Kabanata 3

Walang pakielam si Jasper sa kanila. Maski sa mga binitiwang salita sa kanya.

Ngayon na mayroon na siyang pera, pwede na siya maging milyonaryo o bilyonaryo pa sa hinaharap. Matatakot pa ba siya sa mga nanggugulo sa kanya?

Malipas ang isang linggo, ang mga Hunts ay hindi siya ginugulo. Nakampante na ang kalagayan ni Jasper.

Subalit, hindi rin siya maaring masyadong mapalagay. Dahil base sa kanyang alaala, may malaking mangyayari sa kanilang maliit na bayan.

Sa kanyang nakaraang buhay, alam niya na mayroong ruby pendant sa isang jewelry shop na ang pangalan ay Glory Jewellers na matatagpuan lang din sa kanilang bayan.

Ang may ari ng jewelry shop ay ibinalita na isang antigo ang ruby pendant na ito, at ito ay sinuot pa ng isang English monarch noon.

Kung kaya, ang pendant na ito ay tinitinda bilang isang kayamanan sa shop. Ngunit, sa halagang $500,000, walang may kakayanan bumili nito.

Kahit sa mga ipinabalita, walang naniwala dito.

Malamang sila lamang ay nagbibiro. Isang antigo na ruby pendant na sinuot ng isang monarch ay binebenta lang sa halagang $500,000?

Halatang ito ay isang promosyon lamang.

Walang umaasa na ang pendant ay maibebenta sa isang mangangalakal na nag mamay ari ng isang negosyo sa ibang bansa. Ang may ari ng jewelry shop ay tinawanan lamang siya dahil siya ay naloko nang bumili ng peke na produkto.

Lumipas ang kalahating taon, ang ruby pendant ay nasa pinaka malaking auction sa bansa at napag alaman na ito ay totoong tunay.

Ito ay nabenta sa halagang $40 milyon. Nabalita din na ang may ari ng jewelry shop ay galit na galit na sa balita at ito ay sinugod pa sa ospital.

Ayon sa kanyang alaala, ngayong araw ibebenta ang ruby pendant!

Ngayon, hindi papayag si Jasper na mayroong makakabili nito sa halagang $500,000 at ibenta ito ng 80 beses na mataas sa nabiling presyo.

Umaga nang umalis si Jasper sa kanyang bahay. Tumawag siya ng taxi papunta sa Grand Plaza papunta sa Glory Jewellers.

Nang dumating sa shop, ang dami ng mamimili ang nandoon.

“Richton, maraming salamat!”

Si Penelope ay masayang tintignan ang ruby na pulseras na kanyang suot. Nagkakahalaga ito ng $3,000. Hindi ito basta bastang regalo na ibibigay lamang kung kanino.

Yung taong tumawag kay Richton ay medyo may kaidaran na. May malaking ulo, malaking tenga, at halos may lumuluwang tiyan sa laki. Nakasuot ng isang suit, ngumiti ito kay Penelope. Makikita ang kasiyahan at kasakiman sa kanyang mga mata.

Noon pa niya gusto si Penelope!

Wala lang siyang panahon na ligawan si Penelope, pero itong kamakailan, siya na mismo ang kusang lumalapit sa kanya.

Walang rason para hindi siya ligawan ni Richton White. Malamang, mga mamahaling regalo at ilang libong dolyares ang katapat niya. Kaya niyang pagkagastusan ito.

“Ito ay maliit na regalo lang. Ang importante ay masaya ka.”

Si Richton White ay tumawa ng malakas. Lumingon siya kanila Calvin at Susan, na parehas natutuwang nakatingin sa kanya. “Calvin, Mrs. Jones, bawat isa sa inyo ay mamili ng gusto niyo. Ito ay magsisilbing regalo ko sa inyo,” sabi niya.

Kitang kita ang pagka surpresa sa mukha ni Calvin at Susan. Sobrang ngiti nila na umabot na hanggang tenga at sabay pang bobola kay Richton.

Kasalukuyan non, pumasok si Jasper sa shop.

