Share

Chapter 5

Tahimik lang ako habang binabaybay namin ang daan patungo sa bahay ni Madame Thalia. Hindi raw kasama si madame dahil busy ito.

Tanging ang driver lang ang sumundo sa akin, 'di ko maiwasang mamangha sa daan ganito pala kaganda sa labas, dahil hindi ko nararanasan ang makakalabas ng ampunan simula noong bata pa ako.

Hindi ko rin maiwasang mapangiti ng makita sa labas ang mga naglalakihang bahay at maraming sasakyan.

"Ang lalaki naman po ng mga bahay dito manong," ngiting sabi ko sa driver.

Tamihik lamang siyang nagmamaneho at paminsan minsan ay tumitingin sa akin.

"Hindi naman mga bahay 'yan iha building ang tawag dyan," sagot ni Manong sa akin.

"Ah ganun po ba pasensya ka na po ngayon lang po kasi ako naka labas," nahihiyang sabi ko kay manong.

"Mahigpit pala sa inyo ang ampunan na kumopkop sayo," tanong niya sa akin.

"Para lang din po 'yon sa kaligtasan namin manong," nakangiti kong sabi kay manong.

Hindi naman din siya nagpapakilala sa akin kaya manong na lang ang tawag ko sa kanya.

Umabot ng dalawang oras ang byahe namin ng huminto ang sasakyan sa isang napakalaking gate, bumukas kaagad iyon at tumambad sa akin ang napakalaking bahay. Siguro sa sobrang laki ay para na siyang palasyo.

"Ang ganda naman po dito," naka nganga kung sambit.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mary Ann Paris
ang bibilis ng kwento...... pwede po bang pakihabaan......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status