Share

Chapter 3

Tila napapasong binawi ni Steven ang kanyang kamay at mabilis na umatras mula sa nakangising si Yuki.

"You keep on telling me to leave you alone yet you touched my---"

"Aksidente lang iyon!" Pagputol ni Steven sa sasabihin ni Yuki.

Ramdam ni Steven ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi at sigurado siyang pati ang mga tainga niya ay namumula rin dahil sa hiya.

"Ano na naman ba ang kailangan mo?" Naiirita na muling tanong ni Steven.

"Hinihintay ka." Nakangisi pa rin na sagot ni Yuki sa kanya.

Huminga ng malalim si Steven. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili niya. He badly wanted to sleep at hindi agad siya makakapagpahinga kung hindi titigil si Yuki sa pangungulit sa kanya.

"Yuki---"

"Woah! Did you just call me by my name?" Gulat na sabi ng binata. Tila hindi ito makapaniwala na tinawag niya ito sa pangalan nito.

"Is this it? Are you already accepting me as your lover?" Tuwang-tuwa na sunod-sunod nitong tanong.

"Hey! Don't get too excited! I just called you by your name and there's no meaning to that!" Steven said with annoyance.

Bumuga ng marahas na hangin si Steven.

Patience Steven. Patience.

Iyon ang paulit-ulit na sinabi ni Steven sa sarili habang kaharap si Yuki na nakatitig lamang sa kanya. At bigla siyang pinangilabutan sa klase ng tingin ng ibinibigay nito sa kanya. It was the same intense gaze that Yuki gave him kaninang umaga. Iyong klase ng titig na tila ba nakakita ito ng masarap na pagkain na gustong-gusto nitong tikman.

"Stop looking at me like that!" Steven irritatedly said.

Ngisi lamang ang isinagot sa kanya ni Yuki.

"Look. Pagod ako, Yuki. Let me have some rest, will you?" Paki-usap niya sa binata.

"Then you should have stop avoiding me." Sagot naman nito.

"I am not avoiding you." Pagsisinungaling ni Steven.

"Yeah? Really? Kung hindi mo ako iniiwasan, then bakit lagi na lang late ka na kung umuwi? Dati-rati naman, maaga kang umuuwi but after we had se---"

"Don't you dare mention it!" Pagpigil niya sa sasabihin nito na mas lalong ikinangisi ni Yuki.

"Aww...Nahihiya ba ang boyfriend ko?" Tila nang-iinis na sabi nito.

"HINDI.MO.AKO.BOYFRIEND." Matigas na sagot niya rito. He emphasized every word upang ipaintindi rito na hindi niya gusto ang tinawag nito sa kanya.

"Then what should I call you? My girlfriend?" Mas lalo pang pang-iinis nito.

Naipikit ni Steven ang mga mata. Talagang inuubos nito ang pasensya niya.

Nang buksan niya ang kanyang mga mata ay binigyan niya ito ng matalim na tingin. "Stop fucking with me."

"But you're the one who fucked me." Yuki replied coolly.

Steven gritted his teeth at ikinuyom niya ang kanyang mga kamao.

Kalma, Steven. Kumalma ka lang. He told himself again.

"Okay, enough with this conversation. Umalis ka na diyan sa pinto ng apartment ko para makapasok na ako." Steven said, dismissing Yuki.

"Ito na lang. Instead na ang apartment mo ang pasukin mo, bakit hindi na lang ako?" Pilyo nitong sabi.

And that's it. Steven finally reached his limit.

"Get the fuck out of my apartment's door!" Galit niyang pagpapaalis sa binata.

"Oh! Kalma lang! Kumalma ka!" Anito na halatang pinipigil ang pagtawa habang itinataas ang dalawang kamay.

Tila natutuwa pa ito na nagawa nitong inisin siya. Mukhang iyon talaga ang gusto nitong mangyari.

"Alis na!" Pagtaboy niyang muli rito ngunit kasing-tigas ata ng bato ang bungo nito at hindi makaintindi.

Dahil imbes na umalis ay mas lalo pa nitong isinandal ang katawan nito sa pinto.

"Pilitin mo muna ako." Tila batang saad nito.

