Kabanata 8

Hindi man naiintidihan ni Wendy Schuler ang stock market, narinig niya na ito at gusto niyang subukan. Nagaalinlangan siya ng bahagya pero mas pinili niyang pagkatiwalaan si Jasper at agad itong nagbukas ng account.

“Tangent Technology, Cain Industry, and Phoenix Pharmaceutical. Itong tatlong stocks.”

Dahil sa napaka ganda ng kanyang assistant na si Wendy, hindi nag dalawang isip pa si Jasper na gawin ito mismo. Matapos niya sabihin ang pangalan ng tatlong stocks, si Wendy ay nagbukas ng magkakaibang account para dito.

Sa kanyang nakaraan, itong tatlong ito ang pinaka bullish na stocks!

“Paano natin ito bibilhin?” tanong ni Wendy.

Ang $1.8 milyon na pera ay naghihintay lamang sa account na kanyang hinahawakan. Ito ay napaka laki ng halagang pera sa panahon ngayon.

Subalit, hindi kinakabahan si Wendy. Isa pa, bilang isang anak ng pinakamayaman sa kanilang probinsya, mas marami na siyang nakitang pera mas marami pa sa pwedeng paglaruan na Lego blocks.

Ang mga sumunod na salita ni Jasper ay kinagulat ni Wendy.

“All in!”

“All... invest natin lahat?” gulat na tanong ni Wendy.

Kahit na ito ang unang beses na siya mismo ang mag trade ng stocks, hindi siya nagkulang ng kaalaman tungkol dito dahil siya ay nagaral ng finance sa unibersidad. Pero ito ang unang beses niya na makita ang isang tao na padalos dalos. Nang mabuksan na ang account, mahigit isang milyon ang papasok sa market.

Isa ba itong kayabangan o kabaliwan?

“Oo! Magtiwala ka sakin, gawin mo na! Ilagay mo na sa market order!”

Nagsungit si Jasper ng sabihin ito, hindi niya hinayaan na kwestyunin siya ni Wendy.

Nang makita ang seryosong mukha ni Jasper, hindi na nagsalita si Wendy at biglang sinunod ang utos ni Jasper.

Ito ay nakalagay na sa pending order, at sa mga sumunod na segundo, kumpleto na ang trasaksyon.

Habang unti-unting nababawasan ang kanyang pondo, sinabi ng software na ang order ay masyadong malaki at mapanganib. Huminga ng malalim si Wendy.

“Punta tayo sa digital mall mamaya. Bili tayo ng tig isang computer para gamit sa opisina,” biglang sabi ni Jasper.

Kahit sa futures or stock market, importante ang computer. Mahirap na para sa kanya ang pumunta sa securities company para mag trade araw-araw.

“Sige, punta na ba tayo ngayon?” sumang ayon si Wendy at tumayo na.

“Teka lamang.”

Umiling si Jasper. “Hintayin natin ang kinita nating pera bago tayo bumili ng computer.”

Hindi mawari at nagtataka si Wendy kay Jasper, pero nakita niyo ito na tinitignan ng nakangiti sa computer.

Pagkatapos pumasok ni Jasper sa market, ang stock price ng Phoenix Pharmaceutical ay paiba iba at ito’y bumagsak kaysa umangat.

Lahat sila, kasama si Wendy, ay nagulat ng makita ito.

Kampante si Jasper na itrade lahat, at ito’y hindi umangat ngunit bumagsak.

Habang nakikita na bumabagsak ang stock price, hindi napigilan ni Wendy sabihing, “Jasp, nagkamali ka ba?”

Nasabi niya ang nasa isip ng karamihan.

Lahat ay masama ang tingin kay Jasper.

Nag-aalala si Wendy kay Jasper na baka mawala ito sa sarili at biglang magalit, kaya nagiisip siya kung paano ibahin ang sitwasyon.

“Nagkamali man ako ng basa noon, pero sa pag kakataon na ito, hindi!” mahinahong sabi ni Jasper.

Matapos sabihin ni Jasper ang mga salitang iyon, wala ng oras para sa kanilang reaksyon.

Biglaang may makapal na linya ang umaahon mula sa pagkabagsak nito. Sa sitwasyon na hindi sila lahat ay handa, ang stock price ng Phoenix Pharmaceuticals ay biglaang taas na napakataas.

Naabot nito ang hangganan para sa araw na iyo.

Totoo bang...tumaas talaga? Naabot pa nito ang hangganan?

Sa loob lamang ng limang minuto na sila ay nagkakasiyahan, kumita sila ng mahigit $100,000!

“Napaka galing!”

Sa tabi niya, si Harold Wood, na nanonood lamang ng buong oras na iyon, ay natigilan at walang masabi sa kanyang pagka mangha.

