Share

8

One hour. One hour na akong naghihintay dito sa school pero hanggang ngayon wala parin kahit anino ni Cassandra. Ngayong araw kasi ang usapan namin umpisahan ang special project kay Sir. Soltones. May ideya narin ako kung saan kami pupunta para makapag video documentary. Anyway, mukhang sasakit ang tiyan ko nito dahil nakakailang baso na ako ng milk tea para lang hindi mainip. Kabisado ko na nga yung commercial na pinalalabas sa tv sa tagal ng paghihintay sa babae na yon. 

Isang buntong hininga pa at walang ingay akong tumayo bitbit ang bag ko. Naghintay lang ako sa wala.  Umalis ako ng cafeteria at naglakad sa hallway na napakaraming tao dahil break time na. Nasayang lang ang oras ko, nasa bahay sana ako ngayon at nakahilata sa kama habang nanunuod ng Netflix. 

Sumakay ako ng kotse at nagmamadaling umalis ng school. I still tried sending and calling Cassandra pero wala talaga. I just hope na okay lang sya kung saan o ano man ang ginagawa nya ngayon. At dahil rush hour na ay inabutan na ako ng traffic sa bandang R. Papa.

Napakurap ang mata ko ng mga ilang beses dahil baka gawa lang ng imagination ko pero nakikita ko talaga si Cassandra na naglalakad papunta sa Manila Chinese Cemetery. 

At dahil sa curiosity ay nagmaniobra ako at nagpark malapit sa sasakyan ni Cassandra. Sinundan ko sya but i made sure na hindi nya ako mahahalata. Hindi ko mapigilang mapanganga ng makita ko ang mga  nagtatayugang museleyo. I took this an opportunity para kumuha narin ng mga picture habang naglalakad. 

I saw Cassandra na pumasok sa isang musuleyo. Nagtago ako sa gilid ng pintuan at tahimik syang pinanuod.  Kumuha sya ng insenso at sinindihan. Sino kaya ang dinadalaw nya dito? Ginamit ko ang camera para makita kung ano ang pangalan ng nakasulat sa lapida na dinadasalan ni Cassandra. 

Zoom pa ng zoom hanggang malinaw kong nakita ang pangalan. "Vic-toria.." 

"Hanggang kailan mo ko susundan?" Biglang tanong ni Cassandra. Tumingin pa ako sa paligid baka kasi hindi naman ako yung kinakausap nya. Pagbalik ng mata ko sa loob ng museleyo ay parang nalaglag ang aking puso ng makita si Cassandra na nakaharap na sakin with her arm crossed. "Why are you following me?" 

Wala na akong nagawa kundi tuluyang lumabas mula sa pinagtataguan ko. "Mmm. I'm not following you." Pero sa mukha ni Cassandra ay hindi sya naniniwala. Kahit naman sino diba? "Well, i was waiting for you for like an hour pero hindi ka dumating, i even texted you pero—" 

"Is that all?" Taas kilay na usisa nito.

"Who's Victoria?" Bigla ko na tanong. Minsan talaga yung bibig ko hindi makontrol. Instead of answering me, tumalikod si Cassandra at tumahimik saglit na parang kinakausap nya yung Victoria. Mamaya pa ay naglakad na sya palabas at bumuntot naman ako. "May project pa tayo Cassandra. May alam na akong pwedeng gawing subject natin!" 

Huminto sa paglalakad si Cassandra at nakasalubong ang kilay na tumingin sakin. "Can you please shut up!?" Halos pasigaw nyang sabi. "I want to be alone!" Napakahirap intindihin ni Cassandra, sala sya sa init at sala sa lamig. Sino ba kasi yung Victoria na yon at nagkakagandyan sya. "Go away!" 

Naglakad si Cassandra palayo pero gaya nga ng sabi ni Ate Alex. Hindi ko sya dapat sukuan. Kaya eto, sumunod parin ako sa kanya. Bahala na. Lumabas kami ng sementeryo pero hindi agad umalis. Dumaretso kami sa isang game world. Nagkandabangga banga ako sa dami ng tao but my eyes still focus to Cassandra. 

Nagpapalit sya ng pera for tokens para makapaglaro. Samantalang bumili ako ng pagkain bigla kasi akong nagutom sa pagsunod kay Cassandra. Busy parin sya sa paglalaro ng computer games at ng matalo ay lumipat naman sya sa claw machine. 

