Share

Kabanata 5

"So, you're really getting married, huh?" Nangunot ang noo dahil ayon agad ang salubong ng nasa gitna when we finally reached their table. 

Tinignan ko sila isa-isa. Halos hindi nagkakalayo ang height nilang apat kung titignan nang mabuti. It seems that they are made to be one. Kung pagsasama-samahin silang apat ay paniguradong kakaibang tensyon ang mararamdaman mo dahil sa aura nila. It literally screams power and authority. 'Yong tipong manliliit ka talaga oras na tumabi ka sa kanila.

Palihim kong iniwas ang tingin ko ng gumawi ang tingin ng isa sa 'kin. Napalunok ako at binagsak na lamang ang tingin ko sa lamesa dahil ayokong salubungin ang tingin na itinapon niya sa 'kin.

I heard that guy chuckled dahil sa inasta ko when he glanced at me. Nakagat ko pa ang pang-ibaba kong labi dahil sa kahihiyan! What's so funny? Natutuwa ba siyang nakikita niyang nai-intimidate ako sa presensya nila? Eh, sa ayokong salubungin ang tingin niya, eh.

"You're scaring her..." may diin ang salitang iyon nang isaad 'yon ng fiancée ni Quisha.

Ako ba ang pinag-uusapan nila? 

"Oh, sorry. I didn't know that my presence affects her that much. Anyway, are you enjoying this party, Quisha?" 

Halos maduwal ako sa kinatatayuan ko when he asked me directly that! May diin din ang huling salitang isinambit niya na mas nagbigay pa ng kaba sa 'kin. 

Dahan-dahan kong inangat ang mga mata ko at lakas loob na sinalubong ang tingin niya kahit pa na sobra-sobra na ang kaba ko rito.

He smirked when I finally managed to meet his gaze. Para bang napahanga ko siya sa ginawa kong iyon kahit na ang ginawa ko lamang ay sinalubong ang tingin niya.

Inayos ko ang sarili ko at tumikhim. They were all now looking at me na para bang hindi nila dapat palagpasin ang sagot ko sa tanong ng isa sa kanila.

"Uh, yes. I'm enjoying the party, so far. How about you guys?" I spoke with class and elegance. Napansin kong lahat sila ay nabigla dahil sa isinaad ko. Ngumiti pa ako to show them that I'm not intimidated with them. Hindi ko hahayaan na magkaroon sila ng gano'ng satisfaction.

Maya-maya ay narinig kong napahalakhak ang nagtanong sa 'kin habang bahagyang umiiling. Ang iba naman sa kanila ay napangiti lamang habang ang fiancée ni Quisha ay nanatili ang titig sa 'kin.

Lumunok ako nang makita ko kung gaano kalalim ang titig niya sa 'kin. Para bang sa paraan na iyon ay makikita niya ang kaloob-looban ko pati ang iniisip ko. He didn't withdraw his stare at me when I looked back. 

Bakit nga ba siya ganyan makatingin? Hindi ko maintindihan ang gustong ipahiwatig ng tingin niya sa 'kin. Ilang beses ko na rin siyang nahuli na nakatingin sa 'kin that made me think na baka ay pinaghihinalaan niya na ako.

Natakot ako sa sarili kong naisip kaya bumitaw na ako sa pakikipagtagisan ng tingin sa kaniya. Tumikhim ako at kinuha ang isang cocktail na nasa lamesa nila na mukhang hindi pa naman nagagalaw. Nilagok ko ang laman nito.

"Easy there, Quisha." I looked at the guy who said that. I just smiled at him at nilapag ulit ang baso sa lamesa. 

Ngumiti siya pabalik sa akin. Ngunit nagulat ako when he held his mask at mukhang balak na tanggalin iyon! 

He looked at me first at tuluyan ng tinanggal ang maskara na tanging humaharang sa mukha niya. Bumagsak ang panga ko nang mapagtanto ko kung sino iyon!

"X-Xion?" Wala sa sariling naisaad ko when he successfully took off his mask. Nilapag niya iyon sa lamesa at ngumisi sa 'kin.

Si Xion nga ng The C.haos! 

A-Ano ang ginagawa niya rito?

He raised his eyebrow at me. I can sense humor in his eyes na para bang tuwang-tuwa siyang makitang gano'n ang naging reaksyon ko. 