Nasabunutan ni Steven ang sarili dahil sa frustration. Mukhang hobby talaga ni Yuki na inisin at paglaruan siya.

Galit na tiningnan niya ang nakangising si Yuki.

He took a deep breath, gathered all his strength, then gave Yuki a smile. Mukhang hindi inaasahan ni Yuki na magagawa niyang ngitian ito dahil sa gulat na nakikita niya sa mukha nito.

At ang pagkagulat nito ang kinuha niyang tiyansa upang hablutin ito sa braso at buong lakas na inalis ito mula sa pagkakasandal sa pinto ng kanyang apartment.

"What the hell!" Yuki said in bewilderment.

Siya naman ang ngumisi rito. "Pinakiusapan kita ng maayos pero hindi ka nakinig." Steven said with a smug face.

Then he inserted the key on the keyhole at mabilis na binuksan ang pinto ng kanyang apartment, madaling pumasok roon and shut the door with force. Sinigurado niya na nakalock ng mabuti ang kanyang pinto. Mahirap na at baka makapasok pa si Yuki.

"Hey! Hey, Steven! Open up!" Narinig niyang sigaw ni Yuki mula sa labas. Paulit-ulit din itong kumatok sa pinto niya.

Napailing na lamang siya sa pinaggagawa nito.

He took off his office suit and shoes, threw his bag on the sofa saka dumiretso sa kanyang kwarto.

Rinig na rinig pa rin niya ang paulit-ulit na pagtawag ni Yuki sa kanyang pangalan ngunit hindi niya na ito pinansin. Hinayaan niya na lamang ito.

He threw himself on his bed at hinayaan na ang kanyang sarili na tuluyang tangayin ng antok.

Ang paulit-ulit at malalakas na katok ang siyang nakapagpagising kay Steven mula sa mahimbing niyang pagkakatulog.

Inaantok pa rin na tumayo si Steven. Katok pa rin ng katok ang kung sino man.

"Sandali lang!" Naiinis na sigaw niya sa kung sino mang kumakatok.

Bahagyang kinusot ni Steven ang kanyang kaliwang mata bago niya binuksan ang pinto.

"Good morning!" Masiglang bati ni Yuki sabay lahad nito ng isang kulay blue na tupperware na ikinagulat ni Steven.

"Ano yan? At ano na naman ang ginagawa mo dito?" Nakakunot ang noo na tanong ni Steven.

Yuki smiled at him. "Nagluto ako ng agahan and I decided to give some to you. Masarap ito!"

Umagang-umaga at napakasigla nito. He looked fresh at mukhang masayang-masaya ito na lalong nakadagdag sa kagwapuhang taglay nito.

Tinitigan niya ang tupperware na inilalahad nito. Amoy na amoy niya ang pagkain na nasa loob niyon at hindi niya napigilang mapalunok.

It smells so good.

Naiinis pa rin siya sa binata ngunit sabi nga nila, wag tatanggihan ang grasya. Isa pa, amoy pa lang ng pagkain na dala nito, ginugutom na siya.

"Wala naman sigurong gayuma iyan?" He asked while raising one of his brows.

"Hindi naman na kita kailangang gayumahin pa. You will fall in love with me, may gayuma man o wala." Yuki said confidently while grinning.

Napangiwi siya sa sinabi nito ngunit kanya pa ring inilahad ang kanyang mga palad, indikasyon na tinatanggap niya ang ibinibigay nito.

Masayang inilagay ni Yuki ang tupperware sa mga palad ni Steven.

"Masarap yan." Ani Yuki na tila nagmamalaki pa.

Tumango si Steven. "Salamat." Pagpapasalamat niya at akma na sanang isasara ang pinto when Yuki stopped him using one of his arms.

"Ano na naman?" Nayayamot niyang tanong rito.

Yuki grinned mischievously. "Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Anito na tila pa nagpapacute.

"Umuwi ka na!" Bulyaw niya rito saka inalis ang braso nitong pumipigil sa pagsara niya ng pintuan saka mabilis na isinarado ang pinto.

Tinungo niya ang kusina at binuksan ang tupperware. Napalunok siya ng makita ang mga pagkain na nasa loob niyon.