"Bakit ba nandito ka?" Walang tingin na tanong sakin ni Cassandra sabay hulog ng token. "Umalis ka na." 

Nilunok ko muna ang pagkain na nasa loob ng aking bibig bago sumagot. "Hobby mo yan ano?"

Tumingin sakin saglit si Cassandra. "Hobby? What are you saying?" 

"Pushing people away." Sagot ko.

"Allergic ako sa mga taong katulad mo." Wika nya na may kasamang pagikot ng mata. "Makulit."

Bigla akong natawa, hindi dahil sa sinabi nya kundi sa spongebob stuff toy na kanina nya pa kinukuha pero laging nabibitawanan ng claw. 

"Ako na nga." Usal ko at inabot ang aking hawak na coke float at hotdog kay Cassandra. "Hawakan mo." 

"Aba." Hindk sya makapaniwala na ginawa ko syang taga hawak pero wala ng nagawa ang Ice Queen kundi ang sumunod at tumabi para bigyan ako ng space. "Kaya mo bang makuha yan?" 

"Ako pa." Medyo natawa kong sabi habang todo concentrate sa claw machine. Sanay na ako sa laro na to dahil noong high school ay madalas kaming tumambay nina Ava at Maya sa mga gaming center para pampalipas oras. "Stay put ka lang dyan." Ramdam ko ang pawis na dahan dahang gumuguhit mula sa aking noo pababa sa pisngi. Napangiti ako ng makuha ng claw ang spongebob at maingat na dinala sa butas. There is a victorious smile on my face when i handed Cassandra the stuff toy pero hindi sya gumagalaw. "Kuhain mo na." 

"Pinaghirapan mo yan Aubree." Katwiran ni Cassandra. It feels good kapag tinatawag nya ako sa pangalan ko. Para kaming bff pero enemy. 

Umiling ako. "But i get this for you." 

Para sa mga katulad ni Cassandra alam ko na hindi sya sanay na may nagbibigay o offer sa kanya but i want to prove her na okay lang tumanggap ng isang na pinaghiralan ng isang tao lalo na kung bukal ito aa kalooban. 

"Mm. Thanks." May pagdadalawang isip man ay kinuha narin ni Cassandra ang laruan at pinakatitigan ito ng mabuti. I could see na she is happy pero pinipigilan nya lang ang kanyang sarili. 

Ngumiti ako ng pagkalaki laki. "Welcome—" Napansin kong nawala  yung pagkain na pinahawak ko sa kanya. "Nasaan na yung hotdog?" 

"Kinain ko na." Very casual na sagot ni Cassandra. 

"Ha? Nakain ko na yon e! Like, may laway ko na." Kaya nakakahiya na kinain ni Cassandra yung pagkain ko. "Bakit mo kinain!" 

"Nagutom ako e." 

Napabuntong hininga nalang ako. Kakaiba talaga tong si Cassandra. Hindi narin ako nakipagtalo pa at lumabas na kami ng gaming center. Pumayag narin sya na gawin yung special project namin kay Sr. Soltones. We decided na iwanan ang mga kotse namin sa manila chinese cemetery since kailangan naming magcommute at sumakay ng LRT. 

"Bakit nakatayo ka lang dyan?" Aya ko sa Ice Queen habang nakahawak ako railing ng naghihintay na jeep. "Tara na." 

"Sigurado ka na sasakay tayo dyan?" She asked a little worried. 

  

Obvious na hindi pa nakakasakay ng public transportation tong si Cassandra. Akala mo naman papuntang Mars ang byahe. "Teka lang manong," Sigaw ko sa driver. Nilapitan ko si Cassandra at hinawakan ang kamay nya. "Dali na, we are causing traffic." 

"Teka teka." Awat ni Cassandra pero hindi ko na sya pinansin. Pinauna ko syang sumakay ng jeep at naupo kami sa likuran tutal wala naman masyadong nakasakay. "Oh gosh. I can't believe this." Natatawa nalang ako. Kumuha ako ng pera sa bulsa. "Wait ako na." 

"Ano yan?" Taas kilay na tanong ko ng makita ang hawak nya. 