"You seem so shocked, Quisha..." he uttered. Kinuha niya ang alcohol na nasa lamesa niya at ininom 'yon without withdrawing his gaze at me.

Lumunok ako. Pinagpapawisan na rin ang mga kamay ko dahil alam kong nagtaka sila sa naging reaksyon ko. Tumingin ako sa dalawa pang lalakeng nasa tabi niya na tinanggal na rin ang maskara nila.

Tama nga ang hinala ko! Ang dalawang lalakeng nasa tabi niya ay sina Matthew at Hades. Si Hades ang nasa gitna habang si Matthew ay naman ang nasa kaliwa niya!

Halos hindi ako makapagsalita dahil sa gulat at kaba na nararamdaman ko! I know that they are waiting for me to speak up, but I just couldn't manage to do it right now dahil masyadong nakakabigla para sa 'kin ang nangyari kani-kanina lamang!

I need to excuse myself dahil kung hindi ay mahahalata na nila ako. Hindi pwedeng mangyari 'yon!

"E-Excuse me. Bathroom lang," I lied.

I looked at Quisha's fiancée for his approval. Napakurap-kurap ako dahil matalim na ngayon ang titig niya sa 'kin. He looks angry but not that angry to express it out. Para bang may ginawa akong mali na hindi niya nagustuhan. When he nodded, agad akong umalis without even looking back. They are probably doubting me right now! 

Nang mahanap ko ang bathroom ay agad kong nilapag ang pouch ko sa sink at tumingin sa salamin. Binuksan ko ang pouch ko nang may maalala at kinuha roon ang isang relo na ibinigay sa 'kin ni Quisha bago kami lumabas sa kotse kanina.

Nanlaki ang mga mata ko dahil isang oras na pala ang lumipas! Nasaan na si Quisha? Akala ko ba ay tatawagan niya ako kapag nandito na siya sa mismong venue? 

Damn! Bakit ngayon ko lang naalala ang bagay na 'yon?

I started walking back and forth because of nervousness that I'm feeling right now. Sabi ni Quisha ay dadating siya within an hour! Bakit wala pa rin siya hanggang ngayon? 

Did she ditch me? No! Hindi puwede. Alam kong hindi magagawa ni Quisha ang bagay na iyon because she promised me! I even felt her sincerity towards me that's why it's impossible. 

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at agad na kinalma ang sarili ko. I shouldn't panic at this moment lalo na't nasa kalagitnaan na kami ng party! 

Agad kong inayos ang sarili ko. Pinalis ko rin ang luhang namuo sa gilid ng mga mata ko. Huminga akong malalim at naglakad na papalabas ng bathroom. 

Pabalik na sana ako sa table nina Hades when someone blocked my way. I looked at that person. I think nasa mid 30's na ang babaeng 'to. She looked elegant with her silver dress.

"Hi, Miss Laventilla! May I know if your parents will come? I noticed that they weren't still here. I need to discuss some matters with them," she spoke with authority. 

Halos mawala ako sa ulirat when she asked me that! Damn. Sunod-sunod na ba ang nagiging kamalasan ko ngayon? This isn't what I'm expecting to happen!

I composed myself at sinikap na masagot ang tanong niya.

"Uh, they said to me–" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang may sumabat mula sa gilid ko.

"Miss Laventilla, do you mind if I ask you where are your parents?" Isang matandang lalake naman ang lumapit sa 'kin ngayon.

Napansin kong marami ang nakarinig ng sinabi niyang iyon kaya isa-isa na silang lumalapit sa 'kin ngayon para malaman kung nasaan ang parents ni Quisha! 

Sinubukan kong magsalita ngunit wala nang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko ngayon because fear is starting to consume the hell out of me! 

Wala sa sariling napaatras ako habang umiiling. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Hindi ito ang inaasahan kong magiging bunga ng gagawin kong pagpapanggap. Wala ito sa napag-usapan namin ni Quisha!

Nagsisimula ng manggilid ang luha ko habang ang mga tao sa paligid ko ay nagtataka na sa ikinikilos ko. Hindi ko na kung alam paano pa pangangatawanan ang pagpapanggap na si Quisha, ang mahalaga na lang sa 'kin ngayon ay makaalis sa party na ito! 

Tatalikuran ko na sana silang lahat nang biglang may humawak sa kamay ko at hinatak ako papaalis sa mga taong nakapalibot sa 'kin. Tinignan ko kung sino 'yon at gano'n na lamang ang gulat ko nang mapagtantong ang fiancée ni Quisha ang humatak sa 'kin! 

