Kabanata 13

MATAGAL na nakipagtitigan si Celes sa kawalan. Tila namanhid ang buong katawan niya ang huling mensaheng 'yon na hindi sa kanya dumating.

Gaano katagal na ba 'yon? 'Di na rin niya alam dahil ngayon ang hanapin ang mga kapatid ay tila nawala na rin sa sistema niya.

Hindi na niya namalayan pa ang oras habang naroon siya sa loob ng silid ni Levi. Nang unti-unti niyang nabawi ang sariling composure. Dahan-dahan na tumayo siya. Maiging inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kwartong 'yon. Hanggang sa isang picture frame na malapit sa fireplace ang nakita niya.

Larawan 'yon ni Kristine. Pinatunayan lamang niyon na ikinasal nga talaga ang kapatid sa lalaking nagpakilalang asawa ng kapatid niya.

Humigpit ang hawak niya sa huli na yatang larawan na kanyang makikitang nakangiti ang kapatid. Katabi naman niyon ang isang maliit na papel na kanyang binasa ang nakasulat. Kabisado niya ang sulat kamay ng kapatid, mula sa pagkakasulat nito ng letrang ”a” na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status