"Credit card duh." Sarcastic na sagot nya. "I don't like people paying for me— Mr. Driver do you accept cre—" Ibinaba ko ang kamay ni Cassandra dahil inaabot nya ang credit card sa katabi namin na matandang lalaki na tawa ng tawa din. "What are you doing!?" 

"I should have ask you the same question." Kagat labi ko na salita pero pinagpasensyahan ko nalang dahil alam kong wala syang alam sa ganitong bagay. Ako narin ang nagbayad ng pamasahe papuntang LRT station. We stayed quiet the whole ride, ang bilis ng takbo ng jeep kaya yung buhok ni Cassandra tumatama sa mukha ko. Kaya medyo umatras ako ng konti. 

"Grabe ang bilis ng takbo, parang byaheng langit tayo." Kunot ang noo na salita ni Cassandra. 

"Sanayan lang." Sagot ko.

Cassandra looked at me over her shoulder at nakahinga ako ng maluwag ng ayusin nya ang kanyang buhok. "Lagi ka bang sumasakay sa jeep?"

"Hindi naman." Ngumiti ako. It feels nice to have a simple and normal conversation with Cassandra. She looks so innocent. "Kapag gusto kong mamasyal para kumuha ng mga picture, nagcocommute ako para makapunta sa maraming lugar." 

"Oohh." Tumango lang si Cassandra. "No wonder why y—" Nabigla kaming lahat na pasahero ng biglang nagpreno ang driver. Dumaosdos ako papunta kay Cassandra at muntik ng magtama ang mga labi namin mabuti nalang talaga at nakakapit ako ng mahigpit sa railing ng bintana. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko as we stared deeply in each other's eyes. Yes, i know Cassandra is freaking beautiful pero bakit parang lalo syang gumanda sa paningin ko. "A-are you okay?" 

Kumurap kurap ang aking mata at para akong natauhan. "Y-yeah." Nanginig ang boses ko at nagmamadaling lumayo mula sa kanya. 

"Grabe naman kayo manong dahan dahan sa preno." Reklamo ng lalaking pasahero. "Muntik na tuloy magkapalit ng mukha yung dalawang magandang dalaga dito." 

Nagtawanan ang mga pasahero including the driver. Samantalang namumula ang mukha namin ni Cassandra. Bumaba kami ng jeepney at pumila sa ticketing booth para bumili ng dalawang card. Medyo maraming tao sa LRT ngayon. Lagi naman diba? Kelan kaya uunlad ang mga train dito sa Pilipinas. 

Hawak hawak ko si Cassandra sa kamay ng pumasok kami sa pang babaeng train dahil baka mawala sya sa dami ng tao. Daig ko pa ang may bitbit na bata. Tumayo nalang kaming dalawa malapit sa pintuan para madali rin kaming makalabas since hindi naman kalayuan ang station nabababaan namin. 

"Oh God." Takot na bulog nya habang nakatingin sa lalaking nagkakamot ng ano. Alam nyo na yon. "Akala ko ba pang babae lang to?"

"Well ganon talaga, may mga taong matitigas ang ulo. Hindi marunong sumunod sa rules."

Napakapit si Cassandra sa damit ko. "Mm. Can we please--" 

"Sandali lang to Cassy." Putol ko sa sasabihin nya. For the first time tinawag ko sya sa nick name nya. Wala namang violent reaction from her. So okay lang yun. "10 to 15 minutes."

Habang humihinto kami sa bawat station lalong dumadami ang taong pumapasok kaya hindi maiwasang magkatulukan. Muntik na akong mabuwal mabuti nalang ay hawak hawak ni Cassandra ang braso ko. Isang station pa at para na kaming mga sardinas pero kahit isang salita ng pagrereklamo ay wala na akong marinig mula kay Cassandra. May mga taong nagpupumulit na sumakay ng train kahit na punuan na, tulukan dito, tulukan doon kaya napausod akong lalo kay Cassandra. We are face to face now. No space between our body and our face are just inch away. 

For my lack, lalo pa akong siniksik ng taong nasa aking likuran. Labanan ko man ito pero wala na akong magawa ng magdikit ang mukha namin ni Cassandra. 

"Mm. Aubree." Bulong nya sakin. "Please w-wag kang huminga sa tenga ko." 

