Share

Chapter 5: Closed Door

Medyo nagulat ako dun sa usok kaya napatulala ako. Bumalik lang ako sa wisyo nung hilain ako ni Christian papasok. Di tulad sa labas, dito medyo mainit. Nilibot ko ang paningin ko dito sa kwarto at sobra akong namangha. Ganun yung design niya bus pero eto talagang gumagalaw yung nga constellations. Kumbaga parang naka-animate sila.

"Good Morning po Sir" bati namin ni Christian

"I bet you two will complete the Magical 13 right?" Sabi nung lalaking nakatalikod pa sa amin.

"I guess Sir" sagot ni Christian dun sa lalaki.

Pagharap niya samin, bigla akong nagulat dahil ang mata niya ay kulay gold. Nakakaintimidate siyang tingnan sa mata,parang sobrang ginagalang siya.

"Have a seat kids, we have a lot of matters to deal with" wika nung lalaki in a very formal tone.

Pagkaupo namin bigla siyang nagsalita.

"By the way, I'm Mr. Steevens Uripeia head of this school"

"You must be the bearer of the key to the waters? Tanong niya kay Christian.

"Yes po Sir" inilabas niya yung susi niya at pinakita kay Sir Steevens.

"And you must be the holder of the 13th sign?" Sabi ni sir habang nakatingin sakin.

Di ako sumagot bagkus nilabas ko yung susi ko. Inasahan ko na din yung reaksyon niya, halos lahat ng pinakitaan ko ng susi ko, nagugulat sila.

"This is a good news to the academy" wika ni Sir Steevens.

"So now, do you have your belongings with you?

Tumango lang kaming dalawa ni Christian.

Magtatanong pa sana ako pero biglang may pumasok sa loob ng office. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko, parang ang lakas ng aura nila. Labing isa silang lahat, nakakatakot yung pagpasok nila.

"Bakit niyo kami pinatawag dito?" Sabi nung isang lalaki na sobrang angas ng aura

"I have an announcement make" sabi ni sir Steevens

Lahat sila nakatingin kay Sir Steevens, seryoso silang lahat.

"Then just say it!" Napakasungit talaga nitong lalaking ito

Napabuntong hiningi si Sir Steevens bago siya magsalita.

"These 2 will be your new classmate. One holds the key to the waters...."

Di naituloy ni sir yung sasabihin niya kase biglang may nagsalitang babae.

"Sir, labindalawa na po kami" sabi nung babaeng mukhang kikay.

"Oo nga po sir" sagot nung isa pang lalaki na chinito.

"Kids, let me explain first okay" seryoso pa rin si Sir.

"Well the other one holds the key of the snake charmer"

Biglang may nagsalita na lalaki mula sa likod. Nagtinginan kaming lahat dun sa lalaking nagsalita.

"Pero alamat lang yung susi na yun diba? Sabi nung isang babae na sobrang seryoso ng mukha.

"Di yun isang alamat lang, the just school just want us to believe na isa iyong alamat and they want to hide information about this lost key at all cost because it is the most powerful key that was created......"

"That's enough KaJ! (KaJ is pronounced as KaJi)

Biglang natahimik yung tinawag ni Sir na KaJ.

"Now that the serpent bearer is in our school, we need to protect her at all cost" sabi ni Sir Steevens.

"Why do we need that? Malakas naman ang hawak niyang susi, so why do you need to bother us to protect the holder of the most powerful key?" Sabi ni KaJ.

"That's enough, this is my order so you need to follow"

Biglang bumukas yung pinto, nagulat ako kasi andun si Sir Galvez.

"Sir?!" Gulat kong nasabi sa kanya

Nginitian lang ako ni Sir tapos dumiretso siya kay Sir Steevens

"Good thing you are here, kids you will need this"

Nilapag ni Sir Galvez yung hawak niyang parang maliliit na mga chips. Sa sobrang liit nung chips, mahihirapn kang hawakan yun.

"Kids, these are tracking chips. You need this to knows where are your comrades in times of danger" Sabi ni Sir Steevens.

Di na sila nagsalita dahil binigyan kami isa-isa ng chip.

"Put those on your arms, it won't sting you don't worry."

Tiningnan ko si Christian, wala siyang pag aalinlangan na  nilagay yung chip sa balikat niya. Nakita kong bumaon yung chip sa bakikat niya pero di naman siya umaray.

"Natatakot ka ba?" Tanong ni Christian saken

"Oo eh, heheheh"

"Akin na, ako na maglagay. Promise di siya masakit"

Binigay ko kay Christian yung chip. Pumikit ako kasi akala ko masasaktan ako pero di pala.

"Ayan okay na."

"Salamat."

"Now, kids pakihatid sina Christian at Charm sa respective rooms nila," sabi ni Sir Steevens.

"You can see your schedule using the chip, lilitaw yung schedule niyo on your wrist."

"Don't let your guards down kids, every day is a battle."

Pagkalabas namin sa sa office bigla ako hinila nung babae kaninang nagsalita, yung parang kikay.

"Ahhhh meron nanaman tayong bagong kasama!" Sabi nung babae

Grabe, para pa siyang kinikilig. Nginitian ko na lang siya.

"Hi! I'm Lux Rein Gristino, call me Lux. si Taurus ang hawak ko," sabay ngiti niya.

"Sunny Charm Athenson, hehe"

"So anong nickname mo?"

"Charm na lang ang itawag niyo sa akin."

"Okay Charm hihi."

Di ko namalayan, andito na pala kami sa harap ng isang malaking building. Ano kaya to? Dorm? Pero ang laki para sa iilang tao.

"Tara na daliiiiii!" Sabi sakin ni Lux.

Gumamit kami ng elevator para mabili kaming makaakyat. At base sa elevator, apat na palapag itong building na ito. Pinindot ni Lux yung 4, so it means sa 4th floor ang room ko. Biglang tumunog yung elevator. Paglabas namin tsaka ko napansin na pito lang pala kami na nagkakasama.

"Asan sina Christian?" Tanong ko kay Lux

"Sinamahan siya nung boys sa room niya"

Naglakad kami, hanggang sa humito si Lux sa harap ng isang pinto. Tiningnan ko maigi yung pinto. Pamilyar yung pinto na to. Tiningnan ko yung taas ng pinto at may nakita akong pamilyar na simbolo.

"Ito ang room mo, tig-iisa tayo ng room kase kasama tayo sa Magical 12, ay mali 13 na pala tayo"

Hinawakan ko yung doorknob at inikot ko yun. Akala ko bubukas na yung pinto, pero ayaw. Ilang ulit ko sinubukan pero ayaw talaga bumakas. Ano ba to? Papapuntahin niyo ako dito tapos nakasara naman tong room ko? Hngggg

Bigla silang tumawa ng mahina, silang amin.

"Gamitin mo yang susi mo, di ba nila sinabi sayo na your key is your access to everything in this school," sabi sakin nung isang morena habang nakangiti.

Oo nga pala, bakit di ko naisip yun? Nilabas ko agad yung susi na ginawa kong necklace. Ginamit ko yung susi at ilang sandali pa ay nabuksan ko na rin yung pinto. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako sa nakita ko. Di lang isang tao ang pwedeng tumira dito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status