It is Adobo, his favorite!

Mabilis siyang nagluto ng kanin sa rice cooker.

"Mukhang mapaparami ang kain ko nito." He said to himself as he stared at the Adobo na ibinigay sa kanya ni Yuki.

Tumigil sa paglalakad si Steven at nilingon si Yuki na nakasunod sa kanya. "Ano na naman ang kailangan mo?"

"Kung iniisip mo na naman na sinusundan kita, sasabihin ko lang ulit sa'yo na pareho lang tayo ng daanan." Kaagad na pagrarason nito.

"Bakit kung kailan ako aalis ay saka ka din aalis? Wag mong sabihin na pareho din ang oras ng klase mo at oras ng trabaho ko!"

"Paano kung ganoon nga?" Agad naman nitong sagot.

Yuki is giving Steven an innocent face na ikinainis ni Steven.

"Bahala ka na nga sa buhay mo." Sumusukong saad ni Steven.

Tinalikuran na lamang niya ito at muling naglakad. Alam niyang nakasunod pa rin ito sa kanya ngunit hinayaan niya na lamang ito. Alam kasi niyang wala ring mangyayari kahit paulit-ulit pa niya itong itaboy.

Gagawin pa rin nito ang gusto nitong gawin.

"Steven?" Biglang pagtawag ni Yuki.

"Ano?" Inis na sagot ni Steven rito.

Bumilis ang lakad ni Yuki hanggang sa magsabay na silang dalawa ni Steven. Lalapit sana si Yuki kay Steven ngunit kaagad siyang dumistansya mula rito.

"Ito naman. Para naman akong may nakakahawang sakit para iwasan mo." Yuki said and pouted.

"Mas mabuti nang nag-iingat. Alam ko na ang mga galawan mo."

Mas lalo namang sumimangot si Yuki sa sinabi ni Steven.

"Steven." Muling tawag ni Yuki.

"Ano? Sabihin mo na ang gusto mong sabihin!" Nayayamot na sagot ni Steven habang patuloy pa rin sa paglalakad.

Bakit ba napakatagal naming marating ang sakayan? Steven thought.

Ilang minuto pa lamang siyang naglalakad ngunit pakiramdam niya ay napakahaba na ng kanyang nilakad.

Ang tanging gusto niya lamang ay mawala sa kanyang paningin si Yuki na nakahiligan na atang kulitin siya.

Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kakayanin ang pangungulit nito.

"Maaga kang umuwi mamaya, ha?" Yuki said.

Napatingin si Steven rito dahil sa sinabi nito. Nakakunot ang kanyang noo.

"Bakit naman?" Kalmado ngunit nagtataka niyang tanong rito.

"Yayayain sana kitang uminom mamaya eh."

Yuki was all smiles when he said that at sa paningin ni Steven ay tila ba biglang nagbago ang aura nito. Tila nawala ang pagiging pilyo at makulit nito. When Yuki smiles, nagmumukha itong mabait at para bang hindi nito kayang gumawa ng masama sa kapwa nito.

Napailing si Steven sa kanyang naisip. Dahil sa likod ng inosenteng ngiti nito ay nagtatago ang pagiging pilyo nito na ilang ulit na nitong ipinakita sa kanya.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Yuki habang nakatitig kay Steven na pinipigilan ang sariling matawa.

Steven cleared his throat at muling pinaseryoso ang mukha.

"Wala." Steven answered.

"So, ano? Maaga kang umuwi mamaya, ha?" Muling tanong ni Yuki.

"May tatapusin pa akong trabaho kaya imposibleng maaga akong makauwi mamaya. Isa pa, ayokong uminom lalo na at may trabaho ako bukas."

"Ayaw mo lang talagang samahan ako eh." Sabi ni Yuki saka sumimangot.

"Alam mo naman pala. Bakit mo pa ako inaya?" Sagot naman ni Steven.

"Because I wanted to be with you." Agad namang sagot din ni Yuki.

"Puwes ako, ayaw kitang kasama."

"Tsk. Pagkatapos kitang bigyan ng ulam."