Nang makita nila ang kaaway nila, nakaramdam sila ng paghihiganti, “Hey, hindi ba ito yung makwenta at mahirap na probinsyano? Bakit ka nandito? Lahat ng presyo dito ay nagkakahalaga ng ilang libong dolyares. Wala kang kaya bilhin dito,” palokong bigkas nito.

“Baka nandito siya para pumasok bilang security guard,” pang aasar na sinabi ni Penelope na may halong ngiti sa kanyang mukha.

Natawa si Susan. Kinuha niya ang kamay ni Penelope. “Tsk tsk, tignan mo nga naman itong pulseras na ito. Nagkakahalaga ng $3,000. Isang taong may taste at class ang bumili nito para sa kanya. Hindi tulad ng mga tao na gaya mo na kailangan pang pagtrabahuan ng dalawang buwan ng hindi kumakain o uminom man lang, tama ba ako?” tanong niya.

Tumitig si Richton White sa kanya.

Alam niya na mayroon nobyo si Penelope. Parang siya ata iyon.

Ngumiti si Richton. Kalmado lamang ang ekspresyon ng kanyang nag papawis na mukha. “Wala iyan. Hindi naman ako kagalingan, pero hindi ko kayang tignan ang mga taong pinapahalagahan ko na magdusa dahil sa kawalan ng katarungan,” sabi niya.

Nang bigkasin niya ang mga salita na iyon, si Penelope ay naantig. Sumandal siya kay Richton. “Richton, tinatrato mo ako ng maayos, hindi katulad ng isang mahirap at mapagkwenta. Dapat lamang siya maging basura sa buong buhay niya,” tugon niya.

Binalewala ni Jasper ang mga parinig nila.

Siya at ang mga taong ito ay nanggaling sa magkaibang mundo simula ng siya ay pinanganak.

Naglakad siya patungo sa counter, tinanong ni Jasper ang sales assistant, “Excuse me, pwedeng pakikuha ung antigong ruby pendant?”

Tumawa ng napakalakas si Calvin matapos niya marinig ang sinabi nito. “Hahaha, nabaliw na ba siya? Antigo na ruby pendant? Bakit mo pinapakuha kung hindi mo naman kaya bilhin?” tanong niya.

Umiling na lang si Richton. Mga taong katulad niya ay mabilis matukso. Gumawa siya ng walang kwentang bagay matapos siyang biruin ng kaonti. “Hey, may limitasyon ang pagkukunwari. Paano kung ilabas nga nila yan? Bibilhin mo ba o hindi?” kalmado niyang tanong.

Ngumisi ng masama si Susan. “Baka gusto niya lang magkaroon ng kaalaman sa mundo. Ang mga mahihirap na tiga probinsya ay hindi pa nakakakita ng mga magagandang bagay. Matapos niya itong tignan, babalik lang siya sa probinsya niya para ipagyabang ito,” sabi niya.

Lahat ay tumawa nang marinig ang kanyang sinabi.

Yung sales assistant ay tumingin lamang kay Jasper ng may halong pag aalinlangan. Hindi niya ito kilala, pero kilala niya si Richton White. Lagi siyang nagdadala ng mga babae dito para bilhan ng regalo. Base sa sinabi niya, itong lalake na ito ay wala gaanong pera.

Tinatamad ang sales assistant na pagsilbihan siya. “Sir, masyado pong mahal ang ruby pendant. Kung hindi niyo ito bibilhin, ‘wag niyo na sayangin ang oras namin,” malamig niyang sinabi.

“Sinong nagsabi na hindi ko bibilhin? Ibigay mo sa taong nag sabi sa’yo na ilabas ito. Sa tingin mo patatawarin ka ng amo mo kung itong transaksyon na ito ay nadelay ng dahil sa’yo?” tanong ni Jasper sa kanya.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng sales assistant. Siya ay humuni. “Sige, ilalabas ko siya. Tignan natin kung kaya mo bilhin!”

Bumalik ang sales assistant at binuksan ang safe. Kumuha siya ng tray at doon niya ito iniligay para kay Jasper. Siya ang ngumisi, “Binili ng amo ko itong ruby pendant na ito kagabi. Sinuot ito ng isang English monarch. Nagkakahalaga ito ng $500,000. Hindi pwede tumawad!”