“Meron ba talaga dito sa mundo natin ang makakapagsabi ng hinaharap?”

Tumingin si Wendy kay Jasper na napapalibutan ng mga taong namamangha sa kanya at siya rin ay tumingin sa sarili niyang account na kumita ng mahigit $20,000. Hindi siya makapaniwala tungkol dito.

Para sa isang katulad niya, wala lang ang mahigit $20,000.

Subalit, ito ay kinita ng ilang minuto lamang dahil sa mga salita ni Jasper.

May mas dadali pa ba doon para kumita ng pera.

Walang duda kung bakit ang kanyang ama ay gustong pumasok sa financial field...

Napaisip si Wendy at ito’y sumilip kay Jasper. Kung magaling nga siya, makakayanan niyang tulungan ang kanyang ama na nasa panganib na.

Sa oras na ito sa securities company, namutla ang mukha ni Penelope at Richton.

Habang tinitignan ang K-line diagram sa harapan nila at ang pondo, ito ay nasa $770,000.

Ito ang pera na nakuha ni Susan nang isanla niya ang kanilang bahay.

Sa loob lamang ng ilang minuto, 10% ang nalugi nila sa 770,000!

“Tumigil ang trading!”

Hindi maganda ang timpla ng mukha ni Richton.

Sa totoo lang, para makuha niya si Penelope, gusto niyang kumita ito ng pera.

Kaya lang, hindi mo masabi ang stock market at wala ang makakasiguro sa kitaan nito.

Para maging ligtas sila, pumili si Richton ng isang stock na matagal niya ng inoobserbahan. Kahit na hindi ito aangat agad, hindi rin ito basta bastang malulugi.

Sila ay minalas. Matapos pumasok ni Penelope, ang stock ay biglang nalugi, sumadsad at hindi na ito gumalaw pa.

“Nawala na yung $77,000?”

Tumingin lamang sa screen si Penelope, hindi siya makapaniwala.

“Alas, ganito talaga ang stock market. Masyadong mataas ang pakikipagsapalaran, pero ito lamang ang profit and loss ng pangkasalukuyan na posisyon. Kapat ito ay umangat sa hinaharap, mababawi natin ang nawala satin,” sabi ni Richton.

Ayaw pakinggan ni Penelope ang paliwanag nito. Ang $770,000 ay ang perang nakuha niya sa pagsanla ng kanyang bahay. Akala niya kikita siya ng pera dito, kaya lang, nawala ang one-tenth nito umpisa pa lamang.

Mayroon inilabas na anunsyo... Ang stocks na binili ni Penelope ay nasuspinde dahil sa malaking nilabag nito!

Hindi masabi kung kailan ulit matutuloy ang trading nito. Isa pa, kung magbukas ulit ang market, babagsak sa kalahati ang presyo nito dahil sa maraming negatibong balita tungkol dito.

Namutla ang mukha ni Penelope.

Hindi niya kayang isipin kung ano ang magiging reaksyon ng kapatid at nanay niya pag nalaman itong insidente na ito.

Nanlambot ang mga paa at kamay ni Penelope, nataranta siya bigla.

Matapos kumita ng $110,000, masayang masaya si Jasper. Pinagmamasdan sila ni Harold habang sila ay paalis ng securities company upang dalhin si Wendy sa malapit na digital city.

Pinili niya ang dalawang pinaka bagong laptop at gumastos ng mahigit $30,000. Malaking halaga ito ng pera, pero para kay Jasper ay wala lamang ito.

Pagkatapos nilang bumili ng laptop, si Jasper at Wendy ay pumunta sa malapit na cafe.

Sa taon na 2000, ang lugar na ito ay pausad pa lamang, hindi pa gaano kagandahan ang mga entertainment venues. Maganda na itong cafe na ito para sa kanyang lokasyon.

Tinititigan ni Wendy ang computer sa tabi ni Jasper na parehas na modelo ngunit mag kaiba lamang ng kulay, “Salamat sa computer.”

Ngumiti si Jasper at sumagot, “Para din sa ikakagaan ng trabaho sa opisina.”

Tumingin si Wendy kay Jasper, “Paano mo nagawa iyon? Bakit yung mga stocks na pinipili mo ay tumataas bigla?”

Sa kadahilanan na hindi masabi ni Jasper na siya ay nabuhay muli at ang lahat ay nasa kanyang alaala lamang, “Sa pagoobserba siguro. Mahilig ako manuod ng balita samahan mo ng talento, pagpupursigi at konting swerte.”

Nagsalita si Wendy, “May gusto akong ihingi ng tulong sa’yo.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status