Mahina lamang ang pagkakasabi ni Yuki ngunit hindi iyon nakatakas sa pandinig ni Steven.

Yamot na hinarap ni Steven ang binata na napatigil sa paglalakad.

"Hindi ko hiningi sa'yo yun. Kusa mong ibinigay sa akin. Ngayon, kung may kapalit naman pala ang pagbigay mo sa akin niyon, wag kang mag-alala, babayaran ko. At uulitin ko lang sa'yo, tigilan mo na ako. Tigilan mo na ang kakasunod sa akin. Tigilan mo na ang pangungulit mo sa akin. Dahil kahit ano pa ang mangyari at ano pa ang sabihin mo, you will never be my lover!"

"Hindi naman ganoon ang---"

"Hindi pa ako tapos!" Biglang sigaw ni Steven na ikinagulat ni Yuki.

Steven is fuming in anger. Sagad na sagad na ang pasensiya niya. He's already on his limit. "Kung totoo man ang mga sinabi mo, kung totoo man na may nangyari talaga sa atin, gusto ko lang malaman mo na para sa akin, isang malaking pagkakamali iyon na kahit kailan ay hindi na ulit mangyayari! So, leave me, the fuck alone!" Galit na galit na sabi ni Steven.

Matapos niyang sabihin iyon ay kaagad na siyang umalis, leaving Yuki na nakatanga at gulat na gulat.

Malalaki ang mga hakbang ni Steven. At labis niyang ipinagpasalamat ng tuluyan na siyang makarating sa sakayan at mabilis na nakasakay ng Jeep.

Rinig na rinig niya ang malakas at mabilis na tibok ng kanyang puso. Mabilis din ang kanyang paghinga dahil sa labis na galit na nararamdaman niya para kay Yuki.

Iyon ang unang beses na may sinigawan siya. Iyon ang unang beses na naubos ang pasensya niya.

Pasensyoso siyang tao but when it comes to Yuki, umiikli ang pasensya niya.

Pinapanalangin na lamang niya na sana ay tuluyan na siya nitong tigilan para matahimik na ang buhay niya na nagsimulang gumulo nang makilala niya ito.

Katulad ng mga nakaraang gabi, late na naman na umuwi si Steven at pagod na pagod na siya. Pakiramdam niya ay ubos na ubos na ang enerhiya niya. He is too tired that he even decided na wag ng pumasok kinabukasan upang makapagpahinga siya at makabawi ng tulog.

He took a deep breath as he reached the floor where his apartment is located. Lumabas siya ng elevator at tutungo na sana siya sa kanyang apartment ng mapatigil siya when he saw a figure standing just beside the door of his apartment.

Kumunot ang kanyang noo. Hindi niya ito makilala at hindi niya rin makita ang mukha nito. Ngunit sigurado siyang lalaki iyon. Nakasuot ito ng faded skinny jeans at kulay itim na hoodie.

Itinatago ng hoodie nito ang mukha ng lalaki habang ito'y nakatungo.

Si Yuki ba ito?

Bahagyang siyang humakbang palapit rito.

"Yuki?" Tawag niya rito.

Mula sa pagkakatungo ay umangat ang mukha nito at napahinga siya ng maluwag ng makitang si Yuki nga ito.

Tuluyan na siyang lumapit rito.

"Ano na naman ang ginagawa mo dito? Kung andito ka na naman para kulitin ako---what the?"

Steven was so shocked when Yuki grabbed one of his arms and dragged him towards Yuki's own apartment.

"Hey! Anong ginagawa mo?!" Nagpapanic na tanong ni Steven ngunit hindi man lang nag-abala na sumagot si Yuki.

Sa halip ay itinulak lamang nito pabukas ang pinto ng sarili nitong apartment saka pumasok roon habang hila-hila pa rin siya.

Nang makapasok sila ay kaagad nitong isinara ang pinto.

"Yuki, ano na naman ba ito---"

"Ipapaalala ko sa'yo ang nangyari sa atin ng gabing iyon. I will make sure that you'll remember everything." Yuki said in pure determination as he stared at Steven.

Steven was about to answer when Yuki suddenly grabbed him by the hips at mapusok nito na inangkin ang kanyang labi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status