Nasa likod niya lang ako, hinahayaan na dalhin ako sa kung saan niya gusto dahil ang mahalaga na lang sa 'kin ngayon ay mailayo ako sa mga tao.

Binaba ko ang ulo ko dahil pinagtitinginan kami ng lahat ng tao ngayon. Inangat ko lamang iyon nang mapansin na nasa isang hallway na kami. Tumigil siya sa harap ng isang pinto kaya wala akong ibang nagawa kundi ang tumigil din.

Binuksan niya ang pinto na nasa harap namin at pumasok doon. Dahil hawak-hawak niya ang kamay ko ay nahatak niya rin ako papasok doon.

Binitawan niya ang kamay ko habang nakatalikod pa rin sa 'kin. Hinawakan ko ang palapulsuhan ko kung saan niya ako hinawakan. Medyo namumula ang parte na iyon sa higpit ng pagkakahawak niya sa 'kin kanina.

Mabuti ay medyo kalmado na ako ngayon, hindi katulad kanina na para bang mawawalan na ako ng ulirat dahil sa kaba at nerbyos. 

I sighed deeply. I know that I'm doomed.

"S-Salamat pala kanina..." pagpapasalamat ko dahil sa ginawa niya kanina. Kung hindi dahil sa kanya ay baka nalaman na nilang nagpapanggap lang ako. 

Nanatili siyang nakatalikod at animo'y hindi narinig ang sinabi ko. Nangunot ang noo ko dahil sa inasta niya. Anong nangyayari sa kaniya? He's acting strange. 

"Ang sabi ko sala–" 

"Do you know who I am?" putol niya sa sinasabi ko. 

Anong ibig niyang sabihin doon? Naramdaman niya na bang may kakaiba sa ikinikilos ko? Panigurado. 

Sa inasta ko kanina ay paniguradong alam niya ng may kakaiba at hindi tama. Baka nga kahit hindi pa nangyayari ang eksena kanina ay naramdaman niya ng may mali talaga.

But still, I need to act properly.

"Yes, I do. You're my fiancée," I uttered without any hesitation. Palihim akong lumunok at nakiramdam sa kung anong magiging reaksyon niya.

Nabigla ako when he chuckled after that. Umiling-iling siya at dahan-dahan na humarap sa 'kin, suot-suot niya pa rin ang maskara niya. Napatingin ako sa labi niya nang ngumisi siya sa 'kin. Nanatili ang titig ko roon, tila nahi-hipnotismo.

I wonder, who is he? 

May taong nasa isip ko ngayon ngunit agad ko rin iyong winawaglit sa isip ko dahil imposibleng siya ang taong 'yon. Kahit na may pagkakatulad, malabong mangyari na siya ang taong 'yon.

Nanlaki ang mata ko nang lumapit siya sa 'kin. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko sa hindi malamang kadahilanan! I'm nervous as hell.

Binaba ko ng bahagya ang tingin ko nang tuluyan na siyang makalapit sa 'kin. Bumagsak ang tingin ko sa d****b niya dahil hindi ko kayang makaharap siya ngayong sobrang lapit niya na sa akin.

Matangkad ang taong ito. Kahit na may suot na akong heels ay hanggang baba niya pa rin ako. Manliliit talaga ang kung sinumang tumabi sa kaniya because of his intimidating aura.

"I wonder, Quisha..." Nagulat ako nang binitin niya ang sasabihin niya at hinawakan ang baba ko! Dahan-dahan niyang inangat ito hanggang sa magtama ang paningin naming dalawa.

He was looking at me intently. Mapanganib ang titig na iyon at nakalulunod. His eyes are like an ocean. An ocean with wild waves wherein you know that once you dive into it, you will no longer be saved. Tuluyan kang malulunod hanggang sa hindi ka na makaahon.

Hindi ko alam ang nasa isip niya ngayon. Nakatitig lang siya sa akin na para bang sa pamamagitan no'n, malalaman niya kung ano ang iniisip ko. He was looking at me intently that I wasn't able to speak.

That's the impact of his stare at me.

"Do you know your fiancée's name? Hmm?" pagpapatuloy niya sa sinabi niya kanina. I almost collapsed because his voice is so soothing. So soothing yet very dangerous.

