses munang napakurap si Johnny na para bang kagigising lang mula sa isang napakasamang bangungot. Namumula rin ang gilid ng mga mata nito. The boy was tall for his age but at that moment, he did not look like he was even eighteen. Johnny almost looked like he was just fourteen, the same age of his youngest daughter Riri.

          “I didn’t---”

          “I know. No one’s blaming you. It was an accident,” putol niya sa tangkang pagpapaliwanag nito.

          “I’m such an idiot! I’d never forgive myself if Riri was hurt because of me!”

          “She wasn’t hurt. I mean, not much. But one thing’s for sure, she won’t forgive you if you don’t see her now. She’s looking for you,” sabi niya na bahagyang natawa pagkaalala sa unang sinabi ni Riri nang magmulat ng mata at hindi makitang kasama nila si Johnny.

          “Where’s Johnny?! I want to see him! How dare he see that Celeste  again?!” she demanded with all the haughty anger of a betrayed girlfriend. Ni hindi nga yata nito napansing lahat silang nakapalibot sa hospital bed nito ay nag-aalala sa lagay nito. As it was, she didn’t suffer much except for a light concussion caused by hitting her head on the pavement nang mahagip ng likurang gulong ng motorsiklo ni Johnny. Parts of him were relieved. Kung kaya na nitong magalit nang ganoon, maayos na talaga ang lagay nito. But parts of him were a bit pissed off too.

          Dahil naroon sila ni Shebbah at labis na nag-aalala sa posibleng epekto kay Riri ng pagkakabagok ng ulo nito pero ang mas una pa rin nitong hinanap ay si Johnny. He was terrified he was going to lose his child but when that child woke up, all he wanted was for her to go back to sleep again.

          She didn’t look like she just came from an accident. A few minutes after she opened her eyes, she was back to throwing a major tantrum dahil sa muling pagbanggit ni Shebbah sa balak nila na pag-migrate sa States. They were planning to migrate to the States dahil doon magko-kolehiyo ang panganay nila na si Shaniah. And his father’s instincts just won’t let his eldest daughter live in a whole new other country without his wife and him around to help her whenever she needs them.

          “I’ll go see her now,” biglang nabuhayang tayo ni Johnny, iglap at naglaho ang panlulumo at paninisi nito sa sarili pagkarinig sa paghahanap ni Riri rito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status