“$500,000?!”

Sila Penelope ay napa buntong hininga. Maski si Richton makikita ang pagkabigla sa kanyang mata.

Hindi lahat ay kayang maglabas ng $500,000 sa ganitong oras. Itong ruby pendant na ito ay may magandang hugis at kinang, ngunit mukhang hindi nagkakalayo sa ruby na pulseras ni Penelope base sa kulay at itsura.

Napailing si Richton. Kaya niya gumastos ng ilang libong dolyares para sumaya sa isang babae na katulad ni Penelope Hunt, pero hindi na niya kaya gastusan ng ganito.

Ngunit… Ito rin ay hindi niya kayang bilhin. Paano kaya ang lalake na ito?

Tumawa si Richton. “Ito ay napakaganda. Sayang ang pera ko ay nasa ibang investment ko pa. Kung hindi, bibilhin ko ito pang katuwaan lang. Siguro sa isang katulad mo hanggang tingin ka lang ‘di ba?” patamad niyang sinalita.

“Mismo!”

Inalis ni Penelope ang kanyang sakim na mata mula sa ruby pendant. Tumingin siya kay Jasper ng mapanghamak. “Ngayon nakita mo na, pwede ka na umalis?” tanong niya.

Nilabas ni Richton ang kanyang bank card at ibinigay ito sa sales assistant. Sinabi niya ng masaya, “Bigay mo sakin ang bill. Kailangan mo maging maingat sa susunod. ‘Wag ka magpapasok ng mga mahihirap na b*stardo dito sa shop. Mga taong katulad ko ang tunay na mamimili. Ano ba kaya niya gawin? Pinalabas niya lang ang ruby pendant pagkapasok mismo sa shop. Nakakahiya!”

Smack.

Isang itim na VIP bank card ang pumatong sa ibabaw ng normal bank card ni Richton. Kuminang ito sa ilalim ng ilaw dahil sa sobrang pagka mamahalin nito.

“Paki swipe ang card na ito,” sabi ni Jasper.

Nagkaroon ng tensyon sa loob ng jewelry shop.

“Hahahaha!”

Tinuro ni Calvin si Jasper at tumawa ng nakakalokong tawa. “Naging baliw na ba siya? Gusto mong bumili ng nagkaka halagang $500,000 sa card na ganyan? Kapag ‘yang walang kwenta na card na iyan ay may laman na $500,000, luluhod ako sa’yo at tatawagin kitang tatay!” nakangiwi niyang sinabi.

Subalit si Richton ay hindi kayang tumawa ng malakas. Nanuyot ang kanyang bibig ng makita niya ang mamahaling black bank card!

Alam niya na kung sino lamang ang may sampung milyon dolyares ang pwedeng kumuha ng ganoon na card.

Hindi bababa ng sampung milyon dolyares!

Hindi pa nakakita si Richton ng ganoon karaming pera sa buong buhay niya!

Pwedeng magsinungaling, pero hindi maari na isang peke ang card na ito.

Si Richton ay nakatitig kay Jasper, na may halong kibot sa kanyang mata.

Oras na iyon, kinuha ng sales assistant ang card at iniswipe ito sa machine.

Pinasok ni Jasper ang kanyang password at tumunog ng beep ang machine. Matapos, may lumabas na mahabang resibo mula sa machine.

Lahat ay nakita na tagumpay ang transaksyon na iyon.

Mayroon talaga… nagbayad siya ng $500,000!

Nang tignan ang balance sa kanyang bank card, mayroon pang napakalaki at napakarami na sampung milyon dolyares na nagpakabog sa dibdib ng sales assistant.

Ito ang unang beses sa buong buhay niya na nakakita siya ng napakaraming pera.

Pagkatapos itago ang card, si Jasper ay humarap kay Calvin na gulat na gulat sa nangyari. “Pwede ka ng lumuhod sa harapan ko, pero hindi na kailangan na tawagin ako tatay mo. Mandidiri lamang ako.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status