Napalunok ako. I was too stunned to speak, I wonder why? It's because of his eyes? Because of his voice? Hindi na mahalaga ang dahilan. Basta ang alam ko ay masyado na akong nalulunod sa aking nararamdaman.

Kumibot-kibot ang labi ko. Trying to find words to answer his question. Sino nga ba siya? Ano nga ba talaga ang pangalan niya? At higit sa lahat, bakit hindi sinabi ni Quisha sa 'kin kung ano ang pangalan ng fiancée niya kahit na alam niyang mahalaga na malaman ko ang bagay na 'yon?

Bakit nga ba?

"I guess, you're now getting a hint about what's really happening," malamig niyang saad at tinanggal ang kamay niya sa baba ko. Nanatili ang titig ko sa kaniya. 

"Let me introduce myself to you, Tiara." 

Nagulat ako dahil alam niya ang pangalan ko, ngunit hindi ko iyon masyadong pinagtuonan ng pansin dahil ang buong atensyon ko ay nasa kamay niyang nahawak na ngayon sa maskara niya.

Don't tell me that he will take it off?

Sinagot niya ang sarili kong tanong when he slowly took it off. Halos hindi na ako humihinga dahil sa tensyon na nararamdaman ko ngayon!

When he finally managed to take it off, my jaw dropped.

"I'm Nikolaj Sullivan, fiancée of Quisha Laventilla. It was nice meeting you, Tiara..." he coldly said when he successfully took his mask off.

Napakurap-kurap ako. Hindi alam ang sasabihin. Parang may bumara na kung ano sa lalamunan ko. May hinala na akong siya si Nikolaj Sullivan ngunit hindi ko akalain na posible pa lang mangyari 'yon! Ni hindi ko man lang pinagtuonan ng pansin ang sarili kong hinala dahil alam kong imposible. Sobrang imposible.

Kaya paanong nangyari 'yon? Paanong siya ang naging fiancée ni Quisha? I couldn't really digest it!

Tumingin ako sa kaniya. He looks really good, mas gwapo siya nang 'di-hamak sa personal. Mas nade-depina ko na ang mukha na meron siya ngayon. Katamtaman lang ang haba ng buhok niya, kulay abo ang mga mata, matangos ang ilong, at higit sa lahat, mapula ang mga labi niya na hugis puso ang kurba. 

He raised his eyebrow at me when he noticed that I'm staring at him for too long. Bigla tuloy akong bumalik sa realidad na naiipit pala ako sa sitwasyon ko ngayon, na nasa malaking gulo na pala ako ngayong alam na ng lalakeng 'to na hindi ako ang totoo niyang fiancée. At higit sa lahat, siya pala ang taong matagal ko ng hinahanap!

Why Quisha didn't tell me this thing?

Tumikhim ako.

"P-Pwede bang ipaliwanag mo sa 'kin kung ano talaga ang nangyayari? Because honestly, I really don't know what's really happening!" I said, almost shouting. 

"Okay, but before that, I want you to take off your mask... I wanna see the girl who managed to fool everyone excluding me, of course," he mocked. Umiwas ako ng tingin dahil alam kong guilty ako sa bagay na iyon. Ngunit hindi niya naman kailangang ipamukha sa 'kin na manloloko ako! 

Lumunok ako at hinawakan na ang maskara ko. Dahan-dahan ko itong tinanggal.

Nang tuluyang matanggal ay inangat ko ang tingin ko sa kaniya. I looked at his eyes to tell him that this is me, the girl who fooled everyone.

He looked stunned when our eyes met. Napakurap-kurap pa siya bago tumikhim. Inayos niya ang tie niya at tumikhim muli. 

Anong problema niya? 

"So, can I get the answer now about what the actual hell is really happening?" I spoke.

"Yeah..." he simply said. Mukhang wala pa siya sa sarili niya ngayon dahil hindi parin siya makatingin nang maayos sa 'kin. Nangunot ang noo ko dahil sa inaakto niya.

Sinundan niya ako ng tingin nang maglakad ako papunta sa kama ng kwartong ito at umupo. Baka kasi manghina ako kapag sinabi niya na ang lahat sa 'kin kaya mas okay ng sigurado 

Tiningala ko siya at nagsalita, "Pwede mo ng sabihin lahat sa 'kin ngayon." 

He looked at me, then started to talk.

Lexica Lily

Author's Note: Please leave a review. Arigato! ^_^

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status