Napakagat labi ako. I don't know but it makes my heart swelled. "I-im sorry Cassy." Sinubukan ko namang humiwalay sa kanya pero ang sikip talaga. "I can't move." Malapit narin akong mawalan ng balanse kaya kahit nakakahiya ay yumakap na ako kay Cassandra. 

Oh gosh. 

I don't know what's going through her mind right now. Sana lang hindi nya ako kainin mamaya dahil sa ginawa ko. After we few minutes ay nakarating na kami sa central station at pumunta sa luneta. I can't hide the smile on my face dahil sa very amaze na mukha ni Cassandra habang tumitingin sya sa paligid. Well i guess this is her first time din na makapunta dito. 

We walked around. Hinayaan ko syang mauna maglakad sakin habang ako ay click dito, click doon  sa camera. Maraming tao sa luneta, mga pamilya, magbabarkada, kahit magkasintahan at syempre hindi papatalo ang bantayog ni Jose Rizal.

Nilagay ko sa video mode ang camera at sa hindi sinasadyan pangyayari ay kinuhaan ko si Cassandra. The sunlight shone behind her na nagrereflect sa maganda nyang mukha with smile tagged at the corner of her mouth. 

"Aubree.." Tawag ni Cassandra sa pangalan ko at bigla syang humarap sakin. 

Why can't she even more beautiful... 

"Yes?" Sagot ko pero hindi parin inaalis ang camera sa kanya. 

"Why are you recording me?" 

Bigla kong binaba ang camera. "Hindi ah." Pagdedeny ko. Bakit naman ako aamin. "Gutom ka na ba?" 

"Kinda." Napahawak sya sa kanyang tiyan na kumakalam. 

Napatingin ako sa orasan sa cellphone. "Oh. It's not 1 pm." Gumala ang mata ko sa paligid. Medyo malayo ang mall dito. Meron lang mga vendor ng street food. "Let's try that." Turo ko sa food stalls. Wala ng nagawa si Cassandra ng magtungo kami sa mga nagtitinda ng pagkain. "Do you want that?" 

"Ano yan?" Sing lalim ng balon ang pagkakakunot ng noo ni Cassandra habang pinagmamasdan ang isaw. "Nakakain ba yan?" 

Kamot baba nalang ako. "Isaw yan. Chicken intestine." 

"Ah what?" 

Pero imbis na sumagot ay tumingin ako sa tindera. "Pabili po ng isaw, siomai, barbeque at pineapple juice." 

"Wait Aubree." Awat sakin ni Cassandra. "Is that even clean?" Tumingin sya sa paninda. "I mean, the chicken intestine, the blood, chicken feet and oh my gosh there is a chicken head." Pakiramdam ko na broken hearted si Cassandra. 

"Don't worry, they are all clean." I assured her. "But if you don't like—" 

"No." Biglang awat sakin ni Cassandra. "It's okay.." She looked at me a little an assured. "Gusto kong itry." 

Naupo kami ni Cassandra sa bench na dala ang binili naming pagkain. Pinakatitigan nyang mabuti at matagal ang isaw bago nya itong kagatin at dahan dahang nguyain. "Mmm." Ungol ni Cassandra habang ninanamnam ang pagkain sa kanyang bibig. "Not bad." 

Ngumiti ako. "I told you." 

"Para sa taong katulad mo hindi ko maisip na kumakain ka ng ganito." I heard her whispered. 

"Bakit ano ba ang tingin mo sakin? Maarte?" 

Umiling si Cassandra. "No." Uminom sya ng pineapple juice. "Not like that." Daretso lang ang tingin nya at nanuod ng mga batang nagtatakbuhan sa park malapit sa dancing fountain. "It's just that..." This time she turned to look at me. "You are different." 

Nacurious ako sa different na sinasabi nya. "What do you mean? Mukha ba akong taga Mars? May nakikita ba kayo na hindi ko napapansin?" 

Cassandra smile a little pero alam kong gusto nyang tumawa. "Yeah, maybe you are an alien because." Umiwas sya ng tingin. "You are really intriguing." 

Hindi man nya naexplain masyado kung ano yung ibig nyang sabihin sa im different  and intriguing pero siguro darating ang tamang panahon para doon. For now, i will try to slowly break her walls and get to know her more.  

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status